batang bata ka pa

1,430 views

Published on

Grade 7

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
1,430
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
36
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

batang bata ka pa

  1. 1. PAGKABATA
  2. 2. Batang-Bata ka pa Apo Hiking Society
  3. 3. Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo ‘Yan ang totoo Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
  4. 4. Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat ng kailangan mong malaman Buhay ay ‘di ganyan Tanggapin mo na lang ang katotohanan Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam Makinig ka na lang Makinig ka na lang
  5. 5. Ganyan talaga ang buhay Lagi kang nasasabihan ‘Pagkat ikaw ay bata At wala pang nalalaman Makinig ka sa ‘king payo ‘Pagkat musmos ka lamang At malaman nang maaga Ang wasto sa kamalian
  6. 6. Batang-bata ako nalalaman ko ‘to Inaamin ko rin na kulang Ang aking nalalaman at nauunawaan Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan Alam ko na may karapatan ang bawat nilalang Kahit bata pa man Kahit bata pa man
  7. 7. Nais ko sanang malaman Ang mali sa katotohanan Sariling pagdaranas Ang aking pamamagitan
  8. 8. Imulat ang isipan Sa mga kulay ng buhay Maging tunay na malaya Sa katangi-tanging bata Batang-bata ka pa at marami ka pang Kailangang malaman at intindihin sa mundo
  9. 9. Nais ko sanang malaman Ang mali sa katotohanan Batang-bata ka lang at akala mo na Na alam mo na ang lahat ng Kailangan mong malaman Nagkakamali ka kung akala mo na Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
  10. 10. Batang-bata ka pa Batang-bata ka pa Batang-bata ka pa Batang-bata ka pa
  11. 11. MGA TANONG: 1. Ano ang pamagat na awit? 2. Tungkol saan ang awit na ito?
  12. 12. 3. Paano inilalarawan ng awit na ito ang pagkabata? 4. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi nito?
  13. 13. 5. Ano sa tingin mo ang tinutukoy ng awit na “karapatan” kahit bata pa? 6. Ano kaya ang mga bagay na hindi pa nalalaman ng mga bata ayon sa awit?
  14. 14. 7. Matapos marinig at mabasa ang awit na ito, may nagbago ba sa pagtingin mo sa pagkabata? Ibahagi kung mayroon. 8. Masasabi mo bang tama ang paglalarawan ng awit sa pagkabata? Bakit o bakit hindi?
  15. 15. 9. Kung ikaw ay magpapayo sa mas bata sayo tungkol sa pagkabata, ano ang sasabihin mo sa kaniya? 10. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang isang bahagi ng awit, anong bahagi ang babaguhin mo at bakit ito ang nais mong baguhin?
  16. 16. (kakantahin ang awitin ng sabay- sabay)
  17. 17. Noong ako’y bata pa Ngayong ako’y hay iskul na… Mga pagkaka- tulad GAWAIN
  18. 18. Tuntunin: • paggamit ng palugit sa unang linya ng talata • paggamit ng wastong bantas • pagbabaybay nang wasto Tuntunin at Kayarian ng talata
  19. 19. Kayarian: • simula • gitna • wakas
  20. 20. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
  21. 21. Naranasan mo na rin bang mapagalitan? Ano ang ginagawa mo para hindi ka na mapagalitan?
  22. 22. Minsan ba’y naranasan mo ng magalit dahil sa pinapagalitan ka? Sa tingin mo, tama ba yon?
  23. 23. Talakayan: 1. Ano ang mga payong ibinibigay sa inyo ng mga magulang ninyo? 2. Nasusunod niyo ba ito? Bakit o bakit hindi? 3. Pareho ba ang mga payo nila noong kayo ay bata pa at ngayong hay iskul na? Kung hindi, paano ito nagkakaiba?
  24. 24. Sintesis: 1. Ano ang mga inaasahan mong pagbabago ngayong hay iskul ka na? 2. Ano ang mga bagay na hahanap- hanapin mo mula sa iyong pagkabata o noong nasa elementarya ka pa? 3. Ano ang mga plano mong gawin upang makasabay sa mga pagbabagong ito?
  25. 25. Gumuhit o gumawa ng larawan o represen- tasyon ng isang bagay na maaring sumimbolo sa inyong buhay hay iskul.

×