1. IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 3
SECOND QUARTER
Pangalan ______________________________Baitang at Pangkat: _____Petsa: ___________
I. Panuto:Basahin ng mabuti ang mga katanungan.Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.
_______1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamalasakit sa
taong may karamdaman.
A. Pagalalay sa taong may sakit.
B. Pagtulong sa pagpapainom ng gamut.
C. Di-pag bisita sa taong may karamdaman.
D. Pag-aalay ng panalangin sa taong may sakit.
_______2. Nagkasakit ang nanay ni Pedro kaya hindi ito makagawa ng mga gawain
sa loob ng bahay.Ano kaya ang dapat gawin ni Pedro?
A. Maglaro. C. Umalis ng bahay.
B. Manood ng TV. D. Gawin ang mga gawaing bahay.
_______3. Ilang araw ng hindi pumapasok ang iyong kaklase sa paaralan dahil may
sakit siya ano ang nararapat mong gawin para maipakita ang pagmamalasakit sa
kanya?
A. Dadalawin at dadalhan ng pagkain o prutas.
B. Hahayaan na lang na absent ito.
C. Aantayin na lang itong pumasok.
D. Wala sa nabanggit
_______4. Nakita ni Michael na may pilay na sasakay ng jeep at aakyat ditto.Kung
ikaw si Michael ano ang iyong gagawin?
A. Mauuna pang umakyat sa loob ng jeep.
B. Aalalayan at tutulungang makapanik ito.
C. Di na lang papansinin at magsasawalang kibo na lang.
D. Sasakay na lang sa ibang jeep.
_______5. Niyaya ka ng iyong kaklase na dumalaw sa may sakit ninyong kaklase,
ano ang iyong magiging tugon?
A. Ah! Saka na lang ako dadalaw may gagawin pa ako.
B. May lakad kami hindi ako makakasama.
C. Sige pumunta tayo at dalhan natin ng pasalubong.
D. Di ako makakasama baka hanapin ako ni nanay eh!
2. II. Panuto: Tukuyin at isulat kung Tama o Mali ang isinasaad sa pangungusap.
________6. Dapat tayong magpakita ng malasakit sa taong may karamdaman o
kapansanan.
________7. Magbahagi ka ng baon mo sa kaklase mong walang pambili ng pagkain.
________8. Katangian ng mga Pilipino ang hindi dumalaw sa mga taong may sakit.
________9 Babatuhin mo ang kaklase mong pilay.
_________10.Natutuwa ang Diyos sa mga taong marunong magmahal at
magmalasakit sa kapwa.
_______ 11. Ang pagbibigay ng panalangin sa taong may sakit o karamdaman ay di
nakakatulong dito.
_______ 12. Ang kasabihang “ Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo
sa iyong sarili “ ay kinikilala sa buong daigdig.
_______ 13. Makisama ka sa mga kalaro mong tinutukso na BULAG ang isang
matanda.
______ 14. Alalayan mo ang matandang pipilay-pilay sa pagbuhat ng kanyang
gamit.
______15. Sa mga simpleng gawain ay naipadarama natin ang malasakit at
pagmamahal sa taong may sakit.
Lagda ng Magulang : ___________________________