Aralin 23 economics

34,976 views

Published on

0 Comments
9 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
34,976
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
9
Actions
Shares
0
Downloads
465
Comments
0
Likes
9
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Aralin 23 economics

  1. 1. ARALIN 23Mga Institusyong Pinansyal:Bangko,Bahay-sanglaan, At Kooperatiba
  2. 2. NARITO ANG MGA LAYUNIN NG ARALING ITO: Naiisa-isa ang mga halimbawa ng mga institusyon ng pananalapi Naipaliliwanag ang tungkuling ginagampanan ng mga institusyong pinansyal sa ekonomiya ng bansa Napahahalagahan ang kontribusyon ng mga institusyong pinansyal sa ekonomiya ng bansa.
  3. 3. INTRODUKSIYON: Ang lahat ay gumagamit ng salapi upang makabili ng mgs produkto at makakuha ng mga serbisyo. Ang isang negosyante ay maaring humiram ng mga salapi sa isang bangko upang may magamit na puhunan sa kaniyang sisimulang negosyo. Ang iba naman ay dumudulog sa mga sanglaan at kooperatiba upang makapangutang at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa pangkalahatan, ang bangko, sanglaan, at kooperatiba ay ilan lamang sa mga tinatawag na mga institusyong pananalapi o pinansyal (financial institution).
  4. 4. BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI Binubuo ang sektor ng pananalapi ng iba’t- ibang institusyong ang gawin ay nakasentro sa anumang trasaksyong may kaugnayan sa pagdaloy ng salapi. Ilan sa mgs institusyong ito ay kinabibilangan ng mga bangko at mgs hindi bangkong institusyong tulad ng kooperatiba, bahay- sanglaan, at iba pa.
  5. 5. PAGKAKABUO NG MGA BANGKO Ang salitang bangko ay hango sa salitang Italian na banca na halaw naman sa salitang German na nangangahulugang bangko o bench. Samantala, ang katagang bankrupt ay mula sa pariralang banca rotta na ang ibig sabihin ay mga bangkong wala na sa serbisyo sapagkat ang bangko o bench ay tuluyan nang “pisikal na nasira”.
  6. 6. Ang mga bangko ay mga institusyonglumilikom ng salapi na nanggagaling sa mga tao atpamahalaan. Ang mga salaping inilalagak sabangko ay tinatawag na deposito. Ang mgadepositong ito ay lumalago sa pamamagitan nginteres o tubo. Samantala, ang mga depositongnalilikom ay ipinauutang sa mga nangangailanganna may kakayahang magbayad sa itinakdangpanahon. Ang utang ay pinapatawan naman ngtubo ng mga bangko. Ang tubong ito angnagsisilbing kita ng mga bangko na ginagamitnaman upang ibigay ang interes sa depositongsalapi at upang maisakatuparan ang iba’t-ibangoperasyon ng bangko.
  7. 7. MGA BANGKONG INSTITUSYON Sa bisa ng Republic Act 337 (General Banking Act) na sinusygan ng Presidential Decree 1828, ang mga bangkong institusyon ay naikategorya sa tatlo. Kabilang dito ang mga:1. Bangkong Komersyal2. Bangko sa Pagtitipid3. Bangkong Rural
  8. 8. BANGKONG KOMERSYAL Ang mga bangkong komersyal ay maaaring pribadong lokal o dayuhang pag-aari. Ito ay binubuo ng mga malalaking bangko na maaaring tumanggap ng deposito sa publiko. Dahil sa malalaking kapital, ang mga bangkong ito ay may kakayahang makapagbukas ng iba’t-ibang sangay sa buong bansa. Bunsod ng malalaking halaga sa mga negosyante. Nagpapautang din sila para sa iba pang layunin tulad ng pabahay, pakotse, at iba pa. Halimbawa: Bank of Commerce, Philippine Trust Company, at Philippine Veterans Bank
  9. 9. BANGKO SA PAGTITIPID Binubuo ito ng mga di-kalakihang bangko na ang pangunshing layunin ay ang humukayat sa pag-iimpok at pagtitipid. Ang mga bangkong ito ay tumatanggap ng mga deposito mula sa publiko. Ang bahagi ng kanilang puhunan at nakalap na deposito ay karaniwang pinauutang para sa mga pangunahing pangangailangang panlipunan at pangkabuhayan. Kadalasan itong ipinagkakaloob sa mga maliliit na prodyuser at mga konsyumer. Halimbawa: Stock Savings and Loan Association, Savings and Mortgage Bank, at Private Development Bank
  10. 10. BANGKONG RURAL Ang mga bangkong rural ay itinatag upang bumuti ang kalagayang panlipunan at pangkabuhayan sa mga kanayunan. Ito ay ipinatupad upang tugunan ang mga pangangailangang pautang ng mahihirap na mamimili at maliliit na prodyuser, tulad ng mga magsasaka at mangingisda. Ang mga bangkong rural ay mha bangkong nakabatay sa mga pamayanan (unit-type community-orriented bank). Upang mahikayat ang pagbubuo ng mga bangkong rural, ang BSP ay nagkakaloob ng mga tax exemption at mababang interes (nominal interest rates) para sa mga institusyong ito.
  11. 11. MGA BANGKONG PINATATAKBO NGPAMAHALAAN: Land Bank of the Philippines Development Bank of the Philippines Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines
  12. 12. IBA PANG INSTITUSYON NG PANANALAPI GSIS Government Service Insurance System SSS Social Security System PAG-IBIG Fund Pagtutulungan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno
  13. 13. KOOPERATIBA Binubuo ang kooperatiba ng mga kasapi na may layuning panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa. Ang itinatag na kkoperatiba ay kailangang irehistro sa Cooperative Development Authority.
  14. 14. BAHAY-SANGLAAN Itinatag ang bahay-sanglaan o pawnshop upang magbigay ng pautang sa mga taong sa mga taong nangangailangan ng salapi sa pangmadaliang panahon. Ang pagdulog sa mga bahay-sanglaan ay isa sa mga madaling paraan upang makautang. Ang pangangasiwa at pagpapatakbo sa mga bahay-sanglaan ay itinakda noong 1973 ng Presidential Decree 114 o ang Pawnshop Regulation Act.
  15. 15. 3RD QUARTER REPORTING Submitted by:  GROUP 2: Ma. Jan Nickole B. Fernandez Cyril V. Bernardo Yvette Gabriel E. Sarrol Jomari G. Caranto Yro P. Pangan Vernard Gatpandan OSIAS COLLEGES, INC. o Submitted to: Ms. Marizel L. Pascua

×