Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Filipino at ang wika ng

4,351 views

Published on

  • Be the first to comment

Filipino at ang wika ng

  1. 1. Filipino at ang Wika ng PagtuturoIpinaskil noong 09/15/2008 ni Roberto AñonuevoHindi ko na sana papatusin ang usapin ng wika sa pagtuturo, ngunit nabasa ko noong 12 Setyembre 2008 ang pitakni Maya Baltazar Herrera na pinamagatangEducating the Filipino sa Manila Standard Today at marapat sagutin.Payak lamang ang tesis ng kaniyang akda: Ingles ang dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, dahil itoang wika ng negosyo. Ang Ingles umano ang magbubukas ng maraming oportunidad, at maghahain ng mgaposibilidad, sa mga Filipino. Kailangan ang Filipino sa negosyo at kalakalan.Ngunit makitid na puwang lamang ang ibig silipin ni Herrera sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Hindiniya isinaalang-alang ang malaking posibilidad ng paggamit ng Filipino sa pagpapabilis ng modernisasyon ngagrikultura, siyensiya, teknolohiya, inhinyeriya, batas, kalusugan, at iba pang aspekto ng lipunan. Hindi nakita niHerrera na higit na mahalaga ang kahusayan sa isang larang [i.e., field], at ang kahusayang iyon ay wala sapagsasalita ng Ingles, bagkus sa pagkakaunawa at pagsasakatuparan nang malalim at malawak sa mga konsepto ngnaturang larang.Ang hinuha ko’y hindi talaga tumitingin sa estadistika at datos itong si Herrera. Inaakala pa rin niya na angekonomiya natin ay gaya ng ekonomiya ng Estados Unidos at Europa, kaya kahit ang wika ng mga ito ang dapatpagsumundan ng mga Filipino. Ang malaking bahagi ng Filipinas ay nakaayon sa agrikultura. Dahil dito,kinakailangan ang pagpapahusay ng teknolohiya hinggil sa agrikultura. Kailangan ang subsidyo ng pamahalaan samga magsasaka at mangingisda. Kailangan ang abanseng impraestruktura, patubig, transportasyon,telekomunikasyon, bukod sa epektibong pamamaraan ng edukasyon. At sa pagtuturong ito ay tinitiyak kong higit namagiging epektibo kung gagamit ng Filipino na sinusuhayan ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, imbes nagagamit ng Ingles.Ang pagpupunyagi ng mga akademiko na gamitin ang Filipino bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ay maybatayan, at patutunayan ito kahit ng mga pagdinig sa batasan, o sa pahayag ng United Nations. Mabilis na matututoang mga bata ng mga konseptong matalik sa kanilang puso at lugar kung gagamit ng Filipino at kaugnay nalalawiganing wika. Ito ay dahil magkabalahibo ang Filipino at ang mga lalawiganing wikang gaya ng Iluko, Bisaya,Bikol, Palawan, at iba pang wika, kompara sa Ingles. Magkasalungat ang polong pinagmumulan ng Filipino at ibapang lalawiganing wika kung ihahambing sa Ingles, ayon sa pag-aaral ng antropologong si Dr. Melba PadillaMaggay.Ang paggamit ng Filipino ay hindi nangangahulugan ng pagpatay sa mga lalawiganing wika, bagkus pinalalakas panito ang lalawiganing wika dahil mailalahok ang malaking bahagi nito sa korpus ng Filipino. Isang halimbawa nitoang UP Diksiyonaryong Filipino (2001), na naglahok ng mga salitang mula sa mahigit 100 wika sa Filipinas. Habangginagamit ang Filipino, lalong mahihikayat ang mga lalawiganing wika na linangin nang maigi at itampok ang angking
