Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Ulatkopo

4,440 views

Published on

Published in: Education
  • Have u ever tried external professional writing services like ⇒ www.HelpWriting.net ⇐ ? I did and I am more than satisfied.
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here

Ulatkopo

  1. 1. Tungo sa PanibagongPagbabalangkas ngPambansang Panitikan(Rosario Torres –Yu at Rolando Tolentino) Fe S. Bermiso Tagaulat
  2. 2. Kaalamang nasipat mula saginawang pagsusuri nina Yu atTolentino sa Mga Panitikan ngPilipinas Tungo sa PanibagongPagbabalangkas ng PambansangPanitikan.
  3. 3. 2 bahagi ang presentasyon Pagdalumat sa Pambansang Panitikan Batay sa Ilang Piling Materyal na Panturo. Pag-uugnay ng mga Pamantayang Pangkailangan at Pamantayang Politikal sa Pagdalumat ng Pambansang Panitikan.
  4. 4. Unan g Bahagi
  5. 5. Mga sanggunian - ay itinuturing na mahalaga at epektibong tagapagpalaganap ng pananaw sa panitikan sa pagtuturo ng sariling panitikan dahil ito ang ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo
  6. 6. Mga Guro - malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro dahil sa sila ang tagapagpalaganap ng anumang framework sa panitikan na ginagamit sa mga teksto, ngunit ang gawaing ito, ang isang guro ay maaring taimtim na sumusunod lamang sa inihain ng teksto o kaya naman ay maaring naging kritikal dito.
  7. 7. Nilimitahan ang pagtunghay sa ilangsanggunian na ginagamit sa ilangunibersidad lamang tulad ng:Polytechnic University of thePhilippines (Pampubliko)De La Salle University(Pribado)Ateneo de Manila University(Pribado)Unibersidad ng Pilipinas(Pampubliko )
  8. 8. Ang mga aklat na sinuri ay ang mgasumusunod :  Isagani Cruz at Soledad Reyes. Ang Ating Panitikan (Lungsod Quezon: JMC Press, Inc, 1984).
  9. 9. Ang mga aklat na sinuri ay ang mgasumusunod :  Veneranda Lachica. Literaturang Filipino (Lungsod ng Pasig: Academic Publishing Corporation, 1996).
  10. 10. Ang mga aklat na sinuri ay ang mgasumusunod :Bienvenido Lumbera at CynthiaNograles Lumbera. PhilippineLiterature: A History and AnthologyNirebisang Edisyon. (LungsodPasig: Anvil Publishing, Inc., 1997).
  11. 11. Ang mga aklat na sinuri ay ang mgasumusunod : Rosario Mag-atas, et al. Panitikang Kayumanggi, (Pangkolehiyo) (Valenzuela, Metro Manila: National Bookstore, Inc. 1994).
  12. 12. Nasaan ang Panitikang Pambansa sa mga naturang mga sanggunian???  Iba-iba ang ginamit na termino sa mga aklat upang tukuyin ang kabuun ng panitikang nirerepresenta ng mga akdang piniling isama sa kani- kanilang koleksyon  Hindi binanggit ang katawagan o terminong PANITIKANG PAMBANSA
  13. 13. Ginamit , sa halip, angkatawagang:Panitikan ng PilipinasSariling PanitikanPanitikang KayumanggiLiteraturang Filipino
  14. 14.  Walang nagpalawig ng kung anong ibig sabihin ng mga katawagang ginamit Ipinapalagay na may pagkakaitindihan na ang mga gagamit ng libro at ang mga naghanda ng mga ito.
  15. 15. Sinabi ng librongPanitikang Kayumanggi na“..sinasagisag ngpanitikang Kayumanggi angLahing Pilipino “ ngunitwalang ibinibigay napaliwanang ukol dito atmaging sa konsepto ng“lahi”
  16. 16. Sa makatuwid ang mga pakahulugan samga terminong ginamit ng mga manunulatay implicit o hindi hayag kundi pahiwatiglamang na sadyang malilimi lamang sapamamagitan ng pagtingin sa kabuuan ngmga piniling akdang isinama sa koleksyonat hanguin batay dito ang inihihimatong nakahulugan ng mga salitang ginamit napantawag sa kategorya ng panitikangnirerepresenta sa kani-kanilang aklat.
  17. 17. Isa sa mahalagang layunin ngmga aklat ay ang pagbibigay ngpaliwanag kung bakit angkabuuan ng mga akdang piniliay ang saklaw ng kani-kanilangantolohiya?
