Your SlideShare is downloading. ×
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Mga halimbawa ng katutubong panitikan

55,528

Published on

0 Comments
12 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
55,528
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
304
Comments
0
Likes
12
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. 1.) Mga halimbawa ng Katutubong panitikan: Bugtong Hindi hari, hindi pari ang damit ay sari- sari. Sagot: Sampayan 2. Nagbibigay na'y sinasakal pa. Sagot: Bote 3. Ako ay may kaibigan kasa-kasama, saan man, Mapatubig ay di nalulunod, Mapaapoy ay di nasusunog. Sagot:Anino 4. May binti, walang hita, May tuktok, walang mukha. Sagot: Kabute 5. Bata pa si Nene, Marunong nang manahi. Sagot: Gagamba 6.nagtago si pedro nakalabas ang ulo.sagot:pako Tula Katitibay ka, tulos Sakaling datnang agos Ako ay mumunting lumot Na sa iyo‟y pupulupot. Buto‟t balat Lumilipad Bumbong kung liwanag Kung gabi ay dagat Epiko EPIKO ng BIAG NI LAM ANG Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam- ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila. Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong- tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan ito naroroon, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang sa nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglay ang tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, nangamatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang puting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ang kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kung ito'y makapagbibigay ng doteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila ni Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay
  • 2. sinimulan sa Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin sa kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakailangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sumunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat t mapatay ng berkakan (isang urin ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang puting tandang at abuhing aso. 2.) Panahon ng Mga Kastila: Urbana At Feliza Ang sumulat ng Urbana at Feliza ay si P. Modesto de Castro na ipinanganak sa Biñan, Laguna, noong unang hati ng ika-19 na dantaon. Nag-aral siya sa Colegio Real de San Jose, naging Kura sa Catedral ng Maynila at pagkatapos ay sa Naik, Kabite. Bukod sa “Urbana at Feliza” ay sinulat din niya ang “Pláticas Doctrinales” (1864), “Exposicion de las Siete Palabras en Tagalo”, at “Novena a San Isidre en Tagalo”, atb. Sa pamamagitan ng “Urbana at Feliza” ay natagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog”. Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay “Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. Ang lalong bata, si Feliza, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, samantalang ang nakatatanda, si Urbana, ay puno ng pangaral sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba‟t ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at sinasabi kung paano maiilagan ang mga ito. Sa “Paunaua sa Babasa” ng aklat ay ipinaliliwanag ni P. Modesto de Castro ang nilalaman: “Sa pangalang „Urbana‟ mababasa ang magaling na pakikipag-kapwa tao. Sa kanyang mga sulat sa kapatid na Feliza, ay maka pupulot ang dalaga, maka pag aaral ang bata, maka aaninao ang may asawa, maka tataho ang binata nang aral na bagay sa kalagayan nang isa,t, isa. “Kay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pag ilag sa panganib na ikasisira nang kalinisan; at ang kaniyang magandang asal ay magagauang uliran nang ibig mag ingat nang cabaitan at loob na mataimtiman. “Sa manga sulat ni Urbana, na ucol sa pag tangap nang estado nang matrimonio, ang dalaga,i, maca pag aaral, at gayon din ang baguntauo, at macapupulot nang hatol na dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at cun na sa estado na. “Sa manga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay: ay ang magandang asal nang capatid na bunso na si Honesto, maca pag aaral ang bata, at maca tatanto nang caniyang catungkulan sa Dios, pagka tanao nang kaliuanagan nang canilang bait…” Ang mga pangalan ng mga panauhan sa “Urbana at Feliza” ni P. Modesto de Castro ay mga sagisag ng aral na nais maparating ng sumulat sa mga mambabasa. Ang pangalang “Urbana” ay sagisag ng Urbanidad o kabutihang asal (good manners). Ang pangalang “Feliza” ay galling sa Kastilang “feliz” (maligaya) at ang sinasagisag ay ang kaligayahang natatamo dahil sa pagpapakabuti at pagka-masunurin. Ang pangalang “Honesto” ay sagisag ng kalinisang- budi at karangalan. Sinabi ni P. Modesto de Castro sa aklat na kung ang mga aral ng kaniyang “Urbana at Feliza” ay pakinabangan ng mga tao: “Ang uiuicauin co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa. “At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang cumita nang alio, uupo sa isang pilapil, nanonood ng kaniyang halaman, at sa kaniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang hangin, at sa bungang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uhay, ay cumita nang saya.
