Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Mga bantog na manunulat

197,482 views

Published on

  • To get professional research papers you must go for experts like ⇒ www.HelpWriting.net ⇐
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Unlock The Universe & Get Answers You Seek Today In Your FREE Tarot Reading. DO THIS FIRST... To get the most out of your tarot reading, I first need you to focus your intention - this concentrates the energy on the universe to answer the questions that you most desire the answers for. Take 10 seconds to think of your #1 single biggest CHALLENGE right now. (Yes, stop for 10 seconds, close your eyes, and focus your energy on ONE key problem) Ready? Okay, let's proceed. ★★★ https://dwz1.cc/Wc452uhE
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Wall Street business magnate Stephen Chu, winner of the Strathmore’s Who’s Who Registry honoring the most successful business tycoons in the world, says the "Demolisher" Betting System lived up exactly to its billing!  http://t.cn/A6zP2wH9
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Dating for everyone is here: ❶❶❶ http://bit.ly/2u6xbL5 ❶❶❶
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Follow the link, new dating source: ❤❤❤ http://bit.ly/2u6xbL5 ❤❤❤
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here

Mga bantog na manunulat

  1. 1. SEVERINO REYES Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero. Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan. Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. . Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelangSalamin ng Pagibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan.
  2. 2. SEVERINO REYES Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ngWalang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod. Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila,RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito. Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
  3. 3. FRANCISCO BALTAZAR Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ngWalang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod. Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila,RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito. Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
  4. 4. FRANCISCO BALTAZAR Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko. Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan. Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan. Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.
  5. 5. FRANCISCO BALTAZAR Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala – dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong masamang – masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo. Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa. Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.
  6. 6. FRANCISCO BALTAZAR Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas. Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan – naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera. Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya. Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.
  7. 7. PASCUAL POBLETE Si Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic, Cavite noong Mayo 17, 1858. Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Liceo de Manila. Dahil sa pagtatanghal ng kanyang dulang Amor Patria, siya at ang mayari ng tanghalang ginamit sa pagtatanghal ay nabilanggo, bagamat sila ay nakalaya rin. Siya ang nagtatag at naging patnugot ng pahayagang El Resumen. Ginamit niya ito upang tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping ginagawa ng mga makapangyarihang kastila na siyang naging dahilan upang siya ay mausig at ipatapon sa Africa. Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal. Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong panahon ng mga Americano. Si Poblete rin ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa na naging dahilan din ng kanyang pagkakakulong. Taong 1879 nang maging katulong siyang mamamahayag sa pahayagang La Oceana Espanola. Naging kolumnista siya ng Diariong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na pinamatnugutan din niya nang si Del Pilar ay umalis patungong Espanya. Kasama din siya ni Del Pilar sa pahayagang Revista Popular na naglathala ng mga artikulong ibaiba ang paksa na naglayong imulat ang isipan ng mga Pilipino. Ang itinuring na Ama ng Pahayagan ay bawian ng buhay sa taong 1921 sa gulang na 63.
  8. 8. JOSE RIZAL Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
  9. 9. MARCELO H. DEL PILAR Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isinaKastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872. Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi upang mapatalsik nila ang mga kalaban. Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.
  10. 10. MARCELO H. DEL PILAR Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas. Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na dumarating mula sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46.
  11. 11. LOPE K. SANTOS Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang atSampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng wikang pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
  12. 12. DEOGRACIAS ROSARIO Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento. Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi: "Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan". Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26, 1936.
  13. 13. EPIFANO DELOS SANTOS Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero, pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng mga antique. Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871. Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman. Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari at museo na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol,Fernando Ma. Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng Latin, Griyego, Kastila at Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid at nakilalang unang Academician ng bansa.
  14. 14. EPIFANO DELOS SANTOS Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa Malabon. Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay ginamit niya ang sagisag na G. Solon. Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan. Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit ng 1904 . Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro ng Philippine Commission para sa St. Louis Exposition. Naglakbay siya sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan. Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay. Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng buhay.
  15. 15. EPIFANO DELOS SANTOS Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay si Donya Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor tulad ni Don Panyong. Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman ay nakakitaan ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang bansa. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan pa sa kanyang mga sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920). Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino. Isa ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing siya ng musikong editor na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa natatanging talento niya sa paggitara. Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.
  16. 16. FERNANDO GUERRERO Si Fernando María Guerrero (1873-1929) ay isa sa pinakamagiting na mga Pilipinong makata, tagapamahayag, politiko, abogado, poliglota at guro sa ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas, isang panahong mula 1890 magpahanggang sa pagsabog ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsulat si Guerro noong mga taon ng 1898 hanggang 1900. Bilang abogado at guro, nagturo siya ng abogasya (natural law), kriminolohiya at oratoryong forensik (forensic oratory). Nagsilbi siya bilang tagapamahala (chairman) ng lupon ng mga tagapagsubok (board of examiners) sa paaralan ng abogasyang La Jurisprudencia. Naging konsehal siya ng Maynila, Sekretaryo ng Senado at Sekretaryo ng Komisyon sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging direktor din siya ng Academia de Leyes (Akademya ng mga Batas). Bukod sa wikang Kastila, nakapagsasalita rin si Guerrero ng Latin at Griyego. Minsan siyang naging editor ng El Renacimiento, La Vanguardia at La Opinion (Ang Opinyon). Naging miyembro siya ng Unang Asemblea ng Pilipinas, ng Academia Filipina at napili para Lupon ng Munisipyo ng Maynila (Municipal Board of Manila). Naging tagapagbalita rin siya para samahang Real Española de Madrid. Ang kaniyang mga aklat ng mga tula sa wikang Kastila, na pinamagatang Crisalidas, ay nailathala noong 1914, na ibinibilang ng Enciclopedia Filipinas sa isa sa sampung pinakamahuhusay na aklat na nasusulat hinggil sa Pilipinas. Ang iba niyang mga tula na isinulat matapos ang 1914 ay lumabas sa isang kompilasyong pinamagatang Aves y Flores (Mga Ibon at Mga Bulaklak). Namatay si Guerrero noong Hunyo 12, 1929, kasabay ng anibersayo ng Republika ng Pilipinas nang taong yaon. Bilang parangal, ipinangalan kay Guerrero ang isang paaralan sa Malate, Maynila.

×