SlideShare a Scribd company logo
1 of 34
Download to read offline
1
Kasanayan sa
Pagbasa
2
• Ang pagbabasa ay isang proseso ng
pagtanggap at pag-interpreta ng mga
impormasyong nakakoda sa anyo ng wika
sa pamamagitan ng limbag na midyum
(Urquhart at Weir)
• Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan
sa pagsasagawa ng aktibidad na
kinasasangkutan ng awtor na siyang
nagsulat o nag-enkowd ng mga simbolo
na walang iba kundi ang mga letra para
maghatid ng mensahe sa bumabasa
3
• Sa pagtanggap ng masimbolong nakakodang
mensahe, kailangang aktibo lahat sa aspektong
mental sa kakayahan ng tagatanggap sa
pagbasa
• Kailangang gumagana ang kanyang memorya
para maalala lahat ng kanyang mga kaalamang
pangwika, gayundin, ang kanyang mga
pinagdaanang karanasan para maiugnay sa
binabasa.
• Kailangang gumamit ng mga istratehiya para
madali niyang makilala ang mga simbolo,
makuha ang mga kahulugan, at maintindihan
ang kaisipan o mensaheng ipinarating
4
Pagbasa at ang Halaga nito sa Tao
• Susi sa pagtuklas sa mas malawak pang
karunungan
• Sa pagbabasa nadidivelop ng tao ang kanyang
katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at
nakakamtan niya ang kasiyahan at kayamanang
dulot ng karunungang nakakatas sa mga
tekstong kanyang binabasa
• Nagdudulot ng mga gintong kaisipang nagiging
puhunan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa
lipunan, sa kapwa at sa mundong kanyang
ginagalawan
5
• Isang pasaporteng magagamit ang pagbabasa
tungo sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig
na nais marating ng tao sa pagkilala sa mga
bantog at dakila na hindi nakikita
• Gabay ito sa pagtugaygay ng landas sa mga
karanasan at mithiing pinapangarap ng tao
• Nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan
sa kabatiran at karunungan
• Isa itong aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nagbibigay ng iba’t
ibang karanasan sa buhay
6
Dalawang Pangunahing Layunin
sa Mapanaliksik na Pagbasa
1. Makapangalap ng mahalagang impormasyon at
mapataas pa ang antas ng pag-unawa
• Nagagawa ito sa pang-araw-araw na pagtunghay
sa mga dyaryo, magasin, folyeto at iba pa
• Magagaan lamang ang mga itong intindihin
• Hindi gaanong pinag-iisipan sapagkat
nakakapantay lamang ng ordinaryong pang-
unawa
• Isang paraan ng pagpapalipas-oras kaya’y
paglilibang
• Ito ay kasanayang pangmemorya lamang ng mga
kaalaman
7
2. Magpalawak at magpalalim ng pang-unawa
• Karaniwang hindi kinasisiyahan dahil mabigat
intindihin ang mga materyal na kinakailangang
basahin
• Mataas ang antas ng nilalaman nito sa
kakayahang umunawa ng bumabasa
• Ito ay kasanayang pampagkatuto sapagkat
hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip para
tuklasin ang mga nakapaloob ditong mga
konsepto o mensahe
• Ginagamit dito ang malarong imahinasyon,
matalas na pagmamasid, matalinong panunuri, at
masigasig n apagmumuni
8
Kahalagahan ng Pagbasa
1. Pangkasiyahan
2. Pangkaalaman
3. Pangmoral
4. Pangkasaysayan
5. Pangkapakinabangan
6. Pampaglalakbay-diwa
9
Hakbang sa Pagbasa Bilang
Isang Proseso
• Isang mental na aktibidad ang pagbasa
• Hindi ito basta pangmata o pagtingin lamang sa
nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang
simbolo kundi isang pagtuklas sa mga
nakapaloob ditong kahulugan
1. Kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang
simbolo para magkaroon sa isip ng imahe nito
• Ang pagkilalang ito bilang isang hakbang ay
tinatawag persepsyon
10
2. Komprehensyon
• Aksyon o proseso sa pagkuha at pag-intindi sa
ipinakakahulugan ng mga nakalimbag na simbolo
• Naisasagawa ito sa literal o sa maasosasyong
• Sa pamamaraang literal, nakukuha at
naiintindihan ang kahulugan sa diksyunaryo
• Sa pamamaraang maasosasyon, nakukuha
naman sa personal na karanasan ng bumabasa
• Denotasyon ang tawag sa kahulugang literal,
samantalang, konotasyon naman yaong mga
kaisipan o konsepto kaya’y mensaheng nakukuha
sa teksto sa pamamaraang maasosasyon
11
Hakbang sa Pagbasa ayon kay
Gray
Ikaapat na Hakbang
Integrasyon
(pagsasama ng bagong
ideya sa personal na
karanasan)
Unang Hakbang
Pagkilala sa salita
Ikatlong Hakbang
Realisasyon
(paghuhusga at emosyonal
na pagtugon)
Ikalawang Hakbang
Pag-unawa
(pagbuo ng konsepto ng
isang salita)
Ang
pagbasa ay
isang
proseso ng
pag-iisip,
pag-
eevalweyt,
paghuhusga
at paglutas
ng suliranin
12
1. Persepsyon
• Kakayahang bigkasin ng mga pang-unawa ang mga
salita
2. Komprehensyon
• Kakayahang maunawaan ang nilalaman ng teksto
sa pamamagitan ng pagbuo ng konsepto
3. Realisasyon
• Nangangailangan ng paghuhusga at pagwawari
tungkol sa ano ang sinasabi ng awtor
4. Integrasyon
• Kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa
ang anumang konseptong nauunawaanupang
maging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan
para sa kinabukasan
13
• Ipinakita ni Gray na ang pagtuklas ng kahulugan ang
dapat na maging sentro ng pagbasa
• Mahalaga sa pagbasa ang may kaalaman sa mga salita, balarila at
kagalingang pansemantika. Ang mga ito ay makatutulong sa
pagbigay ng mabilis ng fidbak o reaksyon sa akdang binasa,
makatutulong din ito sa paghinuha ng nilalaman ng iba pang
babasahin
Ugnayan ng
Balarila at sintaksis
ng wika
Kahulugan
Simbolo at tunog
14
Mga Paraan sa Pagpapalawak ng
Interpretasyon
• Para mapadali ang pag-intindi sa binabasa, may isang
tanging batas na dapat sundin “kilalanin ang
