Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Ang alamat ng tansan

2,721 views

Published on

worth reading :)

Published in: Entertainment & Humor
  • Be the first to comment

Ang alamat ng tansan

  1. 1. Ang Alamat ng TansanNi:Jeric A. LopezBEED 3-1N
  2. 2. Ginagamit ang tansan bilangpanakip ng mga softdrinks, harddrinks, tubig at marami pang iba.Naisip mo na ba kung bakitnagkaroon ng tansan? Ano angpingamulan nito? At bakit animo’ypinaliit itong batsa. Bakit kayamay patulis ito sa gilid? Tara atating alamin ang pinagmulan ngtansan.
  3. 3. Si Jonathan o mas kilala bilang Tan aylarawan ng isang matulunging tao. Lahat ngdalawampu’t isang pamilya sa kanilangnayon ay kanyang natutulungan. Batid niyangsiya ay matalino ngunit gaya ng ibang tao aymay kahinaan rin. Oo, tama, bobo nga syapagdating sa mga lugar. Gusto niyang sumalisa pinakatanyag na laro sa buong mundo ang“Pinoy Henyo,” ngunit natatakot siyang bakalugar ang matapat na kategorya sa kanya atdoon nga ay tiyak siyang papalya.
  4. 4. Nag-aral sya sa Harvard University at nag-enrol ng kursong may kinalaman sa mga lugar.Hindi niya natapos ang pag-aaral dahilmismong guro ay sumusuko na sa kanya.Bumalik siya ng nayon at doon nakita niya siKuya Kim ang “Matang Lawin.” Humingi siyang tulong dito “Kuya Kim, maaari mo ba akongmatulungan patungkol sa lugar?” tanong niya.“ah, eh ako? Pasensya na iho pero may tapingpa kami ng showtime. Try mo nalang huminging tulong kay Jose at Wally sali ka na rin saJuan For All, All for Juan baka dun momahanap ang kasagutan.”
  5. 5. Nagkibit balikat na lamang si Tan atnalulungkot niyang binagtas ang punongkakahuyan. Sa di kalayuan ay may nakitasiyang mataas na puno. Nilapitan niya itoat doon nanaghoy ng tuluyan. “Kungmayroon lang sanang makakatulong saakin, kahit sino pa sya lalapitan ko talaga”umiiyak na sabi ni Tan sa puno.
  6. 6. Nayanig ng bahagya ang puno at nahati itosa gitna. Umilag si Tan dahil malalaglagan siya.Lumitaw ang isang Lolang may hawak namagic wand. “Iho, ang ingay mo naman!Nagising tuloy ako. Ano ba ang problema?”Una ay nahintakutan si Tan sa pag-aakalang itoay bruha. Tumakbo siya ng ubos lakas ngunitnapansin niya nagmu-moonwalk lang siya.“Tulong-tulong!!!” sigaw ni Tan. Nilapitan siyang lola at sinampal.
  7. 7. “Huwag ka ngang umatungal na parangbata dyan!” Ikinuwento nga ni Tan angkanyang problema sa matanda. Tumawa ngmalakas ang matanda at bahagyang bumukaang lupa, “ayy, sorry” sabi nito. “eh ang dalilang naman pala ng problema mo, akala konaman kung ano” sabi ng matanda. “hawakanmo ang aking mga kamay at lilipad tayo saalapaap”- utos ng matanda.
  8. 8. Bago pa man mahawakan ni Tan angkamay nito ay sumipol muna si Lola at doonnga lumabas ang sasakyang animo’y batsa.“Ayan na ang Zan” sabi ni Lola. “Tara sakayna!” madaling sabi ni Tan.At iyon nga ang nangyari, nagkaroon ngworld tour ang dalawa sakay ng Zan. Unanilang pinuntahan ang Mercury. Napansinnilang sobrang lapit nito sa araw. Lumipad nglumipad at lumipad pa ang dalawa hanggangsa narating nila ang Jupiter. “talagangnapakalaki nga ng Jupiter”
  9. 9. Bumalik sila ng earth at nagulat sanakita nila “ayan ang laki na ng butas ngozone layer- dahil yan sa maling gawainng tao” sabi ng matanda. “sing laki nasiya ng Australia” sagot naman ni Tan.Naglakbay sila sa ulap sakay ng Zan.Pumunta sila sa White House, LondonBridge, Eiffel Tower , Taipei 101 atmarami pang iba.