  2. 2. ugat at kultura. Filipino ang pinakamadaling paraan upang bigkisin ang mga Filipino, na hindi kayang gawin ngIngles, at patutunayan ito kahit sa mass media. Lalakas ang negosyo sa paggamit ng Filipino.Mapasisigla din ang kalakalang panloob, dahil hindi maaasiwa ang mga Filipino na magpa-Ingles-Ingles kahit hindinaman kinakailangan. Mapagagaan ang mga transaksiyon sa bangko, telekomunikasyon, at transportasyon kungFilipino ang gagamitin. Mahihikayat ang libong kabataan na magtuon sa siyensiya at teknolohiya dahil madali nilangmaisasabuhay ang mga konsepto at karunungang nasagap nila sa pamamagitan ng Filipino.Hindi ko sinasabing huwag nang mag-aral ng Ingles. Kailangan pa ring mag-aral ng Ingles kung ibig kausapin angmga dayo. Ngunit kapag mga Filipino na ang nag-uusap ay dapat gamitin ang wikang Filipino upang magkaunawaanang nakararami. Dapat tandaan ni Herrera na hindi lahat ng Filipino ay ibig magtrabaho sa ibayong dagat o kaya’ypumasok na ahente sa call center. Maraming propesyonal na Filipino ang ibig magtrabaho at magsilbi sa Filipinas, attulungan ang mga kapuwa nila Filipino na nasa alanganing kalagayan, at makipag-usap sa kanilang kababayan sawikang matalik sa kanilang buhay.Ang paggamit ng Ingles ay naghahain ng di-inaasahang deskriminasyon sa mayorya ng mga mag-aaral na Filipino.Nahahati ng Ingles ang isip ng mga bata, at ang batang ito, anuman ang kaniyang wikang kinamulatan, ay magtatakakung bakit iba ang wika ng paaralan at iba ang wika ng tahanan. Nakakiling ang timbangan pabor sa mga batangmayayaman, na nakapag-aaral sa mga esklusibong paaralan, at ang mga magulang ay pulos Inglesero. Ngunit anggayong tagpo ay taliwas sa nangyayari sa iba pang panig ng kapuluan. Nauuna ang pagdidikdik ng gramatika atpunto ng Ingles, imbes na pinag-aaralan nang maigi ang mga konseptong nakapaloob sa isang larang, gaya ngagham, matematika, at kasaysayan.Isinaad ni Herrera na ang realidad daw para sa maraming Filipino ay Ingles ang pangunahing wika sa Filipinas.Ingles ang ginagamit sa kontrata, kalakalan, pahayagan, restoran, at hukuman. Totoo ito lalo sa metropolis, ngunithindi ito nangangahulugan na higit na naging epektibo ang Ingles bilang wika ng transaksiyon. Maraming Filipino angnagogoyo dahil hindi nila nauunawaan ang mga pinirmahang kontratang nasusulat sa Ingles. Marami angnahihirapan sa pakikipagkalalan dahil hindi maunawaan ang Ingles pagtungo sa mga lalawigan. Maraming restoranang nalulugi kahit sabihin pang Ingles ang nakasulat sa menu. At maraming nabibilanggo at nabibitay dahil ang wikang hukuman ay wikang taliwas sa dapat asahan ng mga akusado. Ang problema ng wika ay matingkad na makikitasa batasan at hukuman, at kahit gaano kahusay umingles ang mambabatas, ang abogado, at ang hukom, natitiwalagpa rin ang mayorya ng mga Filipino dahil sila-sila ring mambabatas, abogado, at hukom ang nagkakaunawaan sakanilang diskursong Ingles.Ang pag-aaral ng Ingles ay dapat ituring bilang isa lamang sa mga banyagang wikang maaaring pag-aralan atmatutuhan ng Filipino. Bakit kailangang limitahan sa wikang Ingles ang dapat matutuhan ng mga Filipino? Bakit hindiwikang Bahasa Malay o Espanyol o Mandarin? Hindi dapat pangibabawin ang Ingles na ikababansot lalo ng Filipinoat ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, gaya ng nagaganap sa ngayon. Ang realidad ay malaganap na angFilipino ngunit waring nakapikit pa rin ang negosyo, ang akademya, ang batasan, at ang pamahalaan na pawang ibig