  • 3. “Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa lacas na sucat pagcunan, nguni ang paquinabang co sa pagod at puyat ay na ibayuhan…” Barlaan at Josaphat Ang kasaysayan ng barlaan at josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari na mailayo sa kristyano ang anak na prinsipe. naituro ni tomas Apostol ang aral ng diyos sa indya, na pinaghaharian noon ni abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano ang kanyang magiging anak na lalaki, sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng Josaphat sapul noong isilang ito. sa paglaki ni Josaphat. Narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan ng bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayn nang matanaw niya ang isang taong kahabag-habag. Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kya nakatagpo niya si Josaphat, na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir hanggang sa makaalis na sa palasyo si Barlaan. Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa ank, iniutos niyang dakpin si barlaan, ngunit di ito matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y nagging daan para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama. Napagkillala ni Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito. Nanalo sina Josaphat. May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng mga Mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan. Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,kya naisip ni Abenir na marapat lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik hanggang sa mamatay. Ibig din naming manahimik ni Josaphat kya iniwan niya ang kaharian sa isang tapat na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito. Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay. Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si Barlaan bago mamatay. Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa para sa kanya at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan. Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang bangkay ng dalawa, na napabantog mula noon, kya naman marami pa ang nagpabinyag. Doctrina Christiana Iba't ibang kasagutan: Isa sa pinakauna ng libro na nailathala sa Pilipinas noong pananhon ng mga Kastila . Libro na nauukol sa pananampalatayang Kristiyano o Kristiyanismo. Ito ang kauna una unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593 na naglalaman ng mga aral at turo ng Kristiyanismo. Ang ibig sabihin nito ay ang aral ng ating Panginoong Hesu Kristo na dapat nating sundin sa araw araw ng ating buhay na nakasulat sa Biblia. Unang aklat na naisulat sa Pilipinas. Mga halimbawa ng Pasyon Panalangin sa Diyos Oh Diyos sa kalangitan Hari ng sangkalupaan Diyos na walang kapantay, mabait lubhang maalam at puno ng karunungan. Ikaw ang Amang tibobos ng nangungulilang lubos
  • 4. amang di matapus-tapos, maawi't mapagkupkop sa taong lupa't alabok. Iyong itulot sa amin Diyos Amang maawain mangyaring aming dalitin, hirap, sakit at hilahil ng Anak mong ginigiliw. Panalangin sa Mahal na Birhen At ikaw Birheng Maria Ina't hari ng awa ka bukod sa tanang sampaga, di matuyo't di malanta dikit mong kaaya-aya. Ikaw rin po't siya lamang Sedes Serpientine ang ngalan; luklukan ng karunungan at kaban kang sinusian ng Diyos sa kalangitan. Toreng walang pangalawa ni David, bunying Propeta bahay na ganitong sinadya, pinamahayang talaga ng ikalawang Persona. Ikaw rin Birheng Mahal bituin sa karagatan mapag-aliw sa may lumbay, kuta ng makasalanan matibay sa katibayan. Reynang walang kahulilip ng sanlangitan angheles pinupuring walang patid, ng Tronos, Dominaciones, Virtudes at Potestades. Emperatris na mataas ng Patriarkas, Propetas Birheng walang makatulad, bukod sa babaing lahat ng nag-iwi sa Mesias. Yayang ikaw ay di iba batis ng Misericordia binabalungan tuwi na, ng awa't mahal na grasya ng bunying tatlong persona. Kami po ay uod lamang sa lupa ay gumagapang lipos ng dilang kasamaan, Birhen, kundi mo tulungan anong aming kapakanan? Ang paglalang ng Panginoong Diyos nitong buong mundo Ang lupa't sampu ng langit hangin at ang himpapawid hayop, isdang nasa tubig, taong hamak na bulisik may karamdaman at bait. Ano pa't ang balang bagay na di nating natitignan dapat sampalatayanan, na ang isang Diyos lamang ang may gawa at may lalang. Dili iba't at siya nga lubos na may manukala ng gawang hindi mahaka, kusa niyang inadhika sa taong hamak na lupa. Kaya ngayon at ang dapat tayo'y maniwala't sukat sa Santisima Trinidad, tatlo sa pagka-Personas iisang Diyos na wagas. Ito ring Diyos na tunay walang punong pinagmulan wala namang katapusan, ganap na kapangyarihan ganda't kaluwalhatian. Mistulang Diyos na isa tatlo sa pagka-persona walang huli't walang una, bait at omnipotensia paraparang maligaya. Na kung sa bilang ng tao una ang Amang totoo ikalawa ay ang Berbo, at ang personang ikatlo Diyos Espiritu Santo. 3.) Panahon ng Propaganda at Paghihimagsik NOLI ME TANGERE Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos
  • 5. ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin. Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba- ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa. Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata. Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas. Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan. Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak. Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na
  • 6. ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso. Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman. Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre. Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan. EL FILIBUSTERISMO Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa. Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral. Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya. Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon. Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan. Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si
  • 7. Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun. Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito. "Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa." Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag- aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun. Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun. Katapusang Hibik ng Filipinas Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat.
