SlideShare a Scribd company logo
1 of 24
LikassaatingmgaPilipinoangpagigingrelihiyosoat
pagkahiligsakasiyahankungkaya'thindinakapagtataka
kungbakitisaangPilipinassamaypinakamaraming
kapistahangidinaraosatipinagmamalaki.Angmga
pagdiriwangnaitoayilansamgapinaka-inaabangang
selebrasyonsabansa.Itoaymadalasnadinadayongmga
lokalatbanyagangturista.
Idinaraosangmgapiyestangitodahilsaiba't-ibang
kadahilanantuladngpasasalamatsakanilangpatronsa
masaganangani,pagunitasamahahalagangpangyayarisa
kasaysayanodikaya'ypagbibigayparangalsamga
kapanganakanokamatayanngkanilangsantongpatron.
Kapagsinabingpiyesta,hindimawawalaangmasaganang
pagkain,masasayangtugtugin,mgapalaroatpaligsahan.
AngmgakapistahanaybahaginangkulturangPilipinas
PISTA NG ITIM NA NAZARENO
Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga
deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo,
Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng
Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong
siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa
simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni
Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at
nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang
paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.
Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba
tuwing Biyernes
ATI-ATIHAN FESTIVAL
Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo
ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo,
Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng
uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw,
samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring
nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok
ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain
at inumin, at isang linggong malalango ang mga
lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na
pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong
mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit
hinihingan ng milagro.
SINULOG FESTIVAL
Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog
Festival ay libo-libong mga deboto ang
tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang
magbigay ng pasasalamat at magdasal. At
sa mga turista ay kasiyahan naman ang
naghihintay sa kanilang pagdating at tipong
Rio Carnival at mardigras ang tema ng
Sinulog Festival.
CARACOL FESTIVAL
Ang Caracol Festival ay isa sa mga pinakamakulay na
pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng
Lungsod Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng
taon. Ang pagdiriwang ay isang bersyon ng pagdiriwang
ng Mardi Gras. Ilan sa mga highlight ng pagdiriwang ay
ang iba't-ibang street dancing na may makukulay na
'costume na sinasalihan ng mga estudyante ng
pampublikong paaralan ng Makati. Ang karaniwang
tema ng mga presentasyon, magmula sa mga kasuotan at
mga materyales na ginagamit, ay ang pagprotekta at
pangangalaga sa kalikasan. Iba't-ibang makukulay na
kasuotan ang tampok sa pagdiriwang na nagpapakita ng
elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak, bunga, mga
puno, at mga hayop.
BINIRAY FESTIVAL
Ang Biniray Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang
sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-Romblon
tuwing ikalawang linggo ng Enero ng taon bilang
pagpupugay sa Señor Santo Niño na kahalintulad sa
pagdiriwang ng Sinulog Festival ng Cebu. Sa isang banda,
ito ay nagpapakita ng taimtim na pananampalataya ng mga
taga-Romblon sa relihiyong Katoliko. Lubhang makulay at
masaya ang pagdiriwang ng Biniray Festival kung saan
tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga sayaw at awit.
Isa sa mga inaabangan sa pagdiriwang ito ay ang tinatawag
na flotilla of vessels na gumugunita sa pagtatangka ng mga
Kastila na itakas ang imahe ng Santo Niño mula sa bayan
ng Romblon.
DINAGYANG FESTIVAL
Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at
kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod
ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o
pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa
Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista
ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga
Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula
ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang
nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng
National Commission for the Culture and the Arts
ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk
Choreography.
PHILIPPINE INTERNATIONAL HOT AIR BALLOON FIESTA
Ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta ay isang
taunang selebrasyon na ginaganap tuwing Pebrero sa Omni
Aviation Complex, sa Clark Field, Lungsod ng Angeles sa
Pampanga. Ang fiesta ay nagpapamalas ng pagpapalipad ng
makukulay na mga hot air balloons na mula sa iba't ibang bansa.
Nagsimula ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta
noong taong 1994. Kabilang sa pagdiriwang ang mga aktibidad
tulad ng skydivign, flag jump, microlight at rocket demonstrations,
plane fly-bys at fly-ins, pagpapamalas ng paglipad ng mga
eroplano at helikopter na de-baterya, aerobatics, precision
maneuvers, light airplane balloon bursting, ultra-light flying
formation at bomb droping, paggawa at pagpapalipad ng
saranggola, high-start launch gliding, pylong racing, banner
towing, aero-modeling symposium, at karera ng motorsiklo.
CANDELARIA FESTIVAL
Ang Candelaria Fesitval ay isa sa pinakamalalaking
kapistahan sa Iloilo bilang pasasalamat sa patrong Birheng
Maria ng Candelaria. Ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang
araw ng Pebrero sa bayan ng Jaro, Iloilo. Dumarayo ang
mga tao mula sa Kanlurang Visayas sa Iloilo para
masaksihan ang mga sabong, eksibit ng industriya ng Jaro,
karnabal, konsyerto, paligsahan at iba pa. Nagkakaroon
din ng parada at inaabangan ang engrandeng prusisyon.
Naniniwala ang mga tao na naipakikita rito sa pistang ito
ang simbolo ng kaunlaran at pagmamahal ng mga tao sa
mga pista at pagdiriwang. Sa huli ay inaabangan din ang
paghirang sa mapipiling Jaro Fiesta Queen ng taon.
PAMULINAWEN
Ang Pamulinawen ay isang awitin ng mga
Ilokano. Sinasabing ito ang pangalan ng
babaeng inaawitan ng lalaki sa kanyang
panghaharana. Tuwing unang Linggo ng
Pebrero, ginaganap ang Pamulinawen
Festival sa Lungsod Laoag, kasabay ng
pagdiriwang ng pista ng patron ng bayan na
si Saint William the Hermit.
PISTA NG PANAGBENGA
Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower
Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod
Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero.
Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga
bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang
kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon
ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may
kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng
pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong
kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower
exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng
pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng
mga paputok, at iba pa.
SUMAN FESTIVAL
Ang Suman Festival ay isang pagdiriwang
na ginaganap tuwing ika-14 hanggang ika-
19 ng Pebrero, sa bayan ng Baler sa
Aurora. Itinuturing itong pinakamalaking
kasiyahan sa lalawigan, kung saan
ipinaparada ang iba't ibang mga karosa
na nilagyan ng palamuti na naaayon sa
pagdiriwang.
BABAYLAN FESTIVAL
Ang Babaylan Festival ay isa sa mga tampok na
pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng
mga taga-Negros Occidental tuwing ika-19 ng
Pebrero ng taon. Mula sa kasaysayanng Negros,
itinuturing ang mga Babaylan bilang isa sa mga
pinakamakasaysayang pigura sa Pilipinas bago pa
man dumating ang mga Kastila. Ang mga babaylan
ay kinabibilangan ng iba't-ibang tao sa lipunan gaya
ng doktor, albularyo, pintor, tagapayo, magsasaka
at iba pa na nagtatampok sa isang mataas na
responsibilidad at ito ay pinaniniwalaang tagapag-
ingat ng mga ritwal at espiritu sa mundo. Mula dito
ay ibinatay ang pagdiriwang ng Babaylan Festival.
GULING-GULING FESTIVAL
Ang Guling-Guling Festival ay isa sa mga tampok
na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang
sa Paoay, Ilocos Norte tuwing Martes, ang araw
bago sumapit ang Miyerkoles ng Abo. Ang guling
ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay
“markahan” o “pahiran.” Ito ay sumisimbolo sa
masaganang pagdiriwang ng mga Ilokano bago
sumapit ang Mahal na Araw.
BANGKERO FESTIVAL
Ang Pagsanjan Bangkero Festival ay ginaganap tuwing
buwan ng Marso. Ito ay inspirasyon sa pamamagitan ng
nakatuon sa lahat bangkeros (boatmen) sa Pagsanjan at sa
karangalan ng patrona ng bayan, Ang Lady ng Guadalupe.
Ang mga boatmen magsilbing tour guides sa mga kasanayan
at kagalingan ng kamay nagpakita sa maneuvering ang
bangka pasalunga sa agos at laban sa malakas na alon ng
tubig hanggang sa maabot ang dulaan ng Pagsanjan falls.
Limang-araw na Festival ay may iba't ibang mga gawain
tulad ng mga tradisyonal na bangka lahi o regata, fluvial at
lupa parada sa street dancing, drum at lyre competition at iba
pang mga sports mga kaganapan. May mga pangkulturang
pagtatanghal at ang taunang paghahanap para sa "Ginoong
Bangkero" at ang "Lakan sa Binibining Pagsanjan" din.
PISTA NG SAGING
Ang Pista ng Saging ay ginaganap tuwing ika-18
hanggang ika-19 ng Marso sa Baco, Oriental
Mindoro upang ipagdiwang ang kasaganahan ng
ani ng saging. Itinatanghal dito ang iba't ibang
uri ng saging tulad ng Señorita, Latundan,
Lacatan at Saba. Kasabay din ng selebrasyon na
ito ang kapistahan ng patrong si San Jose.
Tampok sa pagdiriwang na ito ang isang
paligsahan sa pagluto ng mga putaheng may
sangkap na saging. Mayroon ring pagsasayaw sa
mga kalsada kung saan ang suot ng mga kalahok
ay gawa sa mga materyales na nagmula sa
saging. Nagkakaroon rin ng beauty pageant.
KALILANGAN FESTIVAL
Ang Kalilangan Festival ay isa sa mga pagdiriwang
sa Pilipinas na dinadayo ng maraming turista taun-
taon ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-General
Santos sa Timog Cotabato. Ipinapakita dito ang
mayamang kultura ng nasabing lungsod. Ang
Kalilangan ay nagmula sa salitang kalilang na mula
sa dialekto ng mga taga-Maguindanao. Ito ay
nangangahulugang “pagdiriwang,” “kapistahan” o
“kasiyahan.” Ilan sa mga espesyal na aspesto ng
pagdiriwang ay ang paggamit ng pare-pareho at
makukulay na kasuotang kahawig ng tinalak ng mga
T'boli.
RODEO MASBATEÑO
Ang Rodeo Masbateño Festival ay taunang pagdiriwang sa
Lungsod Masbate kung saan ipinakikita ang husay sa
paghawak sa mga alagang baka gaya ng paghuli at pagsakay
sa mga ito. Kasabay nito ang trade fair at pagtatampok at
pagbenta ng mga baka at kabayo. Ginawa ito noong tag-init ng
1993 sa lalawigan ng Masbate na tinaguriang “Cattle Country
of the Philippines.” Pinaka inaabangan naman ang
kumpetisyon ng rodeo kung saan nagsusuot ang mga
kababaihan at kalalakihan ng damit ng cowboy at nanghuhuli
ng mga baka habang nakasakay sila sa kabayo o nasa lupa;
ang pakikipagbuno sa baka; pagsakay sa baka; ang karambola
ng dalawang tao; at iba pang gawaing may kinalaman sa
pagmamando sa mga alagang baka.
ARAW NG DABAW
Ang Araw ng Dabaw ay isang taunang selebrasyon sa Davao
bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap ng siyudad.
Kalimitang nagsisimula ang pagdiriwang tuwing ika-labing
anim ng Marso at tumatagal ng isang linggo. Noong ika-
labing-anim ng Marso taong 1936 naghain si Davao
Assemblyman Romualdo Quimpo ng batas para malikha ang
Davao bilang siyudad sa takot na baka sakupin ito ng mga
Hapon. Ngayong taon, pampitumpu’t pitong taon nang
ipinagdiriwang ang Araw ng Dabaw. Ang pagkakaisa raw ng
mga Dabawenyo ang dahilan kung bakit maunlad ang
ekonomiya ng siyudad at kung bakit kilala ito bilang lugar sa
Pilipinas na may mayamang kultura, maraming pasyalan at
may sari-saring masasarap na pagkain. Idineklara ng
Malacañang ang Marso 17, 2014, Lunes bilang isang holiday
para sa pagdiriwang ng Araw ng Dabaw. Sa bisa ng
Malacañang Proclamation bilang 735, naisakatuparan ito
upang bigyang pagkakataon ang maraming Dabawenyo na
maipagdiwang ang kanilang pista.
PAGPAPAPAKO SA KRUS SA CUTUD
Sa paggunita ng Semana Santa, dinadagsa ang San
Pedro Cutud sa San Fernando, Pampanga upang
masaksihan ang kanilang kontrobersyal na
pagsasadula ng pasyon at kamatayan ni Kristo.
Kasama na rito ang pagsasadula ng pagpapako sa
krus. Sa halos 54 na taong tradisyon nang