pagkakagamit ng mga salita para agad mahinuha ang
ipinakakahulugan”
1. Denotasyon
• Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa
diksyunaryo, ang literal na kahulugan, wika nga, kaya’y
tinatawag ding “aktuwal na kahulugan”
a. Bigkas – kung paano ang salita isinasatunog o
isinasaboses pag sinabi
b. Bahagi ng panalita – kung nominal ito(pangngalan o
panghalip), kung pandiwa, kung panuring(pang-uri o
pang-abay), pang-ugnay(pangatnig o pang-angkop)
15
c. Etimolohiya o pinagmulan ng salita – nagpapahiwatig
na ito ng kultural na ring kahulugan
d. Kayarian ng salita kung paano nabuo
2. Konotasyon
• Ito naman ang paghihiwatig o asosyativong
kahulugan na maaaring nagsaad ng kultural o
pangkaranasang kahulugan, gayundin, ng
pragmatikong kahulugan ayon sa pagkakagamit ng
salita sa pangungusap
• Tinatawag ding kontekstwal na kahulugan kaya
pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito
sa ibang salita na kolokasyon naman ang tawag
• Sa isang akda namang may kaisahang tinatawag,
nangangahulugan itong nagkaugnay-ugnay ang mga
ginagamit na salita sa pakikibahagi sa pagbuo ng
pangunahing diwa,kaya dito naman matatagpuan
ang tinatawag na klaster
16
• Kolokasyon
Mahaba ang lubid na itinali niya sa kahoy.
Mahaba ang dila ng kanilang kapitbahay.
Mahaba ang kamay ng bisitang isinama mo.
Mahaba ang buhay ng pusa.
Makati ang alipunga.
Makati ang dila niya.
Makati siya.
• Klaster
pagmamahal pag-ibig
magulang lalaki/babae
mapagbigay makasarili
mapagparayamapang-angkin
walang malisya sekswal
• Kultural at pangkaranasan
Habang nakasakay sila sa paragos na pausod na hinihila ng
kalakian, nasasamyo nila sa simoy ang bulaklak ng papaya,
sumasabay sa pakawag na kaway ni Ingkong na abot-tenga
ang ngiti
17
Ang mga Kaantasan ng Pagbasa
• Kumulativ ang antas ng pagbasa sapagkat
tumataas ang grado nito kapag sund-sunod o
patuloy na nadaragdagan ang salansan
binabasang materyal.
1. Batayang antas – tinatawag ding panimulang
pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang
rudimentaryong kakayahan, ibig sabihin,
dinidivelop ito mula sa kamangmangan
- elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang
ipinatututo sa paaralang elementarya
- wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa
- unang konsentrasyon ang pagkilala sa aktwal na
mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ng
mga ito
18
- literal din kung turingan ito kaya
mababaw pa ang pagsukat sa pag-intindi
na umiikot lamang sa mga katanungang
Sino? Ano? Kailan? Saan?
- malalamang umabot na sa literal na
antas ng pag-unawa ang pagbasa kung
nakapagbubuod na, nakakikilala na ng
mga pangunahing kaisipan, at
nagagawan na ang mga ito ng balangkas
19
2. Inspeksyunal na Antas – panahon ang
pinakamahalaga sa antas na ito
- Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa
- kinukuha lamang dito ang mga superfisyal na
kaalaman
- Pre-reading o sistematikong iskiming din kung
tawagin ito na naglalayong tayahin kung dapat o
di-dapat basahing mabuti.
- kahit di ito basahing mabuti, marami na rin
namang bagay na nakukuha tungkol sa libro.
Paano?
1. Tinitingnan ang pamagat at ang paunang salita
2. Sinusuri ang talaan ng nilalaman
20
3. Tinataya ang index, indorso o blurb ng publisher
4. Tinitingnan din ang inaakalang mahahalagang kabanata
lalo na ang bahaging panimula at pangwakas na pahina
- tuluy-tuloy ang pagbasa at hindi na pinapansin ang
mga salitang hindi nauunawaan dahil ang paghinto para
tingnan sa diksyunaryo ang mahihirap na salita ay
makasasagabal lamang sa halip na makatulong sa
pagkatuto
3. Mapanuri o Analitikal na Antas – Aktibo naman
ang antas na ito sapagkat hangad ditong
intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa
pamamagitan ng malinaw na pag-interpreta sa
mga metapora.
21
- Interpretatibo ito sapagkat matalinong hinihinuha
ang mga pahiwatig at tagong kahulugang
matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya.
- Minamahalaga rito ang malalim na nakapaloob na
kaisipan at ang taglay nitong mga katotohanan.
- Hindi rin maihihiwalay ang pagpapahalaga sa
kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat nito
ang antas na ito.
4. Sintopikal na Antas – Pinakamataas na antas ng
pagbasa.
- Kumplikado at sistematikong pagbasa ito
sapagkat ito’y humahamon sa kakayahan ng
bumabasa.
- Komparatibo rin dahil dapat marami nang
nabasang libro ang bumabasa. para
22
makapag-hambing siya, makapagtulad at
makapag-iba-iba, makapagsuri, makapamuna at
makapagpahalaga
- Napapailalim din sa antas na ito ang pag-
unawang integratibo. sapagkat nagaganap sa
antas na ito ang pag-uugnay ng bumabasa sa
mga kaisipang nakukiha sa kanyang pansariling
kaalaman at karanasan hanggang sa tuluyan
niya itong isanib sa kanyang binabasa
23
Ang mga Teknik sa Pagbasa
• Patern o uri ng pagbasa ang tawag sa mga
teknik ng pagbasa
• Nalalaman ang iba’t ibang teknik ng pagbasa
ayon sa layunin ng bumabasa
1. Iskiming – teknik ng pagbasa nang madalian
para magkaroon lamang ng inpresyon sa
materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti
- gayundin kung hangad makakuha ng
pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang
impormasyon ng materyal
- ang pokus ay wala sa detalye kundi sa
pangkalahatang kaisipan
24
Hakbang sa Pag-iiskim
a. Prebyuwing – pag-iisip ito bago magbasa ng
mga inaasahang isyu tungkol sa paksang
sasaliksikin
