Megaman
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Like this? Share it with your network

Share

Megaman

  • 906 views
Uploaded on

A Filipino non-linear fan fiction output about Megaman Classic. Written by Gueta, David, and Garcia for Malikhaing Pagsulat 110....

A Filipino non-linear fan fiction output about Megaman Classic. Written by Gueta, David, and Garcia for Malikhaing Pagsulat 110.
(Sounds disabled)

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
    Be the first to like this
No Downloads

Views

Total Views
906
On Slideshare
874
From Embeds
32
Number of Embeds
4

Actions

Shares
Downloads
3
Comments
0
Likes
0

Embeds 32

http://kahitanosailalimngaraw.blogspot.com 23
http://whiskynuncamefalles.blogspot.mx 5
http://whiskynuncamefalles.blogspot.com 3
http://www.slideshare.net 1

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1.  
  • 2. Roll Alam ba ninyo na artipisyal na lamang ang ating North Pole? Taong 2038 nang tuluyan nang malusaw ang kabuuan ng North Pole. Isa iyong malaking problema noon dahil nagpalubog ito sa maraming mababaw na syudad at naging dahilan rin ng pagka-extinct ng maraming uri ng buhay-dagat. Sa ngayon, minementina na lamang ang lamig nito gamit ang pinakamalaki at pinakamalakas na hyperfreezer sa mundo.   Sa isang bansang nakapokus sa entertainment, hindi na siguro natin nabibigyang-pansin ang ganitong mahahalaga ring pangkalikasang-usapin. Ngayong araw ay pansamantalang ililihis ko muna kayo mula sa tinig ni Kris Aquino IX upang inyong matutunghayan ang isang presentasyon tungkol naman sa ating kalikasan, ang tila-sakit nitong problema, at ang lunas na inaambag ng ating mga kapwa-robot. *exhale* Okay n- TV-XY
  • 3.  
  • 4. Bombman “Boom goes global warming!” Si  Elecman ? Naku, mayabang talaga yon e! Hindi ko alam, may mali ata sa pagkaka-program sa kanya. Hindi ko pa nga rin alam kung ano nang nangyari doon sa pag-aapela n'ya - ang kulit kasi, di na lang n'ya gayahin si  Iceman , samantalang mas madumi pa yung mga coal plant nya kaysa sa mga pabrika ni Iceman. Ewan ko sa kanila. Basta ako, handa ako anumang oras na magpasabog ng mga gusali! Sa totoo lang, bukas ay may naka-skedyul na naman akong pabagsakin . Pagkatapos nga no'n ay magkikita kami ni  Gutsman ! Uy, hindi ako kinikilig a.  Anyway, magkikita kami kasi nga sa kanila na dinidiretso  yung mga debris. Hindi mo pa ba nababalitaan yung ' concrete recycler ?’ Sabagay bago lang yon. Nag-donate kasi sila ng isang unit sa amin, kaya mas napadali na ang trabaho.
  • 5. Nag-iinit na dugo ko a. Journalist ka ba talaga? Yung RoboEarth Hour, yung isang oras na pagpatay ng kuryente na inoorganisa ko buwan-buwan, ano ba, pati ba yun hindi mo alam? Nag-top yun sa Time-X magazine a, bilang isa sa mga pinakamahuhusay na aktibidad laban sa global warming! Pinakiusapan ko rin pala si Oilman na gawing 1,000 piso mula 900 kada litro ang presyo ng krudo para mapilitan nang maglakad at magbisikleta ang mga tao. Ayon kasi sa’king research, siguradong sa susunod na 10 tao’y titriple na ang mga mamamatay na tao, halaman, at hayop kung magpapatuloy pa rin ang pang-aabuso sa kalikasan. Dapat ngayo’y wala nang pachill-chill . Dapat lahat kumikilos na. Parang ako – na binubuhos ang buong lakas , kapangyarihan, at talino para sa mundo. Di tulad ng iba diyan, panay pagbomba lang ng mga gusali ang alam! High na high na pala ako sa pagkuwento. Roll, puputulin ko na ang usapan ha. Ayoko nang mapasok sa usapan ang mohawk na yun. Walang kuwenta mag-obserba ang taga-demolish na yun! Makahanap lang ng pasasabugin, pasasabugin na. Puta niya, nakakahiya kaya. Elecman “Kuryente ko, kuryente mo, kuryente ko pa rin lahat!”