pagpapapako ng mga tinaguriang 'Kristo' ng Cutud,
ito ay dinarayo na ng mga turista at lumikha na ng
ingay sa telebisyon, mga pahayagan at pati na rin sa
Simbahang Katolika. Ang mga karatig na barangay
ng Cutud tulad ng Brgy. Sta Lucia and Brgy. San
Juan ay may sarili ring programa sa tuwing sasapit
ang Semana Santa.
SANDUGUAN FESTIVAL
Ang Sanduguan Festival o Pista ng Sanduguan ay isang
pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-apat na linggo ng
Abril sa isla ng Mindoro. Ipinagdiriwang ito bilang
paggunita sa unang barter sa pagitan ng mga Mangyan
at mga mangangalakal na Tsino noong unang panahon.
Pangunahing atraksyon dito ang Indakan sa Sanduguan,
isang kumpetisyon sa pagsasayaw sa lansangan habang
nakasuot ng makukulay na kasuotan na gawa sa mga
produktong matatagpuan sa lugar. Nagmula ang
sanduguan sa salitang sandugo na nangangahulugang
“pagkakaibigan”. Tinutukoy din ng salitang sanduguan
ang kasunduan sa pagitan ng mga katutubong Pilipino sa
Mindoro at mga mangangalakal na Tsino.
KADAUGAN SA MACTAN
Ang Kadaugan sa Mactan ay naganap sa
Pilipinas noong Abril 27, 1521. Natalo ng hukbo
ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang
mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng
Portuges na kapitan at eksplorer na si
Fernando de Magallanes. Napatay ng mga
tribung sundalo si Magallenes, na nagkaroon
ng alitang pulitikal at pagkakaribal kasama si
Lapu-Lapu.
PISTA NG TSINELAS
Malaki ang kahalagahang ibinibigay ng Pilipinas sa
paggamit ng tsinelas at dahil dito, may dalawang bayan
sa bansa ang ipinagdiriwang ang Tsinelas Festival kung
saan ipinagmamalaki sa publiko ang pagsulong ng
industriya ng tsinelas sa kanilang bayan:
Liliw, Laguna: Ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival
ay ipinangalan sa nagtatag ng lungsod na si Gat Tayaw.
Ang pinakaunang selebrasyon ng kapistahan ay idinaos
noong Abril 5-7, 2002 upang isulong ang lokal na
turismo.
Lungsod Gapan, Nueva Ecija: Ang Tsinelas Festival sa
Lungsod Gapan ay idinaraos tuwing Agosto 6 hanggang
25. Ang labingpitong araw na selebrasyon na ito ay
pagbibigay halaga sa industriya ng tsinelas na
nagdudulot ng 500 hanggang 600 milyong piso bawat
taon.
ARAW NG KAGITINGAN
Ang Araw ng Kagitingan, na ipinagdiriwang
tuwing 9 ng Abril, ay isang taunang pista
opisyal sa Pilipinas na gumugunita sa
katapangan at katatagang ipinakita ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano na
nakipaglaban sa Imperyong Hapon sa
kasagsaganng Ikalawang Digmaan
Pandaigdig. Ito din ay kilala bilang Araw ng
Bataan at Corregidor.
PISTA NG MORIONES
Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na
pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang
Morion ay nangangahulugan “maskara”, na
parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa
mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones
ay ang mga taong nakasuot ng maskara at
nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa
loob ng pitong araw sa paghahanap kay
Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito
ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at
nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
PISTA NG MAGAYON
Ang Pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na
ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang isang
pagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang
pistang ito ay nagmula sa pangalang magayon na ang
ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong
ding ito ay bilang pagbibigay parangal kay Nuestra
Señora de la Porteria, ang patron ng Daraga. It ay
isang maalamat, makasaysayan at ralihiyosong
pagdiriwang na naglalayong buhayin and kultura ng
mga mamamayan ng Daraga, Albay.
FLORES DE MAYO
Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na
ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng
Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng
Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo
ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa
kaniyang taglay na huwarang kalinisan at
kabutihan. Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay
pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang ang
Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay
Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang
sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga
lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga.
PISTA NG BINATBATAN
Ang Pista ng Binatbatan ay ang pinakatampok na
programa sa taunang Pista ng Sining ng Vigan o Viva
Vigan Festival of Arts. Lahat ng tao, mapa-residente man o
turista ay nakikilahok sa pagsayaw. Ang mga kasapi ay
gumagamit din ng makukulay na mga kasuotan at Abel at
maging mga patpat ng kawayan sa pagsasayaw. Isa ang
Pista ng Binatbatan sa mga dahilan kung bakit dinarayo
ng maraming lokal at banyagang turista ang Vigan sa
Ilocos Sur. Daan-daang residente at turista ang
nagkukumpulan sa kalye ng Crisologo na puno ng mga
ansestral na tahanan upang masilayan ang iba't ibang
tampok na programa ng nasabing pista.
Isang linggong puno ng kasiyahan at pagdiriwang ang
Pista ng Binatbatan kasabay ng ibang pagdiriwang tulad
ng Pista ng Longanisa na kung saan sikat rin ang Ilocos at
ang Amazing Heritage Race.
PISTA NG PAHIYAS
Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na
ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban,
Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito,
pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa
kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si
San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay
isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng
imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga
bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang
sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay,
bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang
nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
PISTA NG KALABAW
Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang
tuwing 15-16 ng Mayo, kasabay sa araw ng
paggunita ng kapistahan ni San Isidro
Labrador, ang patron ng mga magsasaka.
Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng
kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas
at ang mga nagagawa nitong malaking tulong
sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro,
Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulacan.
RITUWAL NG OBANDO
Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang
tatlong araw na pista na nagbibigay parangal sa
tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para
kay San Pascual de Baylon, mayo 18 para kay
Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora
de Salambao. Ang selebrasyong ito ay kilala din
bilang Pista ng Kasilonawan.
Ang pagdiriwang na ito ay dinarayo ng libu-libong
deboto at banyagang turista upang mag-obserba at
ang iba naman ay upang makilahok. Ang mga tao
mula sa iba't-ibang panig ng mundo ay dumadayo
sa Obando sa kagustuhang mabuntis at magka-
anak at makilala ang makakapareha sa buhay.
ARAW NG KALAYAAN
Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga
taunang pagdiriwang sa Pilipinas na
ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang
pag-alala ng Pamamahayag ng
Kalayaan ng Pilipinas mula sa
Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa
itong Pambansang Araw ng
pagdiriwang sa Pilipinas.
TAONG PUTIK FESTIVAL
Ang Taong Putik Festival ay isang taunang pista
ginaganap tuwing Hunyo sa Bibiclat, Nueva Ecija kung
saan ang mga deboto ay magbabad ang kanilang sarili sa
putik at masakop ang kanilang mga katawan na may
pinatuyong dahon ng saging upang ipagdiwang ang
kapistahan ng Saint John the Baptist. Ang patong ng
putik at mga dahon ay isang gawa ng kapakumbabaan at
pangungumpisal. Ayon sa ilang mga matatanda sa bayan,
ang pagdiriwang na ito ay isang pagtulad ng papel ng
propeta na ang buhay ni Jesucristo, kung saan siya ay
upang itago ang kanyang sarili para ma-binyagan ang
Anak ng Diyos.
PARADA NG LECHON
Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing
ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas.
Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San
Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa
pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy
at pagpaparada nito sa buong bayan.Ang
pagbibihis sa lechon ay babatay sa temang
paghahandaan ng bawat organisasyon, baranggay
na makikilahok sa pagdiriwang. Sa gabi bago ang
parada, pinipili at pinaparangalan ang
magwawaging binihisang lechon at tataguriang
'lechon queen'. Sa mismong araw naman ng bago
ang parada'y isang misa ang isasagawa sa
Simbahan ng Immaculada Concepcion.
PISTA SA KALIGUAN
Ang Pista sa Kaliguan ay ginaganap
upang gunitain si San Juan Bautista
tuwing ika-22 hanggang ika-24 ng
Hunyo. Kilala ang pista para sa
patimpalak upang makoronahan ang
Perlas ng Kaliguan. Ang Pista ng
Kaliguan ay ginaganap sa
dalampasigan at dahil dito ay
maraming mga kasiyahan gaya ng
pagsasayaw sa buhangin at kung anu-
ano pang mga mapagkakaabalahan.
PISTA NG PINTADOS
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista
ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang
pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan,
kung kailan din ginaganap ang "Leyte
Kasadyaan Festival of Festivals", ang
"Pintados Festival Ritual Dance
Presentation" at ang "Pagrayhak Grand
Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay
sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo
Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-
Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista
sa isang bukod-tangi at makulay na
pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa
pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig
magtato sa kanilang sarili.
ARAW NG MAYNILA
Ang Araw ng Maynila ay
ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng
Hunyo upang gunitain ang
proklamasyon sa siyudad noong
1571 bilang kabisera ng kolonya
ng Espanya sa Pilipinas.
KINABAYO FESTIVAL
AngKinabayo Festival na ipinagdiriwang tuwing Hulyo
25 sa Dapitan City Zamboanga del Norte Pilipinas
ipagdiwang ang isang mahiwaga at makulay na pageant
muling nakakabisa ang Spanish-Moorish wars, higit sa
lahat ang Labanan ng Covadonga kung saan ang
Espanyol pwersa sa ilalim ng Pangkalahatang Pelagio
kinuha ang kanilang huling stand laban Saracan. Sila
ay mag-agawupang ibagsak ang tide sa pamamagitan
ng mapaghimala espiritu ng St. James. Ang pagdagdag
ng mga lokal na kulay at pagkamakabago ay ginawa na
ito taunang pagdiriwang ng isang popular na-akit na
pinagsasama-libo ng mga tourists sa Dapitan City.
PAGODA FESTIVAL
Ang Pista ng Pagoda ay isang tradisyunal na
pagdiriwang na ginagawa sa bayan ng Bocaue sa
Bulacan bilang pasasalamat sa patron nito na si San
Francisco ng Assisi. Ipinagdiriwang ito tuwing unang
Linggo ng Hulyo. Tinawag itong Pagoda Festival dahil sa
ipinuprusisyon ng isang malaking pagoda o balsa kung
saan nakasakay ang mga deboto ng santo. Naglalakbay
ang balsa sa ilog ng Wawa. Nakikiganyak na sumama
ang mga deboto sa pagoda sa paniniwalang magiging
mas maayos ang kanilang mga buhay at magigigng
swerte sila sa kabuuan ng taon. Kaya nga ba't ito ay
tinuring na isang panata.
BANIG FESTIVAL
Ang Pista ng Banig ay isang taunang
pagdiriwang na ginaganap sa Badian,
Cebu tuwing ika-5 ng Hulyo. Tampok sa
pagdiriwang ang kultura, tradisyon at
produkto ng mga Cebuanong
Badianganon
ARAW NG PASIG
Ang Araw ng Pasig ay ipinagdiriwang
tuwing ika-2 ng Hunyo upang gunitain
ang mga pangyayaring nagpabago sa
kasaysayanng Lungsod ng Pasig.
Itinuturing na pista-opisyal ang araw
na ito at karaniwang walang pasok sa
lahat ng pampubliko at pampribadong
sektor na nasasakupan ng lungsod.
SINULOG DE TANJAY FESTIVAL
Ang Sinulog de Tanjay Festival o "Saulog de
Tanjay" ay ginaganap tuwing Hulyo 24, ang
araw bago fiesta ng lungsod. Bago, ito ay kilala
bilang "Sinulog" ngunit napalitan ng pangalan
sa "Saulog" upang makilala ito mula sa Sinulog
ng Cebu. Ang mga damit sinusuot sa parada ay
pagpapakita ng katutubong kasuotan, habang
ang horsefighting pagtatanghal re-enacts ang
labanan sa pagitan ng mga Espanyol at ang
mga Muslim. Ang lokal ng Tanjay ay binyagan
ng mga Espanyol friars sa pangalan ng Saint
James ang Greater nang sila'y magsidating sa
silangang baybayin ng Negros para sa isang
relihiyosong paglalakbay-dagat.
T’NALAK FESTIVAL
Ang Pista ng Tinalak o T'nalak ay
ang araw kung saan ipinagdiriwang