  • 8. Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip. Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag. ANG NINGNING AT LIWANAG Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay- bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag. Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita. Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-
  • 9. LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang- asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran. Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin. MapaLad ang araw ng Liwanag! Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NG DIYOS Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo sa lahat n~g bagay: ang Dios na siyang bucal n~g boong catotohanan, n~g boong catuiran at boong lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang siya lamang macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing manuto sa catuiran at magtaglay n~g casipagan. Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at minamarapat n~g iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'y consiensia; sa pagca't sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap ang iyong Dios. Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas n~g isip na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa pamamagitan n~g pagaaral, at pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan n~g magaling at n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin at sa paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g calahatan: cun gayo'y magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na ito, at cun ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun maypuri ca na'y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong Dios. Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan na ca-icalaua n~g Dios at n~g iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa pagca't siya ang nacaisa-isang Paraisong pinaglaguian sa iyo n~g Dios sa buhay na itó; bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang mamamana mo sa iyong m~ga pinagnuno; at siya lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil sa caniya'y humahauac ca n~g buhay, pagibig at pagaari; natatamo mo ang caguinhauahan, capurihan at ang Dios. Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g iyong bayan n~g higuit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'y pagharian n~g cabaitan, n~g catuiran at n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at camaganacan. Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong bayan. Sa pagca't icao lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang
  • 10. siya mong sariling caluagan at calayaan, ang caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo n~g lahat mong cailan~gan at ang caniyang pagcatanghal ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang hangan. Icapitó. Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g lahat na mamamayan ang siya lamang macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan. Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan. Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g pag ibig mo sa iyong sarili, pagca't biniguian siya n~g Dios at gayon din naman icao n~g catungculang tulun~gan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na gauin mo sa caniya; n~guni't cun ang iyong capua ay nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at nagtatangca n~g masama sa iyong buhay at calayaan at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca't ang mananaig n~gayo'y ang cauna-unahang utos n~g Dios na mag in~gat ca at ini-in~gatan quitá. Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang iyong cababayan at lagui namang aariin mo siyang tunay na caibigan at capatid ó cundi ma'y casama, palibhasa'y iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman ang inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon ding nagcacaayon ang inyong m~ga hinahan~gad at pag-aari. Caya't habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga bayan na ibinan~gon at inaalagaan n~g pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at angcan, ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa hinahan~gad at pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan sa cabuhayan n~g tauo. PANAHON NG AMERIKANO Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus Kung tatanawin mo sa malayong pook, ako‟y tila isang nakadipang kurus; sa napakatagal na pagkakaluhod, parang ang paa ng Diyos. Organo sa loob ng isang simbahan ay nananalangin sa kapighatian, habang ang kandila ng sariling buhay magdamag na tanod sa aking libingan. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo‟t magdamag na nagtutumangis; sa mga sanga ko ay nangakasabit ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri‟y agos ng luhang nunukal; at saka ang buwang tila nagdarasal, ako‟y binabati ng ngiting malamlam.
