Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Like this? Share it with your network

Share
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
3,995
On Slideshare
3,995
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
79
Comments
0
Likes
2

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Isang Malikhaing Pagtuturo ng WikaTungo sa Paglinang ng Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at Estratehiya Dr. Leticia Cantal – Pagkalinawan Filipino Language Program University of MichiganI. PANIMULA Ang paksa ng aking panayam ay : Malikhaing Pagtuturo ng Wika Tungo saPagdebelop ng Kasanayang Pangkomunikatibo: Mga Tunguhin at Estratehiya. May dalawang mahalagang konsepto o direksyon ang aking panayam, una angmalikhaing pagtuturo ng wika na siyang inaasahan sa mga guro ng wika, at angmadebelop o malinang ang kasanayang pangkomunikatibo na inaasahang naman sa mgaestudyante ng wika. Sa pagbuo ng aking papel, isaalang-alang ko ang sumusunod na mga layunin:1. Matalakay ang mga batayang konseptong may kaugnayan sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.2. Maipaliwanag ang papel ng guro at estudyante sa isang klasrum pangwika.3. Makapagbahagi ng ilang estratehiya sa mabisang pagtuturo ng wika4. Magamit ang mga tinalakay na estratehiya sa pagtuturo ng wika.II. PAGLALAHAD A. Batayang Sanligan/Konsepto sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Wika Ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling gawain. Hindi sapat na maituro ngisang guro kung ano ang mga araling/paksang nakapaloob sa kanyang silabus kundi kungpaano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang mga estudyante. Kaya nga sinasabi naang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sadami ng mga natutuhan ng kanyang mga estudyante. Sa panahon ngayon ng globalisasyon, na ang mga mag-aaral ay nahaharap samakabagong teknolohiya gaya ng internet at iba pang makabagong paraan ngkomunikasyon, isa sa nagiging malaking sakit ng ulo ng mga guro ang mapanatili anginteres at atensyon ng mga estudyante sa aralin sa loob ng klasrum. Sang-ayon sa isangpag-aaral, ang dating 30-40 minutong tagal ng interes at atensyon ng isang adult learneray nagiging 15-20 minuto na lamang . Kaya nga madalas kong marinig sa guro na “ angiingay, ang gugulo ng mga estudyante,” hindi kami ganyan noon,” iba na sila sa aminnoon.….at kung anu-anong pang pangkukumpara sa estudyante sa kanila” 1
  • 2. Naniniwala po ako na ang mga makabagong teknolohiya at kalakaran ngkapaligiran sa ngayon ay hindi maituturing na BANTA sa isang epektibong pagtuturobagkus ito ay magsisilbing HAMON sa isang guro, isang hamon upang makabuo ngisang malikhaing guro o creative teachers, para makabuo rin ng isang malikhaingestudyante o creative students at malikhaing klasrum pangwika o creative languageclassroom. Ayon sa mga ekspertong sina Stevick, Curran at mga kasama, ang susi ngtagumpay sa gawaing pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum ay nakasalalay sarelasyon ng mga guro at estudyante. Madaling natututo ang estudyante kung sila aynasisiyahan sa kanilang pag-aaral, at higit na nagaganyak ang guro sa kanyang pagtuturokung nakikita niyang nasisiyahan ang kanyang estudyante. Ang ganitongpaniniwala/pananaw ang nagbigay-daan sa paglitaw ng iba’t ibang kaparaanangpedagodikal sa pag-aaral ng wika sa loob ng klasrum gaya ng interaktibo atkolaboratibong pag-aaral. B. Mga Teorya/Konseptong Batayan ng Komunikativong Pagtuturo ng Wika Pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahangkomunikatibo ng mga estudyante. Binanggit sa Batayang Edukasyon sa Level Sekondaring Department of Education ng Pilipinas, na ang isang mabisang komunikeytor saFilipino ay yaong nagtataglay ng kasanayang makro – ang pagbasa, pagsulat, pagsasalitaat pagkikinig. Bukod dito, may kabatiran at kasanayan din siya sa apat na komponent osangkap ng kasanayanag komunikatibo gaya ng gramatikal, sosyo-lingwistik, diskorsalat estratijik (Canale at Swain). Ang kasanayang gramatikal ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mgaestraktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang kasanayang sosyo-lingwistiknaman ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang kontekstong sosyal. Ayon kayFantini ( sa Pagkalinawan, 2004) may mga salik-panlipunan dapat isaalang-alang sapaggamit ng wika, ito ay ang ang ugnayan ng nag-uusap, ang paksa, lugar at iba pa. Angmga salik panlipunang ito ay pinaikli at nilagom naman ni Hymes sa akronim naSPEAKING ( s – setting; p – place; e-ends/layunin; a-act; k-keys; I- instrument; n-norms;g-genre). Samantala, ang kasanayang diskorsal naman ay tumutukoy sa kakayahangmabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upangmakabuo ng isang makabuluhang kahulugan. At ang kasanayang istratijik ay angkakayahang kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Ayon naman sa teorya Notional –Functional Syllabus ni David Wilkins (Higgs atClifford 1992, sa Badayos 1999), upang matamo ang kakayahang komunikatibokailangang pantay na isaalang-alaang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa tekstoat sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto. Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), ang paglinang sa wika ay nakapokussa kapakinabang idudulot nito sa estudyante, na matutuhan ang wika upang sila ay 2
