Panitikan (Kabanata 1)

33,174 views

Published on

Ito ay kabanata 1 sa Panitikan.
Binibuo ng mga sumusunod: Kahulugan ng Panitikan, Ang Panitikan at Ang Kasaysayan, Mga Paraan ng Pagpapahayag , Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan? , Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan , Ang Impluwensya ng Panitikan (sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao), Pangkalahatang Uri ng Panitikan (akdang Tuluyan at Patula),   Mga Uri ng Tula ng Damdamin o Tulang Liriko , Tulang Dula o Pantanghalan, Tulang Patnigan , at Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino .

Published in: Education
5 Comments
25 Likes
Statistics
Notes
  • sana nka tulong sainyo. :)
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • sana madownload q to ng mas madali
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • slamat po sa pag like miss Jody Manzano :)
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • panitikang pilipino ung title color yellow ung book tas ung cover nya eh kamay n me hawak n pluma. :) pasensya na nlimutan q n ung author.. hehehe ^_^v
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Hello. Itanong ko lang po kung ano pong reference book yung ginamit niyo dito? Kelangan ko po kasi makita yung book na yun. Maraming salamat po. By the way, salamat din po pala sa pag-upload nito. Thanks, GOD bless :D
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
No Downloads
Views
Total views
33,174
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
4
Actions
Shares
0
Downloads
542
Comments
5
Likes
25
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Panitikan (Kabanata 1)

