1. ESP
4
• Katatagan ng Loob (Pagsasabi ng Katotohanan)
• Pagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng
anumang hakbangin batay sa mga nakalap na
impormasyon
• Sa Maayos na Kaisipan, May tamang Pagninilay
• Pagpapakita ng Pagiging Mapagtimpi sa mga
Sitwasyong Kinahaharap.
2. Tingnan ang puzzle. Hanapin ang
sampung mahahalagang salita na
nagpapakita ng magagandang
kaugalian ng batang Pilipinong
katulad mo.
4. Suriin ang mga sitwasyon at lagyan ng tsek (/) kung ito ay nagsasabi ng
katotohanan anuman ang maging bunga at ekis (x) naman kung hindi.
___1. Inamin ni Jessica na siya ang nakabali ng ruler ng kanyang kuya kahit
alam niyang hindi na siya pahihiramin nito.
___2. Sinabihan ni Fe ang kanyang nakababatang kapatid na huwag
isumbong sa kanilang nanay na napunit niya ang kurtina upang hindi sila
mapalo nito.
___3. Hinayaan mo lang na mapalo ng iyong tatay ang kuya mo dahil ito
ang napagkamalang kumuha ng pera sa kanyang pitaka.
___4. Nakita mong itinulak ni Phine si Jho kaya nahulog ito sa kanyang
kinatatayuan pero dahil ayaw mong madamay ay hinayaan mo na lamang
ito.
___5. Sinabi mo sa iyong tatay ang nawawala mong baon kahit alam mong
pagagalitan ka niya.
5. Panuto: Kulayan ang ulap kung nagpapahayag ng kabutihan sa
pagsasabi ng katotohanan
6. ESP
4
• Pagsusuri ng Katotohanan Bago
Gumawa ng Anumang Hakbangin
Batay sa mga Nakalap na
Impormasyon
7. Bakit mo pinipiling gawin ang isang bagay?
Karaniwang mayroon kang pinagbabatayan ng iyong
pinipiling gawin o kilos. Kalimitang ito ay nakakalap mo
mula sa balitang napakinggan, patalastas na nabasa o
narinig, napanood na programang pantelebisyon at
maging mula sa taong kinauukulan na
pagsasanggunian. Ano man ang pinagmumulan ng
iyong pinagbabatayan ng kilos o pagpipili, mahalagang
sinusuri mo ang katotohanan ng mga ito bago gumawa
ng anumang hakbangin.
8. Mahalagang pagsumikapan ng isang mag-aaral na tulad
mo na malaman o matuklasan ang katotohanan bago
gumawa ng isang hakbangin, desisyon, o kilos. Dahil
ikaw ay nasa murang edad pa lamang, maaaring
limitado pa ang iyong kakayahang matuklasan ito.
Upang ikaw ay magabayan at mailayo sa kapahamakan,
marapat na sinasangguni mo ang taong higit na
nakaaalam ng katotohanan tulad ng pulis, guro, o
personalidad sa radyo o telebisyon. Sila ang mga taong
kinauukulan o nasa kapangyarihan. Sila ang
nakatalagang magbibigay ng tamang impormasyon
kaya’t sila ay mapagkakatiwalaan.
9. Maaari kang magkamali sa iyong hakbangin o
desisyon sa pagsusuri ng katotohanan kung
hindi mo ito isasangguni sa tamang
kinauukulan. Nararapat lamang na malaman
mo kung sino ang mga ito.
10. Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa
mo ay totoo. Kaya nararapat lamang na ikaw
ay magsangguni sa taong kinauukulan na
makatutulong saiyo na makuha, malaman, at
maunawaan mo ang tamang impormasyon.
Malaki ang maitutulong ng iyong magulang
upang makagawa ng paraan na
marating ang mga taong ito.
11. Nawa ang bawat isa ay maging mapanuri
upang maiwasan ang maling impormasyon, at
maghari ang katotohanan at kabutihan.
19. Karamihan sa mga impormasyong
ipinababatid mula sa balita, patalastas,
programang pantelebisyon, internet o social
networking sites ay mapanghikayat at kaakit-
akit. Ang ma batang katulad mo ay maaaring
madaling mapaniwala ng mga ito. Ang isang
paraan ng pagbabalanse ng impormasyon
kung ito ay totoo o hindi ay pagninilay-nilay.