ang pagkakatatag ng Timog
Cotabato. Ang pista ay
ipinagdiriwang tuwing buwan ng
Hulyo sa Lungsod ng Koronadal na
siyang sentro ng lalawigan.
PALU-PALO FESTIVAL
Ang Palu-palo festival ay itinampok sa bayan ng Basco
ito ay ginaganap taung tuwing Agosto 08. Ito ay isang
kultural na pagtatanghal ng mga munisipalidad ng
Basco, Batanes, pagpapakita ng kanilang mga etniko
group 'ay masungit pa makasaysayan iral. Palu-palo
nangangahulugan sticks o arnis na ginamit sa
pamamagitan ng mga katutubong Ivatan upang
labanan ang mga puwersa ng mga kolonisador tulad ng
mga Kastila at ang mga Olandes. Ang natives magsuot
ng tradisyonal na suot ay gawa sa katutubong
materyales mula sa balat ng puno na kung saan ay pipi.
DINAGAT FESTIVAL
Ang Dinagat Festival sa Cordova ay isang
karaniwang pagdiriwang ginaganap taun-
taon tuwing buwan ng Agosto sa iskaparate
ang kabuhayan at pangingisda kultura ng
munisipalidad na ito. Dinagat ay bantog na
may relihiyosong samahan sa paniniwala sa
panahon ng kapistahan ng patron ng bayan
- San Roque.
BUWAN NG WIKA
Ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyon na ginagawa
sa Pilipinas tuwing buwan ng Agosto. Ito ay buong
buwang pagdiriwang para sa kahalagahan ng opisyal
na lenggwahe ng bansa, ang Filipino (na dating
tinatawag na “Tagalog”). Noong una, ito ay ginaganap
lamang sa loob ng isang linggo o tinatawag na “Linggo
ng Wika” na ipinagdiriwang simula Agosto 13
hanggang Agosto 19. Ito ay pinalawig ng dating pangulo
na si Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng
Proklamasyong Bilang 1041 na nagkaroon ng bisa
noong Enero 15, 1997.
KADAYAWAN SA DABAW
Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang
linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa
masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing
ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao.
Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa
katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay
“madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din
upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga,
maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa
Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang
bagay na nagdadala ng suwerte.
ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI
Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Pambansang
Bayani tuwing huling linggo ng Agosto bilang
pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t
ibang personalidad na lumaban at nagtanggol
para sa kalayaan ng Pilipinas. Kabilang na rito
ang mga pangalang nakalimutan na sa
kasaysayan.
BATTLE OF PINAGLABANAN
Sa pook na ito naganap ang makasaysayang
labanan ng mga Pilipino at Kastila noong 30
Agosto 1896. Dito unang sumalakay ang mga
Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio
at Emilio Jacinto. Sa labanang ito na kinasawian
ng 153 Katipunero, ipinakilala ng mga Pilipino
na handa silang mag-alay ng kanilang buhay
alang-alang sa kalayaan ng Inang Bayan.
PEÑAFRANCIA FESTIVAL
Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia
Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa
lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang
pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa.
Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang
festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at
tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang.
Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't
ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera
ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak
pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang
kumpetisyon.
HINUGYAW FESTIVAL
Ang Hinugyaw Festival ay isa sa mga pistang
ipinagdiriwang sa Lungsod Koronadal bilang
pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang
lungsod na noo'y Marbel Settlement District
noong 1940. Nagkakaroon ng parada,
pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, palaro,
paligsahan, at kung anu-ano pang gawaing
nagpapakita ng mga tradisyon at kultura ng
Koronadal.
SARAKIKI-HADANG FESTIVAL
Calbayog City sa Western Samar nagdiriwang
Sarakiki-Hadang Festival tuwing Setyembre
7. Ang pagdiriwang na ito ay kumakatawan sa
mayamang kultura at etniko kasaysayan ng
bayan. "Sarakiki" ay isang lokal na termino
sa Calbayog na naglalarawan ng iba't ibang
mga paggalaw ng isang tandang bilang ito
sumusubok upang akitin ang pansin at
gayumahin ang isang inahing manok sa
panahon panliligaw.
TUNA FESTIVAL
Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan
ng industriya ng tuna sa General Santos,
ay ipinagdiriwang ang Tuna Festival
tuwing buwan ng Setyembre. Sa
pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain
at aktibidades ay naipapakita ang
pangunahing pinagmumulan ng
pinagkakakitaan mula sa tuna ng mga
residente ng naturang lugar.
PARADA NG KAKANIN / FESTIVAL OF
NUESTRA SENORA DE ARANZAZU
Ang Parada ng Kakanin ay isang taunang
pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-9 ng
Setyembre sa Lungsod ng San Mateo, Rizal.
Ipinaparada nila ang kanilang ginawang
kakanin at ipinamimigay sa mga tao at
mayroon din upang ialay sa kanilang
Nuestra. Ito ay pinamamahalaan ng
simbahan sa tulong ng mayor, lokal na
pamahalaan, at kapulungan ng turismo.
Ngayon taong 2009, ipagdiriwang ng San
Mateo ang ika-305 taon ng Parada ng
Kakanin.
BURDANG LUMBAN FESTIVAL
Ang Burdang Lumban Festival o kilala rin bilang
Burdang Festival ng Lumban, Laguna ay
ipinagdiriwang tuwing ika-21 ng Setyembre taun-
taon upang ipagmalaki ang pangunahing
industriya ng Lumban. Pagbuburda ang kanilang
kahusayan gamit ang maselang tela ng pinya at
husi. Isa rin itong selebrasyon bilang pagpupugay
sa sinaunang sining ng pagbuburda maging ang
kagalingan at pagiging malikhain ng naturang mga
residente.
LA NAVAL FESTIVAL
Ang La Naval Festival ay isang selebrasyon na ginaganap
tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre sa simbahan ng
Sto. Domingo sa Quezon City. Ang pagdiriwang na ito ay
nakasentro sa imahen ng Mahal na Birheng Maria ng La
Naval, na nililok noong 1593. Ang imahen ay ibinigay
bilang isang regalo sa mga paring Dominikano noong
panahong iyon. Pinalamutian ito at inilagay sa isang
karwaheng kahugis ng barko. Tuwing kapistahan,
ipinaparada ang imahen sa labas ng simbahan, kasunod
ang ilang imahen ng mga santong Dominikano. Umiikot
ang prusisyon sa mga kalyeng pumapalibot sa simbahan
ng Sto. Domingo. Ibabalik naman ang imahen sa
simbahan at ilalatag itong muli sa altar sa gitna ng
palakpakan ng mga dumadalo.
LANZONES FESTIVAL
Ang Lanzones Festival ay isang taunang
selebrasyon ng pasasalamat dahil sa
masaganang ani sa Isla ng Camiguin. Ang
bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito
tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa
panahon nang pag-ani sa prutas na lanzones.
INASAL/HALAD FESTIVAL
Isang pagdiriwang ng Talisay, Cebu City patrona 'Sta.
Teresa de Avila. Ito ay naglalayong upang itaguyod ang
lungsod bilang isang tourist spot. Ito ay iskaparate mga
gawain tulad ng sports fest, street dancing, parada ng
mga dakilang higantes, na nagtatampok ng mga sikat na
"Inasal" o lechon. Talisay ay pinakamahusay sa inihaw
na baboy - golden brown, crispy balat, masarap na karne
pinalamanan mula herbs. Ang mga tao ng Talisay
ipagdiwang ang kapistahan bilang pasasalamat sa
blessing na natanggap. Ito ay isang maligaya ambiance
pagkain sa paligid ng sulok na may tulad na mga
masasarap na pagkain tulad ng lechon at Inasal.
LA HERMOSA FESTIVAL
Ang Zamboanga La Hermosa o Fiesta Pilar ay isa sa
mga pistang ipinagdiriwang sa Zamboanga bilang
pagbibigay-pugay sa milagrosong imahen ng Ating
Babae ng Pilar sa Fort Pila. Naniniwala ang mga taga-
Zamboanga na naging simbolong kultural ang imahen
sa pagkakaisa ng mga tao sa kanilang lugar.
Nagsisimula sa 1 hanggang 12 ng Oktubre ang fiesta,
kung saan isinasagawa ang novena, paputok, parada,
kultural na pagtatanghal, regatta, at ang parada ng
Miss Zamboanga.
MASSKARA FESTIVAL
Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod
tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na
pagdiriwang sa buong Pilipinas. Unang ginanap ang
MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang
pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng
mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at
mga programang musikal tuwing anibersaryo nang
pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong
panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang MassKara ay
mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng
pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin
ay “marami” at Español na salitang “kara,” na
nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin ang lokal na
tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang
malaking parte nang pagdiriwang.
KIDAPAWAN FRUIT FESTIVAL
Kilala ang Kidapawan sa tawag na City of
Fruits at ipinagdiriwang tuwing buwan ng
Agosto ang Timpupo Festival o piyesta ng mga
prutas.
Nagsisimula ang pagdiriwang sa isang Fruit
Float Parade, isa sa mga pinananabikan at
inaabangang bahagi ng selebrasyon. Libu-
libong tao ang nagtutungo sa
ipinagmamalaking kapital ng lalawigan ng
Cotabato upang saksihan ang naturang
kasayahan at makilahok sa pagdiriwang ng
masaganang ani ng prutas sa lungsod ng
Kidapawan.
PINTAFLORES FESTIVAL
Ang Pintaflores Festival ay isang pagdiriwang
na idinaraos taun-taon sa lungsod ng San
Carlos sa Negros Occidental tuwing ika-5 ng
Nobyembre. Ginawa ito upang magkaroon ng
sariling pagkakakilanlan ang lugar sa
larangan ng mga pagdiriwang at kasiyahan.
Ipinagdiriwang ang Pintaflores bilang
paggunita at pagpaparangal kay San Carlos
Borromeo, ang patron ng lungsod. Idinaraos
ng mga taga-San Carlos ang pagdiriwang sa
pamamagitan ng pagsasayaw at pagpaparada
sa mga pangunahing kalsada ng lungsod na
nakasuot ng makukulay na pananamit na
pinalamutian ng iba't ibang disenyo ng
bulaklak.
HIGANTES FESTIVAL
Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na
Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing
ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang
pinakamalaking pagdiriwang para kay San
Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang
imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking
deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang
mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit
ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng
mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at
may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit
sa pangingisda) at mga “higantes” (mga
higanteng gawa sa papel na may taas na
umaabot sa sampu hanggang labindalawang
talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa
isang prusisyon patungong Laguna de Bay
hanggang maibalik ang imahen ng santo sa
parokya.
GIANT LANTERN FESTIVAL
Ang Giant Lantern Festival ay ang taunang selebrasyon
sa pagdi-displey ng mga mala-higante at makukulay na
mga parol kung saan ipinagmamalaki dito ang abilidad
at husay ng mga manggagawa ng parol sa bayan ng
Pampanga. Ito ay isinasagawa sa Lungsod San Fernando,
Pampanga, kilala bilang Christmas Capital of the
Philippines. Sa kasalukuyang taon, ang "Ligligan Parul
2008", maaasahan ng mga bisita ang pagpapalabas ng
mga parol na may laki ng hanggang 15 metro ang taas,
gamit ang 16,000 bumbilya, ang sayaw ng mga
makukulay na ilaw, kasabay sa indayog ng mga
Pamaskong awitin. Ang mga barangay na kasali sa
pagdiriwang na ito ay ang San Jose, Dolores, Sat. Lucia,
Sto. Rosario, Sto. Nino San Felipe, San Juan, San Nicolas
at San Felipe.
MAYTINIS FESTIVAL
Isang orihinal na tradisyon sa Kawit, isang
dramatic retelling ni Santa Mariang Birhen at
paghahanap ni Jose sa bethlehem para sa isang
lugar upang manatili na tinatawag na
"Panunuluyan". reenactment Nangyayari ito sa
mga kalye ng Kawit na may iba't ibang floats
depicting iba't ibang bibliya eksena mula kay Adan
at Eba hanggang sa Mary at Joseph. Ang
"Panunuluyan" tumatagal sa lugar ng ilang mga
bahay at tapos na sa pag-awit hanggang umabot sa
300 taon ang St. Mary Magdalene Church of Kawit
kung saan ang Birheng Maria at Joseph ay
tinatanggap sa pamamagitan ng mga anghel sa
isang higanteng "belen" (Nativity Scene) na kung
saan ay sumasaklaw sa buong retablo o Altar ng
simbahan. Ang mga kanta ginanap sa
pamamagitan ng mga anghel kumilos sa
pamamagitan ng maliit na batang babae ay halos
sa Espanyol at Tagalog.

