Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

Pokus ng pandiwa

Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Ad
Upcoming SlideShare
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
Loading in …3
×

Check these out next

1 of 9 Ad
Advertisement

More Related Content

Similar to Pokus ng pandiwa (20)

Advertisement

Recently uploaded (20)

Advertisement

Pokus ng pandiwa

  1. 1. POKUS NG PANDIWA
  2. 2. Pokus ng Pandiwa Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap. Makikita ito sa panlaping ginamit sa pandiwa. Ito ay relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.Naipapakita sa pamamagitan ng pokus ang ugnayan ng paksa sa pandiwa kung tagaganap,tagatanggap,sanhi,pinaglalaanan, ginanapan o kagamitan ng paksa.
  3. 3. MGA URI NG POKUS NG PANDIWA 1. Pokus sa Aktor o Tagaganap Nasa aktor ang pokus kapag ang paksa ang tagaganap ng pandiwa sa pangungusap. May mga panlaping: -um,mag-,maka-,at ilang ma. Sumasagot ito sa tanong na ANO. Hal: Humingi ng tawad si Tonyo sa kasalanang nagawa. Manghihiram siya ng lapis. Bumili ng pagkain si nanay.
  4. 4. • 2. Pokus sa Layon o Gol Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. Ang paksa ang tuwirang layon. Ang mga panlaping ginagamitan sa pokus na ito ay : i-,in,an/han,ma at –ipa. Sumasagot ito sa tanong na ANO. Hal: Kinain ni Maria ang mga mansanas. Itong adobo ang Ipaluto mo kay Aling Maria. Dalhin ninyo nga kay Bb. Del Mundo libro.
  5. 5. 3. Pokus sa Ganapan o Lakatib Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay: -an/-han,pag- -an/-han, at pang..an/han. Sumasagot sa tanong na SAAN. Hal: Pagdarausan ng pagpupulong ang Conference Room. Malapit lang ang palengke rito. Pinagmulan ng mga mitolohiya ang bansang Griyego.
  6. 6. 4. Pokus sa Tagatanggap o Benepaktibo Ito ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang paksa ay pinaglalaanan o di tuwirang layon ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit ay: i-,ipang-,at ipag-. Sumasagot sa tanong na para KANINO. Hal: Ipinagluto ng panadero ng keyk ang ginang. Si Miguel ang ipagpapagawa ni nanay ng halo-halo.
  7. 7. 5. Pokus sa Gamit o Intrumental Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Ang paksa ay ang kagamitang ginagamit sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit ay ipang-. Sumasagot sa tanong na para PAANO/ANO. Hal: Ipinang-akit niya ang damo sa Zebra. Posporo ang ipinansindi niya ng kandila. Ipinanghiwa niya ng gulay ang bagong kutsilyo.
  8. 8. 6. Pokus sa Sanhi o Kosatib Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit ay: i-,ika- at kapag. Sumasagot sa tanong na BAKIT. Hal: Ikinadismaya ng mga kabataan ang mahinang koneksyon ng internet. Ito ay Ikalulungkot ni Jacob ang pagkawala ng kasintahan nito.
  9. 9. 7.Pokus sa Direksyon o Direksyonal Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay: -an/han at –in/hin. Sumasagot sa tanong na TUNGO KANINO. Hal: Kinamanghaan natin ang Antipolo ni Fernando Amorsolo. Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

×