Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Anyong Tubig

67,781 views

Published on

Published in: Education
  • Be the first to comment

Anyong Tubig

  1. 1. Karagatan – Pinakamalawak na anyong Tubig. Pinagkukunan ito ng ibat’t ibang isda tulad ng Tuna. Makikita sa dakong kanan ng Pilipinas. Dagat – Mas maliit kaysa sa karagatan. Mga isda, hipon, pusit, talaba, tahong, at kabibe ang nakukuha dito.
  2. 2. Look- bahagi ng dagat na pasok sa baybayin. Kilalang mga daungan ang look. Halimbawa ng Maynila, Subic Bay at Iligan. Ilan sa mga yamang nakukuha rito ay tahong, isda, halaan at talaba. Lawa – anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Matabang at hindi umaagos ang tubig sa lawa. Mga tabang isda ang nakukuha rito. Halimbawa ng lawa ay ang Laguna de Bay, Lawa ng Lanao, Taal at Lawa ng Buhi.
  3. 3. Ilog – anyong tubig na umaagos o dumadaloy mula sa mga kabundukan patungo sa dagat. Matabang ang tubig dito. Ginagamit din ito bilang patubig sa mga palayan. Mga yamang ng ilog ay mga isda at hipon. Sapa - anyong tubig na dumadaloy. Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-init.
  4. 4. Bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat. Talon – anyong tubig na bahagi ng ilog o sapa na mabilis na bumabagsak mula sa mataas na lugar. Mga halimbawa nito ay ay Maria Cristina falls sa lanao del Norte. Ito ay tumutulong o ginagamit ang lakas ng tubig upang mapagkunan ng kuryente.

×