More Related Content

What's hot

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon
Mga Pagdiriwang na PanrelihiyonMga Pagdiriwang na Panrelihiyon
Mga Pagdiriwang na PanrelihiyonRitchenMadura
 
Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896shaoie
 
Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriElvin Junior
 
Mga Bahagi ng Pahayagan
Mga Bahagi ng PahayaganMga Bahagi ng Pahayagan
Mga Bahagi ng PahayaganJustinJiYeon
 
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMAILYNVIODOR1
 
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng KahuluganIba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng KahuluganRosemarie Gabion
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayJustinJiYeon
 
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoPaniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoBilly Rey Rillon
 
Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)LadySpy18
 
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyonMga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyonElla Socia
 
Rehiyon v rehiyon-ng-bicol
Rehiyon v rehiyon-ng-bicolRehiyon v rehiyon-ng-bicol
Rehiyon v rehiyon-ng-bicolMjMercado4
 
Mga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasMga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasLyllwyn Gener
 
4th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 84th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 8Ethiel Baltero
 

What's hot (20)

Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
 
Kultura.ap x
Kultura.ap xKultura.ap x
Kultura.ap x
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon
Mga Pagdiriwang na PanrelihiyonMga Pagdiriwang na Panrelihiyon
Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon
 
Kaugaliang pilipino
Kaugaliang pilipinoKaugaliang pilipino
Kaugaliang pilipino
 
Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)Pangungusap(uri)
Pangungusap(uri)
 
Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896
 
Impluwensiya ng espanyol
Impluwensiya ng espanyolImpluwensiya ng espanyol
Impluwensiya ng espanyol
 
Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uri
 
Mga Bahagi ng Pahayagan
Mga Bahagi ng PahayaganMga Bahagi ng Pahayagan
Mga Bahagi ng Pahayagan
 
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa PilipinasMga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
Mga Pangkat- Etniko sa Pilipinas
 
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng KahuluganIba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
Iba't Ibang Paraan sa Pagkilala ng Kahulugan
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoPaniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
 
Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)Pang-uri (Adjective)
Pang-uri (Adjective)
 
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyonMga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
Mga Pag aalsang politikal ekonomiko at panrelihiyon
 
Rehiyon v rehiyon-ng-bicol
Rehiyon v rehiyon-ng-bicolRehiyon v rehiyon-ng-bicol
Rehiyon v rehiyon-ng-bicol
 
Rehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZONRehiyon IV-A: CALABARZON
Rehiyon IV-A: CALABARZON
 
Mga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinasMga bayani ng pilipinas
Mga bayani ng pilipinas
 
4th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 84th peridical exam in fil. 8
4th peridical exam in fil. 8
 

Similar to Festival sa Pilipinas

Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Desiree Mangundayao
 
mga pagdiriwang sa pilipinas
mga pagdiriwang sa pilipinasmga pagdiriwang sa pilipinas
mga pagdiriwang sa pilipinasMailyn Viodor
 
Aralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong siningAralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong siningAlemar Neri
 
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang TaoSosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Taophiapadilla
 
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptxWika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptxSalimahAAmpuan
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...dianarasemana1
 
Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.
Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.
Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.honeybabe_elahh
 
Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.
Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.
Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.honeybabe_elahh
 
Tuklasin ang Natatagong Yaman ng Bulacan
Tuklasin ang Natatagong Yaman ng BulacanTuklasin ang Natatagong Yaman ng Bulacan
Tuklasin ang Natatagong Yaman ng BulacanRonChinoBombase
 
Mga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kulturaMga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kulturacrysteljubay
 
Group 9-cordillera-administrative-region
Group 9-cordillera-administrative-regionGroup 9-cordillera-administrative-region
Group 9-cordillera-administrative-regionNorsiaBolivar
 
Region 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang Detalye
Region 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang DetalyeRegion 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang Detalye
Region 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang DetalyeAvigail Gabaleo Maximo
 
