Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas

29,168 views

Published on

Published in: Education, Business
2 Comments
4 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
29,168
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
132
Actions
Shares
0
Downloads
349
Comments
2
Likes
4
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Malayang Kalakalan ng US-Pilipinas

  1. 1. Kalagayang Pangkabuhayan sa Ilalim ng Pananakop ng mga Amerikano Babasahin 4 ng Aralin 1 Ika-apat na Kwarter University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI Ito ay kopya ni: ______________________________ Seksyon: ______________________________
  2. 2. 2 Halimbawa ng epekto ng diwang kolonyal sa pag-iisip ng karaniwang Pilipino.Sa panahon ng kolonyalismong Amerikano, umunlad ang ekonomiya atpamumuhay ng mga Pilipino. Subalit ito ay ekonomiyang palaasa(dependent) sa Amerikano. Ang pag-unlad sa pamumuhay ay nakita samga elite subalit hindi sa mga ordinaryong mamamayan. Ang elite dinang nagsilbing tagapagdala at tagapagsalin ng kulturang Amerikano sabansa, nang dahil na rin sa maling edukasyon at pagkagapos nila sakaisipang kolonyal. Paunti-unting kumalat ang impluwensiya ngkulturang Amerikano sa kulturang Pilipino mula sa paggamit ng Inglessa edukasyon hanggang sa panonood ng mga pelikulang kanluranin.Maraming imprastraktura at institusyon ang itinayo ang mga Amerikanosa bansa para diumano sa pagpapatupad ng white man’s burden nagawing sibilisado ang mga Pilipino. Nang dahil dito, maraming Pilipinohanggang ngayon ang tumatanaw ng utang na loob sa mgaAmerikano. Nararapat iwasto ang kaisipang ito dahil ang salapingginugol ng mga Amerikano sa pagpapatupad ng mga proyektong ito aynagmula mismo sa mga Pilipinong nagbayad ng buwis sa ilalim ngpamahalaang kolonyal.Bukod dito, ang mga patakarang pang-ekonomikong itinatag ng U.S. saPilipinas ay sumasalamin sa sariling interes ng mga Amerikano na maymalaking kaugnayan sa mga pamilihan ng yaring produkto(manufactured products) at pinagmumulan ng mga hilaw na materyal(raw materials). Malayang nakinabang ang mga Amerikano sa yamanglikas at sa pagbukas ng pamilihan ng bansa na nagsilbing bagsakan ngmga produktong surplus mula sa U.S.Malalim ang naging ugat ng mga ibinungang suliranin ng imperyalismona patuloy nating kinakaharap sa kasalukuyan. Ang lipunang dati’y may
  3. 3. 3kusa at lakas na itaguyod ang kamalayang makabayan o nasyonalismoupang mabuklod at mapag-isa ang bansa ay unti-unting nagapos atnabulag ng diwang kolonyal.Narito ang pagpapaliwanag ni Gob. Hen. William Howard Taft saprinsipyo na pumapaloob sa “pagtulong” ng mga Amerikano sa mgaPilipino: “The promotion of their material and intellectual welfare will necessarily develop wants [of Filipinos] for things which in times of poverty they regard as luxuries, but which, as they grow more educated and as they grow wealthier, become necessities…promoting the welfare, material, spiritual, and intellectual of the people of these Islands is the one course which can create any market here among the people for American goods and American supplies that will make the relation of the United States to the Philippines a profitable one for our merchants and manufacturers.”Gawain: Ipaliwanag sa sariling salita ang ideyang nakapaloob sa pahayag niGob. Hen. Taft.Sinasabi ni Gob. Hen. Taft na ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
