LEADERSHIP FORMATION COURSE (LFC)  Inihanda ng COURAGE National Education  Committee (unang borador, Aug. 2006)
Leadership Formation Course (LFC) I.  PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT  TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUN...
I.  PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT  TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V.  KAMPAN...
I.  PAMBUNGAD A.  ANG ORGANISASYON, UNYON B.  MILITANATE, PROGRESIBO AT  MAKABAYANG UNYONISMO (MPMU) C.  KATANGIAN NG MPMU...

Ang organisasyon ay isang sistema o paraan ng pagbubuklud-buklod ng mga tao para tumindig at kumilos bilang isang ...

Ang MPMU ay isang demokratikong organisasyon. Kumakatawan ito sa interes ng higit na nakararami.

B.  MI...

Ang MPMU ay militante.  Aktibo at agresibo itong kumikilos para ipagtanggol at ipaglaban ang kagalingan ng mga man...

Ang pakikisangkot/pakikilahok ay maisasagawa sa pamamagitan ng istruktura ng unyon:

Pangkalahata...
Leadership Formation Course (LFC)

Komite ng Unyon sa iba't-ibang gawain, gaya ng pag-oorganisa, edukasyon, imporma...
Leadership Formation Course (LFC) E.  ANG PAMUNUAN

Ang pamunuan ay binubuo at kumikilos para sa pangkalahatang int...
Leadership Formation Course (LFC) F.  TUNGKULIN NG PAMUNUAN

Sinusubaybayan nito ang pangkalahatang takbo ng pagkil...
Leadership Formation Course (LFC) >

Pagbalangkas ng plano at programa ng pagkilos ng organisasyon. Sa pamamagitan ...
( F.  TUNGKULIN NG PAMUNUAN) >

Ang pamunuan ay tumatawag at nagpapatakbo  ng mga pulong ng organisasyon.
</u...
I.  PAMBUNGAD II.   WASTONG AKTITUD NA DAPAT  TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V.  KAMP...

Bukas-loob na mapuna o matukoy ang mga pagkakamali at pagkukulang  at handang magbago para sa kapakanan ng mas nak...

Walang pinipiling gawain  - taos-puso ang pagsisilbi

Seryoso - pangunahin ang paggampan ng tungk...

Ilang bundok man ang hadlang sa ating paroroonan, kaya nating bakahin

Handang itaas ang antas ng...

Pagtangan sa wastong prinsipyo, aktibong pagtunggali sa mali

Pagbakbak sa kalawang na sumisira s...

Para sa masang inaapi at pinagsasamantalahan, para sa kawani – tungkulin ng unyon na itaguyod ang interes di laman...
I.  PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT  TAGLAYIN NG ISANG LIDER III.  WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V.  KAMPA...
III.  WASTONG PAMUMUNO, MGA PRINSIPYONG GUMAGABAY A.  DEMOKRASYA SA UNYON B.  KOLEKTIBONG PAMUMUNO C.  SISTEMANG KOMITE D....
Leadership Formation Course (LFC) Ang wastong paraan ng pamumuno ay “ Mula sa masa, tungo sa masa!”

Higit na mabis...
A.  DEMOKRASYA SA UNYON

Ang unyon ay ang saligan at demokratikong organisasyon ng mga kawani.

Sa...
Leadership Formation Course (LFC) - Saan makikita:  Pagtanggi ng minorya na sumunod sa mayorya, pagpuna ng walang pagsasaa...
Leadership Formation Course (LFC) B.  KOLEKTIBONG PAMUMUNO

Aktibong partisipasyon ng buong kasapian ng organisasyo...
Leadership Formation Course (LFC) C.  SISTEMANG KOMITE

Ang sistemang Komite ay ang organisadong sistema o paraan n...
Leadership Formation Course (LFC) C.  KOMITE NG UNYON

Pag-oorganisa

Edukasyon

<li...
Leadership Formation Course (LFC) I.  PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT  TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUN...
Leadership Formation Course (LFC) IV.  TOOLS OF ANALYSIS A.  ANO ANG PAG-AARAL? B.  ANO ANG PAGSISIYASAT? C.  PROSESO NG P...
A.  ANO ANG PAG-AARAL?

Ang pag-aaral ay proseso ng pag-alam  at pag-unawa sa mga bagay at proseso.

B.  ANO ANG PAGSISIYASAT (investigation)?

Ang pagsisiyasat ay ang pagkuha ng tunay o wastong impormasyon hinggil s...