- isinasaalang-alang din dito ang antas ng pag-
unawa na kakailanganin para mabigyang-
kasiyahan ang layunin sa pagbasa at ang
pagtataya sa panahong mailalaan sa epektibong
pagbasa sa materyal
- sa pamagat pa lamang matutukoy na kung
nagtataglay nga ang materyal o hindi ng
paksang sinasaliksik, gayundin sa mga sub-title
25
b. Sarveying at Overvyuwing – pagtingin sa iba’t
ibang bahagi ng aklat ang pagsasarvey para
madetermina kung may kaugnayan o wala ang
nilalaman ng materyal sa sinasaliksik na paksa
- pagbubuod naman ang overvyuwing
- dagliang pagsasabuod ito ng mga kaisipang
natunghayan sa ginawang pangkalahatang
sarvey
2. Iskaning- isa rin itong mabilisang teknik ng
pagbasa
- ispisipikong impormasyon tungkol sa isang
babasahin ang partikular na hinahanap sa pag-
iiskan
26
- madaling nagagawa ito kung maikli lamang,
malalaki ang tipo ng pagkakalimbag at pamilyar
ang materyal
- Mahalaga ang iskaning kapag nagrerevyu na
hindi kailangang basahing lahat ang detalye
3. Kaswal – ito ang karaniwang pagbasang
isinasagawa kung ang layunin ay palipasin
lamang ang oras habang naghihintay nang hindi
mainip
4. Komprehensiv – intensiv o malalim na
pagbasa ang teknik na ito
- iniisa-isa ang bawat detalye, walang
pinalalampas sapagkat maituturing na isang
malaking kawalan
27
- maingat, masinsin, matalino itong pagbasa
sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto
- Sinusuri, pinupuna, kinukwestyon, binibigyang
opinyon, tinataya, binubuod, lahat-lahat na
maaaring gawing paghimay s amateryal para
lamang maintindihang mabuti
- Masyadong matrabaho, mapaghamon ng
kakayahan, nakakapagod ngunit hindi matatawaran
ang sukling kaunungan nito
- Ito ang teknik na napakaepektibo sa akademikong
pagbasa
28
5. Kritikal – tinatawag ding malikhain ang teknik
na ito
- Layunin dito ang maging mapanlihka, ang
makatuklas ng panibagong konsepto at
magawan ito ng bagong porma na maiuugnay
sa kapaligirang sosyal at kultural
6. Pamuling-Basa – muli’t muling pagbasa ng
isang babasahin sapagkat napakalawak ng
naibibigay na antas ng interpretasyon nito na
hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa
7. Basang-Tala – teknik ng pagbasa na
sinasabayan ng pagsulat
- Pag may nasusumpungang mahahalagang
kaisipan o konsepto, itinatala ito, kaya’y
minamarkahan para sakaling kailangang muli
ang impormasyon, madali itong makita o
makuha
29
8. Suring-Basa o Revyu – ito ay pagpapakilala ng
isang akda
- isa itong maikling kririka na naglalaman ng
pagsusuri at pamumuna ng isang akda o aklat
para pahalagahan ang kabuuang porma at
nilalaman nito
- hindi lamang simpleng pagbubuod kundi isa rin
itong pagtataya sa mga katangian ng akda o aklat
- para epektibong magampanan ang pagsusuring-
basa, maingat at masinsing busisiin ang buong
akda,“cover to cover”, nang mapag-alaman nang
husto
30
Pagbasa ng Graf, Talahanayan at Tsart
• Ang paggamit ng graf, talahanayan at
tsart ay makatutulong upang maging
malinaw, maayos at maagham ang
pagtalakay ng paksa
• Sa mga mambabasa, ito ay makatutulong
upang mapabilis ang pag-unawa at makita
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
inilahad na kaisipan
31
Graf
• Mapamaraag ilustrasyon ito ng mga data na
istatistikal na may layuning ipakita ang ugnayan
ng mga guhit at tambilang sa paksang tinalakay
• Tinatawag na graf ang sistematikong
paglalarawan ng mga datos na istatistikal
• May layunin itong maipakita sa madaling paraan
ang mahalagang kaisipan o ideya
Talahanayan
• Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga
kaugnay na impormasyong tambilang
• Ang paksa at bilang ay maayos na inihahanay
sa kolum upang mabilis na mabasa at
makagawa ng paghahambing
32
Ang mga Uri ng Graf
• Piktograf – ginagamit upang ipakita nang malinaw ang
halaga o bilang ng aytem
• Bar Graf – ginagamit sa paghahambing ng mga sukat
at halaga ng aytem
• Pasirkulong Graf o Pie Graf – ginagamit upang
mahusay na maipakita ang elasyon ng bahagi sa
kabuuan sa pamamagitan ng porsiyento, proporsyon at
fraksyonal
• Line Graf – ginagamit upang makita ang mga
pagbabago at pagsulong
- Binubuo ng dalawang dimensyon
1. Linyang vertikal – nagpapakita ng bilag o halaga
2. Linyang horisontal – nagpapakita ng taon o ibang
faktor
33
Ang Mga Uri ng Tsart
• Tsart ng Organisasyon – binubuo ito ng mga kahon na
pinag-uugnay ng mga linya
- Ang mga kahon ay nakahanay mula sa itaas pababa
- Ang kahon na nasa itaas ay karaniwang nag-iisa lamang at
kumakatawan sa pinakamataas na posisyon
- Nakasulat sa loob ng mga kahon ang tungkulin o posisyon
- Ang mga kahong magkakasama sa isang hanay ay
nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng posisyon
Manedyer
Superbisor Superbisor Superbisor
Empleyado EmpleyadoEmpleyado
Tsart ng Organisasyon ng Isang Tanggapan na
Nagpapakita ng mga Posisyon mula sa Manedyer
Hanggang Empleyado
34
• Flow Chart – ipinapakita rito ang iba’t ibang paraan ng
paglalahad ng proseso
- Maaaring gumamit ng larawan simbolo o kaya ay kahon
- Karaniwang ito ay sinisimulan sa kaliwa patungo sa
kanan o kaya ay itaas pababa
- Ito ginagamitan ng arrow upang ipakita ang daloy ng
proseso
- Sa bawat kahon o larawan ay may nakasulat na
paliwanag upang ganap na maunawaan ang proseso
- Ang tsart na ito ay karaniwang makikita sa mga plantang
industriyal
Himayan InitanDurugan SingawanSalaan Kristalan
Flow Chart sa Paggawa ng Asukal