  10. 10. Nagawa rin nilang bisitahin ang ‘Konoha’at doon natunghayan nila ang paglalaban niNaruto at Sasuke. Nang magutom aypumunta sila sa Japan at nagpa-bake ngtinapay kay Kazuma Azuma, natikman nilaang obra nitong “Mount Fujiwara Bread”.Nakaramdam sila ng pagod kung kaya’tnanood sila ng concert ni Psy sa Korea.Nakita nilang wala pang giyera dito. Atbumalik sila sa nayon sakay ng Zan.Ipinagkatiwala ng matanda kay Tan angkanyang Zan sa pag-aakalang magagamit itosa kabutihan.
  11. 11. Naging maalam nga si Tan pagdating sa lugar.Wala siyang sinayang na oras. Sa tulong ngkanyang mga natutunan ay sumali siya sa “PinoyHenyo”. Tama nga ang kanyang hinala, nagwagisiya at inuwi niya ang 21,000,000 na premyo sapalaro.Kasabay ng kanyang pagyaman angpagbabago ng kanyang pag-uugali. Nagingmaramot siya sa kapwa at naging mapagmataas.Nakalimutan niyang tulungan ang mga kanayonniya, bagkus, nilustay niya ang pera sa pagpuntasa iba’t-ibang lugar sakay ng Zan. Wala ng ibangbukambibig si Tan kundi ang kanyang Zan.Ipinagmamayabang niya ito kanino man.
  12. 12. Isang araw ay may matandang lalaking taga-nayon ang humingi ng tulong sa kanya. Sa halipna tulungan ay inutusan niya ang Zan at sumakayrito. Lumipad ang Zan sa ibabaw ng matanda,dahilan ng pagkaka-buwal nito sa kinatatayuan.Nagpuntang Great Wall of China si Tan atnagpasyang doon nga matulog. Samantala,malungkot na inihayag ng matanda ang ginawa sakanya ni Tan sa mga taga-nayon.Pumunta ang dalawampu’t isang pamilya sakakahuyan at nag-alay ng chooks-to-go chicken sapuno. Bumuka ito at lumitaw ang isangmatandang babae. Kinain muna niya ang manokat nagwikang “mas yummy!”
  13. 13. “Bakit nyo ako kailangan?” tanong ng matanda samga tao. At doon nga inilahad ng mga taga-nayon angistorya.Naiiyak ang matanda at humihikbi dahil sakaawaan. “hindi ko akalaing ang Zan ang magpapabagosa pag-uugali ni Tan, kailangan niyang maturuan ngleksyon” sabi ng matanda.Sa isang iglap ay nawala ang matanda, animo’ynag-teleport. Dinatnan niya si Tan na natutulog saGreat Wall, akap-akap ang Zan. Kinalabit siya ngmatanda hanggang sa siya ay magising.
  14. 14. “Anong ginagawa mo dito tanda?”- walang galang nasabi ni Tan.“Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na nagkasala ka atkailangan mong makamit ang karampatangkaparusahan sa iyong maling nagawa.” Tugon ngmatanda.“Wala ka namang kapangyarihan eh. Bagkus, isang utosko lang sa aking Zan ay tataob ka na”- mayabang nasagot ni Tan.“ipinagkatiwala ko yan sa iyo sa pag-aakalangmakakatulong ka sa iba”- naiiyak ng sabi ng matanda.“oh! Wag kang iiyak tanda! At maraming namamatay samaling akala” natatawang sabad ni Tan.“Yaman din lamang lagi mong ipinagmamalaki ang Zan,ikaw na mismo ang gagawin kong Zan.”
  15. 15. Isinumpa nga ng matanda si Tan, ang Zanna mala-batsa ay nagkaroon ng dalawampu’tisang patulis sa gilid tanda ng dalawampu’tisang pamilyang nasaktan ni Tan. Ipinasya ngmatandang tawagin itong “TanZan” bilangpaalalang huwag tutulad kay Tan. Winikaniyang “ikaw Tanzan ay mananatiling nakataobbilang tanda ng iyong pagluhod sa mga taongnasaktan mo. Ilalagay ka sa mga inumin bilangpanakip upang lagi ka nilang maalala at waglang tutularan.” At doon nga ay lumiit angtanzan.
  16. 16. Bumalik ang matanda sa nayon upangikwentong wala na si Tan. Ibinigay niya angmaliit na bagay sa dalawampu’t isang pamilyaupang magamit nila bilang panakip sa inumin.“ano po ito?” tanong ng isa sa mga taga-nayon. Dahil sa bungi ang matanda kungkaya’t di niya mabanggit ng maayos angTanzan bagkus ito ay nabanggit niyang“Tansan.” Mula noon hanggang ngayon,ginagamit na ng mga tao ang tansan bilangpanakip sa mga botelyang naglalaman nglikidong inumin.

×