Struktura ng Lipunang Kolonyal sa Ilalim ng Espanya at mga Malayang Kalipunan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Like this? Share it with your network

Share

Struktura ng Lipunang Kolonyal sa Ilalim ng Espanya at mga Malayang Kalipunan

on

  • 13,166 views

 

Statistics

Views

Total Views
13,166
Views on SlideShare
13,025
Embed Views
141

Actions

Likes
1
Downloads
219
Comments
1

3 Embeds 141

http://www.leadlms.com.sg 116
http://titsertitser.wordpress.com 23
https://titsertitser.wordpress.com 2

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Adobe PDF

Usage Rights

CC Attribution-ShareAlike LicenseCC Attribution-ShareAlike License

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
  • tnx for sharing
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Struktura ng Lipunang Kolonyal sa Ilalim ng Espanya at mga Malayang Kalipunan Document Transcript

  • 1. Pagbago ng Sinaunang Lipunan sa Panahon ng Pananakop Babasahin 2 ng Aralin 1 Ika-apat na Kwarter University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI Igorot Elder ni Orley YponIto ay kopya ni: _________________________________Seksyon: _________________________________
  • 2. Bukod sa dahas at armas, ginamit ng mga Espanyol ang iba’t ibangistratehiya upang masakop ang ating mga ninuno. Isa sa mgapinakamabisang pamamaraan ang pagkukunwaring kaibigan sapamamagitan ng sanduguan. Napabilis ng bukas na pagtanggap atpagiging mapagbigay ng mga Pilipino ang pagsulong saHispanisasyon, o ang proseso ng malaking pagbabago sa lipunan,pamumuhay, at pananampalataya ng mga Pilipino sa ilalim ngkolonisasyong Espanyol.Napaigting ng pagtulong ng ilang mga katutubo ang hidwaan sa mgapamayanan. Na-obserbahan ng mga Espanyol na hiwa-hiwalay at maykalayaan mula sa isa’t isa ang mga sinaunang pamayanan. Dahil walapang konsepto ng pagkabansa ang mga Pilipino noon, madalingnagamit ng mga Espanyol ang pamamaraan ng pagsakop atpaghahati-hati.Naging mahalaga rin ang papel ng mga Kristiyanong misyonero sapananakop. Dahil sa kumbersyon ng ating mga ninuno saKristiyanismo, naging sunud-sunuran sila sa mga Espanyol. Maaaringdahil sa impluwensiya ng datu na nanguna bilang isang bagongKristiyano o bunga na rin ng takot ang pagtanggap sa Kristiyanismo.Ginamit din ng mga Espanyol angpamamaraang reduccion o Gawain: Ilista ang mgapagtipon sa mga sinaunang Pilipino istratehiyang ginamit ng mgasa mga pueblo at ang enkomyenda Espanyol sa pananakop.upang mapadali ang pamamahalaat pangongolekta ng tributo. Ang 1.mga hindi makabayad sa tributo aynanirahan sa mga bundok at 2.tinawag na remontados o tulisanesat tinuring na pinakamababang uri 3.sa lipunan. 4.Sapagkat kaunti lamang ang mgaEspanyol na ipinadala sa kapuluan 5.hindi magtatagumpay angkolonisasyon kung hindi dahil sa 6.tulong ng mga katutubong pinunona nangolekta ng tributo at
  • 3. nagpatupad ng polo y servicios.Ginamit naman ng mga katutubongpinuno ang kanilang posisyon upangmakinabang at mapayaman angsarili. Naglagay ito ng malakingagwat sa kanila at sa mgakaraniwang tao sa aspetongpampolitika at pang-ekonomiya.Nakahandang magsilbi sapamahalaan ang mga pinunong ito atang kanilang pamilya. Mula ditonabuo ang lokal na elite, angprincipales.Katangian ng Bawat Uri saLipunang KolonyalPeninsulares at Insulares. El Gobernadorcillo de Mestizos niIpinanganak sa Espanya ang Espiridion de la Rosa.peninsulares samantalang sa labasng Espanya ipinanganak ang mga insulares. Pinakamataas naposisyon sa pamahalaan at