  18. 18. Katwirang ibinigay ng mga manunulat sakani-kanilang mga libro:  Veneranda Lachica>>> Literaturang Filipino
  19. 19. Katwirang ibinigay ng mga manunulat sakani-kanilang mga libro:  Iminamatuwid niyang ang kalipunan ng mga akdang tinipon ay:  patunay na “may sarili, buhay at umuunlad na panitikan ang Pilipinas;  Na sumasalamin sa mayamang kultura at tradisyon;  Na batayan ng kamalayan;  Na sandigan ng lakas tungo sa pagyabong ng kaisipan at magandang bukas
  20. 20. Sinuri din ang paraan ngPagbabalangkas ng mga aklat: Rosario Mag-atas, et al. Panitikang Kayumanggi, (Pangkolehiyo)
  21. 21. Sinasabing binalangkas ni Mag-atasang kanyang obra batay sa mithiing“tuntunin ang pinagmulan ngsariling panitikan at kung paanoito umunlad bunga ng iba’t ibangimpluwensyang kinapagitnaannito
  22. 22. Lumabas na sa aklat ni Lachicaat Mag-atas , na ang asersyon ngpangkasaysayang “pag-unlad “ng panitikang Filipino, na siyangnais maipatampok, ay hindinaman naililinaw
  23. 23. Sa isang pagtingin,nasabi ng mga kritiko(Yu at Tolentino) na ang mga naturang mgalibro ay kasama sa librong pinuna niLumbera at Lumbera na ang pamimili ngmga editor ng mga “samu’t saringliteratura sa Tagalog, Kastila, Ingles atkung minsan mula sa bernakular” aynakasalalay lamang sa mga batayangpersonal
  24. 24. Ang dalawang pangyayari na nabanggitsa itaas ang nagbunsod ng mgaantolohiya nina Cruz at Reyes upangitaguyod ang:Pag-uusap ng mga manunuri’t guro hinggil sa papel ng mambabasa, sa masalimuot na relasyon ng panitikan at lipunan, at sa kapangyarihan ng kritisismo.
  25. 25. Ang dalawang pangyayari na nabanggitsa itaas ang nagbunsod ng mgaantolohiya nina Cruz at Reyes upangitaguyod ang: Bagong Kurikulum ng Association of the Philippine Colleges at Associated Schools (APCAS) sa pagtuturo ng panitikan ng nagpapakita na rin ng pagpapahalaga sa ibang wikang katutubo.
  26. 26. Hinggil sa Usapin ng Kasaysayan ng Panitikan May tatlong pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na ginagamit ng mga editor/awtor
  27. 27. Pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na ginagamit ng mga editor/awtor:1. Kasaysayang nakasandig sa kronolohiya ng kasayasayan ng bansa na ang ginagamit na muhon sa peryodisayon ay paghalili ng mga uri ng kolonyalismo, halimbawa’y panitikang sinauna, panitikan sa panahon ng Kastila, panitkan sa panahon ng Amerikano, atbp. (dayakronik)
  28. 28. Pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na ginagamit ng mga editor/awtor:2. Kasaysayan ng tradisyon ng palipat-dila at ng tradisyon ng panitikang nakasulat sa sinkronikong sipat na nakasandig naman sa diakronikong sipat sa kasaysayan ng bansa. (sinkroniko)
  29. 29. Pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na ginagamit ng mga editor/awtor:3. Kasayasayan ng panitikan na sumusunod sa isang political na framework sa kasaysayan ng bansa sa halip na maging “kronolohiya lamang ng mga obra maestra.”
  30. 30. Sa p ag g amit ng political naframework na it o sa kasaysayan nanakatuon sa istory a ng pagbuo ngnasyon ay im inamatuwid na mata tagpuan ang susing magbubuka s sa kaalaman sa panitikan ng Filipinas.
  31. 31. Ipinapalagay nina Lumbera atLumbera na nagbibigay ng massestimatikong direksyon angkanilang pag-aaral ng panitikan, sapamamagitan ng pahaharap ngisang interpretasyon ng mgapangyayaring pangkasaysayan saFilipinas.
  32. 32. Isang malaking usapin angbinubuksan ng mga sipat na ito sakasaysayan sa pagtingin namansa kasaysayan ng panitikan.Malinaw sa mga ito na walangiisang padron ng peryodisasyon.
  33. 33. May 3 bahagi angkasaysayang ito: Panahon bago ang kolonyalismo (panahon ng mga ninuno; simula; panahon bago dumating ang mga Kastila; Panahon ng pre-kolonyal)
  34. 34. May 3 bahagi angkasaysayang ito: Panahon ng kolonyalismo
  35. 35. May 3 bahagi angkasaysayang ito: Panahon Pagkatapos ng Kolonyalismo (ngunit hindi ibig tukuyin ng postkolonyal)
  36. 36. Marahil problema para sa ilangawtor / editor ang pagsipat sakasaysayan sa panahon“matapos” ang pananakopng Amerikano saFilipinas kung kaya’t iba-ibaang pagtukoy dito.