Kadal Tahaw: Etnograpikal na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boli
Kadal Tahaw: Etnograpikal  na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boliKadal Tahaw: Etnograpikal  na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boli
Kadal Tahaw: Etnograpikal na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'bolibonacks
 
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptxANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptxMark James Viñegas
 
Spring garden
Spring gardenSpring garden
Spring gardenerwinjake
 

Similar to Festival sa Pilipinas (20)

Festivals in region v
Festivals in region vFestivals in region v
Festivals in region v
 
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...Araling Panlipunan 3 Yunit  III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
Araling Panlipunan 3 Yunit III Aralin 3 Ang Kultura ng Aming Lalawigan sa Re...
 
mga pagdiriwang sa pilipinas
mga pagdiriwang sa pilipinasmga pagdiriwang sa pilipinas
mga pagdiriwang sa pilipinas
 
Aralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong siningAralin 1 katutubong sining
Aralin 1 katutubong sining
 
Mga pagdiriwang sa pilipinas
Mga pagdiriwang sa pilipinasMga pagdiriwang sa pilipinas
Mga pagdiriwang sa pilipinas
 
Pangasinense
PangasinensePangasinense
Pangasinense
 
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang TaoSosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
 
Noli Me tangere
Noli Me tangereNoli Me tangere
Noli Me tangere
 
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptxWika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
Wika at Kultura ng mga Ilokano (nina Agrakhan at Ampuan).pptx
 
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
 
PPTDF.pptx
PPTDF.pptxPPTDF.pptx
PPTDF.pptx
 
Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.
Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.
Pilipino ako; bayan at kultura ang yaman ko.
 
Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.
Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.
Pilipino Ako; Bayan at Kultura ang Yaman Ko.
 
Tuklasin ang Natatagong Yaman ng Bulacan
Tuklasin ang Natatagong Yaman ng BulacanTuklasin ang Natatagong Yaman ng Bulacan
Tuklasin ang Natatagong Yaman ng Bulacan
 
Mga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kulturaMga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kultura
 
Group 9-cordillera-administrative-region
Group 9-cordillera-administrative-regionGroup 9-cordillera-administrative-region
Group 9-cordillera-administrative-region
 
Region 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang Detalye
Region 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang DetalyeRegion 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang Detalye
Region 10- Panitikan, Manunulat, Festivals At Iba Pang Detalye
 
Kadal Tahaw: Etnograpikal na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boli
Kadal Tahaw: Etnograpikal  na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boliKadal Tahaw: Etnograpikal  na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boli
Kadal Tahaw: Etnograpikal na pagsisiyasat sa mga sayaw ng mga T'boli
 
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptxANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA.pptx
 
Spring garden
Spring gardenSpring garden
Spring garden
 

More from Denzel Mathew Buenaventura (20)

Mga salitang magkaparehong baybay ngunit magkaiba ng kahulugan
Mga salitang magkaparehong baybay ngunit magkaiba ng kahuluganMga salitang magkaparehong baybay ngunit magkaiba ng kahulugan
Mga salitang magkaparehong baybay ngunit magkaiba ng kahulugan
 
Hekasi
HekasiHekasi
Hekasi
 
Simple sentence
Simple sentenceSimple sentence
Simple sentence
 
Tinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwaTinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwa
 
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwaPokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
Pokus ng pandiwa(2)
Pokus ng pandiwa(2)Pokus ng pandiwa(2)
Pokus ng pandiwa(2)
 
Pang abay
Pang abayPang abay
Pang abay
 
Uri ng Pang-abay
Uri ng Pang-abayUri ng Pang-abay
Uri ng Pang-abay
 
Aspeto ng pandiwa
Aspeto ng pandiwaAspeto ng pandiwa
Aspeto ng pandiwa
 
Paghalip panao
Paghalip panaoPaghalip panao
Paghalip panao
 
Panghalip
PanghalipPanghalip
Panghalip
 
Kaukulan ng pangngalan
Kaukulan ng pangngalanKaukulan ng pangngalan
Kaukulan ng pangngalan
 
Anyo o kayarian ng pangngalan
Anyo o kayarian ng pangngalanAnyo o kayarian ng pangngalan
Anyo o kayarian ng pangngalan
 
Gamit ng pangngalan
Gamit ng pangngalanGamit ng pangngalan
Gamit ng pangngalan
 
Kasarian ng pangngalan
Kasarian ng pangngalanKasarian ng pangngalan
Kasarian ng pangngalan
 
Uri ng pangngalan ayon sa katangian
Uri ng pangngalan ayon sa katangianUri ng pangngalan ayon sa katangian
Uri ng pangngalan ayon sa katangian
 
Uri ng pangngalan
Uri ng pangngalanUri ng pangngalan
Uri ng pangngalan
 
Group 3 uri ng pangungusap ayon sa kayarian o pagkakabuo
Group 3 uri ng pangungusap ayon sa kayarian o pagkakabuoGroup 3 uri ng pangungusap ayon sa kayarian o pagkakabuo
Group 3 uri ng pangungusap ayon sa kayarian o pagkakabuo
 

Recently uploaded

EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotOlinadLobatonAiMula
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanMedizaTheresseTagana1
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1AngelRgndlaa
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwentolyzaamper93
 
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhcharlyn050618
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdfjemarabermudeztaniza
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyojovienatividad1
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay pptpacnisjezreel
 
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10RonalynGatelaCajudo
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxLAWRENCEJEREMYBRIONE
 
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxJubilinAlbania
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxsagumjhenaicka
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxJOHNNYGALLA2
 

Recently uploaded (20)

EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cotEPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
EPP-5-1st-produkto-at-serbisyo (1).pptx for cot
 
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihanTula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
Tula at Maikling kuwento na kailangang nating maintindihan
 
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
Quarter 4 Week 1 Daily Lesson Log in ESP Grade 1
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
 
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
ESP-10-Q4-W5-6.pdfbhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyoNatatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
Natatalakay ang ibat ibang uri ng negosyo
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppttula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
tula: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ppt
 
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
SALIGANG BATAS 1987.pptx ARALING PANLIPUNAN 10
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
 