  • 11. Ang mga kampana sa tuwing orasyon, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy, ibon sa sanga ko‟y may tabing nang dahon, batis sa paa ko‟y may luha nang daloy. Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, natuyo, namatay sa sariling aliw. Naging kurus ako ng pagsuyong laing at bantay sa hukay sa gitna ng dilim. Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, panakip sa aking namumutlang mukha! Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga ni ibon, ni tao‟y hindi na matuwa. At iyong isiping nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago‟t malabay. Ngayon, ang sanga ko‟y kurus sa libingan, dahon ko‟y ginawang korona sa hukay! Bugtong ni Inigo Ed Regalado May isang dalagang may buwan sa dibdib, may tala sa noo na kaakit-akit, nang aking makita‟y natutong humibik, nabinhi sa puso ang isang pag-ibig. May isang binatang may luha sa mata, may tinik sa puso at tigib ng dusa, ang binatang ito nang iyong makita nakaramdam ka rin ng rnunting ba1isa May isang babaing matigas aug puso, sa ano mang taghoy, hindi kumikibo, kapag nag-iisa, luha‟y tumutulo may lihim na awa sa namimintuho... May isang lalaking matibay aug dibdib, sa bayo ng dusa‟y marunong magtiis; ma-gabi, ma-araw walang iniisip kundi makarating sa pinto ng langit. Ito‟y isang bugtong na may-kagaanan, nguni‟t pusta tayo, di mo matuturan, ang dalihan ay di sa hindi mo alam kundi sa ugaling matimpiing tunay. Nguni‟t balang araw di mo matitiis na di ipagtapat ang laman ng dibdib, ang bugtong ko naman sabay isusulit na ang kahuluga'y tayo sa pag-ibig. Isang Dipang Langit ni Amado Hernandez Ako'y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko'y piitin, katawang marupok, aniya'y pagsuko, damdami'y supil na't mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi't walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki'y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo'y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
  • 12. Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang sa hudyat - may takas! - at asod ng punlo; kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw, sa bitayang moog, may naghihingalo. At ito ang tanging daigdig ko ngayon - bilangguang mandi'y libingan ng buhay; sampu, dalawampu, at lahat ng taon ng buong buhay ko'y dito mapipigtal. Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikilamas, mapiit ay tanda ng di pagsuko. Ang tao't Bathala ay di natutulog at di habang araw ang api ay api, tanang paniniil ay may pagtutuos, habang may Bastilya'y may bayang gaganti. At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang gintong araw ng tagumpay... layang sasalubong ako sa paglaya! Panitikan sa Panahon ng Hapon Ang guryon ni Ildefonso Santos Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay pakatimbangin; ang solo't paulo'y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling. Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas at sa papawiri'y bayaang lumipad; datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak, at baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw ay mapapabuyong makipagdagitan; makipaglaban ka, subali't tandaan na ang nagwawagi'y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo'y sakaling madaig, matangay ng iba o kaya'y mapatid; kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti't dumagit, saanman sumuot... O, paliparin mo't ihalik sa Diyos, bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob! Agahan ni Virgilio Almario (tanaga) Isang pinggang sinangag, Isang lantang tinapa; Isang sarting salabat, Isang buntonghininga. Gagamba sa Uhay ni Rogelio Mangahas (Haiku) Lingkaw ko‟y pigîl: may gagamba sa uhay, bilot ang balang. Panitikan sa Panahon ng Relbousyon at Kasalukuyan (kontemporaneong panahon) Isang tula ni Jose Lacaba Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhi ng puta. Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso ang puta. Nagpapaaral ng kapatid na magpapari ang puta.
  • 13. Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang malaswang bibig ng puta. Nalululong sa droga ang anak ng puta. Ayaw ng putang ina na ang anak niyang babae‟y masadlak sa pagpuputa. Ang unang tikim sa luto ng Diyos ay ipinapatikim ng puta. Bukas ang simbahan kahit madaling-araw tuwing magdadasal ang puta. Nagbubulungan ang mga manang na nakakasalubong ng puta. Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siya nagputa. Talak ng kahirapan kung kaya nagputa ang puta. Hindi nagpapahalik sa labi ang puta. Kapwa puta ang mga kabarkada ng puta. Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibig sa puta. Masungit na ina ng magandang lalaki ang nag-aalok ng pera para lumayo ang puta. Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at tinatamaan ang puta. Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa kaputahan ng puta. Sigaw ng puta: Pare-pareho naman tayong puta! Dekada ’70 ni Lualhati Bautista Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan. Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan. Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian. Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag- empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo. Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag- aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason. Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay- sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang
  • 14. bilanggong pulitikal. May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan. Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari. Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world." Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran: "Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa! At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api? Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang- intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din." Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada. Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo. Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan. Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag- oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.