  4. 4. 4 Malayang KalakalanNapasimulan ang malayang kalakalan o Magsaliksik Tayo!free trade noong 1909 nang ipinasa ng Kongresong Amerikano ang Payne- Hanapin ang kahulugan ngAldrich Tariff Act. Sa ilalim ng batas na sumusunod:ito, ang mga produktong iniluluwas ngU.S. sa Pilipinas ay walang babayarang tariffbuwis at wala ring itatakdang dami o ______________________quota. Samakatwid, malayang ______________________makapapasok ang anumang ______________________produktong nagmula sa U.S. sa mga ______________________pamilihan ng Pilipinas. exportPinahihintulutan ding makapasok sa ______________________mga pamilihan ng U.S. ang produktonginiluluwas ng Pilipinas nang walang ______________________binabayarang buwis subalit may ______________________nakatakdang dami o quota tulad ng ______________________quota sa produktong asukal at tabakong bansa. Samantala, ang bigas mula importsa Pilipinas ay hindi pinayagang ______________________makapasok sa U.S. at nagtakda rin na ______________________nararapat umayon sa mga hilaw na ______________________materyal na kailangan ng industriyang ______________________Amerikano ang mga iniluluwas naprodukto ng Pilipinas. Samakatwid, ang kaunlaran ng Pilipinas, kungmayroon man, ay nakabatay sa mga kondisyon na maaaring hingin ngU.S. sa kanyang kolonya.Noong 1934, naipasa naman ang Tydings-McDuffie Law. Kilala itobilang batas na nagsaad ng pagbibigay ng kalayaan sa bansa mula saU.S. subalit taglay din nito ang isang probisyon para sa pagpapatuloyng malayang kalakalan sa panahon ng pamahalaang Commonwealth.Maliwanag ang pagnanais ng mga Amerikanong mapanatili angkanilang impluwensiya sa ekonomiya ng Pilipinas kahit pa mabigyan ngkasarinlan ang bansa.
  5. 5. 5 Resulta ng Malayang KalakalanPorsyento ng mga produktong agrikultural sa kabuuang export: 23.7% 62.9% 71.4% (1899-1908) (1916-1925) (1926-1935)Interpretasyon: tumaas ang dami ng mga produktong agrikulturalna iniluluwas ng Pilipinas; ipinapakita nito ang pagtugon ng bansasa pangangailangan ng U.S. sa hilaw na materyal Taon Export Balance Kalagayan of Trade Pagpasok ng Espanya ng mga1900-1909 P60.9M + produkto sa bansa batay sa Kasunduan sa Paris1910-1914 P94.7M +1914-1918 P177.3M -1919-1924 P234.7M + Payne-Aldrich Tariff Act1925-1930 P297.9M +1930-1935 P213.2M +Interpretasyon: sumigla ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ngmalayang kalakalanSa pagitan ng 1910-1912, ang produktong iniluwas ng U.S. sa Pilipinasay lumaki nang halos 437% samantalang ang produktong iniluwas ngPilipinas sa U.S. ay tumaas nang halos 213%. Mula 11% ng mga ine-export at ini-import na produkto sa U.S. noong 1900 tumaas itohanggang 72% noong 1935. Samakatwid, natali ang ekonomiya ngPilipinas sa U.S samantalang nanatiling malawak ang ekonomiya ngU.S. na nakipagkalakalan sa marami pang bansa bukod sa Pilipinas.Ginamit ang kitang nalikom mula sa kalakalan sa pagpapaayos ng mgatulay at kalsada na mahalaga para sa mabilis na transportasyon ngmga produkto tungo sa mga daungan. Nagbunga ito sa pagtaas ngantas ng pamumuhay ng ilang mga Pilipino. Kung susuriin ang datosmakikitang sumigla ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng
  6. 6. 6kolonisasyong Amerikano subalit maraming Pilipino ang tumutol dito.Alamin natin kung bakit! Ang mga produktong asukal at tabako ay maaaring ma-1 monopolisa ng isang pamilihan lamang. Kapag ang pamilihan ay humina, lubhang maaapektuhan ang mga prodyuser ng asukal at tabako. Sa ganitong sitwasyon umaasa na lamang ang Pilipinassa U.S. Ang mga panginoong maylupa o landlord at malalakingkumpanya lang na nangingibabaw sa komersyo, industriya atagrikultura ng bansa ang tanging nakikinabang sa sistemang ito.Dagdag pa rito, dahil sa pag-export sa mga produkto kaysa ibenta salokal na pamilihan nagdudulot din ito ng kakulangan sa lokal na suplay. Naipagpaliban din nito ang pagkamit ng kasarinlan sa bansa. Ang2 mga yumayamang Amerikanong kumpanya sa Pilipinas ay maaaring pilitin ang pamahalaang U.S. na huwag bitiwan ang kolonya o patagalin ang pananakop dito. Maging ang mgamayayamang Pilipino na nakinabang sa sistema ay magdadalawangisip sa pagsulong ng kalayaan. Nababawasan ang maaaring kitain ng pamahalaan mula sa3 pangongolekta ng buwis sa mga produktong inaangkat at iniluluwas sa bansa. Ang kitang ito ay maaari sanang gamitin sa pagsasagawa ng mga proyekto at programang panlipunan.Hindi lahat ng Pilipino ay nakinabang sa malayang kalakalan.Yumaman ang mga may-ari ng lupa habang tumanggap lamang ngmaliit na sahod ang mga tunay na nagsasaka sa lupa.Hindi lumakasang kakayahang industriyal ng bansa dahil kapalit ng mga hilaw namateryal, iniluwas ng U.S. sa Pilipinas ang mga produktong gawa na omanufactured goods. Bagaman naglipana ang mga pagawaan atpabrika ng sigarilyo, asukal, mantika, alak, sardinas at iba pa saMaynila at karatig-pook, mas maraming maliliit na industirya tulad ngmga yaring-kamay o handicraft ang naapektuhan. Bumagsak angindustriya ng paghahabi ng tela sa Batangas, Iloilo, Bulacan, at Ilocos.Dahil sa mataas na kompetisyon mula sa malalaking kumpanya atimported goods, humina ang pagbenta ng mga produktong gawa saating bansa. Dahil na rin dito, unti-unting kumiling ang panlasa atkaisipang Pilipino sa mga gawang stateside. Natuto ang mga tao na
  7. 7. 7magustuhan at tumangkilik sa mga imported kung kaya’t lumala angkaisipang kolonyal (colonial mentality) ng mga Pilipino.Gawain:Iugnay ang kasaysayan sakasalukuyan. Sa iyong palagay,lumaya na ba ang mga Pilipino mulasa colonial mentality? Maaaringgamitin ang larawan sapagpapaliwanag.__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Nagdulot din ng pagkasira sayaman ang patakarang pang-ekonomiya ng U.S. Paunti-untingnaubos ang mga punongkahoy ngbansa dahil sa paglakas ngindustriya sa pagmimina atpaglaki ng negosyo sakonstruksyon ng mga opisina,bahay, daan at tulay. Ang mga minahan ang sumuporta sapangangailangan ng U.S. para sa chromium, copper, at manganese naginamit sa paggawa ng mga kagamitang pandigma noong IkalawangDigmaang Pandaigdig.
  8. 8. 8 Higit Pa sa KalayaanHindi naging pantay ang epekto na dulot ng malayang kalakalan samasa at elite kaya’t nag-iba ang kalayaang minimithi ng mgaanakpawis sa mga mayaman at edukado na naghangad makamit angautonomiya. Ipinamalas ng masa sa pamamagitan ng mga welga, pag-aalsa, at pagkilos noong dekada 1920-1940 ang mithiin nila para sakalayaan na may kasamang pagbabagong panlipunan.Umusbong ang mga militanteng kilusang manggagawa mula sa patuloyna pakikidigma ng mga gerilya para sa kalayaan laban sa mgamananakop na Amerikano. Noong 1902, mula sa mga grupongtinaguriang bandido ng kinauukulan, natatag ang unang pederasyon ngmga manggagawa ang Union Obrera Democratica (UOD) sapamumuno nina Isabelo delos Reyes at Hermenigildo Cruz.Naglunsad ang UOD ng mga welga at makabayang dula na bumatikossa pananakop ng mga Amerikano. Kahit sinupil ng kolonyal napamahalaan, nagpatuloy ang kilusang manggagawa sa pangunguna niDominador Gomez na namuno sa Union Obrera DemocraticaFilipina (UODF). Sa kasamaang palad, naakit si Gomez at de los