More Related Content

What's hot (20)

Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa finalTeorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
Teorya at pananaw sa pagtuturo ng pagbasa final
 
Mapanuring pagbasa
Mapanuring pagbasaMapanuring pagbasa
Mapanuring pagbasa
 
Pag unawa at komprehensyon
Pag unawa at komprehensyonPag unawa at komprehensyon
Pag unawa at komprehensyon
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Mga teorya sa pagbasa
Mga teorya sa pagbasaMga teorya sa pagbasa
Mga teorya sa pagbasa
 
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng PagbasaPagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
 
Pananaliksik 1
Pananaliksik 1Pananaliksik 1
Pananaliksik 1
 
Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat
 
Pagbasa 1
Pagbasa 1Pagbasa 1
Pagbasa 1
 
Mapanuring Mambabasa
Mapanuring MambabasaMapanuring Mambabasa
Mapanuring Mambabasa
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Ang pagbasa
Ang pagbasaAng pagbasa
Ang pagbasa
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
 
Metodo
MetodoMetodo
Metodo
 
Layunin sa pagsulat -Filipino
Layunin sa pagsulat -FilipinoLayunin sa pagsulat -Filipino
Layunin sa pagsulat -Filipino
 
Teoryang iskema
Teoryang iskemaTeoryang iskema
Teoryang iskema
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 

Viewers also liked

Pagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina
Pagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang DisiplinaPagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina
Pagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang DisiplinaArvin Garing
 
Pangangatwiran grade 9
Pangangatwiran grade 9Pangangatwiran grade 9
Pangangatwiran grade 9Jenita Guinoo
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoMaica Ambida
 
Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohananOpinyon o katotohanan
Opinyon o katotohananJanette Diego
 
Parts of a research paper
Parts of a research paperParts of a research paper
Parts of a research paperAndrew Domingo
 
Mga pananaw sa proseso ng pagbasa
Mga pananaw sa proseso ng pagbasaMga pananaw sa proseso ng pagbasa
Mga pananaw sa proseso ng pagbasamajoydrew
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1kiaramomo
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
 
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananPagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananDivina Bumacas
 
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Olhen Rence Duque
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 

Viewers also liked (16)

Pagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina
Pagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang DisiplinaPagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina
Pagbasa - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Types of reservation
Types of reservationTypes of reservation
Types of reservation
 
