Lesson Plan for Grade 5 DLL FILIPINO 5 Q4 Week 3.docx
Ako'y tula
1. AKO’Y TULA
Ako’y tula
Na kanyang ginawa,
Sinusulat sa Malaki at maliliit na letra
At tuwing sasapit sa dulo’y nagtutugma,
Kinakabisa ang bawat salita, koma at
emosyon na dapat nakalagay sa mukha,
Pinagpupuyatan ang bawat stanza
At hinahalintulad sa nadarama
Puno ng nagpipighating salita
At inuulat ng manunulat na sawa,
Sawa,
Sawa na sa lungkot na kasama
At sawa na sa sakit na nadarama,
At sa huli nagsawa na sa pagsulat
Ng tula,
At katulad ng iba iniwan ang tula
Nung ito’y masaya na,
Muli,
Ako ang tula na iniwan nya.