  1. 1. KABANATA 1: Panimulang Pag-aaral ng Panitikan
  2. 2. Ano ang Panitikan? “Ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at masining na pahayag.”
  3. 3. Ano ang Panitikan? “Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang pagsusumikap na Makita ang Maykapal. ” -Panitikang Filipino, Atienza, Ramos, Salazar.
  4. 4. Ano ang Panitikan? “Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at Dakilang Lumikha. ” -Bro. Azarias
  5. 5. Ano ang Panitikan? “Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaring tawaging panitikan. ” -Webster
  6. 6. Ano ang Panitikan? “Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at gunigui g mg mamamayan na nasusulat at binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinhaga, at masining na mga pahayag.” -Maria Ramos
  7. 7. Ang Panitikan at Ang Kasaysayan
  8. 8. Ang Panitikan at Kasaysayan Ang kasaysayan ay naisatitik at tunay na nangyari kaya’t ito’y makatotohanang panitikan. Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.
  9. 9. Ngunit, mayroon ding pagkakaiba ang panitikan at kasaysayan: PANITIKAN Maaaring likhang isip o bungang isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naisatala. KASAYSAYAN Pawang mga pangyayaring tunay na naganap-may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon.
  10. 10. Mga Paraan ng Pagpapahayag
  11. 11. Mga Paraan ng Pagpapahayag  Pagsasalaysay – uri ng pagpapahayag na nagsasaad ng karanasan. Halimbawa: “Isang Karanasang Hindi Ko Makakalimutan” Paglalahad – isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. - nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. 
  12. 12. Mga Paraan ng Pagpapahayag ng - tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at nagpapayo mga kalutasan. Halimbawa: “Ano Ang Panitikan?”  Paglalarawan – isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.
  13. 13. Mga Paraan ng Pagpapahayag Ang mga detalye ng katangian, o kapintasan ng tao o bagay na namamalas ay nababanggit dito. Halimbawa: “Maynila…Kulay Anyo ng Lahi”  Pangangatwiran – naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinion ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.
  14. 14. Bakit Dapat Magaral ng Panitikan?
  15. 15. Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?  Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.  Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.
  16. 16. Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?  Upang matanto natin na ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.  Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.
  17. 17. Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?  Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
  18. 18. Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan
  19. 19. Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan   Ang klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang nagagawa sa kaisipan at damdamin ng manunulat. Ang hanap-buhay o gawaing pangaraw-araw ng tao
  20. 20. Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan  Ang pook o tinitirhan – malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na tinitirhan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat, mabundok, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng ating lahi.
  21. 21. Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan   Lipunan at Pulitika – nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan, at gayundin ang kultura ng mga tao. Edukasyon at Pananampalataya – Kung busog ang isipan, dala ng malawak na edukasyong natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng ating lahi.
  22. 22. Ang Impluwensya ng Panitikan (sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao)
  23. 23. Ang Impluwensya ng Panitikan  Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda.  Dahil sa panitikan, nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.
  24. 24. Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:  Banal na Kasulatan o Bibliya (Palestino at Gresya) – ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.  Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim
  25. 25. Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:  Ang Iliad at Odyssey – ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Ang akda nito ay si Homer.  Uncle Tom’s Cabin (akda ni Harriet Beecher Stowe, Estado Unidos) – kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng demokrasya.
  26. 26. Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:  Ang Divina Comedia – akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano ng panahon na iyon.  Ang Mahabharata – ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa daigdig. (Naglalaman ito ng kasaysayan ng Indiya.) pananampalataya ng
  27. 27. Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:  Canterbury Tales – naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulatni Chaucer. Ang El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa. 
  28. 28. Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig: Ang Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong ng Kakristiyanuhan sa Pransya.  Ang Aklat ng mga Patay – naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto. 
  29. 29. Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:  Ang Aklat ng mga Araw - akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya. Isang Libo’t Isang Gabi – mula ito sa Arabia at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano. 
  30. 30. Pangkalahatang Uri ng Panitikan (akdang Tuluyan at Patula)
  31. 31. Akdang Tuluyan
  32. 32. Akdang Tuluyan – yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap. Nobela – isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.  Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos
  33. 33. Akdang Tuluyan Maikling Kwento – ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan. Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute  Dula – itinatanghal sa ibabaw ng entablado tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto, na ang bawat yugto ay maraming tagpo. Halimbawa: “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino 
  34. 34. Akdang Tuluyan   Sanaysay – ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan. Talambuhay – ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pangiba o pansarili.
  35. 35. Akdang Tuluyan  Alamat – ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito. Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”  Ang Pabula – mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito. Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”
  36. 36. Akdang Tuluyan Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.  Halimbawa: “Ang Gamu-gamo at Ang Munting Ilawan”
  37. 37. Akdang Tuluyan  Balita – ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
  38. 38. Akdang Tuluyan  Talumpati – ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga pakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o paniniwala.
  39. 39. Akdang Tuluyan  Parabula - ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig. Halimbawa: “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”
  40. 40. Mga Akdang Patula yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong.
  41. 41. Ang Tula - Ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng pantig, at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama and isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. - ang isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: manunulat, sa guro at mag aaral. yaong sa
  42. 42. Tulang Pasalaysay: – naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.
  43. 43. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:  Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. sa Ito’y nagbubunyi ng isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban mga panganib at kagipitan. Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman”
  44. 44. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:  Awit at Korido – ang mga ito’y may paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna, prinsesa’t prinsipe. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.
  45. 45. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:   Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o bandurya, Ang korido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa. Halimbawa ng Awit: “Doce at Pares sa Kaharian ng Francia” at “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
  46. 46. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:  Balad – ito’y may himig na awit dahilang ito ay inaawit, habang may nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay napapasama ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
  47. 47. Mga Uri ng Tula ng Damdamin o Tulang Liriko
  48. 48. Tulang Liriko – ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito.
  49. 49. Mga Uri ng Tulang Liriko  Awiting Bayan - ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pagasa, at kalungkutan. Halimbawa: “Chit Chirit Chit”  Soneto – ito’y tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa. Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B . Monleon
  50. 50. Mga Uri ng Tulang Liriko  Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayn o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. Halimbawa: “Awit Sa Isang Bangkay”  Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
  51. 51. Mga Uri ng Tulang Liriko  Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Halimbawa: “Bayani ng Bukid”  Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Halimbawa: “Tumangis Si Raquel”
  52. 52. Tulang Dula o Pantanghalan
  53. 53. Tulang Dula o Pantanghalan Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod: Komedya – isang gawa na ang sangkap ay piling- pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood. 
  54. 54. Tulang Dula o Pantanghalan  Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. ugnayan sa komedya. Ngunit ngayon ito ay may trahedya katulad ng parsa sa Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.
  55. 55. Tulang Dula o Pantanghalan    Trahedya – angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. Parsa – isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa. Saynete – ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o
  56. 56. Tulang Patnigan
  57. 57. Tulang Patnigan  Karagatan – ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinhaga.
  58. 58. Tulang Patnigan Duplo – ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula.  Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
  59. 59. Tulang Patnigan  Balagtasan – ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan.
  60. 60. Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino
  61. 61. Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino  Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.  Ang mga akdang sinulat sa wikang banyaga ng mga Pilipino at dayuhang manunulat subalit ang nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino.
  62. 62. Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino  Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga paksain ay sa dayuhan.  Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng mga manunulat na Pilipino at ang mga paksa’y nahihinggil sa lahi’t kalinangang Pilipino.

×