2. PAGSISIYASAT SA PAGPAPATUPAD  ng gawain, plano or programa - ang paglikom ng datos hinggil sa tinakbo ng pagpap...
C.  PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN

Tatlong yugto sa proseso ng pag-unlad ng kaalaman:

1. YUGTO...
(TATLONG YUGTO SA PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN )

1. YUGTO NG KAALAMANG PERSEPTWAL

Ito ang un...
Leadership Formation Course (LFC) (TATLONG YUGTO SA PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN ) >

2. YUGTO NG KAALAMANG RAS...
(TATLONG YUGTO SA PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN ) >

3. YUGTO NG PAGBABALIK NG TEORYA SA PRAKTIKA

D.  ANO ANG PAGSUSURI (analysis)?

Ang pagsusuri ay ang pag-alam kung  bakit  at  paano   umiiral ang mga  bagay at...

ESENSYA AT BATAS NG PAGGALAW NG MGA BAGAY AT PROSESO

-  Ang lahat ng bagay ay nagbabago.  May mg...

> -  Walang bagay ang umiiral nang hiwalay sa kanyang paligid.  Sa kanyang paggalaw at pag-unlad, nakakaugnay nito...

MGA PARAAN NG PAGSUSURI:

- Makaisang-panig ang pagtingin sa isang aspeto lamang. Iwasan ito. Pag...
E.  ANO ANG PANGUNAHING  NAGTATAKDA NG PAGBABAGO SA ISANG KARANIWANG BAGAY? Leadership Formation Course (LFC)

Kapa...
( E.  ANO ANG PANGUNAHING NAGTATAKDA NG PAGBABAGO SA ISANG KARANIWANG BAGAY) > Leadership Formation Course (LFC)

S...
F.  PAANO NAGBABAGO ANG ISANG BAGAY? Leadership Formation Course (LFC)

May kontradiksyon mula sa simula hanggang m...
( F.  PAANO NAGBABAGO ANG ISANG BAGAY?) Leadership Formation Course (LFC) >

-  KALITATIBONG PAGBABAGO

<u...
Leadership Formation Course (LFC) I.  PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT  TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUN...
IV.  KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA A.  KONSEPTO AT DEPINISYON B.  KAHALAGAHAN C.  PAGLULUNSAD AT PAKIKILAHOK D.  LAYUNIN E...

Ang kampanyang masa ay ang organisado at koordinadong serye ng mga pakikibakang masa para isulong ang pang-ekonomi...

Mahalaga ang kampanyang masa dahil kaugnay ito ng solidong pag-oorganisa at ng pagmumulat at edukasyon.

Nagtataas ng kamulatan at pampulitikang kapasyahan ng mga kawani.

Naisasakongkreto ang lakas ng...

Ang kampanyang masa ay nagbibigay-daan sa gawaing alyansa.

Nagsisilbing sandata para ipaglaban ...

Pangkalahatang layunin

Partikular na layunin

D.  LAYUNIN Leadership Formation Course ...

Pag-aaral at pananaliksik

Pag-aaral at propaganda

Sustenidong Sama-samang Mili...
1. PAGHAHANDA SA KAMPANYA - Issue identification / analysis - Pagkokonsolida sa liderato 2. PAGPAPLANO - Pagtatakda ng lay...
> - Pagkakaisa sa plano at programa - Yugtu-yugto at alun-along pagkilos 3. PAGSASAKATUPARAN NG PLANO - Pagsasara ng laban...

Ang mga pakikibakang masa ay may dialektikal na ugnayan sa solidong pagpupundar ng lakas at sa  masikhay at masusi...

Pagpapatampok sa wastong direksyon at militanteng porma ng pakikibaka.

Laki ng bilang at lawak n...

Mahigpit na pamunuan ang kampanyang ilulunsad.

Direkta at simpleng transmisyon ng mga plano, pat...
DALAWANG DEKADA NG COURAGE, DALAWANG DEKADA NG MPMU!
Upcoming SlideShare
Loading in …5

Leadership Formation Course

5,337 views

Published on

Published in: Technology, Business
0 Comments
4 Likes
Statistics
Notes
• Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
5,337
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
347
Actions
Shares
0
Downloads
379
Comments
0
Likes
4
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Leadership Formation Course

1. 1. LEADERSHIP FORMATION COURSE (LFC) Inihanda ng COURAGE National Education Committee (unang borador, Aug. 2006)
2. 2. Leadership Formation Course (LFC) I. PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA MGA NILALAMAN
3. 3. I. PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA MGA NILALAMAN Leadership Formation Course (LFC)
4. 4. I. PAMBUNGAD A. ANG ORGANISASYON, UNYON B. MILITANATE, PROGRESIBO AT MAKABAYANG UNYONISMO (MPMU) C. KATANGIAN NG MPMU D. ISTRUKTURA NG MPMU E. ANG PAMUNUAN F. TUNGKULIN NG PAMUNUAN Leadership Formation Course (LFC)
5. 5.

Ang organisasyon ay isang sistema o paraan ng pagbubuklud-buklod ng mga tao para tumindig at kumilos bilang isang buong pwersa para sa pagkakamit ng iisang layunin.