  37. 37. Kaparis ng : Ating panahon Kasalukuyan Kontyemporaneo
  38. 38. Sa aklat ni Lumbera at Lumbera, hinati angpanahong “kasalukuyan” sa :Panitikan ng Panahon ng Republika (1946-1985)Panitikan ng Panahong makalipas angRebolusyon ng EDSA (1985-1995)
  39. 39. Ang mga nabanggit na kalagayan ay nagpapahiwatiglamang na:Dapat mag-usap ang mga sumusulat ng mga libro sa gagamiting batayan ng peryodisasyon sa kasaysayang pampanitikan ng Filipinas
  40. 40. Ang mga nabanggit na kalagayan ay nagpapahiwatiglamang na: Dapat malutas ang gusot na ito para naman sa kapakanan ng mga mag-aaral ng panitikan
  41. 41. Ang mga nabanggit na kalagayan ay nagpapahiwatiglamang na:Dapat ang usaping ito ay magdudulot ngmakabuluhang perspektibangpangkasaysayang dapat dinadala ng mgaguro tungo sa ganap na pagpapalaya ngkamalayan ng mga mag-aaral sa mga labiat bagong anyo ng pananakop
  42. 42. Sa pangkalahatan, nabanggit ng mgakritiko (Yu at Tolentino), na kapansin-pansin ang kalabuan sa ginagamit namga perspektibang pangkasaysayanng pambansang panitikan ng Filipinas.
  43. 43. Sa madaling sabi, ang lunggating angpambansang panitikan ng Filipinas aymaitampok bilang mahalagang bahagi ngkasaysayan ng bansa ay hindinaisakatuparan dahil sa kakulangannaman ng pangkasaysayang perspektibang mga naisulat na aklat pampanitikan
  44. 44. Anyo a t K a s a r ia n s a•U s a p in n g W ik a ,P a n it ik a n Wikang ginagamit: nanatili na representasyon mula lamang sa mga akdang Tagalog, Kastila at Ingles
  45. 45. a•U s a p in n g W ik a sP a n it ik a n Iwinasto ito sa ilang aklat nina :  Cruz at Reyes- sa pamamagitan ng malay na pagsasama ng mga akda sa ibang katutubong wika ay bunsod ng posisyong nagpapatuloy ang tradisyong palipat-dila sa panitikan hanggang sa kasalukuyang panahon.
  46. 46. a•U s a p in n g W ik a sP a n it ik a n Iwinasto ito sa ilang aklat nina : Lumbera at Lumbera- kategorikal ang layuning baguhin o iwaksi na ang tradisyunal na konsepto ng Panitkan ng Filipinas bilang isang korpus lamang ng mga akdang nakasulat sa tatlong pangunahing wika ng Kastila, Ingles at Tagalog
  47. 47. a•U s a p in n g A n y o sP a n it ik a n Wala namang matinding pagtatalo ang mga sinusuring libro pagdating sa representasyon ng mga awtor
  48. 48. •U s a p in n g A n y o s aP a n it ik a n Nagkakaisa ang mga ito sa pagrerepresenta sa iba’t ibang anyo ng panitikan: alamat, epiko, kwentong bayan , salawikain, bugtong, tulangbayan, awiting bayan, tula, nobela, maikling kwento , sanaysay at dula
  49. 49. n sa•U s a p in n g k a s a r iaP a n it ik a n Pawang kanonisado na rin ang mga akdang pinili na siyang dahilan marahil sa hindi pagsama sa mga anyong pampanitikang nililikha ng mga bagong tunguhin sa pagkatha, kagaya ng testimonya at iba pang anyong idinudulog ng panitikan ng kilusang kababaihan
  50. 50. n sa•U s a p in n g k a s a r iaP a n it ik a n •Namumukod sa pagkamalay sa panitikan ng kababaihan ang libro ng mga Lumbera sa nirebisang edisyon . Tahasang sinabi na siyang dahilan sa pagrebisa ng libro ang “assertion of gender as major element of contemporary critical discourse”.
  51. 51. Napansing ng mga kritiko(Yu at Tolentino) na maypangangailangan para saalternatibong pagdalumato paghalukay sa mgapambansang panitikan nanagsasangkot sa iba’tibang salik nito.
  52. 52. Ikalawang BahagiPag-uugnay ng mga Pamantayang Pangkailangan at Pamantayang Politikal sa Pagdalumat ng Pambansang Panitikan
  53. 53. Dapat masagot ang mga sumusunod na mgakatanungan upang mababaybay ang pinagdaanangkasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ngpambansang panitikan: 1. Kailan ba isinilang ang konsepto ng pambansang panitikan?
  54. 54. Dapat masagot ang mga sumusunod na mgakatanungan upang mababaybay ang pinagdaanangkasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ngpambansang panitikan: 2. Una bang lumitaw ang konsepto ng pambansang panitikan sa anyo ng “Folklore” na makikita sa El Folklore Filipino ni Isabelo de los Reyes?
  55. 55. Dapat masagot ang mga sumusunod na mgakatanungan upang mababaybay ang pinagdaanangkasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ngpambansang panitikan: 3. Itinuring ba ni Pedro Paterno na bahagi ng panitikan ng Filipinas ang kaniyang mga tulang Sampaguitas at ang nobelang kostumbrista na Ninay (1896)?