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
 

Festival sa Pilipinas

  • 1.
  • 3. PISTA NG ITIM NA NAZARENO Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade. Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes ATI-ATIHAN FESTIVAL Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. SINULOG FESTIVAL Alay ito sa Sto. Nino at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu upang magbigay ng pasasalamat at magdasal. At sa mga turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng Sinulog Festival.
  • 4. CARACOL FESTIVAL Ang Caracol Festival ay isa sa mga pinakamakulay na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng Lungsod Makati tuwing ikatlong linggo ng Enero ng taon. Ang pagdiriwang ay isang bersyon ng pagdiriwang ng Mardi Gras. Ilan sa mga highlight ng pagdiriwang ay ang iba't-ibang street dancing na may makukulay na 'costume na sinasalihan ng mga estudyante ng pampublikong paaralan ng Makati. Ang karaniwang tema ng mga presentasyon, magmula sa mga kasuotan at mga materyales na ginagamit, ay ang pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan. Iba't-ibang makukulay na kasuotan ang tampok sa pagdiriwang na nagpapakita ng elemento ng kapaligiran gaya ng bulaklak, bunga, mga puno, at mga hayop. BINIRAY FESTIVAL Ang Biniray Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-Romblon tuwing ikalawang linggo ng Enero ng taon bilang pagpupugay sa Señor Santo Niño na kahalintulad sa pagdiriwang ng Sinulog Festival ng Cebu. Sa isang banda, ito ay nagpapakita ng taimtim na pananampalataya ng mga taga-Romblon sa relihiyong Katoliko. Lubhang makulay at masaya ang pagdiriwang ng Biniray Festival kung saan tampok ang ibat-ibang presentasyon ng mga sayaw at awit. Isa sa mga inaabangan sa pagdiriwang ito ay ang tinatawag na flotilla of vessels na gumugunita sa pagtatangka ng mga Kastila na itakas ang imahe ng Santo Niño mula sa bayan ng Romblon. DINAGYANG FESTIVAL Ang Dinagyang Festival ay isang relihiyoso at kultural na pagdiriwang na ginaganap sa lungsod ng Iloilo tuwing ikatlong linggo ng Enero o pagkatapos ng Sinulog sa Cebu at Ati-Atihan sa Aklan. Ginagawa ito bilang pagdiriwang sa pista ng Santo Niño at para na rin sa pagdating ng mga Malay sa Panay na nagdala ng ita sa lugar. Simula ng ito ay gawing taunang selebrasyon, marami ang nakapansin sa pagdiriwang at nabigyan ito ng National Commission for the Culture and the Arts ng karangalan bilang Festival of Excellent Folk Choreography.
  • 5. PHILIPPINE INTERNATIONAL HOT AIR BALLOON FIESTA Ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta ay isang taunang selebrasyon na ginaganap tuwing Pebrero sa Omni Aviation Complex, sa Clark Field, Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Ang fiesta ay nagpapamalas ng pagpapalipad ng makukulay na mga hot air balloons na mula sa iba't ibang bansa. Nagsimula ang Philippine International Hot Air Balloon Fiesta noong taong 1994. Kabilang sa pagdiriwang ang mga aktibidad tulad ng skydivign, flag jump, microlight at rocket demonstrations, plane fly-bys at fly-ins, pagpapamalas ng paglipad ng mga eroplano at helikopter na de-baterya, aerobatics, precision maneuvers, light airplane balloon bursting, ultra-light flying formation at bomb droping, paggawa at pagpapalipad ng saranggola, high-start launch gliding, pylong racing, banner towing, aero-modeling symposium, at karera ng motorsiklo. CANDELARIA FESTIVAL Ang Candelaria Fesitval ay isa sa pinakamalalaking kapistahan sa Iloilo bilang pasasalamat sa patrong Birheng Maria ng Candelaria. Ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang araw ng Pebrero sa bayan ng Jaro, Iloilo. Dumarayo ang mga tao mula sa Kanlurang Visayas sa Iloilo para masaksihan ang mga sabong, eksibit ng industriya ng Jaro, karnabal, konsyerto, paligsahan at iba pa. Nagkakaroon din ng parada at inaabangan ang engrandeng prusisyon. Naniniwala ang mga tao na naipakikita rito sa pistang ito ang simbolo ng kaunlaran at pagmamahal ng mga tao sa mga pista at pagdiriwang. Sa huli ay inaabangan din ang paghirang sa mapipiling Jaro Fiesta Queen ng taon. PAMULINAWEN Ang Pamulinawen ay isang awitin ng mga Ilokano. Sinasabing ito ang pangalan ng babaeng inaawitan ng lalaki sa kanyang panghaharana. Tuwing unang Linggo ng Pebrero, ginaganap ang Pamulinawen Festival sa Lungsod Laoag, kasabay ng pagdiriwang ng pista ng patron ng bayan na si Saint William the Hermit.
  • 6. PISTA NG PANAGBENGA Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa. SUMAN FESTIVAL Ang Suman Festival ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-14 hanggang ika- 19 ng Pebrero, sa bayan ng Baler sa Aurora. Itinuturing itong pinakamalaking kasiyahan sa lalawigan, kung saan ipinaparada ang iba't ibang mga karosa na nilagyan ng palamuti na naaayon sa pagdiriwang. BABAYLAN FESTIVAL Ang Babaylan Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-Negros Occidental tuwing ika-19 ng Pebrero ng taon. Mula sa kasaysayanng Negros, itinuturing ang mga Babaylan bilang isa sa mga pinakamakasaysayang pigura sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Ang mga babaylan ay kinabibilangan ng iba't-ibang tao sa lipunan gaya ng doktor, albularyo, pintor, tagapayo, magsasaka at iba pa na nagtatampok sa isang mataas na responsibilidad at ito ay pinaniniwalaang tagapag- ingat ng mga ritwal at espiritu sa mundo. Mula dito ay ibinatay ang pagdiriwang ng Babaylan Festival.
  • 7. GULING-GULING FESTIVAL Ang Guling-Guling Festival ay isa sa mga tampok na pagdiriwang sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang sa Paoay, Ilocos Norte tuwing Martes, ang araw bago sumapit ang Miyerkoles ng Abo. Ang guling ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay “markahan” o “pahiran.” Ito ay sumisimbolo sa masaganang pagdiriwang ng mga Ilokano bago sumapit ang Mahal na Araw. BANGKERO FESTIVAL Ang Pagsanjan Bangkero Festival ay ginaganap tuwing buwan ng Marso. Ito ay inspirasyon sa pamamagitan ng nakatuon sa lahat bangkeros (boatmen) sa Pagsanjan at sa karangalan ng patrona ng bayan, Ang Lady ng Guadalupe. Ang mga boatmen magsilbing tour guides sa mga kasanayan at kagalingan ng kamay nagpakita sa maneuvering ang bangka pasalunga sa agos at laban sa malakas na alon ng tubig hanggang sa maabot ang dulaan ng Pagsanjan falls. Limang-araw na Festival ay may iba't ibang mga gawain tulad ng mga tradisyonal na bangka lahi o regata, fluvial at lupa parada sa street dancing, drum at lyre competition at iba pang mga sports mga kaganapan. May mga pangkulturang pagtatanghal at ang taunang paghahanap para sa "Ginoong Bangkero" at ang "Lakan sa Binibining Pagsanjan" din. PISTA NG SAGING Ang Pista ng Saging ay ginaganap tuwing ika-18 hanggang ika-19 ng Marso sa Baco, Oriental Mindoro upang ipagdiwang ang kasaganahan ng ani ng saging. Itinatanghal dito ang iba't ibang uri ng saging tulad ng Señorita, Latundan, Lacatan at Saba. Kasabay din ng selebrasyon na ito ang kapistahan ng patrong si San Jose. Tampok sa pagdiriwang na ito ang isang paligsahan sa pagluto ng mga putaheng may sangkap na saging. Mayroon ring pagsasayaw sa mga kalsada kung saan ang suot ng mga kalahok ay gawa sa mga materyales na nagmula sa saging. Nagkakaroon rin ng beauty pageant.
  • 8. KALILANGAN FESTIVAL Ang Kalilangan Festival ay isa sa mga pagdiriwang sa Pilipinas na dinadayo ng maraming turista taun- taon ito ay ipinagdiriwang ng mga taga-General Santos sa Timog Cotabato. Ipinapakita dito ang mayamang kultura ng nasabing lungsod. Ang Kalilangan ay nagmula sa salitang kalilang na mula sa dialekto ng mga taga-Maguindanao. Ito ay nangangahulugang “pagdiriwang,” “kapistahan” o “kasiyahan.” Ilan sa mga espesyal na aspesto ng pagdiriwang ay ang paggamit ng pare-pareho at makukulay na kasuotang kahawig ng tinalak ng mga T'boli. RODEO MASBATEÑO Ang Rodeo Masbateño Festival ay taunang pagdiriwang sa Lungsod Masbate kung saan ipinakikita ang husay sa paghawak sa mga alagang baka gaya ng paghuli at pagsakay sa mga ito. Kasabay nito ang trade fair at pagtatampok at pagbenta ng mga baka at kabayo. Ginawa ito noong tag-init ng 1993 sa lalawigan ng Masbate na tinaguriang “Cattle Country of the Philippines.” Pinaka inaabangan naman ang kumpetisyon ng rodeo kung saan nagsusuot ang mga kababaihan at kalalakihan ng damit ng cowboy at nanghuhuli ng mga baka habang nakasakay sila sa kabayo o nasa lupa; ang pakikipagbuno sa baka; pagsakay sa baka; ang karambola ng dalawang tao; at iba pang gawaing may kinalaman sa pagmamando sa mga alagang baka. ARAW NG DABAW Ang Araw ng Dabaw ay isang taunang selebrasyon sa Davao bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap ng siyudad. Kalimitang nagsisimula ang pagdiriwang tuwing ika-labing anim ng Marso at tumatagal ng isang linggo. Noong ika- labing-anim ng Marso taong 1936 naghain si Davao Assemblyman Romualdo Quimpo ng batas para malikha ang Davao bilang siyudad sa takot na baka sakupin ito ng mga Hapon. Ngayong taon, pampitumpu’t pitong taon nang ipinagdiriwang ang Araw ng Dabaw. Ang pagkakaisa raw ng mga Dabawenyo ang dahilan kung bakit maunlad ang ekonomiya ng siyudad at kung bakit kilala ito bilang lugar sa Pilipinas na may mayamang kultura, maraming pasyalan at may sari-saring masasarap na pagkain. Idineklara ng Malacañang ang Marso 17, 2014, Lunes bilang isang holiday para sa pagdiriwang ng Araw ng Dabaw. Sa bisa ng Malacañang Proclamation bilang 735, naisakatuparan ito upang bigyang pagkakataon ang maraming Dabawenyo na maipagdiwang ang kanilang pista.