Bilang sistema mayroong tiyak na mga prinsipyong gumagabay sa pag-iisip at pagkilos ng buong kasapian nito. Mayroon itong istruktura o balangkas na nahahati sa iba't ibang mga tungkulin at gawain ngunit kumikilos sa iisang kumpas o nang koordinado tungo sa pagtatamo ng itinakdang layunin. May sistema ng pamumuno sa iba't-ibang antas o saklaw ng responsibilidad.

A. ANG ORGANISASYON, UNYON Leadership Formation Course (LFC)
6. 6.

Ang MPMU ay isang demokratikong organisasyon. Kumakatawan ito sa interes ng higit na nakararami.

B. MILITANATE, PROGRESIBO AT MAKABAYANG UNYONISMO (MPMU) Leadership Formation Course (LFC)
7. 7.

Ang MPMU ay militante. Aktibo at agresibo itong kumikilos para ipagtanggol at ipaglaban ang kagalingan ng mga manggagawa, kawani at mamamayan.

Ang MPMU ay progresibo. Hindi ito tigil na organisasyon. Patuloy itong kumikilos para sa tunay na panlipunang pagbabago. Mataman itong nagsusuri, nag-iimbestiga at tuluy-tuloy na nag-aaral para maging malawak ang pananaw, matibay ang paninindigan at mapaunlad pa ang pamamaraan.

Ang MPMU ay nagmamahal sa bayan at mapagmahal sa sambayanan.

Leadership Formation Course (LFC) C. KATANGIAN NG MPMU
8. 8.

Ang pakikisangkot/pakikilahok ay maisasagawa sa pamamagitan ng istruktura ng unyon:

Pangkalahatang Kasapian

Lupon ng mga Kagawad

Komiteng Tagapagpaganap >

Leadership Formation Course (LFC) D. ISTRUKTURA NG MPMU

Ang pakikisangkot/paglahok ng buong kasapian sa gawain at pagkilos ng unyon ang magtitiyak na ang mga plano at programa nito ay maisasakatuparan para sa kapakinabangan ng lahat. Magsasanay din ito sa kasapian sa paggampan ng mga gawain sa unyon.

9. 9. Leadership Formation Course (LFC)

Komite ng Unyon sa iba't-ibang gawain, gaya ng pag-oorganisa, edukasyon, impormasyon at propaganda, kagalingan (welfare), pinansya, pakikibakang masa (mass campaigns), grievance, atbp.

Komite ng mga Shop Stewards o Union Representatives Committee (URC)

Mga Komiteng itinatayo pana-panahon batay sa pangangailangan.

> (Ang pakikisangkot/pakikilahok ay maisasagawa sa pamamagitan ng istruktura ng unyon:)
10. 10. Leadership Formation Course (LFC) E. ANG PAMUNUAN

Ang pamunuan ay binubuo at kumikilos para sa pangkalahatang interes ng organisasyon at hindi para sa interes ng indibidwal o maliit mang grupo.

Ang pamunuan ay pinipili sa pamamagitan ng demokratikong paraan.

11. 11. Leadership Formation Course (LFC) F. TUNGKULIN NG PAMUNUAN

Sinusubaybayan nito ang pangkalahatang takbo ng pagkilos ng buong organisasyon para matiyak na masinop at koordinadong isinusulong ang mga layunin ng organisasyon.

Direkta nitong pinapangunahan ang paggampan ng mahahalagang gawain para matiyak ang mahusay na pagtupad sa mga desisyon, plano at programa sa pagkilos.

Pinapangasiwaan nito ang pagkilos sa iba't ibang bahagi ng organisasyon para matiyak ang masinop na pagpapatupad ng mga gawain. >

12. 12. Leadership Formation Course (LFC) >

Pagbalangkas ng plano at programa ng pagkilos ng organisasyon. Sa pamamagitan ng programa at plano ng pagkilos nasisistematisa at napapagkaisa ang pagkilos ng organisasyon.

Mahalagang magagap ng pamunuan ang takbo ng pagkilos ng kabuuang organisasyon at maging ang mga baha-bahagi nito. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga nakabababang antas ng organisasyon sa pamunuan na masusi nitong pinag-aaralan at sinusuri. Bukod dito, mahalagang tumutungo ang mga namumuno sa hanay ng kasapian at sa masa para tuwirang mangalap ng kinakailangang impormasyon at alamin ang kongkretong kalagayan. >

( F. TUNGKULIN NG PAMUNUAN)
13. 13. ( F. TUNGKULIN NG PAMUNUAN) >

Ang pamunuan ay tumatawag at nagpapatakbo ng mga pulong ng organisasyon.

Dito tinatalakay at pinagpapasyahan ang mahahalagang usapin kaugnay ng interes at pagkilos ng organisasyon.

Dito nabubuo ang nagkakaisang pananaw at kinakailangang desisyon kaugnay ng mga usaping nakahapag.