Pangangatwiran grade 9
Pangangatwiran grade 9Pangangatwiran grade 9
Pangangatwiran grade 9
 
PAGTATATAPOS NG SERFDOM
PAGTATATAPOS NG SERFDOMPAGTATATAPOS NG SERFDOM
PAGTATATAPOS NG SERFDOM
 
Layunin ng pagbasa
Layunin ng pagbasaLayunin ng pagbasa
Layunin ng pagbasa
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
 
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasaMga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
 
Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohananOpinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan
 
Parts of a research paper
Parts of a research paperParts of a research paper
Parts of a research paper
 
Mga pananaw sa proseso ng pagbasa
Mga pananaw sa proseso ng pagbasaMga pananaw sa proseso ng pagbasa
Mga pananaw sa proseso ng pagbasa
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananPagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
 
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 

Similar to Kasanayan sa pagbasa

Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong FilipinoPagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong FilipinoMaricel Alano
 
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptxssuser9b84571
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstomajoydrew
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointleyzelmae
 
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasaChristian Ayala
 
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdfPagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdfSahrx1102
 
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoApolinario Encenars
 
Makrong kasanayan pagbasa
Makrong kasanayan pagbasaMakrong kasanayan pagbasa
Makrong kasanayan pagbasaSamMEi2
 
ang sining ng pagbasa
   ang sining ng pagbasa   ang sining ng pagbasa
ang sining ng pagbasashekainalea
 
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptxparaan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptxferdinandsanbuenaven
 
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasaMga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasaJericho Mariano
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktotimelesscontent91
 

Similar to Kasanayan sa pagbasa (20)

Document (1)
Document (1)Document (1)
Document (1)
 
Uri ng pagbasa
Uri ng pagbasaUri ng pagbasa
Uri ng pagbasa
 
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong FilipinoPagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
 
pagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptxpagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptx
 
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
1_Batayang_Kaalaman_sa_Mapanuring_Pagbasa.pptx
 
Kahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasaKahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasa
 
pagbasa.pptx
pagbasa.pptxpagbasa.pptx
pagbasa.pptx
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpoint
 
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
1 batayang kaalaman_sa_mapanuring_pagbasa
 
gmam-eve-ppt-tempplate.pptx
gmam-eve-ppt-tempplate.pptxgmam-eve-ppt-tempplate.pptx
gmam-eve-ppt-tempplate.pptx
 
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdfPagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
PagPag PPT 2023 - Aralin 1.pdf
 
Kahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wikaKahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wika
 
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
 
Makrong kasanayan pagbasa
Makrong kasanayan pagbasaMakrong kasanayan pagbasa
Makrong kasanayan pagbasa
 
ang sining ng pagbasa
   ang sining ng pagbasa   ang sining ng pagbasa
ang sining ng pagbasa
 
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptxparaan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
paraan sa pagkuha ng datos g11 lesson 6.pptx
 
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasaMga batayang kaalaman sa pagbasa
Mga batayang kaalaman sa pagbasa
 
ANG-PAGBASA-AT-PAGSULAT.pptx
ANG-PAGBASA-AT-PAGSULAT.pptxANG-PAGBASA-AT-PAGSULAT.pptx
ANG-PAGBASA-AT-PAGSULAT.pptx
 
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang tesktobatayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
batayang kaalaman sa pagbasa, pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teskto
 

