Buwang wika

5,312 views

Published on

  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Buwang wika

  1. 1. Reaction Paper Sa pangangalaga ng Wika at kalikasan Wagas ng pagmamahal talagang kailangan Ni: Sofia D. Palawan AIT 2-1 Agosto 19,2010 ay matagumpay na idinaos ang buwan ng wika 2010 na ginanap sa gymnasium na siya namang karaniwang idinadaos ng LSPU siniloan Campus tuwing sumasapit ang agosto. Sa aming pagpunta ay 8:30 ng ito’y nagsimula. Maraming estyudante ng dumalo para makiisa sa panonood ng buwan ng wika. Tuwang-tuwa ako sa mga kasali sa kantahan. Hanga naman ako sa mga kasali sa bugtungan quizbee, palaisipan at iba pang pakikipag-tagisan ng galling sa talino.may mga tanong na mahihirap pero kahit papano ay nasasagot naman ito ng mga kalahok. At bago matapos ay ginanap ang iba’t-ibang palaro sa mga manonood katulad ng Bingo na kung saan marami ang nakilahok para dito. At ang mga kasali dito ay talaga namang natutuwa sa mga papremyo katulad ng mga groceries para sa pang araw-araw na pangangailangan at syempre ang inaabangan na papremyo ang cellphone. At marami ang labis na natuwa ng umpisahan na nag nasabing palaro at ang isa sa mga nanalo ng cellphone ay isa sa estyudante ng AIT1-1. Sa aming panonood nasulyapan ko kung gaano kagaling umarte, kumanta makipag tagisan ng talino at mag sayaw ng pang sinauna ang mga estyudante ng LSPU siniloan at masasabi ko na matatalino at talentado ang mga estyudante sa aming paaralan kaya naman pinagmamalaki ko na sa Lspu ako nag-aaral. Sa panonood ko ng buwan ng wika na pagtanto ko na bilang Pilipino ay dapat nating ingatan at pagyamanin ang mga ipinamana sa atin n gating mga ninuno at ipagmalaki kung anong kultura meroon tayo.

×