  3. 3. ipagpatuloy ang saliwang kolonyal na patakaran na pinairal noon ng rehimeng Amerikano. Malawak ang posibilidadsa paggamit ng Filipino, lalo sa negosyo at kalakalan, at ito ang dapat subukin at isagawa, para sa lubusangikalalago ng bansa. Pampaaralang Pamamahayag Gigising sa Pambansang KamalayanAng pagiging malaya ay nakaukit na sa puso ng mga Filipino. Wala ng mga salitang higit na makapaglalarawan sa kanyang lahi hundi angmasidhing pagnanasang maging malaya, maging itoy pansarili, pangkapwa o pang buong bansa. Ito ang kasaysayan ng mga Filipino at ngkanyang Inang Bayan, ang tagumpay sa pagkakaroon ng kalayaan, ang naglahong kalayaan at ang muling pagkakamit nito. Hindi maitatago ang mahalagang bahaging ginampanan ng mga pahayagang nagmula sa mga isip at kamay ng mga ilang natatangingFilipino. Ang kapangyarihan ng pluma at ng gma damdaming sumisigaw ng mithing magkaroon ng kalayaan, mga pahayagang naging daanupang matamasa ng mga Filipino ang kasarinlan. Pagkaraan ng isang daang taon, mula sa kanilang pagkakahimlay, muling tinatawagang pansin ang media lalo na ang pahayagangpampaaralan na maging kasangkapan tayo sa pagbabago at pagbibigay kasiguraduhan na mananatiling tinatamasa ang kalayaan sasusunod na isang daang taon.OPINYON: Buhay ng isangmamamahayag pangkampusPOSTED BY GITE NEALEGA IN UNCATEGORIZED 14 LinggoAGO 2011 ≈ MAG-IWAN NG PUNA Mga Marka Bikolana, DLSU,Journalist, PilipinoKatotohanan- ito ang pinanghahawakang bala ng mga mamamahayag sapaglilingkod sa publiko. Kahit kami bilang mga mamamahayag pangkampus ay ito rinang pangunahing isinusulong sa aming bawat isinusulat. Kung regular kayong mambabasang Ang Pahayagang Plaridel kabisado ninyo na marahil ang tagline nitong, “Mahirapmagbingibingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.” Ito ang mgalinyang sumasalamin sa mundo ng pamahayagang pangkampus. Sa ngalan ng serbisyonghindi man direktang hinihingi sa amin ng pamayanang Lasalyano, ibinibigay namin itokalakip ang iba’t ibang dahilan ng pagpasok namin sa mundo ng pamamahayag.Susi ng pagtatagumpay sa mundo ng pamahayagang pangkampus ang kagustuhan ng isangmag-aaral na makapagsulat. Buwanan man ang aming paglalabas ng isang isyu, hindinamin inaalintana ang hirap na kakabit nito dahil gusto namin ang aming ginagawa. Maymga panahon pa nga na mas nauuna pa ang aming pagiging mamamahayag kaysa sapagiging isang mag-aaral. Walang nagsabi sa amin na piliin ang landas na ito. Dahil kungmayroon mang pumilit sa amin na pasukin ito, tiyak na hindi kami tatagal sa mundong ito.
  4. 4. Sa kabila nito, hindi ko sinasabing dapat maging ispesyal ang pagtingin sa mga katuladnamin. Alam kong kaakibat ng pagiging mamamahayag ang pagsasakripisyo ng ilang bagaysa buhay.Hindi kami humihingi ng “special treatment” sa sinuman. At hindi ito ang dahilan kayapinasok namin ang mundo ng pamamahayag. Ang sa amin lang, hindi man namin kayopinipilit at mapapipilit na basahin ang bawat isyu na aming inilalabas buwan-buwan,kaunting paggalang man lang sa bawat diyaryo na aming inilalathala. Hindi niyo mansinabing magsulat kami upang may mabasa kayo, respeto na lamang sa mga akda naaming isinusulat. Kaunting pagpapahalaga lamang sa bawat isyung na ibinubuno ng bawatmamamahayag ang aming kailangan.Mapalad tayo na mayroon tayong natatanggap na buwanang isyu ng balitang pangkampussa Pamantasan. Huwag nating sayangin ang pagkakataong mas mapalago ang atingkaalaman. Kami, bilang mamamahayag pangkampus ay taos-pusong naglilingkod para sapamayanang Lasalyano at kakaibang saya ang hatid tuwing nakakakita kami ng mga taongnagbabasa ng aming Pahayagan.Balangibog (balaˈngēbôg), salitang Bikolano na nangangahulugang pagpapabatid atpagbabahagi ng katotohanan sa mas nakararami.*Nailathala noong Marso 2011 sa Ang Pahayagang Plaridel, ang Opisyal naPahayagan ng mga Mag-aaral ng Pamantasang De La Salle

×