Dito iniuulat ng pamunuan ang kalagayan at takbo ng pagkilos at inihahapag ang binalangkas na plano at prograrma para mapagkaisahan.

Tungkulin ng pamunuan na tiyaking mahusay na nabubuo ang pagkakaisa sa loob ng pulong.

14. 14. I. PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA MGA NILALAMAN Leadership Formation Course (LFC)
15. 15.

Bukas-loob na mapuna o matukoy ang mga pagkakamali at pagkukulang at handang magbago para sa kapakanan ng mas nakararami

Sumasalig at nagtitiwala sa masa

- itinataguyod ang interes ng masa

- hinihimok sila sa landas ng pakikibaka

- mahigpit na pakikiisa sa masa: pagkilos sa hanay ng masa, makipagkaisa sa kanila at iwasan ang anumang maghihiwalay sa atin at sa masa.

Leadership Formation Course (LFC) “ Handa at walang takot na paglilingkod sa sambayanan.”
16. 16.

Walang pinipiling gawain - taos-puso ang pagsisilbi

Seryoso - pangunahin ang paggampan ng tungkulin, nag-aaral ng kalagayan, naghahanap ng paraan para lutasin ang mga problema

Masinop - hindi pabaya o padaskol-daskol sa pagsusuri, pagpaplano at paggampan ng mga tungkulin

Masigla at masigasig - pasulong mag-isip, hindi nasisiraan ng loob, hindi nanlulumo sa gitna ng problema, may inisyatiba sa sariling gawain at gawain ng ibang kasama, hindi namimili ng gawain

Leadership Formation Course (LFC) “ May pagmamahal sa gawain, gaano man ito kalaki, kabigat o kaliit.”
17. 17.

Ilang bundok man ang hadlang sa ating paroroonan, kaya nating bakahin

Handang itaas ang antas ng kamulatan upang maging matatag

May kasigasigang mag-aral

May paninindigan sa tagumpay

- bantayan ang kayabangan at arogansya sa mga tagumpay

- maging mapagkumbaba

- isa-isip na mahaba pa ang pakikibaka

“ Matatag, determinadong magtagumpay na ‘di alintana ang kahirapan at sakripisyo.”
18. 18.

Pagtangan sa wastong prinsipyo, aktibong pagtunggali sa mali

Pagbakbak sa kalawang na sumisira sa bakal, pagbunot sa damo - liberalismo, unprincipled unity na nagbubunga ng kaisipang bulok at pagkakaroon ng pagkakamali

Mapagkaisa’t mainit sa pakikitungo sa kapwa. Mapagmahal at maalalahanin sa mga kasapi ng unyon. Ito rin ang nagpapatatag ng pagkakaisa at nagpapalakas ng hanay.

Leadership Formation Course (LFC) “ Pagbaka sa mga maling nakagawian at kaisipan.”
19. 19.

Para sa masang inaapi at pinagsasamantalahan, para sa kawani – tungkulin ng unyon na itaguyod ang interes di lamang ng mga kasapi at kawani kundi ng masa.

Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ng sambayanan laban sa pagkamakasarili

pagbabago ng sarili at i-ayon sa interes ng sambayanang Pilipino

Leadership Formation Course (LFC) Pamantayan at gabay palagi ay: “ Para kanino?”
20. 20. I. PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA MGA NILALAMAN Leadership Formation Course (LFC)
21. 21. III. WASTONG PAMUMUNO, MGA PRINSIPYONG GUMAGABAY A. DEMOKRASYA SA UNYON B. KOLEKTIBONG PAMUMUNO C. SISTEMANG KOMITE D. KOMITE NG UNYON Leadership Formation Course (LFC)
22. 22. Leadership Formation Course (LFC) Ang wastong paraan ng pamumuno ay “ Mula sa masa, tungo sa masa!”

Higit na mabisa ang pamumuno kung nakasandig sa lakas ng masa at lalong makabuluhan ito kung nakabatay sa kolektibong pagpapasya.

23. 23. A. DEMOKRASYA SA UNYON

Ang unyon ay ang saligan at demokratikong organisasyon ng mga kawani.

Sa lahat ng pagkakataon at sa pagpapatupad ng mga plano at programa nito, hinihikayat ang malawak na partisipasyon ng kasapian sa buong proseso.

Mali ang mawalan ng tiyaga sa pagsasagawa ng propaganda at edukasyon sa hanay nila at ipagpalagay na dahil sa nararanasan naman nila ang suliranin, mapapakilos na sila agad.