  • 3. makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusanang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Sa kabuuan, pangunahing mithiin sapagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal atkapaki-pakinabang. C. Ang Guro at Estudyante sa Klasrum Pangwika Sa tradisyonal na talakayan sa klasrum, ang guro ang laging sentro ng talakayan,siya ang may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa pagsasalita samantalang ang mgamag-aaral ay tagapakinig o tagasunod lamang. Ang mahusay na klasrum pangwika ayyaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante ,at estudyante sakanyang kapwa estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/pasiliteytor lamangsa iba’t ibang gawain sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahoksa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. SA interaksyon ng mga estudyante sa kapwaestudyante, kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataon na makilahok sa iba’t ibanggawain upang malinang kani-kanilang kasanayan. D. Mga Metodo o Dulog sa Pagtuturo Wika Marami nang paraan o estratehiyang nabuo ang ilang mananaliksik at dalubwikamabisang sa pagtuturo ng wika, ilan dito ang pamamaraang Audiolingual Direct Method,Grammar Translation, Content-Based Teaching, Communicative Language Teaching, atiba pa. May mga aklat na ring nalimbag na naglalaman ng iba’t ibang metodo sapagtuturo. Mayroon ding mga website na nagmumungkahi ng iba’t ibang estratehiya sapagtuturo ng wika, at iba pa…subalit hanggang sa ngayon patuloy pa rin tayongnaghahanap ng iba pa at “makabagong paraan” o mahusay na estratehiya para magingmabisa “raw” ang ating pagtuturo. Naniniwala ako na wala naman talagang makabagong metodo o estratehiya naepektibo sa pagtuturo ng wika. Ang mga dulog integratibo, interaktibo , kolaboratibo atiba pa, sa unang pandinig ay waring bago subalit ang totoo, ang mga ito ay matagal nangginagamit sa pagtuturo. Maaaring ngayon ay nagkaroon lamang ng panibagongkatawagan. Anumang estratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uring aralin, mag-aaral (edad, antas ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon atkahandaang kognitibo at sosyo, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo. 1. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner- Centered Teaching) Binibigyang-halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o pagkatuto ng mga estudyante. Sinabi ni Willing (1988; Nunan 1991; Badayos 1999) na ang isang gurong sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto. Sa 3
  • 4. pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga estudyante sa apat at nagmungkahisiya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri. Uri ng Estudyante Estratehiya ng Pag-aaral 1. mga laro 2. mga larawan Estudyanteng 3. VCR tapes “concrete” 4. Pair work 5. Pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum 1. pag-aaral ng gramtika 2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika 3. pagbabasa ng mga pahayagan Estudyanteng 4. pag-aaral nang mag-isa “analitikal” 5. pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika 6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng guro Estudyanteng 1. pagmamasid at pakikinig sa mga “communicative” katutubong nagsasalita ng wika 2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aaralan 3. panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aaralan 4. pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at paggamit ng akwal na pakikipag-usap 1. mas gusto ang magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika 2. may sariling batayang aklat Estudyanteng 3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa “authority oriented” notbuk 4. pinag-aaralan ang balarila 5. nagbabasa para matuto 6. natutuhan ang mga bagong salita kung makikita ang mga ito2. Ang Kooperatibo at Kolaboratibong Pagkatuto Ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at tulung-tulong na pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain.Layunin ng KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan angkooperasyon ng mga estudyante. Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavin atAllport ang magagandang bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga pag-aaralgaya ng mga sumusunod: 4
  • 5. a. na malaki maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ng magandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga estudyante. b. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan. c. Mataas na pagsulong sa pagkatuto d. Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip e. Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na motibasyon f. Mas mabuting realasyon ng guro at estudyante; estudyante sa kapwa estudyante 3. Ang Pagkatutong Interaktibo ( Interactive Learning) Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ayon kay Wells (sa Rivers 1987), ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagapaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat na komunikasyon. Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukan ang estudyante: interaksyon sa guro, sa kapwa estudyante at sa teksto o kagamitang pampag-aaral. 4. Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning) Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-aaral ng wika. Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito. Nakapalood din dito ang pagkatutong nakapokus sa estudyante at ang integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga estratehiyang participative, facilitative at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integratibo. Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga estudyante ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto; konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang estudyante ang sentro o ang bida: Siya ay aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng estudyante ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip E. Mga Estratehiya sa Malikhaing Klasrum Pangwika Ang isang mahusay na guro ng wika ay hindi napapagod na mag-isip, maghanap,at maghanda ng iba’t ibang estratehiya para maging kasiya-siya sa mga estudyante ang 5
  • 6. kanilang pag-aaral ng wika. Habang humahaba ang taon niya sa pagtuturo, humahaba rindapat ang mga nakalap at naipon niyang pamamaraan o estratehiya sa pagtuturo. At kahitna tumatanda siya sa pagtuturo, nananatili pa ring sariwa o may novelty (originality orfreshness) at kapaki-pakinabang o usefulness sa mga estudyante ang kanyang itinuturo. Ani nga ni Neal Whitman: “Creative teachers are novel and useful. Teachers who are novel, but not useful, are charlatans. Teachers who are useful, but not novel, are pedantic bores. Teachers who are neither novel or useful are tenured faculty oops, I meant “old goats.” Ang guro wika ay nabubuhay para magturo ng wika, at kahit paulit-ulit lamangang wikang kanyang itinuturo, nananatiling bago at kawili-wili dahil iba’t ibang sahog(ingredients) ang inihahalo niya sa araw-araw ng kanyang pagtuturo, kung kaya’t hindinakasasawa. Huwag nating hayaang “masuka” ang mga estudyante sa mga nakababagotna lektyur, bagkus, gumamit tayo ng iba’t ibang kasiya-siyang gawain gaya ng kwento,pagsasadula o role plays brainstorming, maliliit na pangkatang talakayan o small groupdiscussions, demonstrations, debate, at mga larong pangwika o language games. Maraminang pag-aaral na isinagawa tungkol sa paggamit ng mga laro bilang mabisangestratehiya sa pagtuturo. Lahat sila’y nagkakaisa na mas maraming kabutihan angibinibigay nito kaysa sa di mabubuti. Nagdudulot ito ng mga kabutihang pampisikal,intelektwal, emosyunal, at sosyal.IV. KONKLUSYON Bilang pagwawakas, nais kong balikan ang isa sa pinakapaborito kong kabanata obahagi sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal, ang tungkol kay Pilosopo Tasyo.Minsan, may isang binatang lumapit kay Pilosopo Tasyo para subukin ang katalinuhanniya. Ang sabi ng binata: “Pilosopo Tasyo, sabihin nga ninyo sa akin ang kalagayan ngibon na nasa aking palad.” Saglit na tumahimik at nag-isip si Pilosopo Tasyo. Kapagsinabi sinabi niyang buhay ang ibong nasa palad ng binata, hihigpitan ng binata angpagkakuyom ng kanyang palad para mamatay ito, at kapag sinabi naman niyang patay,ito ay pakakawalan niya. Nagsalita si Pilosopo Tasyo, at sinabi niya: “Ang kalagayan ngibong iyan ay nasa palad mo.” Oo, nakasalalay sa kanyang palad kung mananatilingbuhay o patay ang pinaglalaruan niyang ibon. At ganoon din tayong mga guro.NAKASALALAY SA ATING MGA KAMAY KUNG MAGIGING BUHAY O PATAYANG MGA TALAKAYAN AT PAG-AARAL SA LOOB NG ATING KLASRUM! Naisba nating maging masaya, masigla at kawili-wili o kabagut-bagot ang bawat araw ngating pagkaklase? 6
  • 7. Mga Sanggunian Badayos, Paquito B. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati: Grandwater Publications ang Research Corporation. Espiritu Clemencia C. (walang petsa) “Interaktibong Pagtuturo ng Filipino”, Papel na Binasa sa Isang Pambansang Seminar sa Filipino. Fortunato Teresita F. 1999. “Interaktibong Pagtuturo ng Wika”, Papel na Binasa sa Pambansang Seminar sa Filipino sa “Pagpapalakas-Tibay sa Pagtuturo: Nilalaman, Metodo at Riserts.” DLSU-Maynila. Nunan David. 1990. Designing Tasks for Communicative Classroom: Cambridge: Cambridge University Press ___________.1999. Second Language Teaching and Learning: Boston, Massachusetts: Heinle & Heinle Publishers. Pagkalinawan, Leticia C. 2004. Filipino Para sa Iskolarling Pagpapahayag , 3rd edition. Makati: Inkwel Publishing House. Resuma, Vilma M. “Lapit na Integratibo sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan: Pokus sa Ilang Mahalagang Kasanayan,” sa Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa, Benilda S. Sentro Santos (ed.) 2003. Sentro ng Wikang Filipino-Diliman AT Pambansang Komisyon Para sa kultura at Sining. Richards, Jack C. and Willy A. Renandya (ed.). 2003. Methodology in Language Teaching. Cambridge: Cambridge University Press. Wright Andrew . 1986. Games For Language Learning. Cambridge: Cambridge University Press. Whitman, Neal. “Creative Teaching is Novel and Useful.” http://www.helium.com/knowledge/268181-good-use-creative-teaching-methods.____________________________Paper presented at the 2nd International Conference on Filipino as a Global Language, SanDiego, California, January 15-18, 2010. 7