  56. 56. Dapat masagot ang mga sumusunod na mgakatanungan upang mababaybay ang pinagdaanangkasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ngpambansang panitikan: 4. Maituturing bang namayani ang pagkabansa kay sa pagkalahi sa mga diskusyon ni Rizal tulad ng kaniyang “liham” kay Barrantes hinggil sa dula at sining ng Tagalog?
  57. 57. Ang sagot sa mga nasa unahan,ay pare-parehong namayani angang konsepto ng “raza” o race oang konsepto ng lahi kaysa“nacion” o pagkabansa.
  58. 58. Kagaya sa isyu na patungkolkay Lapulapu. Nangnakipaglaban ba si Lapulapu,iniisip niya ang buong bansa?Hindi ba na sa panahong iyonay wala pang Pilipinas?
  59. 59. Malinaw na sa unang mga nagawangpagtalakay hinggil sa panitikan ng Filipinasng mga kilalang manunulat sa Tagalognoong unang dekada ng ika- 20 ng dantaonay mahigpit na iniuugnay ang konsepto ngpanitikan ng Filipinas sa konsepto ng lahingkayumanggi sa mga kaugalian at kaisipang“katutubo sa lahi” maliban pa sa wika.
  60. 60. Kasabay ding makikita ang pagtingin sa panitikan:Bilang isang bagay na may katangiang panlahat o unibersal;Na dapat maging larawan ng kamalayan ng mga mithiin ng bayan.
  61. 61. Madalas mabanggit diumano nina Lope K.Santos ang pangangailangang mabigyangtinig ng tunay na panitikan ng bayan ang“saloobin” na makapagmumulat sa lalongnakararami. Hindi mapaghihiwalay sakanilang kamalayan ang pagkakabuo ngpambansang panitikan sa pagtataguyod atpagbubuo ng mismong “bansang”kinapapalooban nito.
  62. 62. Pagkaraan naman ng humigit –kumulangdalawang dekada ng kolonyalismongEstados Unidos, nabiktima ang umuusbongna pambansang panitikan ng mgamakabayang manunulat ng “canon-building” ng koloyal na sistemang pang-edukasyon sa Filipinas. Iniluklok sapinakamataas na pagpapahalaga ang mgapanitikang naisulat sa wikang Ingles.
  63. 63. Ayon sa konseptualisasyon ni Lumbera, sapamamagitan ng tradisyong pampanitikangAnglo-Amerikano pumasok at lalonglumaganap sa mga manunulat sa wikangIngles ang kaisipang “sining para lamang sasining” (art for the sake of art) na sapangkalahata’y kasalungat ng mga datingpananaw ng mga Filipinong manunulat.
  64. 64. Nahihiwalay ang manunulat sakaniyang kinapapaloobang lipunanat kasaysayan at nahuhumaling sapagtatakda ng mga hindinagmamaliw at hindi nagbabagongmga batas pang-estetika.
  65. 65. Nagbunga ang pag-aatupag na ito sailang Filipinong manunulat sa wikangIngles ng matinding alienation sakanyang mambabasa at mismongkapaligiran kung kaya’t naging isangtendensiya ang pagtungo atpaghahanap sa tinatawag na “native.”.
  66. 66. Hinahalughog nila angnawalang “kaluluwa ngkanilang pagkakatutubo” naitinuturing nilang batayanng kanilang pakikiisa mulisa lahat ng mgapamayanang pangkultura sabuong kapuluan
  67. 67. Ganito marahil ang tinahak na landasng mga manunulat, katulad niRolando Tinio na nagsimula sa wikangIngles ngunit nang lumao’y tinalikdanito upang itaguyod ang kanyangipinapalagay na “Kulturang Filipino”sa panitikan.
  68. 68. Hanggang sa ngayo’y makikitapa rin sa konsepto ni CiriloBautista ng National Literatureang ipinapalagay niyang “soul”ng kabansahan na dapat taglayinnito (na kaiba kay Tinio, aymaaring sa anumang wika).
  69. 69. Sa kabila ng ganitong paglalakbaytungo sa diumano’y “katutubo” nahinahangad ng ilang manunulat namaging batayan ng isangpambansang panitikan, nagpatuloy atlumago ang matatawag na “panitikangmakabayan”.
  70. 70. Naiiba na ang mga pangkasalukuyanggamit nito sa dating mga koseptualisasyonnina Lope K. Santos sapagkat, bagama’tkasinghalaga pa rin dito ang usapingpangwika (bilang usaping pragmatiko),hindi na gaanong binibigyang- diin angmga usapin ng “lahi” at “pagkakatutubo”.
  71. 71. Mas mahalaga para sa ganitongmga akda ang pagtataguyod sapamamagitan ng panitikan ngkapakanan ng sambayangitinuturing na binubusabos atinaapi sa loob ng kaayusangmalakolonyal at malapiyudal.
  72. 72. Ano ba ang sistemang malafeudal? Ang piyudalismo o peudalismo  ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag- aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari.
  73. 73. Isa itong sentralisadongpamahalaan kung saan isinusukong basalyo o taong alipin angkanyang lupa sa isangpanginoon.