ULTRADEMOKRASYA

- labis na pagpapahalaga o pagigiit ng demokrasya. Lumalabas sa o di nagagabayan ng mga sistema/gabay ng organisasyon. >

24. 24. Leadership Formation Course (LFC) - Saan makikita: Pagtanggi ng minorya na sumunod sa mayorya, pagpuna ng walang pagsasaalang-alang sa disiplina sa organisasyon - Ugat: Pagkamakasarili/ indibidwalismo/ pag-ayaw sa disiplina - Kundisyon: Mahina ang pamumuno at maluwag ang disiplinang organisasyon - Paano iwawasto: Edukasyon. Ipatimo sa bawat kasapi ang halaga ng organisasyon at prinsipyo ng demokrasya, disiplina at proseso. > (ULTRADEMOKRASYA)
25. 25. Leadership Formation Course (LFC) B. KOLEKTIBONG PAMUMUNO

Aktibong partisipasyon ng buong kasapian ng organisasyon. Ang kolektibong pamumuno rin ay kolektibong pagpapasya.

Ang pamunuan hindi haring nangingibabaw at nagmamando. Dapat kumilos sila para sa interes ng organisasyon.

26. 26. Leadership Formation Course (LFC) C. SISTEMANG KOMITE

Ang sistemang Komite ay ang organisadong sistema o paraan ng kolektibong pagkilos. Ito ay pagbibigay ng pagkakataon o venue upang palahukin ang masang kasapian sa lahat ng plano, aktibidad at programa ng unyon.

Ito rin ay paraan ng pag-democratize sa gawain o paghahati ng gawain.

27. 27. Leadership Formation Course (LFC) C. KOMITE NG UNYON

Pag-oorganisa

Edukasyon

Impormasyon at propaganda

Kagalingan (welfare)

Pinansya

Pakikibakang masa (mass campaigns)

Grievance

Komite ng mga Shop Stewards o Union Representatives Committee (URC)

Iba pang komiteng itinatayo pana-panahon batay sa pangangailangan

28. 28. Leadership Formation Course (LFC) I. PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS V. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA MGA NILALAMAN
29. 29. Leadership Formation Course (LFC) IV. TOOLS OF ANALYSIS A. ANO ANG PAG-AARAL? B. ANO ANG PAGSISIYASAT? C. PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN D. ANO ANG PAGSUSURI? E. ANO ANG PANGUNAHING NAGTATAKDA NG PAGBABAGO SA ISANG KARANIWANG BAGAY? F. PAANO NAGBABAGO ANG ISANG BAGAY?
30. 30. A. ANO ANG PAG-AARAL?

Ang pag-aaral ay proseso ng pag-alam at pag-unawa sa mga bagay at proseso.

Kumukuha tayo ng kaalaman sa mga teorya hindi lamang sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at lathalain, pagkuha ng kurso sa paaralan o sa mga pagsasanay, kundi gayundin sa mga kolektibong talakayan, sa pananaliksik, sa pagsisiyasat at sa pagsusuring ginagawa sa mga pagtatasa, paglalagom at pagpaplano ng gawain; at sa mga panlipunang pagsisiyasat, pagtatasa ng kalagayan at paglalagom ng karanasan.

Leadership Formation Course (LFC)
31. 31. B. ANO ANG PAGSISIYASAT (investigation)?

Ang pagsisiyasat ay ang pagkuha ng tunay o wastong impormasyon hinggil sa kalagayan at mga pangyayari.

Mayroong dalawang uri ng pagsisiyasat:

1. PANLIPUNANG PAGSISIYASAT - ang pag-aaral sa kalagayan ng mga uri sa tunay na buhay. Sa pagsusuri sa relasyon ng mga uri sa larangan ng ekonomya, pulitika at kultura sa tunay na buhay ng mga tao, nabubuo ang kongkretong larawan ng isang lipunan o bahagi ng lipunan. Mahalaga ang panlipunang pagsisiyasat dahil inililinaw nito sa atin ang target, paraan at direksyon ng pagmumulat, pag–oorganisa at pagpapakilos sa masa. >

Leadership Formation Course (LFC)
32. 32.

2. PAGSISIYASAT SA PAGPAPATUPAD ng gawain, plano or programa - ang paglikom ng datos hinggil sa tinakbo ng pagpapatupad.

Ang pagsisiyasat ay mahalagang bahagi ng pag-aaral. Ang wasto at sapat na impormasyong nakuha natin sa pamamagitan ng pagsisiyasat ay mahalaga para makabuo ng wastong mga desisyong plano at programa sa pagkilos.

Ang pagsisiyasat ay isang walang katapusang gawain.

> (DALAWANG URI NG PAGSISIYASAT) Leadership Formation Course (LFC)
33. 33. C. PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN

Tatlong yugto sa proseso ng pag-unlad ng kaalaman:

1. YUGTO NG KAALAMANG PERSEPTWAL

2. YUGTO NG KAALAMANG RASYUNAL

3. YUGTO NG PAGBABALIK NG TEORYA SA PRAKTIKA >

Leadership Formation Course (LFC)
34. 34. (TATLONG YUGTO SA PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN )

1. YUGTO NG KAALAMANG PERSEPTWAL

Ito ang unang yugto sa proseso ng pag-alam. Ito ay ang pag-iipon ng mga obserbasyon, impresyon at mga datos na nagsasalamin sa isip sa pamamagitan ng pandamdam, paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.