  • 15. Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago. Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos." Ginugunita Kita #2 ni Maningning Miclat Marikit na tala ang tanglaw sa dilim, Sa halimuyak ng matamis na hangin, Sa gubat ng gabi ay hinihintay ko, Mga kislap ng nilimot na pangako. Habang may hapdi ang sugat ng kahapon, Di maalpasan ang diwang nakakahon, Inaawit ang kundiman ng pagsinta Sa dalamhati ng pusong umaasa. Ginuguni-gunita kita, Binubuo sa alaala. Pinapanga-pangarap ka, Inuukit sa haraya. Mahabang mahabang mahaba ni Genaro Gojo- Cruz Kapag isinusulat ko na ito, para na rin akong naglalakbay sa malayung-malayong lugar. Para akong naglalakbay sa mahabang-mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku-bako at paliku- likong daan, tumutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta. Kaya nga pagkatapos kong isulat ang pangalan ko, pagod na pagod na rin ako. Madalas, ako rin ang laging naiiwan sa aming klasrum tuwing rises. Sabi kasi ni Titser, di puwedeng magrises kung di natatapos isulat ang buong pangalan. Kaya pagkatapos kong maisulat ang mahabang- mahabang-mahaba kong pangalan, tapos na ring kumain ang aking mga kaklase. Di tuloy ako makasali sa masasaya nilang kuwentuhan at di ko rin sila nabibigyan ng masarap na tinapay at juice na pabaon sa akin ni Nanay. Di ko rin tuloy malasahang mabuti ang masasarap na pagkain na pabaon ni Nanay. Mag-isa na lang ako kung magrises kung kaya binibilisan ko ang pagkain. Bakit nga ba kay haba-haba ng pangalan ko? Lagi tuloy di magkasya sa isang linya ang aking pangalan. Madalas, kulang na kulang ang haba ng papel para maisulat ko sa isang linya ang mahabang- mahabang-mahabang pangalan ko. Kung maikli lang sana ang pangalan ko, madali rin sana akong matatapos sa pagsulat. Di sana ako parang naglalakbay sa mahabang- mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku- bako at paliku-likong daan, tumutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang- gewang sa pagbibisikleta. Di sana sumasakit at pinagpapawisan ang aking mga kamay. At di sana nababasa ng pawis ang aking makinis na papel. Sana sinasabi na lang ang pangalan kaysa isinusulat. Sana, may lapis ding maimbento na nagsusulat nang mag-isa. Ibubulong ko lang ang mahabang- mahabang-mahabang pangalan ko, kayang-kaya na nitong isulat. Kung maikli lang sana ang tunay kong pangalan—kasing-ikli ng isa ko pang pangalan na EJ, sana‟y maaga akong natatapos sa pagsulat at maaga rin akong nakakauwi ng bahay. “Titser, puwede po bang „yung isang pangalan ko na lang ang aking isulat?” tanong ko kay Titser. “Aba! Emmanuel Juanito Maria R. del Rosario ang tunay mong pangalan kaya ito ang dapat mong
  • 16. matutuhang isulat. Ang EJ ay palayaw mo lamang,” sagot ni Titser. Kaya maglalakbay na naman ako sa mahabang- mahabang kabundukan, maglalakad sa mga baku- bako at paliku-likong daan, tutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay, o nagpapagewang- gewang sa pagbibisikleta. Hay naku! Kaya sa uwian, ako pa rin ang laging naiiwan sa aming klasrum—ang laging pinakahuling nakakauwi. Di tuloy ako makasali sa masasayang kuwentuhan at paglalaro ng mga kaklase ko. Buti na lang ang sinasamahan ako ni Titser. PAGDATING KO SA bahay, ipasusulat na naman sa akin ni Nanay ang mahabang-mahabang pangalan ko. Di ko tuloy malasahang mabuti ang kanyang inihandang miryenda at di ko rin mapanood ang paborito kong kartun sa hapon. “O sige nga EJ, isulat mo ang iyong buong pangalan nang walang kopyahan. Tingnan ko nga kung kabisado mo na?” aya sa akin ni Nanay. Akala ko‟y makapagpapahinga na ako sa aming bahay. Nasa bahay na ako, pero para na naman akong naglalakbay sa mahabang-mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku-bako at paliku-likong daan, tumutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay o nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta. Sa tagal ng aking pagsusulat, para ko na ring nakikita ang mahabang-mabahang sampayan ni Nanay, ang mahabang-mabahang linya ng kuryente at telepono, at mga paliku-likong tubo ng tubig. Pero