  74. 74. Ang basalyo angnagmamay-ari ng lupangunit isinusuko niyaang lupang ito para sakanyang seguridad.
  75. 75. Noong panahon ngpiyudalismo, hindi sapat angseguridad ng isang simplengmamamayan. Tinatawagna fief ang lupang isinuko
  76. 76. Nagkakaroon ng imahe opagbibigay-dangal - ang pagkilala ngisang basalyo o tenanteng dapatsiyang maging matapat sa kanyangpanginoon sa pamamagitan ng isangseremonya - bilang pag-iisa ngpanginoon at ng basalyo.
  77. 77. Samantala…Ang kolonyalismo ay angtuwirang pananakop ng isangbayan sa ibapa upang mapagsamantalahan angyaman nito o makuha rito ang ibapang pangangailangan ng mangongolonya.
  78. 78. Ang kolonyalismo ay madalas nanaihahalintulad sa Imperyalismongunit ang dalawa ay mayroongpagkakaiba."Maaaring magsilbingbaseng pangkalakal o pangmilitarang kolonya
  79. 79.  Isa sa mahahalagang gamit ngkolonyalismo ay ang nakikita natinsa Dota:Defence of the Ancientsna malaking tulong sa lahat ngmga manlalaro. Mayroon din itonggamit sa paglalakbay ng mga taosa ating bayan.
  80. 80.  Isa sa mahahalagang gamit ngkolonyalismo ay ang nakikita natinsa Dota:Defence of the Ancientsna malaking tulong sa lahat ngmga manlalaro. Mayroon din itonggamit sa paglalakbay ng mga taosa ating bayan.
  81. 81. Sa kabila nito’y sinisikap din ngganitong tradisyon ang pagtataguyodat pagpapaunlad ng mga aspetongmapagpalaya ng kinagisnang mgakultura ng sambayanan upangmaging buhay na mga sangkap ngbinubuong malayang pambansangkultura.
  82. 82. Malinaw na may nilalamangsalik etnolohikal angkonsepto ng pambansangpanitikan.
  83. 83. Mapapansing ang paggamit ngpanlaping pang/pam na ikinakabit sasalitang ugat na “bansa”, na kapaginiugnay sa mga bagay na tinutukoynaman ng salitang ito (pambansa) aynangangahulugang bagay ngpagkakakilanlan ng bansa /nasyon.
  84. 84. Halimbawa:Awit na pambansaKasuotang pambansaWikang PambansaPanitikang Pambansa
  85. 85. Sa katunaya’y masasabing ang isangmahalagang sangkap ng atingpagkaunawa sa konsepto ngpambansang panitikan ang pagigingtagapagtaglay nito ng itinuturing nakulturang pambansa at iba’t ibangkulturang sinasaklaw at nakapaloob sabansa.
  86. 86. Sa konsepto ng panitikang pambansaay malinaw na nakasangkot din angsalik na political at hindi lamangetnolohikal. Isa itong bagay nanagsisilbing batayan ng pag-unawa niLumbera sa konsepto ng pambansangpanitikan
  87. 87. Ayon kay Lumbera:National Literature…is unmistakablypolitical in implication . The underlyingassumption is that the authors areconscious components of the Filipinonation and are willing , if not necessarilyactive, participants in the realization ofthe aspirations of the people whoconstitute the nation..”
  88. 88. Sa ganitong tunguhin, ang paggamitng salitang pambansa aynaghaharap din ng problemasapagkat limitado lamang sapagtiyak sa pagkamamamayan kungdi man ng “pagkalahi” batay sa pag-iisip ng ilan: Filipino at hindidayuhan, Filipino at hindikanluranin.
  89. 89. Nanganganib tuloy namaisantabi ang salik na urio di kaya nalalambunganang konsepto ngpagkapambansa.
  90. 90. Nariyan ang isang mahalagang paksang mga pagsusuri ng mananalaysayna si Dr. Zeus Salazar na nagbigaypansin sa malaking pagkakahatingcultural ng mga Filipino dulot ngkasaysayan ng pananakop at ng pag-iral ng dalawang uri ng kultura
  91. 91. Pagkakahating makauri ng lipunangPilipino:ang kulturang nasyonal (ng mga elit)ang kalinangang bayan (mgakatutubo, at di-elit sa hanay ng mgaFilipino).
  92. 92. Ang uri ng pananaw namakauri ang siyangpinagbatayan ng pagtinginat pag-unawa sakapaligirang panlipunan athindi maaring maihiwalayang panitikan dito.
  93. 93. Ang PanitikangRehiyonal at PanitikangSektoral sa loob ngPambansang Panitikan
  94. 94. Literal na binubuo ang bansa ngmga rehiyon at ng iba’t ibanggrupo ng tao. Natatangi angmga rehiyon, dahil sa kaibahanng lokasyon. Higit pa rito, dahilsa kaibahan sa wika at kultura.