Kasanayan sa pagbasa

  • 2. 2 • Ang pagbabasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum (Urquhart at Weir) • Proseso sapagkat binubuo ng mga paraan sa pagsasagawa ng aktibidad na kinasasangkutan ng awtor na siyang nagsulat o nag-enkowd ng mga simbolo na walang iba kundi ang mga letra para maghatid ng mensahe sa bumabasa
  • 3. 3 • Sa pagtanggap ng masimbolong nakakodang mensahe, kailangang aktibo lahat sa aspektong mental sa kakayahan ng tagatanggap sa pagbasa • Kailangang gumagana ang kanyang memorya para maalala lahat ng kanyang mga kaalamang pangwika, gayundin, ang kanyang mga pinagdaanang karanasan para maiugnay sa binabasa. • Kailangang gumamit ng mga istratehiya para madali niyang makilala ang mga simbolo, makuha ang mga kahulugan, at maintindihan ang kaisipan o mensaheng ipinarating
  • 4. 4 Pagbasa at ang Halaga nito sa Tao • Susi sa pagtuklas sa mas malawak pang karunungan • Sa pagbabasa nadidivelop ng tao ang kanyang katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at nakakamtan niya ang kasiyahan at kayamanang dulot ng karunungang nakakatas sa mga tekstong kanyang binabasa • Nagdudulot ng mga gintong kaisipang nagiging puhunan ng tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan, sa kapwa at sa mundong kanyang ginagalawan
  • 5. 5 • Isang pasaporteng magagamit ang pagbabasa tungo sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig na nais marating ng tao sa pagkilala sa mga bantog at dakila na hindi nakikita • Gabay ito sa pagtugaygay ng landas sa mga karanasan at mithiing pinapangarap ng tao • Nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa kabatiran at karunungan • Isa itong aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nagbibigay ng iba’t ibang karanasan sa buhay
  • 6. 6 Dalawang Pangunahing Layunin sa Mapanaliksik na Pagbasa 1. Makapangalap ng mahalagang impormasyon at mapataas pa ang antas ng pag-unawa • Nagagawa ito sa pang-araw-araw na pagtunghay sa mga dyaryo, magasin, folyeto at iba pa • Magagaan lamang ang mga itong intindihin • Hindi gaanong pinag-iisipan sapagkat nakakapantay lamang ng ordinaryong pang- unawa • Isang paraan ng pagpapalipas-oras kaya’y paglilibang • Ito ay kasanayang pangmemorya lamang ng mga kaalaman
  • 7. 7 2. Magpalawak at magpalalim ng pang-unawa • Karaniwang hindi kinasisiyahan dahil mabigat intindihin ang mga materyal na kinakailangang basahin • Mataas ang antas ng nilalaman nito sa kakayahang umunawa ng bumabasa • Ito ay kasanayang pampagkatuto sapagkat hinahamon nito ang bumabasa na mag-isip para tuklasin ang mga nakapaloob ditong mga konsepto o mensahe • Ginagamit dito ang malarong imahinasyon, matalas na pagmamasid, matalinong panunuri, at masigasig n apagmumuni
  • 8. 8 Kahalagahan ng Pagbasa 1. Pangkasiyahan 2. Pangkaalaman 3. Pangmoral 4. Pangkasaysayan 5. Pangkapakinabangan 6. Pampaglalakbay-diwa
  • 9. 9 Hakbang sa Pagbasa Bilang Isang Proseso • Isang mental na aktibidad ang pagbasa • Hindi ito basta pangmata o pagtingin lamang sa nakalarawang sulat-kamay o nakaimprentang simbolo kundi isang pagtuklas sa mga nakapaloob ditong kahulugan 1. Kilalanin ang mga nakasulat o nakaimprentang simbolo para magkaroon sa isip ng imahe nito • Ang pagkilalang ito bilang isang hakbang ay tinatawag persepsyon
  • 10. 10 2. Komprehensyon • Aksyon o proseso sa pagkuha at pag-intindi sa ipinakakahulugan ng mga nakalimbag na simbolo • Naisasagawa ito sa literal o sa maasosasyong • Sa pamamaraang literal, nakukuha at naiintindihan ang kahulugan sa diksyunaryo • Sa pamamaraang maasosasyon, nakukuha naman sa personal na karanasan ng bumabasa • Denotasyon ang tawag sa kahulugang literal, samantalang, konotasyon naman yaong mga kaisipan o konsepto kaya’y mensaheng nakukuha sa teksto sa pamamaraang maasosasyon
  • 11. 11 Hakbang sa Pagbasa ayon kay Gray Ikaapat na Hakbang Integrasyon (pagsasama ng bagong ideya sa personal na karanasan) Unang Hakbang Pagkilala sa salita Ikatlong Hakbang Realisasyon (paghuhusga at emosyonal na pagtugon) Ikalawang Hakbang Pag-unawa (pagbuo ng konsepto ng isang salita) Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip, pag- eevalweyt, paghuhusga at paglutas ng suliranin
  • 12. 12 1. Persepsyon • Kakayahang bigkasin ng mga pang-unawa ang mga salita 2. Komprehensyon • Kakayahang maunawaan ang nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng konsepto 3. Realisasyon • Nangangailangan ng paghuhusga at pagwawari tungkol sa ano ang sinasabi ng awtor 4. Integrasyon • Kakayahang maiangkop sa buhay ng mambabasa ang anumang konseptong nauunawaanupang maging mahalagang bahagi ng kanyang karanasan para sa kinabukasan
  • 13. 13 • Ipinakita ni Gray na ang pagtuklas ng kahulugan ang dapat na maging sentro ng pagbasa • Mahalaga sa pagbasa ang may kaalaman sa mga salita, balarila at kagalingang pansemantika. Ang mga ito ay makatutulong sa pagbigay ng mabilis ng fidbak o reaksyon sa akdang binasa, makatutulong din ito sa paghinuha ng nilalaman ng iba pang babasahin Ugnayan ng Balarila at sintaksis ng wika Kahulugan Simbolo at tunog