Sa yugtong ito nakikita at nadarama ang litaw na bahagi, mga hiwa-hiwalay na aspeto, ang panlabas na relasyon ng mga bagay. Sumasalamin ito sa mga tunay na pangyayari at kalagayan ngunit ang mga ideyang nabubuo sa yugtong ito ay kalat-kalat, makaisang panig at pang-ibabaw. Hindi sinasalamin ng kaalamang perseptwal ang esensya ng mga bagay-bagay. Hindi nakabubuo ng higit na malalim na konsepto o nakagawa ng mga lohikal na kongklusyon. >

> Leadership Formation Course (LFC)
35. 35. Leadership Formation Course (LFC) (TATLONG YUGTO SA PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN ) >

2. YUGTO NG KAALAMANG RASYUNAL

Ang pagbubuo ng ideya, pagsusuri, paghinuha o pagbubuo ng teorya mula sa kaalamang perseptwal.

Dalawang bagay na kailangan para matamo ang pag-igpaw sa kaalamang perseptwal tungo sa kaalamang rasyunal: 1. Ang sapat na dami at yaman ng kongkretong datos o impormasyon; 2. Ang pag-iisip o pagsusuri o pagbubuo ng kongklusyon.

Ang produkto nito ay teorya o prinsipyo na sumasalamin sa mga tunay na pangyayari nang mas malalim, mas totohanan at mas buo.

Ito ay isang malaking pagsulong upang masapol ang kabuuan, ang esensya at ang panloob na relasyon ng mga bagay. >

36. 36. (TATLONG YUGTO SA PROSESO NG PAG-UNLAD NG KAALAMAN ) >

3. YUGTO NG PAGBABALIK NG TEORYA SA PRAKTIKA

Ang nabuong kongklusyon o teorya ay hindi pa matitiyak kung umaayon sa realidad at kongkretong kalagayan. Kailangan subukin ang katumpakan nito sa pamamagitan ng praktika.

Sa yugtong ito, ginagamit ang teorya para gabayan ang praktika. Napapatunayan ang kawastuan ng teorya mula sa aktwal na resulta ng pagkilos. Gayundin, lalo pang napapaunlad ang teorya sa paglitaw ng mga bagong usapin at kalagayan habang nagsasapraktika.

Leadership Formation Course (LFC)
37. 37. D. ANO ANG PAGSUSURI (analysis)?

Ang pagsusuri ay ang pag-alam kung bakit at paano umiiral ang mga bagay at nagaganap ang mga pangyayari.

Sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng mas buo at mas malalim na pag-unawa sa mga bagay at pangyayari. Dapat nating iwasan ang suhetibo, mababaw at makaisang-panig na pagtingin sa mga bagay-bagay.

Ang pagsisiyasat at pagsusuri ay magkahiwalay na gawain ngunit nagsasalimbayan ito sa iisang proseso.

Pinagbabatayan ng wastong pagsusuri ang kongkreto, aktwal, tunay at obhetibong mga kalagayan at pangyayari.

Leadership Formation Course (LFC)
38. 38.

ESENSYA AT BATAS NG PAGGALAW NG MGA BAGAY AT PROSESO

- Ang lahat ng bagay ay nagbabago. May mga pagbabagong dahan-dahan, may mga biglaan naman. Ang pagbabago ay nangyayari sa buong proseso ng pag-iral ng bagay, mula sa umpisa hanggang sa wakas nito. Bawat bagay ay may pagsibol, pag-unlad at paglipas.

- Ang pundamental na batayan ng pag-iral at pagbabago ng bagay ay nasa loob, wala sa labas. Ang batayang ito ay ang dalawang panig o aspeto na magkasalungat at nagtutunggalian sa loob ng bagay. Ito ang tinatawag nating kontradiksyon. >

Leadership Formation Course (LFC)
39. 39.

> - Walang bagay ang umiiral nang hiwalay sa kanyang paligid. Sa kanyang paggalaw at pag-unlad, nakakaugnay nito ang iba pang mga bagay sa paligid. Nag-iimpluwensya ang mga panlabas na kalagayan, na may ugnayan at interaksyon sa kanya sa pagbabago nito. Nakapagpapabilis o nakapagpapabagal ito sa pagbabago ng bagay. Pero ang mga ito ay segundaryo lamang at ang magpapasya ay ang panloob na kontradiksyon.

Ang ganitong pag-unawa ay nagtuturo ng paraan ng pagsusuri. Upang maunawaan ang pag-unlad ng isang bagay, kailangang pag-aralan ang panloob na katangian nito, gayundin ang ugnayan nito sa iba pang mga bagay. Kailangang alamin ang panloob na kontradiksyon at paano ito naiimpluwensyahan ng panlabas na kondisyon.