  95. 95. Maari nating tawaging“bernakular na panitikan”, angmga panitikang nasusulat samga wika ng mga rehiyon
  96. 96. Ang mga kategorya naman ng“mamamayan” ay nahahati bataysa iba’t ibang pangkat nalumulikha ng binansagang“panitikang sektoral”.
  97. 97. PAMBANSA konseptong hindi lamang tumutukoy sa isang kabuuan o totalidad.
  98. 98. PAMBANSAIsang kilusan tungo sapaghubog at pagbibigay-sustansya sa tunay nademokratikong lipunan
  99. 99. PAMBANSA Itoy may nilalamang bisyon, paniniwala at pagkilos tungo sa isang demokratikong lipunan ang konsepto ng pambansa.
  100. 100. Ang pambansa ay nagingPAMBANSA hindi dahilkumakatawan ito sa bansa,kundi dahil naglalayon ito satranspormasyon ng bansa tungosa isang ganap nademokratikong kaayusan.
  101. 101. Ito ang hamon ng kasaysayangnagpuwesto sa identidad ngbansa sa ilalim ng mga sasalitang “kolonyalismo” atimperyalismo”.
  102. 102. Matatandaang ang kolonyalismoay ang tuwirang pananakop ngisang bayan sa iba pa upangmapagsamantalahan ang yamannito o makuha rito ang iba pangpangangailangan ngmangongolonya.
  103. 103. Ang kolonyalismo aymadalas na naihahalintuladsa Imperyalismo ngunit anddalawa ay mayroongpagkakaiba.
  104. 104. "Maaaring magsilbingbaseng pangkalakan opangmilitar ang kolonya".
  105. 105. Samantala , angImperyalismo, sistemangpagpapalawak ng teritoryo ngisang bansa upang magingpandaigdigang kapangyarihan.
  106. 106. Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraanng pamamahala kung saan ang malalaki omakapangyarihang mga bansa ang naghahangadupang palawakin ang kanilang kapangyarihan sapamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mgapaglaban o kontrol na pangkabuhayan atpampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
  107. 107. Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraanng pamamahala kung saan ang malalaki omakapangyarihang mga bansa ang naghahangadupang palawakin ang kanilang kapangyarihan sapamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mgapaglaban o kontrol na pangkabuhayan atpampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
  108. 108. Ilang malalaki o malalakasna mga bansa angkumukontrol sa ibang mgarehiyon upang makalikhang isang mas malaking imperyo.
  109. 109. Samakatuwid ito aypagkontrol ng isangmalakas na bansa saisang mahinang bansa.
  110. 110. Sa makatuwid, angpambansang panitikan aypagkilala sa mgapanitikang likha ng mgapwersang mapagpalaya salipunan.
  111. 111. Binubuo angpambansang panitikanng iba’t ibang bernakularat sektoral na panitikan
  112. 112. Bagaman ang pejorative onegatibong kahulugan ang“bernakular”-sa mga diskiyonaryo’ynangangahulugan itong “kaisipangmakaalipin”- maaari itong bigyan ngbagong koseptwalisasyon at magingmakabuluhan sa mga puwersangnapapailalim
  113. 113. Tulad ng rekuperasyon ngkonsepto sa :Panitikang kababaihanBaklaKatutubo
  114. 114. Maaring bigyan ng bagongbuhay ang konsepto ngpanitikang bernakular sapamamagitan ng elaborasyonng mga naturang potensyal nito
  115. 115. Ang bernakular lamang angkailangang magpaliwanangat magbigay-kabuluhan sasarili nito.
  116. 116. Makikita ang kayabangan atpanghahamak sa iba ngsentro sa pagsasawalang-bahala nito sa sarili nitongpinanggalingan.
  117. 117. Dahil ang sentro aynakalalamang sa lunan atkultura, hindi nitokailangang ipaliwanangang pinagmulanat tutunguhin nito.
  118. 118. Tanging ang mga bernakular angmay pasaning ito. Kapag itinanongang “tagasaan ka?”ipinamumukha rin ang kaibahanng punto, ang mababang kultura,at kakaibang pagkilos at pag-iisip.
  119. 119. Performative na aspektong bernakular-ibig sabihin,itinatanghal at isinasabuhaynito sa harap ng pagkatutong pambansa”.
  120. 120. AngBernakular dahil hindi itinuturo sakalakhan ay may masmatibay na pundasyon sapagkatao ng isinilang sa loobnito.
  121. 121. AngBernakularIto ng kanyang mundo, ang paraan ng pagbuo ng mapa ng karanasan sa mundo.
  122. 122. Ang BernakularIto ang pang-araw-araw na kultura ng mamamayan.
  123. 123. Dahil ang priyoridad ng edukasyon,media at lipunang sibil ay angpagtataguyod ng isang “pambansangkultura”, isinasantabi angperformative na aspektio ngbernakular sa paghulma ng isangpangkalahatang nangingibabaw nakultura.
  124. 124. Tulad ng anumang identidad-paging lalaki o Filipino-itinatanghal- sa pagkain,pagbigkas, panitikan- hindi itomatutunghayan
  125. 125. Kaya maraming maiiambagsa paghulma ng pambansangpanitikan ang panggiit ngmga panitikang bernakularng kanilang pook sa loob ngbansa.