  • 14. 14 Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Interpretasyon • Para mapadali ang pag-intindi sa binabasa, may isang tanging batas na dapat sundin “kilalanin ang pagkakagamit ng mga salita para agad mahinuha ang ipinakakahulugan” 1. Denotasyon • Ito ang kahulugan ng salita na nakukuha sa diksyunaryo, ang literal na kahulugan, wika nga, kaya’y tinatawag ding “aktuwal na kahulugan” a. Bigkas – kung paano ang salita isinasatunog o isinasaboses pag sinabi b. Bahagi ng panalita – kung nominal ito(pangngalan o panghalip), kung pandiwa, kung panuring(pang-uri o pang-abay), pang-ugnay(pangatnig o pang-angkop)
  • 15. 15 c. Etimolohiya o pinagmulan ng salita – nagpapahiwatig na ito ng kultural na ring kahulugan d. Kayarian ng salita kung paano nabuo 2. Konotasyon • Ito naman ang paghihiwatig o asosyativong kahulugan na maaaring nagsaad ng kultural o pangkaranasang kahulugan, gayundin, ng pragmatikong kahulugan ayon sa pagkakagamit ng salita sa pangungusap • Tinatawag ding kontekstwal na kahulugan kaya pinakatitingnan ang salita ayon sa pagkakasama nito sa ibang salita na kolokasyon naman ang tawag • Sa isang akda namang may kaisahang tinatawag, nangangahulugan itong nagkaugnay-ugnay ang mga ginagamit na salita sa pakikibahagi sa pagbuo ng pangunahing diwa,kaya dito naman matatagpuan ang tinatawag na klaster
  • 16. 16 • Kolokasyon Mahaba ang lubid na itinali niya sa kahoy. Mahaba ang dila ng kanilang kapitbahay. Mahaba ang kamay ng bisitang isinama mo. Mahaba ang buhay ng pusa. Makati ang alipunga. Makati ang dila niya. Makati siya. • Klaster pagmamahal pag-ibig magulang lalaki/babae mapagbigay makasarili mapagparayamapang-angkin walang malisya sekswal • Kultural at pangkaranasan Habang nakasakay sila sa paragos na pausod na hinihila ng kalakian, nasasamyo nila sa simoy ang bulaklak ng papaya, sumasabay sa pakawag na kaway ni Ingkong na abot-tenga ang ngiti
  • 17. 17 Ang mga Kaantasan ng Pagbasa • Kumulativ ang antas ng pagbasa sapagkat tumataas ang grado nito kapag sund-sunod o patuloy na nadaragdagan ang salansan binabasang materyal. 1. Batayang antas – tinatawag ding panimulang pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang rudimentaryong kakayahan, ibig sabihin, dinidivelop ito mula sa kamangmangan - elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatututo sa paaralang elementarya - wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa - unang konsentrasyon ang pagkilala sa aktwal na mga salita, at ang pagpapamalay sa kahulugan ng mga ito
  • 18. 18 - literal din kung turingan ito kaya mababaw pa ang pagsukat sa pag-intindi na umiikot lamang sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan? - malalamang umabot na sa literal na antas ng pag-unawa ang pagbasa kung nakapagbubuod na, nakakikilala na ng mga pangunahing kaisipan, at nagagawan na ang mga ito ng balangkas
  • 19. 19 2. Inspeksyunal na Antas – panahon ang pinakamahalaga sa antas na ito - Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa - kinukuha lamang dito ang mga superfisyal na kaalaman - Pre-reading o sistematikong iskiming din kung tawagin ito na naglalayong tayahin kung dapat o di-dapat basahing mabuti. - kahit di ito basahing mabuti, marami na rin namang bagay na nakukuha tungkol sa libro. Paano? 1. Tinitingnan ang pamagat at ang paunang salita 2. Sinusuri ang talaan ng nilalaman
  • 20. 20 3. Tinataya ang index, indorso o blurb ng publisher 4. Tinitingnan din ang inaakalang mahahalagang kabanata lalo na ang bahaging panimula at pangwakas na pahina - tuluy-tuloy ang pagbasa at hindi na pinapansin ang mga salitang hindi nauunawaan dahil ang paghinto para tingnan sa diksyunaryo ang mahihirap na salita ay makasasagabal lamang sa halip na makatulong sa pagkatuto 3. Mapanuri o Analitikal na Antas – Aktibo naman ang antas na ito sapagkat hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-interpreta sa mga metapora.
  • 21. 21 - Interpretatibo ito sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya. - Minamahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan at ang taglay nitong mga katotohanan. - Hindi rin maihihiwalay ang pagpapahalaga sa kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat nito ang antas na ito. 4. Sintopikal na Antas – Pinakamataas na antas ng pagbasa. - Kumplikado at sistematikong pagbasa ito sapagkat ito’y humahamon sa kakayahan ng bumabasa. - Komparatibo rin dahil dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa. para
  • 22. 22 makapag-hambing siya, makapagtulad at makapag-iba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga - Napapailalim din sa antas na ito ang pag- unawang integratibo. sapagkat nagaganap sa antas na ito ang pag-uugnay ng bumabasa sa mga kaisipang nakukiha sa kanyang pansariling kaalaman at karanasan hanggang sa tuluyan niya itong isanib sa kanyang binabasa
  • 23. 23 Ang mga Teknik sa Pagbasa • Patern o uri ng pagbasa ang tawag sa mga teknik ng pagbasa • Nalalaman ang iba’t ibang teknik ng pagbasa ayon sa layunin ng bumabasa 1. Iskiming – teknik ng pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng inpresyon sa materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti - gayundin kung hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang impormasyon ng materyal - ang pokus ay wala sa detalye kundi sa pangkalahatang kaisipan
  • 24. 24 Hakbang sa Pag-iiskim a. Prebyuwing – pag-iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu tungkol sa paksang sasaliksikin - isinasaalang-alang din dito ang antas ng pag- unawa na kakailanganin para mabigyang- kasiyahan ang layunin sa pagbasa at ang pagtataya sa panahong mailalaan sa epektibong pagbasa sa materyal - sa pamagat pa lamang matutukoy na kung nagtataglay nga ang materyal o hindi ng paksang sinasaliksik, gayundin sa mga sub-title