simbahan ang maaaring maabot ng una,habang hanggang alkalde o gobernadorsilyo lamang ang maaaringmaabot ng pangalawa.Mestiso. Bunga ng pag-aasawa ng Espanyol-Filipino, Espanyol-Tsino,at Tsino-Filipino. Ginamit nila ang katungkulan ng kanilang mgamagulang sa pamahalaan, kalakalan at sakahan upang makamit angedukasyon. Dito nagmula ang mga naging ilustrado na nagpasimula sakilusang reporma.Principalia. Nabuo ang uring principalia mula sa hanay ng mga datingpinuno ng mga barangay. Sila ang naging tau-tauhan ng mga Esapnyolsa mga probinsya. Sila ang mga katutubong panginoong maylupa atnaging mga gobernadorsilyo at kabesa de barangay. Bukod dito sila aynakapag-aral, at naging guro pa ang ilan sa kanila.Katutubong Kristiyano. Binubuo ng mga magsasaka, mangingisda,mangangahoy, tagalikha ng yaring kamay, at manggagawa ang uringito. Karaniwa’y maliit ang pinagmamay-ari na lupa o wala pa nga, atsapat o maaring kulang ang kinikita.
  • 4. Un India Pescadora de Un Indio Labrador/ India Servienta/ Manila/ Manininda ng Katutubong Manggagawa Katutubong Katulong ni Isda sa Maynila ni ni Damian Domingo Felix Martinez y Lorenzo Damian DomingoSangley. Tinuturing na isa sa pinakamababang sektor ng lipunangkolonyal at nagsilbi bilang mga manggagawa. Subalit kalaunan sila ayumunlad at nagsamsam din ng ari-arian.Katutubong di-Kristiyano. Mayroong mga lipunang katutubo na hindinaimpluwensiyahan ng hispanisasyon, hindi naging tagasunod ngKtristiyanismo, hindi nagbayad ng buwis, hindi nag-angkin ngpangalang Espanyol, at hindi naglingkod bilang polista.Isa sa mga kalipunang patuloy na tumutol at nakipaglaban sa mgadayuhan ang mga kapatid nating Muslim sa katimugan. Angdeterminadong oposisyon ng mga Muslim ay maipaliliwanag ngkanilang relihiyon – ang Islam. Ibinagbabawal ng kanilangpananampalataya ang pagsuko sa hindi sumasamba kay Allah.Nabigyan din ng lakas at inspirasyon ang mga datung Muslim ngkanilang sultanato. Nasa ilalim ng pangangalaga ng sultan ang mgadatu na may tungkuling kailangang gampanan. Samantala, walangkinikilalang mataas na pinuno ang mga datu sa Visayas at Luzon kaya’thindi sila nagkakaisa.Mahigit 50 taon naman ang ginugol ng mga Espanyol upang mahanapang ginto ng Cordillera at ipatanggap ang kolonyalismo sa mgakatutubo roon. Iba’t ibang metodo ang pagtatanggol ng mga katutubo
  • 5. sa kanilang likas na kalayaan kasama na rito ang pabugso-bugsong pagsalakay sa mga puwersang kolonyal, taktikal na pakikipagkaibigan at mababaw na pagtanggap sa Kristiyanismo. Hindi nagbabayad ng buwis ang maraming pamayanan, o kaya’y lumilikas ang mamamayan sa panahon ng pagbisita ng mga opisyal na Espanyol. Mahigit 200 taon na hindi nagbayad ng tributo ang mga Igorot at nagpabinyag lamang sila upang maiwasan ang pagsalakay militar ng mga Espanyol. Ganito rin ang karanasan ng mga Ilongot at Ibanag ng Vizcaya at Isabela, pati Agta ngZambales at Dumagat ng Sierra Madre, gayundin ang ilang mgamalayang katutubong pamayanan sa Visayas at Mindanao nanapanatili ang sariling kultura at mga gawi. Sapagkat mas nakararamiang napasailalim sa mga Espanyol, binansagan ang mga malayangpangkat na minoryang kultural. Bihira silang maisulat at mabasa samga aklat ng kasaysayan.Gawain: Ilista ang iba-ibang reaksiyon ng mga kalipunang Filipino sapananakop ng Espanyol.Kalipunan Reaksiyon □Nanirahan sa mga patag □Nanirahan sa mga kabundukan □Mga Muslim □SanggunianGripaldo, Eden M. et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga InstitusyongFilipino. QC UP-SWF