2. Estadistika ng Wika at Dayalekto
Ayon sa Census of Population and Housing (CPH)
noong 2000 may sambayanang gumagamit ng
wikang:
a) Tagalog- 5.4 Milyon
b) Cebuano/ Bisaya/ Binasaya/ Boholano- 3.6
Milyon
c) Ilocano- 1.4 Milyon
d) Hiligaynon/ Ilonggo- 1.1 Milyon
3. LINGUA
- ang salitang Latin na nangangahulugang “dila” at
“wika” o “lengguwahe”.
- pinagmulan ng salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika.
- Kalaunan ito’y naging “language” na siya na ring
ginamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa
wikang Ingles.
4. Kahulugan ng Wika
Ito ay nag mula sa pinagsama- samang makabuluhang
tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpahayag ng kahulugan at kaisipan.
Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag- usap
at pagpaparating ng mensahe sa isa’t- isa.
5. Iba pang kahulugan ng Wika:
Ito ay tulay sa na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
natin.
-Paz, Hernandez, at Peneyra-
Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na
pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
-Henry Allan Gleason, Jr.-
Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o
pagbe- bake ng cake o pagsusulat.
-Charles Darwin-
6. Iba pang kahulugan ng Wika:
Ito ay sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga
tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa
pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan
o sa iba’t ibang uri ng gawain.
-Cambridge Dictionary-
7. PAG- USAPAN NATIN!
Ano- ano ang kahalagahan ng wika sa buhay
ng tao? Ano kaya ang mangyayari kung
mawawala ang wikang binibigkas at
nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan
at kultura?
8. PAG- USAPAN NATIN!
Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad
sa sa isang lugar na pinuntahan natin kung
hindi tayo marunong ng kanilang wika?