  • 25. 25 b. Sarveying at Overvyuwing – pagtingin sa iba’t ibang bahagi ng aklat ang pagsasarvey para madetermina kung may kaugnayan o wala ang nilalaman ng materyal sa sinasaliksik na paksa - pagbubuod naman ang overvyuwing - dagliang pagsasabuod ito ng mga kaisipang natunghayan sa ginawang pangkalahatang sarvey 2. Iskaning- isa rin itong mabilisang teknik ng pagbasa - ispisipikong impormasyon tungkol sa isang babasahin ang partikular na hinahanap sa pag- iiskan
  • 26. 26 - madaling nagagawa ito kung maikli lamang, malalaki ang tipo ng pagkakalimbag at pamilyar ang materyal - Mahalaga ang iskaning kapag nagrerevyu na hindi kailangang basahing lahat ang detalye 3. Kaswal – ito ang karaniwang pagbasang isinasagawa kung ang layunin ay palipasin lamang ang oras habang naghihintay nang hindi mainip 4. Komprehensiv – intensiv o malalim na pagbasa ang teknik na ito - iniisa-isa ang bawat detalye, walang pinalalampas sapagkat maituturing na isang malaking kawalan
  • 27. 27 - maingat, masinsin, matalino itong pagbasa sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto - Sinusuri, pinupuna, kinukwestyon, binibigyang opinyon, tinataya, binubuod, lahat-lahat na maaaring gawing paghimay s amateryal para lamang maintindihang mabuti - Masyadong matrabaho, mapaghamon ng kakayahan, nakakapagod ngunit hindi matatawaran ang sukling kaunungan nito - Ito ang teknik na napakaepektibo sa akademikong pagbasa
  • 28. 28 5. Kritikal – tinatawag ding malikhain ang teknik na ito - Layunin dito ang maging mapanlihka, ang makatuklas ng panibagong konsepto at magawan ito ng bagong porma na maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural 6. Pamuling-Basa – muli’t muling pagbasa ng isang babasahin sapagkat napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito na hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa 7. Basang-Tala – teknik ng pagbasa na sinasabayan ng pagsulat - Pag may nasusumpungang mahahalagang kaisipan o konsepto, itinatala ito, kaya’y minamarkahan para sakaling kailangang muli ang impormasyon, madali itong makita o makuha
  • 29. 29 8. Suring-Basa o Revyu – ito ay pagpapakilala ng isang akda - isa itong maikling kririka na naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng isang akda o aklat para pahalagahan ang kabuuang porma at nilalaman nito - hindi lamang simpleng pagbubuod kundi isa rin itong pagtataya sa mga katangian ng akda o aklat - para epektibong magampanan ang pagsusuring- basa, maingat at masinsing busisiin ang buong akda,“cover to cover”, nang mapag-alaman nang husto
  • 30. 30 Pagbasa ng Graf, Talahanayan at Tsart • Ang paggamit ng graf, talahanayan at tsart ay makatutulong upang maging malinaw, maayos at maagham ang pagtalakay ng paksa • Sa mga mambabasa, ito ay makatutulong upang mapabilis ang pag-unawa at makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga inilahad na kaisipan
  • 31. 31 Graf • Mapamaraag ilustrasyon ito ng mga data na istatistikal na may layuning ipakita ang ugnayan ng mga guhit at tambilang sa paksang tinalakay • Tinatawag na graf ang sistematikong paglalarawan ng mga datos na istatistikal • May layunin itong maipakita sa madaling paraan ang mahalagang kaisipan o ideya Talahanayan • Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga kaugnay na impormasyong tambilang • Ang paksa at bilang ay maayos na inihahanay sa kolum upang mabilis na mabasa at makagawa ng paghahambing
  • 32. 32 Ang mga Uri ng Graf • Piktograf – ginagamit upang ipakita nang malinaw ang halaga o bilang ng aytem • Bar Graf – ginagamit sa paghahambing ng mga sukat at halaga ng aytem • Pasirkulong Graf o Pie Graf – ginagamit upang mahusay na maipakita ang elasyon ng bahagi sa kabuuan sa pamamagitan ng porsiyento, proporsyon at fraksyonal • Line Graf – ginagamit upang makita ang mga pagbabago at pagsulong - Binubuo ng dalawang dimensyon 1. Linyang vertikal – nagpapakita ng bilag o halaga 2. Linyang horisontal – nagpapakita ng taon o ibang faktor
  • 33. 33 Ang Mga Uri ng Tsart • Tsart ng Organisasyon – binubuo ito ng mga kahon na pinag-uugnay ng mga linya - Ang mga kahon ay nakahanay mula sa itaas pababa - Ang kahon na nasa itaas ay karaniwang nag-iisa lamang at kumakatawan sa pinakamataas na posisyon - Nakasulat sa loob ng mga kahon ang tungkulin o posisyon - Ang mga kahong magkakasama sa isang hanay ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng posisyon Manedyer Superbisor Superbisor Superbisor Empleyado EmpleyadoEmpleyado Tsart ng Organisasyon ng Isang Tanggapan na Nagpapakita ng mga Posisyon mula sa Manedyer Hanggang Empleyado
  • 34. 34 • Flow Chart – ipinapakita rito ang iba’t ibang paraan ng paglalahad ng proseso - Maaaring gumamit ng larawan simbolo o kaya ay kahon - Karaniwang ito ay sinisimulan sa kaliwa patungo sa kanan o kaya ay itaas pababa - Ito ginagamitan ng arrow upang ipakita ang daloy ng proseso - Sa bawat kahon o larawan ay may nakasulat na paliwanag upang ganap na maunawaan ang proseso - Ang tsart na ito ay karaniwang makikita sa mga plantang industriyal Himayan InitanDurugan SingawanSalaan Kristalan Flow Chart sa Paggawa ng Asukal