Alpabetong at ortograpiyang filipino.

62,662 views

Published on

e2 na mga tropapipz haha

Published in: Education
4 Comments
21 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
62,662
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
15
Actions
Shares
0
Downloads
1,109
Comments
4
Likes
21
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Alpabetong at ortograpiyang filipino.

1. 1. Alpabetong at Ortograpiyang Filipino Members: Adap, John Ronir Arenas, Bjorn Jusi, Kenneth Yeso, John Paul
2. 2. Kasaysayan ng Alpabetong Pilipino

Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa na ang ating mga ninuno’y may sarili nang kalinangan at sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod pa sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahala at kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatuwid, mayroon na silang sistema ng pagsulat gamit ang kanilang alpabetong tinatawag nilang “ALIBATA”

3. 3. Alibata ( alif~bet, baybayin)

Pinakaunang alpabetong ginamit ng mga Pilipino.

Sa iba’t ibang lugar, may kaunting pag kakaiba ang mga simbolo ng Alibata.

Ito ay binubuo ng 17 na titik: 3 patinig at 14 na katinig.

4. 4. Pinanggalingan ng Alibata

Walang malinaw na pinanggalingan, ayon sa mga eksperto ay nanggaling ito mula sa Celebes ngunit ayon naman sa ibang dalubhasa ay sa bansang India nagmula.

5. 5. Pagbigkas ng Alibata

Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw , binibigkas iyon nang may kasamang tunog na /e/ o/ i.

Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ilalim, ang kasamang patinig ng katinig ay /o/ o/ u/.

6. 6. Paraan ng pagsulat ng Alibata

Sinusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorizontal mula kaliwa hanggang kanan

Sinusulat sa mga kahoy, kawayan, malalaking dahon, at bato.

Ginagamit ang balaraw o anumang bagay na matutulis na panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta.

7. 7. Larawan ng Alibata
8. 8. Alpabetong Romano

Ipinakilala at tinuro ng mga Kastila na dumating sa Pilipinas

Isa sa mga pinakamahalagang impluwensya ng mga Kastila

Hindi agad niyakap ng lubusan ng mga Pilipino kabilang na si Dr. Jose Rizal

Hindi nag tagal at napalitan agad ng Abakada

9. 9. Alpabetong Romano
10. 10. Abakada

Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng mga diskyunaryo at aklat sa gramatika ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noon 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabetong ito

Tinawag ito “Abakada” sapagkat ito ang unang 4 na titik sa alpabetong ito

Binubuo ng 20 titik : 15 katinig at 5 patinig na kumakatawan sa makahulugan tunog ng bawat isa

11. 11.

Noong 1971, nadama ang di kasapatan ng dating abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at pagbaybay ng pantanging pangalan.

Nagkaroon ng pag-uusap ang Wikang pambansa at matapos ang 3 buwan nabuo ang Lupong Sangguinian.

Inatasan na dagdagan ng 11 titik ang abakada- C, CH, F, J, Ñ, LL, Q, RR, V, X, at Z na gagamitin sa pagbaybay ng mga salitang hiram at mga patanging pangalan.

12. 12. ABAKADA
13. 13. Modernong Alpabeto Malalaking mga titik A B C D E F G H I J K L M N Ñ G O P Q R S T U V W X Y Z Maliliit na mga titik a b c d e f g h I j k l m n ñ n g o p q r s t u v w x y z
14. 14. MGA TUNTUNIN SA PAG BAYBAY
15. 15. Pagbigkas ng Pagbaybay

Ang pagbigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino ay patitik at hindi papantig. Ang ispeling o pagbaybay ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang agham at iba pa.

16. 16. Pasulat na Pagbaybay

Sa pagsulat ng ng mga katutubong salita at mga hiram na karaniwang salita na ang sisimula na sa sistema ng pagbaybay sa Wikang Pambansa ay susunod pa rin ang kung ano ang bigkas ay siyang susulat at kung ano ang sulat ay siyang bigkas.

17. 17.

Ang dagdag na 8 letra ay ginagamit sa mga:

Pantanging pangalan

Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas

18. 18. Panumbas sa mga hiram na Salita

Ang unang pinagkukunan ng mga hiram na salitang maaaring itinumbas ay ang leksiyon ng kasalukuyang Pilipino.

Maaring kumuha o gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.

Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at Kastila, unang presensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang pagbabatay sa Filipino .

19. 19.

Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi maunawaan ng marami, hihiram ng tuwiran ang katagang Ingles at binabaybay ito ayon sa sumusunod na paraan:

Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago

Kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang konsistent, ayon sa simulain kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat sy siyang bigkas

20. 20.

May mga salita sa Ingles o sa iba pang banyagang salita na lubhang di konsistent ang ispelling o lubhang malayo ang ispeling sa bigkas na:

Maaaring hayaan na muna sa orihinal na anyo o panatilihin ang ispeling sapagkat binabaybay ayon sa alpabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na ispeling nito.

Maaaring hiramin ng walang pagbabago ang mga salitang pang-agham at teknikal.

21. 21.

Hiramin ng walang pagbabago ang mga simbolong pangagham.

22. 22. Ang gamit ng Gitling

Sa pag-uulit ng salitang ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang ugat.

Kung ang unlapi ay nag tatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig.

Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Kung may unlapi ang tanging pangalan ng tao, bagay, lugar, bagay o kagamitang at sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.

23. 23.

Kapag ang panlaping ika ay iniunlapi sa numero o tambilang.

Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng praksyon.

Kapag nanatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

Kapag pinag kakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang asawa.

Kapag hinati ang salita sa dulo ng linya.

24. 24. Gamit ng Daglat

Sa pormal na sulatin ipinagbabawal ang paggamit ng mga Daglat. Ngunit dala ng pangangailangan sa mahabang panahon sa larangan ng agham at teknolohiya, lumalawak at dumarami pa ang mga ginagamit ng daglat.

25. 25. Ginagamit ang Daglat sa

Pagputol sa dulo ng mga salita.

Pagpapakilala ng mga akronim.

Ginagamit sa titulo o rango na isinasama sa pangalan.

Pagkabit ng katungkulan sa pangalan ng isang tao.

Ang mga Jr., Sr., III na bahagi sa pangalan ng mga tao.

Mawawala ang mga Gng., G., Dr. kapag idinudugtong ang mga titulo.

26. 26.

Mga kilalang unyon, organisasyon, samahan at ahensya.

Mga dako ng kumpas o direksyon.

Mga gawaing teknikal at tabulonya.

Sa pag sulat ng oras nu(nang umaga), nh(nang hapon), ng(ng gabi).

Mga sagisag o simbolo na karaniwang ginagamit sa pagsulat.