  • 9. PAGPAPAPAKO SA KRUS SA CUTUD Sa paggunita ng Semana Santa, dinadagsa ang San Pedro Cutud sa San Fernando, Pampanga upang masaksihan ang kanilang kontrobersyal na pagsasadula ng pasyon at kamatayan ni Kristo. Kasama na rito ang pagsasadula ng pagpapako sa krus. Sa halos 54 na taong tradisyon nang pagpapapako ng mga tinaguriang 'Kristo' ng Cutud, ito ay dinarayo na ng mga turista at lumikha na ng ingay sa telebisyon, mga pahayagan at pati na rin sa Simbahang Katolika. Ang mga karatig na barangay ng Cutud tulad ng Brgy. Sta Lucia and Brgy. San Juan ay may sarili ring programa sa tuwing sasapit ang Semana Santa. SANDUGUAN FESTIVAL Ang Sanduguan Festival o Pista ng Sanduguan ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-apat na linggo ng Abril sa isla ng Mindoro. Ipinagdiriwang ito bilang paggunita sa unang barter sa pagitan ng mga Mangyan at mga mangangalakal na Tsino noong unang panahon. Pangunahing atraksyon dito ang Indakan sa Sanduguan, isang kumpetisyon sa pagsasayaw sa lansangan habang nakasuot ng makukulay na kasuotan na gawa sa mga produktong matatagpuan sa lugar. Nagmula ang sanduguan sa salitang sandugo na nangangahulugang “pagkakaibigan”. Tinutukoy din ng salitang sanduguan ang kasunduan sa pagitan ng mga katutubong Pilipino sa Mindoro at mga mangangalakal na Tsino. KADAUGAN SA MACTAN Ang Kadaugan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong Abril 27, 1521. Natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na si Fernando de Magallanes. Napatay ng mga tribung sundalo si Magallenes, na nagkaroon ng alitang pulitikal at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu.
  • 10. PISTA NG TSINELAS Malaki ang kahalagahang ibinibigay ng Pilipinas sa paggamit ng tsinelas at dahil dito, may dalawang bayan sa bansa ang ipinagdiriwang ang Tsinelas Festival kung saan ipinagmamalaki sa publiko ang pagsulong ng industriya ng tsinelas sa kanilang bayan: Liliw, Laguna: Ang Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival ay ipinangalan sa nagtatag ng lungsod na si Gat Tayaw. Ang pinakaunang selebrasyon ng kapistahan ay idinaos noong Abril 5-7, 2002 upang isulong ang lokal na turismo. Lungsod Gapan, Nueva Ecija: Ang Tsinelas Festival sa Lungsod Gapan ay idinaraos tuwing Agosto 6 hanggang 25. Ang labingpitong araw na selebrasyon na ito ay pagbibigay halaga sa industriya ng tsinelas na nagdudulot ng 500 hanggang 600 milyong piso bawat taon. ARAW NG KAGITINGAN Ang Araw ng Kagitingan, na ipinagdiriwang tuwing 9 ng Abril, ay isang taunang pista opisyal sa Pilipinas na gumugunita sa katapangan at katatagang ipinakita ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na nakipaglaban sa Imperyong Hapon sa kasagsaganng Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Ito din ay kilala bilang Araw ng Bataan at Corregidor. PISTA NG MORIONES Ang Pista ng Moriones ay isa sa makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan “maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino. Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
  • 11. PISTA NG MAGAYON Ang Pista ng Magayon ay isang pagdiriwang na ginaganap taon-taon tuwing Mayo bilang isang pagaala-ala sa Alamat ng Bulkang Mayon. Ang pistang ito ay nagmula sa pangalang magayon na ang ibig sabihin ay maganda sa tagalog. Ang selebrasyong ding ito ay bilang pagbibigay parangal kay Nuestra Señora de la Porteria, ang patron ng Daraga. It ay isang maalamat, makasaysayan at ralihiyosong pagdiriwang na naglalayong buhayin and kultura ng mga mamamayan ng Daraga, Albay. FLORES DE MAYO Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang kalinisan at kabutihan. Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalaang nagsimula noong 1854 nang ang Vatican ay nag- proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas, at Pampanga. PISTA NG BINATBATAN Ang Pista ng Binatbatan ay ang pinakatampok na programa sa taunang Pista ng Sining ng Vigan o Viva Vigan Festival of Arts. Lahat ng tao, mapa-residente man o turista ay nakikilahok sa pagsayaw. Ang mga kasapi ay gumagamit din ng makukulay na mga kasuotan at Abel at maging mga patpat ng kawayan sa pagsasayaw. Isa ang Pista ng Binatbatan sa mga dahilan kung bakit dinarayo ng maraming lokal at banyagang turista ang Vigan sa Ilocos Sur. Daan-daang residente at turista ang nagkukumpulan sa kalye ng Crisologo na puno ng mga ansestral na tahanan upang masilayan ang iba't ibang tampok na programa ng nasabing pista. Isang linggong puno ng kasiyahan at pagdiriwang ang Pista ng Binatbatan kasabay ng ibang pagdiriwang tulad ng Pista ng Longanisa na kung saan sikat rin ang Ilocos at ang Amazing Heritage Race.
  • 12. PISTA NG PAHIYAS Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan. PISTA NG KALABAW Ang Pista ng Kalabaw ay ipinagdiriwang tuwing 15-16 ng Mayo, kasabay sa araw ng paggunita ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw, ang pambansang hayop na Pilipinas at ang mga nagagawa nitong malaking tulong sa sakahan ng Angono, Rizal; San Isidro, Nueva Ecija at sa Pulilan, Bulacan. RITUWAL NG OBANDO Ang Rituwal ng Pertilidad ng Obando ay ang tatlong araw na pista na nagbibigay parangal sa tatlong santo ng Obando, Bulakan: Mayo 17 para kay San Pascual de Baylon, mayo 18 para kay Santa Clara at Mayo 19 para kay Nuestra Senora de Salambao. Ang selebrasyong ito ay kilala din bilang Pista ng Kasilonawan. Ang pagdiriwang na ito ay dinarayo ng libu-libong deboto at banyagang turista upang mag-obserba at ang iba naman ay upang makilahok. Ang mga tao mula sa iba't-ibang panig ng mundo ay dumadayo sa Obando sa kagustuhang mabuntis at magka- anak at makilala ang makakapareha sa buhay.
  • 13. ARAW NG KALAYAAN Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898. Isa itong Pambansang Araw ng pagdiriwang sa Pilipinas. TAONG PUTIK FESTIVAL Ang Taong Putik Festival ay isang taunang pista ginaganap tuwing Hunyo sa Bibiclat, Nueva Ecija kung saan ang mga deboto ay magbabad ang kanilang sarili sa putik at masakop ang kanilang mga katawan na may pinatuyong dahon ng saging upang ipagdiwang ang kapistahan ng Saint John the Baptist. Ang patong ng putik at mga dahon ay isang gawa ng kapakumbabaan at pangungumpisal. Ayon sa ilang mga matatanda sa bayan, ang pagdiriwang na ito ay isang pagtulad ng papel ng propeta na ang buhay ni Jesucristo, kung saan siya ay upang itago ang kanyang sarili para ma-binyagan ang Anak ng Diyos. PARADA NG LECHON Ang Parada ng mga Lechon ay itinatanghal tuwing ika-24 ng Hunyo, taon-taon, sa Balayan, Batangas. Ang parada ay upang ipagdiwang ang pista ni San Juan Bautista, ang patron ng mga taga-Balayan, sa pamamagitan ng pagbibihis sa mga lechong baboy at pagpaparada nito sa buong bayan.Ang pagbibihis sa lechon ay babatay sa temang paghahandaan ng bawat organisasyon, baranggay na makikilahok sa pagdiriwang. Sa gabi bago ang parada, pinipili at pinaparangalan ang magwawaging binihisang lechon at tataguriang 'lechon queen'. Sa mismong araw naman ng bago ang parada'y isang misa ang isasagawa sa Simbahan ng Immaculada Concepcion.
  • 14. PISTA SA KALIGUAN Ang Pista sa Kaliguan ay ginaganap upang gunitain si San Juan Bautista tuwing ika-22 hanggang ika-24 ng Hunyo. Kilala ang pista para sa patimpalak upang makoronahan ang Perlas ng Kaliguan. Ang Pista ng Kaliguan ay ginaganap sa dalampasigan at dahil dito ay maraming mga kasiyahan gaya ng pagsasayaw sa buhangin at kung anu- ano pang mga mapagkakaabalahan. PISTA NG PINTADOS Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang "Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga- Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili. ARAW NG MAYNILA Ang Araw ng Maynila ay ipinagdiriwang tuwing ika-24 ng Hunyo upang gunitain ang proklamasyon sa siyudad noong 1571 bilang kabisera ng kolonya ng Espanya sa Pilipinas.
  • 15. KINABAYO FESTIVAL AngKinabayo Festival na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 25 sa Dapitan City Zamboanga del Norte Pilipinas ipagdiwang ang isang mahiwaga at makulay na pageant muling nakakabisa ang Spanish-Moorish wars, higit sa lahat ang Labanan ng Covadonga kung saan ang Espanyol pwersa sa ilalim ng Pangkalahatang Pelagio kinuha ang kanilang huling stand laban Saracan. Sila ay mag-agawupang ibagsak ang tide sa pamamagitan ng mapaghimala espiritu ng St. James. Ang pagdagdag ng mga lokal na kulay at pagkamakabago ay ginawa na ito taunang pagdiriwang ng isang popular na-akit na pinagsasama-libo ng mga tourists sa Dapitan City. PAGODA FESTIVAL Ang Pista ng Pagoda ay isang tradisyunal na pagdiriwang na ginagawa sa bayan ng Bocaue sa Bulacan bilang pasasalamat sa patron nito na si San Francisco ng Assisi. Ipinagdiriwang ito tuwing unang Linggo ng Hulyo. Tinawag itong Pagoda Festival dahil sa ipinuprusisyon ng isang malaking pagoda o balsa kung saan nakasakay ang mga deboto ng santo. Naglalakbay ang balsa sa ilog ng Wawa. Nakikiganyak na sumama ang mga deboto sa pagoda sa paniniwalang magiging mas maayos ang kanilang mga buhay at magigigng swerte sila sa kabuuan ng taon. Kaya nga ba't ito ay tinuring na isang panata. BANIG FESTIVAL Ang Pista ng Banig ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa Badian, Cebu tuwing ika-5 ng Hulyo. Tampok sa pagdiriwang ang kultura, tradisyon at produkto ng mga Cebuanong Badianganon
  • 16. ARAW NG PASIG Ang Araw ng Pasig ay ipinagdiriwang tuwing ika-2 ng Hunyo upang gunitain ang mga pangyayaring nagpabago sa kasaysayanng Lungsod ng Pasig. Itinuturing na pista-opisyal ang araw na ito at karaniwang walang pasok sa lahat ng pampubliko at pampribadong sektor na nasasakupan ng lungsod. SINULOG DE TANJAY FESTIVAL Ang Sinulog de Tanjay Festival o "Saulog de Tanjay" ay ginaganap tuwing Hulyo 24, ang araw bago fiesta ng lungsod. Bago, ito ay kilala bilang "Sinulog" ngunit napalitan ng pangalan sa "Saulog" upang makilala ito mula sa Sinulog ng Cebu. Ang mga damit sinusuot sa parada ay pagpapakita ng katutubong kasuotan, habang ang horsefighting pagtatanghal re-enacts ang labanan sa pagitan ng mga Espanyol at ang mga Muslim. Ang lokal ng Tanjay ay binyagan ng mga Espanyol friars sa pangalan ng Saint James ang Greater nang sila'y magsidating sa silangang baybayin ng Negros para sa isang relihiyosong paglalakbay-dagat. T’NALAK FESTIVAL Ang Pista ng Tinalak o T'nalak ay ang araw kung saan ipinagdiriwang ang pagkakatatag ng Timog Cotabato. Ang pista ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo sa Lungsod ng Koronadal na siyang sentro ng lalawigan.