  126. 126. Tinitingnan din ang bernakularna panitikan hindi lamang saaspekto ng kanilang relasyon sapambansa, kundi maging angrelasyon nila sa isa’t isa.
  127. 127. Ang lohistikal na balakid ditoay ang kakulangan ng mgaguro na maalam sa dalawangbernakular at ng kritikal nametodolohiya ng pag-aaraldito
  128. 128. Gayumpaman, dapat nangsimulan ang :pagpapayabong ng pag-aaralsa bernakular,paghahalaw ng mgapanabayang pagkilos,
  129. 129. sabay ang pag-adhika opagtalakay sa mga partikularna isyung bumabagabag sarehiyon.
  130. 130. Kung hindi magkakaroon ng komparatibongpag-aaral ng mga panitikang bernakular,iisipin ng namamayaning kaayusan na angbawat reaksyon ng mga rehiyon aymagkakahiwalay at di magkakaugnay, okaya namay sabay-sabay nagkakasipon anglahat kapag humatsing sa kamaynilaan.
  131. 131. Ang bernakular, batay sasistemang nangingibabaw sakanila, ay nangangailangan ngpagmamarka na hindi lamangnakabatay sa pagkakaiba, lalopa’t higit sa pagkakaisa.
  132. 132. Ang sitemang divide-and-conquer o paggamit ng mgahukbong galing sa ibangrehiyon ay nagdulot lamangng hidwaan sa iba’t ibanggrupo ng mamamayan
  133. 133. Tunguhin ng pambansangpanitikan ang pagkilala sa iba’tibang batayang pagpapaubayao tolerance sa kaibahan ng ibadahil ang pagpapalitaw ngkaibahan ay maaring batayanng kaisihan
  134. 134. Lalong matindi ang diin sapagpapaubaya dahil sakasaysaya’y palagi na lamangnaisantabi ng sentro angrehiyon.
  135. 135. Ang sektoral na panitikan ang ikalawang sangkap ng pambansang panitikan
  136. 136. Ang sektoral na panitikanBinubuo ito ng mga sector na gumaganap at humuhubog sa konsepto ng mapagpalayang bansa.
  137. 137. Ang sektoral na panitikan Hindi lamang isang simpleng kumpol ng kaisipan ang isang sector dahil aktibo nitong itinaguyod ang mga adhika tuno sa panlipunang pagbabago.
  138. 138. Kakabatay ang mga sector sa mga pagkakibang likha ng iba’t ibang kultural na kategorya gaya ng: Uri Kasarian at sekswalidad Lahi Etnisidad Relihiyon Henrasyon Kalikasan
  139. 139. Walang likas na identidad angpayak na pagkatao.Nagkakaroon lamang tayo ngmga identidad kapagnapabilang tayo sa iba’t ibanggrupo na mayroong nabuongartikulasyon ng identidad
  140. 140. Hindi lamang iisa ang atingidentidad, dahil maramingsubkultural na grupo nakinakailangang paghalawan ngidentidad para magkaroon tayo ngdiwa ng kabuuang indibidwal atkolektibong identidad.
  141. 141. Ang sektoral na panitikan aypagkilala sa kontribusyonng iba’t ibang sector sa mgaideya at kilusang naglalayonng transpormasyon nglipunan
  142. 142. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: >>>>>URI<<<<<<<Nakabatay sa pagmamay-ari o di pagmamay-ari sa mga kasangkapan sa produksyon.
  143. 143. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: >>>>>URI<<<<<<< Ang “panitikang anakpawis” ang panitikang nagtataguyod ng interes ng mga magsasaka’t manggagawa
  144. 144. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: >>>>>URI<<<<<<<Ang Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC) ay sentrong pang- edukasyon para sa mga manggagawa na kumukilala sa panitikang manggagawa at makamangagawa
  145. 145. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: >>>>>URI<<<<<<<Tinaguriang panlipunang realism angestilo ng panitikang kaugnay nitodahil sa kumbensyon ng pagsisiwalatng realidad at paggawa ng mgahakbang upang mapawi ang kawalanng katarungan na umiiral sakasalukuyan.
  146. 146. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan:>>Seksuwalidad at kasarian<< Ang “panitikan ng kababaihan” ang isa sa mga nagbunsod ng kontra- patriyarkal na kalakaran, pagsasalungat sa makalalaking kaayusang nagpapatili ng subordinasyon ng mga kababaihan .
  147. 147. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan:>>Seksuwalidad at kasarian<<Humahalaw ang panitikang ito sa mga teorya ng feminismong Pranses at ng pambansa- demokratikong kilusan ng kababaihan.
  148. 148. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: >>Seksuwalidad at kasarian<< Ang una ay nagbibigay-daan sa kaibahan at kadakilaan ng pagkababae , samantalang ang pangalawa ay naglalayong mapalaya ang bayan sa proseso ang pagsasakaturan ng pagpapalaya na sa sentro at tumatagos na rin iba’t ibang bernakular.