  • 6. Hustisya para sa kapaligiran! Tama lang na ipasara at tuluyan nang gibain ang mga  pabrikang walang ginawa kundi dumihan ang sariwa at preskong  hangin. Mas mabuting i-demolish na agad ang mga ito upang hindi na makapaminsala. Kailangang  putulin  na ang pang-aabuso sa kapaligiran habang maaga pa. Sa oras na matuloy ang balak na ito ay sisiguraduhin kong hindi masasayang ang mga batong manggagaling sa mga  pasasabuging pabrika. Tamang-tama ang Recycling Center ko para dito. Mula sa mga patapong  bato ay gagawa ako ng bago at matibay na semento upang mapakinabangan sa paggawa ng mga istraktura, katulad ng dam na nasa pamamahala ni Gutsman. Ipinapangako ko yan! Fireman “ Gamit ang apoy ko, tutupukin ko ang basura nyo. ”
  • 7. Wow. Ang  cool  mo Roll, journalist ka na. Ay sori. Uhh, ano yung tanong mo uli? * cut * -game na? Ang papel ko sa ngayon para labanan ang lumalalang global warming ay ang paggawa ng mga dam. Ang paliwanag kasi sa akin, uhh, hindi ko masyadong na-gets e, pero basta, uhm, kapag  umiinit  daw, may natutunaw tapos dumadami yung tubig! Kaya kailangan ng maraming dam. Tapos, uhh, gumagawa rin ata ng  kuryente  yung dam e, hindi ko kasi naintindihan yung paliwanag nila sa 'kin. Uhm. Ayun. Okay na ba? Aalis na ko, magkikita pa kami ni  Bomb- Gutsman “ Malakas ako!”
  • 8. Tinira na ni Bombman ang ilan kong mga plantang di nakasunod sa building code. Naku, kinakabahan na nga ako sa susunod niyang pag-inspection, baka puro bato na lang ang matira sa mga factory ko. Nagpagawa na rin pala ako ng mga pook-pasyalan gamit ang ipon ko, at sa tulong na rin nina Cut at Guts . Sana nga dayuhin e, para magkaroon naman ng break ang mga tao, maging ang kanilang nagtataasang electric bills . Sana nga piliin nilang mamasyal nang madalas kesa mag-tv, mag-PSP, at mag-laptop. Pero mukhang mahirap pa ring maagaw ang atensiyon nila. Mas marami pa rin kasing mas kaakit-akit na lugar kesa dun. Hay. Teka, kanina ka pa ba nakatitig sa'kin, Roll? Nakakalusaw talaga ang asul mong mga mata. Nagiging si Waterman na yata ako. Anong nalulusaw ha? Sir, hindi po, si Iceman pa rin ako, Sir! Siguraduhin mo lang, dapat malakas at matatag ka, tandaan mo isa kang sundalo, magsilbi ka, di ka type niyan ni Roll! Sir, pero – Gawin mo na lang! Sir, yes sir! Iceman “O mga yelo, magbalik kayo sa mundong ito!”
  • 9. Ang pagsasara ng  Coal  Plant ni Mr. Elecman ay malaking tulong para mabawasan ang mga  kemikal  na nagbibigay polusyon sa hangin. Makatutulong din ito sa akin, ang  mabigat  kong trabaho ay mapapagaan na. Hindi ko na kakailanganin pang pumutol ng puno para i-supply sa planta ni Mr. Elec man. Mas mabibigyang pansin ko na ang adbokasiya kong Think Green, na naglalayong magtanim ng mga puno para makatulong sa  pagpapalamig  ng mainit na temperatura na epekto ng global warming. Alam kong ginawa ako ni Dr.  Light  para sa pagputol, pero hindi ko matitiis na makitang ako mismo ang nagpapatumba sa mga puno. Minsan nga ay naisip kong ipatanggal na ang gunting sa ulo ko at palitan na din ang pangalan ko, mula sa Cut man ay gusto ko sana  itong maging Plant man. Cutman “ Sa bawat pagputol ko ng puno, sinisigurado kong may ipapalit ako!”
  • 10. Peb 7, ’10 nina Marlon.Yane.Jess. Ilang larawan kuha mula sa: http://megaman.wikia.com/wiki/Mega_Man:_Powered_Up http://membres.multimania.fr/nakorourou/hpbimg/roll%20gif.gif , http://mmii.info/?db=-Absolute-&page=26 , http://fc01.deviantart.net/fs39/f/2008/313/3/4/Press_Start___MegaMan_by_Photoshop_Degenerate.png , http://www.vgmpf.com/Wiki/images/0/01/Mega_Man_2_-_NES_-_Game_Over.png ,