  9. 9. 9Reyes nang pumaloob sila sa sistemang kolonyal nang pasukuin nilasina Macario Sakay at lumahok sa politika.Noong dekada 1920, lumitaw ang mga bagong radikal na lidermanggagawa sa pangunguna nina Crisanto Evangelista at AntoninoOra bumuo sa Katipunan ng mga Anak Pawis (KAP) na namuno samga kilusang welga na naghangad sa kalayaan ng Pilipinas mula samananakop na Amerikano at pag-unlad sa kalagayan ng mgamanggagawa. Mula sa kilusang manggagawa nabuo nina Evangelistaang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).Bagaman hinuli at pinatapon sa probinsya ang mga lider nito atipinagbawal ang partido noong 1932, patuloy na namuno mula saunderground ang partido sa mga pagkilos at welga.Pumaloob naman ang kaisipang sosyalista sa mga kilusangmagsasaka nang matatag ang Partido Sosyalista noong 1933 sapamumuno ni Pedro Abad Santos. Noong 1938, nagsanib ang PartidoKomunista at Partido Sosyalista na bumuo sa Partido Komunista ngPilipinas (PKP). Nabuo nito ang mga militante at malaking seksyon ngmga organisadong manggagawa at magsasaka sa ilalim ng isangpartido.Itinaguyod ng mga samahang magsasaka at manggagawa angadhikain ng kalayaan ng mga mamamayan. Nakapaloob sa usapingpangkabuhayan ang pag-asam nila sa kalayaan na ang mga katangianay pagkakapatiran, pagkakapantay-pantay, katarungan, atkaginhawahan. Pagkamit ng KalayaanMahalaga ang Batas Hare-Hawes Cutting at BatasTydings-McDuffie sa pagkamitng kasarinlan ng bansa mulasa mga Amerikano. Hindimalaki ang pagkakaiba ngdalawang batas subalit pinilit niQuezon na baguhin angnaunang batas upang ibida
  10. 10. 10 ang kanyang sarili at makuha ang pagkapangulo sa Pamahalaang Komonwelt. Narito ang reaksyon ng mga mamamayan sa Batas Hare- Hawes Cutting: Habang nananatiling Tutol kami dahil hindi ito kolonya ang bansa, nagbibigay ng ganap na mananatili ang problema kalayaan. Dinadaya nina sa kabuhayan. Sa ilalim ng Quezon at Osmeña ang proteksyon ng U.S. taong-bayan. Pinatatagal tumatag ang interes ng lamang nila ang elite. Hahantong lamang kapangyarihan ng U.S. at sa huwad na kalayaan ang pinapanatiling mahirap independence mission. ang naghihirap. MANGGAGAWAPartido Tutol kami! Kung mgaKOMUNISTA Kristiyanong Pilipino na ang mamamahala baka masira ang aming kultura at identidad. muslim Huling Hirit ng Estados Unidos Bago tuluyang makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946, ipinasa ng U.S. ang Bell Trade Act na nagsaad ng mga kontrol sa ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pagkamit nito ng kasarinlan: □ Pagtakda ng mga taripa na pabor sa U.S. □ Pagtakda ng halaga ng piso sa dolyar □ Pagbigay ng karapatan sa mga mamamayang Amerikano at kumpanya na kapantay sa karapatan ng mga mamamayang Pilipino na gamitin ang kagubatan, mineral at iba pang likas yaman Ginamit ng U.S. ang $800M na pangakong pondo para sa pinsalang natamo ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang mapasang-ayon ang mga Pilipinong lider sa panukalang batas.
  11. 11. 11Gawain:Gamit ang larawan, ipaliwanag ang ideya ng neo-kolonyalismo._____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
  12. 12. 12 HUKBALAHAP Sino ba sila? Hukbong Bayan Laban sa Hapon armadong hukbo ng Partido Komunista ng Pilipinas na lumaban sa mga mananakop na Haponessamahang masa > PKP > HUKBALAHAP > Hukbong Mapagpalaya ngBayan > New People’s ArmySanggunianBoncan, Celestina P., et al. (2005). Kabihasnang Pilipino: Kasaysayan at Pamahalaan. QC: Vibal Publishing House, Inc.Gripaldo, Eden M. et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. QC UP-SWF.

×