(ESENSYA AT BATAS NG PAGGALAW NG MGA BAGAY AT PROSESO)
40. 40.

MGA PARAAN NG PAGSUSURI:

- Makaisang-panig ang pagtingin sa isang aspeto lamang. Iwasan ito. Pag-aaralan kung paano sila nag-uugnayan at nagtutunggali.

- Tumungo sa kaibuturan ng bagay para pag-aralan ang katangian at pagtutunggalian ang magkasalungat na aspeto ng kontradiksyon.

- Tukuyin ang prinsipal na aspeto.

- Paghahambing at pag-iiba

- Pag-alam sa kasaysayan ng bagay.

- Isaalang-alang ang ugnayan ng kabuuan at mga bahagi.

Leadership Formation Course (LFC)
41. 41. E. ANO ANG PANGUNAHING NAGTATAKDA NG PAGBABAGO SA ISANG KARANIWANG BAGAY? Leadership Formation Course (LFC)

Kapag ang karaniwang bagay o proseso ay kumplikado, ibig sabihin maraming taglay na kontradiksyon; kailangang pag-aralan ang iba’t-ibang kontradiksyong ito, ang dalawang aspeto ng bawat kontradiksyon at ang ugnayan ng kontradiksyon sa isa’t-isa.

Sa maraming kontradiksyong ito, mayroon isang mapagpasya sa pag-unlad ng bagay o proseso. Ang kontradiksyong ito ay tumutuhog, kaugnay at nakakaapekto sa pag-iral at pag-unlad ng lahat ng iba pang kontradiksyon. >

42. 42. ( E. ANO ANG PANGUNAHING NAGTATAKDA NG PAGBABAGO SA ISANG KARANIWANG BAGAY) > Leadership Formation Course (LFC)

Sa komplikadong bagay o proseso, ang prinsipal na aspeto ng prinsipal na kontradiksyon ay pangunahing nagtatakda ng kalikasan ng isang bagay; ng esensya nito.

Ang paglutas ng prinsipal na kontradiksyon ang magbibigay-daan sa paglutas sa iba pang kontradiksyon.

43. 43. F. PAANO NAGBABAGO ANG ISANG BAGAY? Leadership Formation Course (LFC)

May kontradiksyon mula sa simula hanggang matapos ang bagay. Mahalagang pag-aralan kung paano umuunlad ang kontradiksyon sa buong proseso ng pag-unlad ng isang bagay para maunawaan ang katangian ng bagay at paano umuunlad ito. Ang pag-unlad ng mga bagay ay dumadaan sa kantitatibo at kalitatibong pagbabago .

- KANTITATIBONG PAGBABAGO

Ito ang pagbabago ng anyo at tindi ng tunggalian pero hindi ng pusisyon ng mga aspeto. Nangingibabaw dito ang prinsipal na aspeto. >

44. 44. ( F. PAANO NAGBABAGO ANG ISANG BAGAY?) Leadership Formation Course (LFC) >

- KALITATIBONG PAGBABAGO

Ito ang pagbabago ng pusisyon ng prinsipal na aspeto at segundaryong aspeto. Ang pagpapalitan ng posisyon ay mamamalas sa isang igpaw na nagbabago sa kalikasan ng bagay.

Ang mga kantitatibong pagbabago na naglilingkod at nagpapalakas sa prinsipal na aspeto ay hindi hahantong sa kalitatibong pagbabago. Ang mga kantitatibong pagbabago naman na naglilingkod at nagpapalakas sa segundaryong aspeto ang hahantong sa kalitatibong pagbabago.

45. 45. Leadership Formation Course (LFC) I. PAMBUNGAD II. WASTONG AKTITUD NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER III. WASTONG PAMUMUNO IV. TOOLS OF ANALYSIS MGA NILALAMAN V. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA
46. 46. IV. KAMPANYA AT PAKIKIBAKANG MASA A. KONSEPTO AT DEPINISYON B. KAHALAGAHAN C. PAGLULUNSAD AT PAKIKILAHOK D. LAYUNIN E. MGA SANGKAP F. MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA G. PAG-ANI NG TAGUMPAY H. MGA PANGUNAHING SALIK I. PAMAMAHALA Leadership Formation Course (LFC)
47. 47.

Ang kampanyang masa ay ang organisado at koordinadong serye ng mga pakikibakang masa para isulong ang pang-ekonomiyang kapakanan, kagalingan o demokratikong karapatan ng mamamayan o ng sektor. Isinusulong din ito upang tutulan ang mga kontra-mamamayan o kontra-kawani na patakaran ng gobyerno o ng management.

Inilulunsad ito upang ipaglaban ang mga kahilingang tampok at nasa kagyat na interes ng masa sa isang takdang panahon.