20. Basahin ang bawat pahayag at isulat ang T kung tama at
M naman kung mali.
_____1. Hindi ko agad pinaniniwalaan ang impormasyong aking nababasa.
_____2. Lahat ng patalastas ay totoo kaya tatangkilikin ko ang mga produktong
tinutukoy nito.
_____3. Ikukumpara ko ang totoo at hindi totoo sa aking nabasa sa pahayagan.
_____4. Paniniwalaan ko ang mga patalastas na aking nababasa dahil ito ay totoo.
_____5. Inaalam ko muna ang katotohanan bago ko paniwalaan ang aking mga
nababasa.
_____6. Upang magamit nang tama ang internet, kailangang malaman ang mga
salitang kaugnay nito tulad ng facebook, youtube at iba pa.
_____7. Ang pagsasaliksik gamit ang internet lamang ang mabisang paraan upang
makakuha ng mga tamang impormasyon.
_____8. Huwag maging mapanuri sa mga pinapasok na site o blogsite.
_____9. Isang pindot mo lang makikita mo na ang gusto mong malaman sa internet.
_____10. Ang teknolohiya ay isang malaking bahagi ng mga pagbabago kung saan
mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa klase
22. 1.Tungkol saan ang patalastas? Ito ay tungkol sa
___________.
A. produkto
B. pagbili
C. magulang
D. katalinuhan
23. 2. Ano ang epekto ng patalastas na ito?
A. Nakapagpapatalino sa tao
B. Nagiging mapanuri sa pagbili
C. Nakapagpapaganda sa magulang
D. Natututo ng maraming kaalaman
24. 3. Makatotohanan ba ang impormasyong hatid ng patalastas?
Bakit?
A. Opo, dahil puwede ito sa mga bata.
B. Opo, dahil may magandang epekto ito.
C. Hindi po, dahil kailangan pa rin ang pag-aaral nang
mabuti upang maging matalino.
D.Hindi po, dahil para lamang ito sa mga matatanda
25. 4. Magpapabili ka ba ng “Magic Capsule” na nabanggit sa
patalastas? Bakit?
A. Opo, dahil puwede ito sa batang tulad ko.
B. Opo, dahil magiging matalino ako nito.
C. Hindi po, dahil hindi naman ako sigurado sa magiging epekto
nito.
D. Hindi po, dahil hindi naman lahat ng patalastas ay nagsasabi ng
tamang mensahe
26. 5. Ano ang una mong gagawin sa mga patalastas na iyong
nabasa? Bakit?
A. Bibilhin ko agad ito upang hindi ako maunahan ng iba.
B. Pagninilay-nilayan ko ito nang mabuti upang malaman ko ang
katotohanan.
C. Paniniwalaan ko ang sinasabi nito upang maging masaya ang
gumawa nito.
D. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang bumili rin nito
27. Basahin ang sitwasyon at sagutan ang tanong pagkatapos
nito:
Malakas ang hangin at ulan. Papasok ng paaralan si Renz
ngunit nagdadalawang-isip siya dahil tila nagbabadya ang
masamang panahon. Naisipan niyang alamin muna ang
lagay ng panahon. Binuksan niya ang laptop at nagsaliksik
ng ulat panahon sa internet. Kaniyang natuklasan na hindi
magkakatugma ang mga impormasyon mula sa blogs ng
iba’t ibang grupo na kaniyang nabasa. Kung ikaw si Renz,
paano mo malalaman ang tamang ulat panahon gamit ang
internet? Magbigay ng dalawang paraan.
30. Ang isang taong nagnanais na matuklasan ang
katotohanan ay kailangang may bukas na isipan.
Hindi lang siya tumatanggap ng impormasyon na
ibinibigay o natutuklasan niya. Nakahanda siyang
mangalap ng dagdag na kaalaman upang higit na
magkaroon ng linaw ang impormasyong ito. Sa
madaling salita, mayroon siyang sariling pamamaraan
o pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.