aalalayan ni Nanay ang aking kamay. “Hayaan mo EJ, matututunan mo ring isulat nang maayos at mabilis ang iyong pangalan. Basta lagi ka lang magsasanay,” ang sabi sa akin ni Nanay. “‟Nay, bakit ba kasi ang haba-haba ng pangalan ko?” “Lagi tuloy akong huli kung magrises!” “Lagi rin akong huli kung uwian!” “‟Yung pangalan ng mga kaklase ko isa lang kaya madali silang natatapos at madali rin silang nakakauwi!” “‟Yung pangalan nina Jayson, Paul, Christian, Michael, Joan, Gladys, Bianca, at Lara isa lang. Kaya madaling tandaan, lalo madaling isulat!” “‟Yung pangalan ng ibang kaklase ko galing sa pangalan ng mga hari‟t reyna—Edward, Henry, Phillip, Isabela, Ann, at Elizabeth. Yung iba naman, pangalan ng mga sikat na artista—Sharon, Robin, Angel, at Judy Ann.” “Kung EJ na lang sana ang pangalan ko, mas maikli pa sa kanilang lahat. Kahit nakapikit pa ako kayang-kaya kong isulat.” “Bakit ba kasi kay haba-haba ng pangalan ko?” “Emmanuel-Juanito-Maria-R.-del-Rosario.” Sunud-sunod—walang prenong sinabi ko kay Nanay. Parang kakapusin ako ng paghinga sa pagbigkas sa aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan. “Aba! Alam mo bang espesyal ang iyong pangalan? Alam mo bang matagal naming pinag- isipan at pinagtalunan ng iyong Tatay ang ang pangalan mo?” “Espesyal? Paano po naging espesyal ang kay haba-haba kong pangalan?” “Ang Emmanuel ay galing sa pangalan namin ng Tatay mo. Ang pangalan ko ay Gemma at ang Tatay mo naman ay Manuel, kaya naging Emmanuel ang pangalan mo. God is with usang ibig sabihin din ng Emmanuel. Di ba‟t maganda?” ang sagot sa akin ni Nanay.
  • 17. “E, san naman po galing ang Juanito?” ang tanong ko uli kay Nanay. “Aba, galing naman sa Lolo mo ang Juanito sa iyong pangalan. Paboritong anak ng iyong Lolo Juan ang Tatay mo. Masipag at matalino kasi ang iyong Tatay, manang-manang sa iyong Lolo Juan. Noong bata pang tulad mo ang Tatay mo, tawag sa kanya ay Juanito—ibig sabihin, maliit o batang Juan,” sagot ni Nanay. “E, bakit po may Maria pa sa aking pangalan?” “Galing naman ito sa Birheng Maria. Inialay ka namin sa Kanya para lumaki kang mabait na bata. At kahit saan ka man magpunta, lagi ka niyang babantayan. Iingatan ka niya palagi kahit wala kami ng tatay mo sa iyong tabi.” “At s‟yempre ang R ay galing sa Ruiz. „Wag mong kalilimutang isulat ito dahil ito ang apelyido ko noong dalaga ako—ito ang aking apelyido noong bata pa akong tulad mo. At saka anak „ata kita kaya dapat mong isulat kahit ang unang titik lang ng aking apelyido,” sunod na sinabi ni Nanay. Napakunot ang aking noo. Kinuha pa ni Nanay sa ilalim ng aming damitan ang isang papel. Birth Certificate raw ang tawag do‟n sabi ni Nanay. Ipinakita pa niya ang ispeling ng mahabang-mahabang-mahaba kong pangalan. Naisip ko, may mahabang-mahabang-mahaba rin palang kuwento sa likod ng aking mahabang- mabahang pangalan. Nasa pangalan ko ang pangalan ng mga espesyal na tao para sa akin, ang aking Nanay at Tatay, ni Lolo Juan at ni Birheng Maria—ang kanilang mga pangalan ang bumubuo sa aking pangalan. “Ang galing-galing naman „Nay!” Tama si Nanay, espesyal nga ang aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan. KAYA MULA NOON, sa tuwing isusulat ko ang aking mahabang-mahabang-mahabang pangalan, di na ako parang naglalakbay sa malayung-malayong lugar, di na parang naglalakbay sa mahabang- mahabang kabundukan, naglalakad sa mga baku- bako at paliku-likong daan, di na parang tumutulay sa walang katapusan at nakakalulang tulay, at lalong di na parang nagpapagewang-gewang sa pagbibisikleta, kundi lagi-lagi kong naaalala ang walang hanggang pagmamahal nina Nanay at Tatay. At kahit di ko naabutan si Lolo Juan, dala-dala ko namang lagi ang kanyang makinang na pangalan. At higit sa lahat, nasa pangalan ko ang dakilang pangalan ng Birheng Maria. Naisip ko, ang bawat bata pala‟y mahalagang magkaroon ng pangalan, maikli man o maging kasing-haba ng aking mahabang-mahabang- mabahang pangalan. Salamat sa aking mahal na Nanay at Tatay, kay Lolo Juan, at sa Birheng Maria, sa mahabang- mahabang-mahaba at tunay na espesyal kong pangalan!

×