Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Domingo, Dennimar O. 
2nd year/BSBA-Marketing Management 
Philosophy of Man/MWF 8:00-9:00 
Professor Noel Ybañez 
What is ...
Domingo, Dennimar O. 
2nd year/BSBA-Marketing Management 
Philosophy of Man/MWF 8:00-9:00 
Professor Noel Ybañez 
How woul...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

What is the point of having a good life if everything will end to death? How would you like your death to be remembered?

534 views

Published on

Philosophy of Man
Prof Noel Ibañez

Published in: Education
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

What is the point of having a good life if everything will end to death? How would you like your death to be remembered?

  1. 1. Domingo, Dennimar O. 2nd year/BSBA-Marketing Management Philosophy of Man/MWF 8:00-9:00 Professor Noel Ybañez What is the point of having a good life if everything will end to death? Mula sa aking opinion, alam naman nating lahat tayo’y di magtatagal sa mundong ating ginagalawan, at alam nating lahat na tayo’y may hangganan sa mundong ito. Ipinahiram ng Diyos ang buhay na kung ano ang meron tayo ngayon. Ipinahiram niya sa atin ito di lamang maglibang at magpakasaya sa mga makamundong bagay, ito ay dahil para maibalik ang papuri sa kanyang trono at gumawa ng mga makabuluhang bagay dito sa mundong ito. Sa usaping kamatayan o katapusan ng ating buhay, di makakaila na maraming umiiwas at tila ayaw pag-usapan ang mga bagay na ito. Marami ang takot mamatay, at isa na ako sa mga taong iyon. Bakit nga ba marami ang natatakot o kaya’y harapin ang kamatayan? Ito ay dahil na sa mga gawain nating di pa natatapos o kaya naman’y may hindi pa nakakamit na diploma o anu pa mang bagay na gusto nating makamit sa ating buhay. Ang ating buhay ay paikot-ikot lamang. Kalimita’y nasa masaganang buhay at makaraan ang ilang segundo o buwan ay naghihirap na. Ang kailangan lang naman nating gawin ay magsaya at wag sayangin ang bawat sandali ng ating buhay habang tayo ay humihinga pa. Ngunit, naisip rin ba natin kung anong saysay ng mga ginagawa natin kung tayo rin ay mamatay? Hindi naman natin madadala ang ginto o ano mang makamundong bagay sa hukay. Wala pang tao ang nakapagsabi kung kalian ang eksaktong lugar, oras at kung paano tayo mamatay. Di mo maasahan kung kailan babalik ang espirito ng kamatayan, ito ay nasa paligid lamang. Ano nga ba ang punto natin kung bakit tayo nagpapakahirap na mag-aral, magtrabaho at nagpapakayaman dito sa mundong ito? Sa aking palagay, ay dahil na rin sa pagkakaroon ng saysay o importansya natin dito sa mundong ibabaw. Paano nga ba natin masasabi na ito ay isang “magandang buhay”? Ang isang magandang buhay ay hindi lamang tungkol sa mga nailimbag natin sa buhay. Ito rin ay yung mga panahong ibinuhos natin sa pagpapahalaga ng ibang tao na kung minsan ay naibabalik din sa atin. Ang mga samahang kasama ang mga kaibigan, ang mga di maawat na harutan ay kabilang din sa magandang buhay. Kung paano ka kumilos at gumalaw na gamit ang iyong oras dito sa mundo. Para sa akin, ayoko pang mamatay dahil sa mura kong edad marami pa akong mapupuntahan at matutunan. Di natin alam sa makalawa isa sa ating kaibigan ang siyang magiging president o kaya nama’y Obispo. Malay natin, sa henerasyon natin manggagaling ang mga iba’t ibang teknolohiyang magagawa na siyang makakapagpataas ng ating ekonomiya. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat. Kahit mismo ang bilang ng putting buhok mo sa iyong ulo ay alam niya. Wala pang makapagsasabi sa tunay na kahihinatnan ng tao pagkatapos ng kamatayan, sapagkat wala pang nilalang na namatay at muling nabuhay, upang ikwento ang kanyang karanasan maliban sa pinagdaanan ng bugtong na anak ng Diyos. Ngunit marami na tayong narinig na kuwento ng mga taong pinaglabanan ang kamatayan, tulad ng mga nakaligtas sa mga nakakamatay na sakit. Ayon sa kanilang mga kuwento, mahirap ang mabuhay na alam mo namang mamatay ka sapagkat mahirap ang magpaalam sa iyong mahal. Kung may isang bagay na matututunan ang tao sa mga karanasan ng mga nakaligtas na ito, ito ay ang kagandahan ng buhay na kailangan nating pahalagahan kahit alam nating hahantong din tayo sa kamatayan. Mahirap isipin na sa pagsisikap ng tao na mamuhay, sa kamatayan ang magwawakas. Ngunit hindi dapat isipin ang wakas. Marami sa mga tao ang hindi handa sa kamatayan sapagkat kailangan nila munang matapos o makamit ang kanilang mga pangarap. Hindi alam ng tao kung kailan siya tatawagin ng kamatayan kung kaya dapat niyang tahakin ang landas ng buhay ng hindi sinisira ito. Dapat niyang sikaping ipadama ang kabuaan ng kanyang nararamdaman, at dapat sikapin niyang lagyan ng saysay ang kanyang hiram na buhay, sapagkat minsan lamang siyang dadaan sa landas na ito. Nakakatakot isiping sa dulo ng paglalakbay ng tao, mamatay siya at sa malamig na lupa ang hantungan. Kaya dapat niyang bigyang halaga ang kaniyang buhay, sapagkat ni ginto ay hindi kayang buhayin ang kamatayan ng isang sakim at makasalanang buhay.
  2. 2. Domingo, Dennimar O. 2nd year/BSBA-Marketing Management Philosophy of Man/MWF 8:00-9:00 Professor Noel Ybañez How would you like your death to be remembered? Isa sa mga pinakamapait at masaklap na bagay na mararanasan ng tao ay ang namatayan ng isang mahal niya sa buhay. Biro mo, pagkatapos mong makita ang ganda ng ating mundo ay bigla na lang mawawala sa dilim ng kawalan. Siguro’y halos lahat na ng tao sa mundo ay nakaranas na ng hinagpis at matinding lungkot kagagawan ng pagkakamtay ng mahal sa buhay. Ang Kamatayan ay di mo inaasahan, di mo mapapansin na ito pala’y papalapit na ng papalapit sa atin kaya nama’y marami sa atin ang hirap tanggapin ang pagkawala sa ating mahal sa buhay. At sino ang kanilang sisishin? Ang lumikha sa kanila? Tama nga bang sisishin natin siya sa kung ano ang nangyari? Hindi natin alam kung kailang kukunin ng Diyos ang ating buhay. Ito ay hiram lamang at Siya ang may karapatang magdesisyon kung kukunin niya na o kaya’y patuloy pang ipapahiram sa atin. Para sa akin, isipin mo pa lang kung paano ka mamamatay ay nakakatakot pero ang mas importante sa akin ay kung paano ng mg kaibigan, pamilya at mga mahal ko sa buhay pananatilihin ang aking presensya sa kanilang puso, isip at buhay kahit na ako ay namatay na. Nais kong maalala nila ang mga pinagsamahan sa lungkot a mga maliligayang araw naming nung kami ay magkakasama. Sa panahon ng alitan, awayan, lambingan at iba’t iba pang kaharutan na nagbibigay aliw sa aming buhay. Maalala kaya nila yung mga panahong iyon pagkatapos kong mamatay o iiwan at kakalimutan nila ito ng parang bula? Kung iisipin natin, mahirap makahanap ng taong tunay at lubos na nagmamahal sa iyo. Sa akin ding palagay, ayokong nahihirapan sila dahil nawala na ako. Gusto ko maalala nila kung sino yung “DENNIMAR DOMINGO” na nakilala nila. At gusto ko rin maalala ang aking pagkamatay sa napakasayang paraan. Nawa’y ang kamatayan ko rin ang magbuklod sa mga dating kaibigan ko na naghiwa-hiwalay na ng landas, sa pamilya kong iba’y nag-aaway away at magsilbing inspirasyon ang aking mga nagawa. Ang mga mabubuti kong ugali at mga naipasa kong gawain sa aking mga nakababatang pamangkin at kapatid ang siyang magsilbing aral na dapat at di-dapat nilang gawin. Nais ko rin na maging isang taong nakapagpabago ng buhay ng nakararaming tao sa kaparaanang kaya ko. Sa mga taong, sugatan pisikal man o emosyonal dahil na rin sa kanilang mga naranasang karanasan na siyang nagpabago sa kanila. Pagkatapos ng aking pagkakatanto, sa huli ay gusto kong mapatunayang meron akong nagawang mabuti sa mundo na siyang nagpasimula ng unti-unting pagbabago. At nais ko rin na maalala nila ako bilang isang buhay na patunay na siyang gumawa kahit sa maliit na bagay lamang nagsimula na nagpausbong ng isang malaking kaganapan sa bansa.

×