  • 17. PALU-PALO FESTIVAL Ang Palu-palo festival ay itinampok sa bayan ng Basco ito ay ginaganap taung tuwing Agosto 08. Ito ay isang kultural na pagtatanghal ng mga munisipalidad ng Basco, Batanes, pagpapakita ng kanilang mga etniko group 'ay masungit pa makasaysayan iral. Palu-palo nangangahulugan sticks o arnis na ginamit sa pamamagitan ng mga katutubong Ivatan upang labanan ang mga puwersa ng mga kolonisador tulad ng mga Kastila at ang mga Olandes. Ang natives magsuot ng tradisyonal na suot ay gawa sa katutubong materyales mula sa balat ng puno na kung saan ay pipi. DINAGAT FESTIVAL Ang Dinagat Festival sa Cordova ay isang karaniwang pagdiriwang ginaganap taun- taon tuwing buwan ng Agosto sa iskaparate ang kabuhayan at pangingisda kultura ng munisipalidad na ito. Dinagat ay bantog na may relihiyosong samahan sa paniniwala sa panahon ng kapistahan ng patron ng bayan - San Roque. BUWAN NG WIKA Ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyon na ginagawa sa Pilipinas tuwing buwan ng Agosto. Ito ay buong buwang pagdiriwang para sa kahalagahan ng opisyal na lenggwahe ng bansa, ang Filipino (na dating tinatawag na “Tagalog”). Noong una, ito ay ginaganap lamang sa loob ng isang linggo o tinatawag na “Linggo ng Wika” na ipinagdiriwang simula Agosto 13 hanggang Agosto 19. Ito ay pinalawig ng dating pangulo na si Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 na nagkaroon ng bisa noong Enero 15, 1997.
  • 18. KADAYAWAN SA DABAW Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao. Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte. ARAW NG MGA PAMBANSANG BAYANI Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Pambansang Bayani tuwing huling linggo ng Agosto bilang pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t ibang personalidad na lumaban at nagtanggol para sa kalayaan ng Pilipinas. Kabilang na rito ang mga pangalang nakalimutan na sa kasaysayan. BATTLE OF PINAGLABANAN Sa pook na ito naganap ang makasaysayang labanan ng mga Pilipino at Kastila noong 30 Agosto 1896. Dito unang sumalakay ang mga Katipunero sa pamumuno ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Sa labanang ito na kinasawian ng 153 Katipunero, ipinakilala ng mga Pilipino na handa silang mag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa kalayaan ng Inang Bayan.
  • 19. PEÑAFRANCIA FESTIVAL Nagsisimula ang pagdiriwang ng Peñafrancia Festival tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre sa lalawigan ng Naga, Bikol. Ang festival ay ang pinakamalaking pista ng Marian sa buong bansa. Tinagurian din itong isa sa mga nangungunang festival ng pinagsamang relihiyon, kultura at tradisyon sa siyam na araw na pagdiriwang. Kasama sa selebrasyong ito ang mga parada, iba't ibang isports, trade fairs at pagtatanghal, karera ng mga bangka, tanghalang pangkultura, timpalak pangkagandahan, at iba pang mga nakakasiglang kumpetisyon. HINUGYAW FESTIVAL Ang Hinugyaw Festival ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Lungsod Koronadal bilang pagdiriwang ng pagkakatatag ng kanilang lungsod na noo'y Marbel Settlement District noong 1940. Nagkakaroon ng parada, pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, palaro, paligsahan, at kung anu-ano pang gawaing nagpapakita ng mga tradisyon at kultura ng Koronadal. SARAKIKI-HADANG FESTIVAL Calbayog City sa Western Samar nagdiriwang Sarakiki-Hadang Festival tuwing Setyembre 7. Ang pagdiriwang na ito ay kumakatawan sa mayamang kultura at etniko kasaysayan ng bayan. "Sarakiki" ay isang lokal na termino sa Calbayog na naglalarawan ng iba't ibang mga paggalaw ng isang tandang bilang ito sumusubok upang akitin ang pansin at gayumahin ang isang inahing manok sa panahon panliligaw.
  • 20. TUNA FESTIVAL Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan ng industriya ng tuna sa General Santos, ay ipinagdiriwang ang Tuna Festival tuwing buwan ng Setyembre. Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain at aktibidades ay naipapakita ang pangunahing pinagmumulan ng pinagkakakitaan mula sa tuna ng mga residente ng naturang lugar. PARADA NG KAKANIN / FESTIVAL OF NUESTRA SENORA DE ARANZAZU Ang Parada ng Kakanin ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-9 ng Setyembre sa Lungsod ng San Mateo, Rizal. Ipinaparada nila ang kanilang ginawang kakanin at ipinamimigay sa mga tao at mayroon din upang ialay sa kanilang Nuestra. Ito ay pinamamahalaan ng simbahan sa tulong ng mayor, lokal na pamahalaan, at kapulungan ng turismo. Ngayon taong 2009, ipagdiriwang ng San Mateo ang ika-305 taon ng Parada ng Kakanin. BURDANG LUMBAN FESTIVAL Ang Burdang Lumban Festival o kilala rin bilang Burdang Festival ng Lumban, Laguna ay ipinagdiriwang tuwing ika-21 ng Setyembre taun- taon upang ipagmalaki ang pangunahing industriya ng Lumban. Pagbuburda ang kanilang kahusayan gamit ang maselang tela ng pinya at husi. Isa rin itong selebrasyon bilang pagpupugay sa sinaunang sining ng pagbuburda maging ang kagalingan at pagiging malikhain ng naturang mga residente.
  • 21. LA NAVAL FESTIVAL Ang La Naval Festival ay isang selebrasyon na ginaganap tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre sa simbahan ng Sto. Domingo sa Quezon City. Ang pagdiriwang na ito ay nakasentro sa imahen ng Mahal na Birheng Maria ng La Naval, na nililok noong 1593. Ang imahen ay ibinigay bilang isang regalo sa mga paring Dominikano noong panahong iyon. Pinalamutian ito at inilagay sa isang karwaheng kahugis ng barko. Tuwing kapistahan, ipinaparada ang imahen sa labas ng simbahan, kasunod ang ilang imahen ng mga santong Dominikano. Umiikot ang prusisyon sa mga kalyeng pumapalibot sa simbahan ng Sto. Domingo. Ibabalik naman ang imahen sa simbahan at ilalatag itong muli sa altar sa gitna ng palakpakan ng mga dumadalo. LANZONES FESTIVAL Ang Lanzones Festival ay isang taunang selebrasyon ng pasasalamat dahil sa masaganang ani sa Isla ng Camiguin. Ang bayan ng Mambajao ang nagdiriwang nito tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, sa panahon nang pag-ani sa prutas na lanzones. INASAL/HALAD FESTIVAL Isang pagdiriwang ng Talisay, Cebu City patrona 'Sta. Teresa de Avila. Ito ay naglalayong upang itaguyod ang lungsod bilang isang tourist spot. Ito ay iskaparate mga gawain tulad ng sports fest, street dancing, parada ng mga dakilang higantes, na nagtatampok ng mga sikat na "Inasal" o lechon. Talisay ay pinakamahusay sa inihaw na baboy - golden brown, crispy balat, masarap na karne pinalamanan mula herbs. Ang mga tao ng Talisay ipagdiwang ang kapistahan bilang pasasalamat sa blessing na natanggap. Ito ay isang maligaya ambiance pagkain sa paligid ng sulok na may tulad na mga masasarap na pagkain tulad ng lechon at Inasal.
  • 22. LA HERMOSA FESTIVAL Ang Zamboanga La Hermosa o Fiesta Pilar ay isa sa mga pistang ipinagdiriwang sa Zamboanga bilang pagbibigay-pugay sa milagrosong imahen ng Ating Babae ng Pilar sa Fort Pila. Naniniwala ang mga taga- Zamboanga na naging simbolong kultural ang imahen sa pagkakaisa ng mga tao sa kanilang lugar. Nagsisimula sa 1 hanggang 12 ng Oktubre ang fiesta, kung saan isinasagawa ang novena, paputok, parada, kultural na pagtatanghal, regatta, at ang parada ng Miss Zamboanga. MASSKARA FESTIVAL Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Kilala ito bilang isa sa pinakamakulay na pagdiriwang sa buong Pilipinas. Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang pagdiriwang. KIDAPAWAN FRUIT FESTIVAL Kilala ang Kidapawan sa tawag na City of Fruits at ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto ang Timpupo Festival o piyesta ng mga prutas. Nagsisimula ang pagdiriwang sa isang Fruit Float Parade, isa sa mga pinananabikan at inaabangang bahagi ng selebrasyon. Libu- libong tao ang nagtutungo sa ipinagmamalaking kapital ng lalawigan ng Cotabato upang saksihan ang naturang kasayahan at makilahok sa pagdiriwang ng masaganang ani ng prutas sa lungsod ng Kidapawan.
  • 23. PINTAFLORES FESTIVAL Ang Pintaflores Festival ay isang pagdiriwang na idinaraos taun-taon sa lungsod ng San Carlos sa Negros Occidental tuwing ika-5 ng Nobyembre. Ginawa ito upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang lugar sa larangan ng mga pagdiriwang at kasiyahan. Ipinagdiriwang ang Pintaflores bilang paggunita at pagpaparangal kay San Carlos Borromeo, ang patron ng lungsod. Idinaraos ng mga taga-San Carlos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagpaparada sa mga pangunahing kalsada ng lungsod na nakasuot ng makukulay na pananamit na pinalamutian ng iba't ibang disenyo ng bulaklak. HIGANTES FESTIVAL Ang Higantes Festival na kilala rin sa tawag na Pista ni San Clemente ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono, Rizal. Ito ang pinakamalaking pagdiriwang para kay San Clemente, patron ng mga mangingisda. Ang imahen ng santo ay binibitbit ng mga lalaking deboto habang nagpuprusisyon kasabay ang mga “pahadores”, (mga deboto na nakadamit ng makukulay na kasuotan o ng kasuotan ng mga mangingisda, sapatos na yari sa kahoy at may bitbit na sagwan, lambat at iba pang gamit sa pangingisda) at mga “higantes” (mga higanteng gawa sa papel na may taas na umaabot sa sampu hanggang labindalawang talampakan.) Nagtatapos ang pagdiriwang sa isang prusisyon patungong Laguna de Bay hanggang maibalik ang imahen ng santo sa parokya.
  • 24. GIANT LANTERN FESTIVAL Ang Giant Lantern Festival ay ang taunang selebrasyon sa pagdi-displey ng mga mala-higante at makukulay na mga parol kung saan ipinagmamalaki dito ang abilidad at husay ng mga manggagawa ng parol sa bayan ng Pampanga. Ito ay isinasagawa sa Lungsod San Fernando, Pampanga, kilala bilang Christmas Capital of the Philippines. Sa kasalukuyang taon, ang "Ligligan Parul 2008", maaasahan ng mga bisita ang pagpapalabas ng mga parol na may laki ng hanggang 15 metro ang taas, gamit ang 16,000 bumbilya, ang sayaw ng mga makukulay na ilaw, kasabay sa indayog ng mga Pamaskong awitin. Ang mga barangay na kasali sa pagdiriwang na ito ay ang San Jose, Dolores, Sat. Lucia, Sto. Rosario, Sto. Nino San Felipe, San Juan, San Nicolas at San Felipe. MAYTINIS FESTIVAL Isang orihinal na tradisyon sa Kawit, isang dramatic retelling ni Santa Mariang Birhen at paghahanap ni Jose sa bethlehem para sa isang lugar upang manatili na tinatawag na "Panunuluyan". reenactment Nangyayari ito sa mga kalye ng Kawit na may iba't ibang floats depicting iba't ibang bibliya eksena mula kay Adan at Eba hanggang sa Mary at Joseph. Ang "Panunuluyan" tumatagal sa lugar ng ilang mga bahay at tapos na sa pag-awit hanggang umabot sa 300 taon ang St. Mary Magdalene Church of Kawit kung saan ang Birheng Maria at Joseph ay tinatanggap sa pamamagitan ng mga anghel sa isang higanteng "belen" (Nativity Scene) na kung saan ay sumasaklaw sa buong retablo o Altar ng simbahan. Ang mga kanta ginanap sa pamamagitan ng mga anghel kumilos sa pamamagitan ng maliit na batang babae ay halos sa Espanyol at Tagalog.