Slide Presentation in Educational Technology

368 views

Published on

Published in: Education
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Slide Presentation in Educational Technology

  1. 1. KARAGATAN LOOK LAWA TALON ANYONG TUBIG GOLPO ILOG BUKAL KIPOT
  2. 2. Ito ang tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Tinatawag itong hotsprings.
  3. 3. Golpo ang tawag sa anyong tubig na karaniwang nasa bukana ng dagat. Ito ang tawag sa malalaking look.
  4. 4. Ang kipot ay isang makitid na lagusan ng tubig sa pagitan ng dalawang mga pulo. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pigging arkipelago nito.
  5. 5. Lawa naman ang tawag sa isang anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Mahina lamang ang alon nito at matabang ang tubig.
  6. 6. Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyangpandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.
  7. 7. Ito ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
  8. 8. Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay patungong Look ng Maynila. May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa.
  9. 9. Ito ay kilala rin bilang Rio Grande de Cagayan. Ito ay ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan sa hilagangsilangang bahagi ng Luzon.
  10. 10. Ang talon ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa. Nabubuo ito kapag dumadaloy ang tubig mula sa mga matitigas na mga batuhan patungo sa mahihinang uri ng lupa, yelo o bato.
  11. 11. Ang pinakamalaking anyong tubig sa bansa ay ang karagatan. Maalat ang tubig nito.
  12. 12. Talon ng Maria Cristina ang tawag sa talong ito. Ito ay matatagpuan sa Ilog Agus sa pulo ng Mindanaw. Tinatawag itong "kambal na talon" sapagkat ang daloy nito ay hinihiwalay ng malaking bato mula sa tuktok nito.

×