  149. 149. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: >>Seksuwalidad at kasarian<< Ang “panitikang lesbian” naman ay nagsisimula nang lumaganap sa malakawang antas.
  150. 150. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan:>>Seksuwalidad at kasarian<< Tumutunggali ang panitikan ng kasarian sa heteroseksuwalismo o pagbibigay ng pagtatangi sa uri ng relasyon ng magkakaibang kasarian.
  151. 151. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>>Isa sa salik na maaaring isaalang-alang dito ay ang usapin ng lahi at etnisisdad.
  152. 152. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>>Paano lumilikha ng identidadsa ibang pinamumuhayanglugar batay sa pinagmulan?
  153. 153. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>>Halimbawa:  Pagiging Ilokano sa Hawaii o London  Pagiging Sebwano sa Hong Kong
  154. 154. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>>Lumilitaw ang usaping ito dahil na rin sa paglalakbay ng napakaraming mamamayan sa iba’t ibang lugar o diaspora.
  155. 155. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>> Nagkaroon ng produksyon ng sarili nilang identidad sa mga lugar na kanilang pinandarayuhan.
  156. 156. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>> Sanhi ng pangangailangan ng pagpapatibay ng identidad sa harap ng panganib na maging nominal at functional na lamang ito sa loob ng sestemang nanghihimik at nagpapanatili sa kanila sa ibayaong lugar.
  157. 157. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: <<Lahi at Etnisidad>> Diasporic Literature-panitikang kakambal ng pagkalat ng napakaraming mga Filipino sa iba’t ibang lupalop ng mundo, sa pangunahin, dahil sa overseas contract work.
  158. 158. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: < Henerasyon>>Ang panitikang bumubuo nito ay ang panitikang pambata, kabataan, at nakakatanda.
  159. 159. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: < Henerasyon>>Batay sa salik ng henerasyon, matingkad ang kaibahan ng pangangailangan para sa iba’t ibang serbisyo at kaalaman.
  160. 160. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: < Henerasyon>>Tinutugunan ng panitikang henerasyonal angpagbibigay ng karagdagang kaalaman at pagkilostungo sa transpormasyon ng lipunan:na ang mga bata ay magkaroon ng kritikal napagtingin sa kanilang sarili at mundo, gayon din angmga kabataan;ang mga nakakatanda ay makapagbubuo ngahensyang integral sa pagbabago
  161. 161. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: < <Relihiyon >>Kapwa mahaba ang tradisyong mapagpalaya at mapanupil ng panitikang relihiyoso
  162. 162. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: < <Relihiyon >> Nais bigyang-diin ng mga naisantabing sector ang papel ng relihiyon sa panlipunang transpormasyon
  163. 163. Mga sektor na lumulikha na ng sariling panitikan: < <Relihiyon >>Ang panitikang Islamiko, Katoliko, Protestante, teolohiya ng pagpapalaya at iba pa ayilang lamang sa mga pangkat na bumubuo nitong sector pangrelihiyon.
  164. 164. l usyonK onkMaraming sector angbumubuo ng bansa
  165. 165. l usyonK onk Nilalayon ang komparatibong pagpapahalaga sa panitikang sektoral sa isang antas, at sa iba pang antas, ng panitikang sektoral at bernakular
  166. 166. l usyonK onk  Ang pagiging babae ay hindi lamang iisang karanasan
  167. 167. l usyonK onk  Nagakakaiba ang karanasan ng babae/ng:  Muslim at Katoliko  Kordilyera at Kamaynilaan  Matanda at Bata
  168. 168. l usyonK onk Ang panitikan ng iba’t ibang sector at bernakular ang nagbibigay-lakas sa mga tinig na pinipipi sa loob ng namamayaning kaayusan
  169. 169. Mga implikasyon nito sa kasalukuyangsitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ngpanitikan ng Filipinas:  Totoong napakahalagan na mabago ang pag-intindi ng mga sumusulat ng mga sanggunian upang ang mga ito ay maging epektibong ahensya sa pagbubuo ng panbansang kultura’t panitikan
  170. 170. Mga implikasyon nito sa kasalukuyangsitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ngpanitikan ng Filipinas:  Ang pambansang panitikan ay nagbibigay ng espasyo sa mga identidad at karanasang isinasaisantabi ng umiiral na pambansang kaayusan.
  171. 171. Mga implikasyon nito sa kasalukuyangsitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ngpanitikan ng Filipinas: Ang proyekto ng mga guro ay tiyakin na hindi muling magsara sa mga nabuksan nang espasyo, at sa mga nakapinid na ay magsimula nang magkasiwang.
  172. 172. Mga implikasyon nito sa kasalukuyangsitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ngpanitikan ng Filipinas:  Sapagkat ang siwang na mapglalagusan ng iba ayiyon ding tunay na magbubukas sa atin ng karansan ng bansa at ng panitkan nito.

×