Leadership Formation Course (LFC) A. KONSEPTO AT DEPINISYON
48. 48.

Mahalaga ang kampanyang masa dahil kaugnay ito ng solidong pag-oorganisa at ng pagmumulat at edukasyon.

Leadership Formation Course (LFC) B. KAHALAGAHAN
49. 49.

Nagtataas ng kamulatan at pampulitikang kapasyahan ng mga kawani.

Naisasakongkreto ang lakas ng sama-samang pagkilos, nagpapatibay ng pagkakaisa at tiwala sa sariling lakas para baguhin ang kalagayan

Nahahasa ang mga kawani sa wastong pamamaraan sa paglaban; kung kailan susulong, kailan magtatanggol at kailan uurong.

Nagpapaunlad at nagpapahigpit ng pagka-organisa ng masa at ng pagsandig nito sa organisasyon.

Nakikita ng masa sa kanyang paglahok sa pakikibaka na kailangan ang organisasyon para lumaban. Kailangan ng planado, sistematiko at nagkakaisang operasyon. >

C. PAGLULUNSAD AT PAKIKILAHOK
50. 50.

Ang kampanyang masa ay nagbibigay-daan sa gawaing alyansa.

Nagsisilbing sandata para ipaglaban at makamit ang kaunting pag-unlad sa kanilang kalagayan.

Ang tagumpay ng sektor ng mga kawani ay malulustay kung hindi nito iuugnay ang kanyang pakikibaka sa pakikibaka ng mamamayan para sa lipunang pagbabago.

( B. PAGLULUNSAD AT PAKIKILAHOK) Leadership Formation Course (LFC)
51. 51.

Pangkalahatang layunin

Partikular na layunin

D. LAYUNIN Leadership Formation Course (LFC)
52. 52.

Pag-aaral at pananaliksik

Pag-aaral at propaganda

Sustenidong Sama-samang Militanteng Pagkilos

Gawaing Alyansa

Pinansya at Lohistika

Makinarya

Plano at Programa

E. MGA SANGKAP Leadership Formation Course (LFC)
53. 53. 1. PAGHAHANDA SA KAMPANYA - Issue identification / analysis - Pagkokonsolida sa liderato 2. PAGPAPLANO - Pagtatakda ng layunin ng pakikibakang masa - Pagbubuo ng panawagan sa pakikibaka - Paghuhugis ng kampanya at mga tungkulin sa aktibidad na dapat isagawa - Pagpapalaganap ng isyu – edukasyon at propaganda - Pagkakaisa sa isyu at analysis nito > F. MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA Leadership Formation Course (LFC)
54. 54. > - Pagkakaisa sa plano at programa - Yugtu-yugto at alun-along pagkilos 3. PAGSASAKATUPARAN NG PLANO - Pagsasara ng laban at pagkokonsolida - Pagtatasa / paglalagom ng kabuuang itinakbo ng laban - Pagpirmi / pag-clinch ng tagumpay ng laban ( F. MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA) Leadership Formation Course (LFC)
55. 55.

Ang mga pakikibakang masa ay may dialektikal na ugnayan sa solidong pagpupundar ng lakas at sa masikhay at masusing gawaing propaganda at edukasyon sa batayang antas.

Itinatakwil natin ang makaisang-panig na pagtuon sa pagpapatindi ng mga pakikibaka ng masa at paghahangad na imantini ang matataas na anyo ng pakikibakang masa nang walang konsiderasyon sa komprehensibong pag-unlad ng pwersa at hindi nakabatay sa solidong lakas.

Sa kabilang banda, minamatyagan at itinatakwil din natin ang pagpapatumpik-tumpik o sadyang pagpigil sa militanteng mga pagkilos bunga ng mga di prinsipyadong kompromiso at impluwensiya ng kanang oportunistang linya.

G. PAG-ANI NG TAGUMPAY
56. 56.

Pagpapatampok sa wastong direksyon at militanteng porma ng pakikibaka.

Laki ng bilang at lawak ng napakilos na masa sa kampanya.

Impact sa taumbayan

Paglalagay sa management /gubyerno sa depensibong posisyon.

H. MGA PANGUNAHING SALIK SA MATAGUMPAY NA PAKIKIBAKANG MASA Leadership Formation Course (LFC)
57. 57.

Mahigpit na pamunuan ang kampanyang ilulunsad.

Direkta at simpleng transmisyon ng mga plano, patakaran at pagtatasa sa tinatakbo ng laban.

Masusing pagsubaybay at ebalwasyon ng bawat pagkilos at pihit. Pagbubuo ng mga kinakailangang adjustment sa layunin, tungkulin at target.

I. PAMAMAHALA Leadership Formation Course (LFC)
58. 58. DALAWANG DEKADA NG COURAGE, DALAWANG DEKADA NG MPMU!