1. Takipan at palaging linisin ang mga imbakan ng tubig. Maraming gamit
sa bahay gaya ng flower vase ang maaaring pangitlugan ng lamok kaya
makabubuting palitan nang madalas ang tubig ng mga ito.
2. Panatilihin ang kalinisan sa bahay. Iwasan ang pag-iimbak ng mga
nakatiwangwang na basura gaya ng mga lumang gulong at mga container
na maaaring pangitlugan at pamahayaan ng mga lamok.
3. Magsuot ng mga damit na nagbibigay ng proteksyon sa balat gaya ng
long sleeves at pantalon kung maraming lamok sa paligid at kung marami
ang kaso ng dengue sa inyong lugar.
MGA HAKBANG PARA MAIWASANG
MAGKAROON NG DENGUE
4. Gumamit ng mosquito net o kulambo para hindi
makagat ng lamok kapag natutulog. Siguraduhing
walang butas o bukas na bahagi kung saan maaaring
lumusot ang mga mapaminsalang lamok.
5. Maaaring magpalagay ng screens sa mga bintana at pinto para hindi
makapasok ang mga lamok sa loob ng bahay.
6. Gumamit ng mga insecticides na mabisa laban sa mga lamok ngunit
siguraduhing ligtas itong gamitin sa loob ng bahay. Nakakatulong pantaboy
ng lamok ang mosquito coil o katol ngunit mag-ingat sa paggamit nito lalo na
kung may mga bata sa inyong bahay.
7. Itapon nang maayos ang inyong mga basura. Gumamit ng mga
basurahang may takip at palaging ilabas ang inyong mga basura.
Nakakatulong din ang wastong paghihiwalay ng basura upang mabawasan
ang pagpasok ng lamok sa inyong kabahayan.
MGA HAKBANG PARA MAIWASANG
MAGKAROON NG DENGUE
8. Panatilihing malinis at walang naiiwang tubig sa
inyong mga alulod. Gayundin ang inyong mga pool,
fountain, at bathtub.
MGA HAKBANG PARA MAIWASANG
MAGKAROON NG DENGUE
9. Alisin sa hanger ang mga damit kung maaari ay tupiin ito at ilagay sa
mga damitan . sapagkat madalas doon nadapo ang mga lamok .
10. Ilagay ang lahat na ginamit na mga lata at bote sa loob ng may takip na
mga basurahan.
11. Maari din magtanim ng mga halamang makatutulong para maitaboy ang
mga lamok kagaya ng Cintorella, Rose mary, Basil , Catnip at Pepper mint.