SlideShare a Scribd company logo
1 of 24
Download to read offline
1
ARALING PANLIPUNAN II
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 13
Edukasyon sa Asya
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
INSERT PICTURE
2
MODYUL 13
EDUKASYON SA ASYA
Ang edukasyon ay daan sa kaunlaran. Nagbibigay-daan ito sa pagkakataong
makapamili ang isang tao. Binubuksan din nito ang pinto tungo sa iba't ibang
opurtunidad para sa mga nagsumikap na makatapos ng kanilang pag-aaral. Sa
pamamagitan ng magandang edukasyon, ang suliranin ng kahirapan, sakit at
karamdaman ay unti-unting nababawasan. Kasabay nito, ang mga mamamayan ay
nagkakaroon ng mas malakas na tinig sa lipunan kung sila ay may sapat na edukasyon.
Ang mga bansang may mataas na populasyon ng may pinag-aralang mamamayan ay
may mas mahusay na lakas paggawa. Ang mga matatalino at mahuhusay na
mamamayan ay nagkakaroon ng kakayanan na makipagkompetensiya kundi man ay
makipag-ugnayan sa iba pang mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa ating mundo.
Ang edukasyon din ay nagbibigay ng opurtunidad upang tayo ay magkaroon ng
panlipunan at pangkabuhayang kaunlaran.
Sa komperensya noong 1990 ng Education for All (EFA), napagkaisahan ng mga
dumalo na pagsapit ng taon 2000, lahat ng mga kabataang nasa gulang ay tapos na ng
mababang paaralan. Ngunit noong taong 2000, 104 milyon na kabataan na nasa edad
ang hindi pa rin nakapag-aral, 57% rito ay mga kabataang babae at 97% ay nagmumula
sa papaunlad pa lamang na mga bansa--karamihan sa Timog Asya at sa Sub-Saharan
Africa. Ang ibinigay ng UN sa kanilang Millennium Development goals ay mas
makatotohanan bagamat mahirap din naman—na pagsapit ng taong 2015 ang lahat ng
mga bata sa lahat ng panig ng mundo ay dapat na nakatapos na ng buong kurso ng
mababang paaralan o edukasyong primarya (primary education) o elementarya.
May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Anak ni Confucius – Edukasyon sa Asya Hango sa UNESCO –
Courier April 1996 ni Zhao Nangzhao
Aralin 2: Katayuan ng Edukasyon sa Asya
Aralin 3: Antas ng Karunungan sa mga Bansang Asyano
3
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang impluwensya ni Confucius sa ilang pangunahing aspeto ng
edukasyon sa Asya;
2. Matutukoy ang ilang paglalarawang binigay ni Confucius sa edukasyon sa Asya;
3. Maiisa-isa ang mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon ng mga bansang
Asyano;
4. Mailalarawan ang mga gawing ito sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa;
5. Mabibigyang kahulugan ang antas ng karunungan bilang isang pangunahing batayan
sa pagkilala sa isang bansa; at
6. Mapapatunayan na may kaugnayan ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa
magiging antas ng karunungan ng mga mamamayan nito.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
4
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang edukasyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na:
A. umunlad
B. magkaroon ng trabaho
C. makapaglakbay
D. lahat ng nabanggit
2. Sa taong ito ginanap ang komperensiya para sa Education for All.
A. 1990
B. 1991
C. 1992
D. 1993
3. Ayon sa Komperensiyang ito, pagsapit ng taong 2000 lahat ng mga kabataang nasa
tamang gulang ay:
A. tapos na sa kolehiyo
B. tapos na sa antas sekondarya
C. tapos na sa mababang paaralan
D. nakapag-enrol na sa mga paaralan
4. Pagsapit ng taong 2000, 104 milyon na kabataan pa rin ang hindi nakapag-aral mula
sa mga bansa sa Asya at:
A. Sub-Saharan Africa
B. Europa
C. Amerika
D. Australia
5
5. Ayon sa UN Millenium Development goals, inaasahang tapos na lahat ng kabataang
nasa gulang ng elementarya pagsapit ng:
A. 2010
B. 2015
C. 2020
D. 2025
6. Si Confucius ay isang pilospo mula sa:
A. Korea
B. India
C. Hapon
D. Tsina
7. Sina Mahatma Gandhi at Rabindranath Tagore na nagsulat ng pagpapahalaga ng
mga Asyano sa edukasyon ay kapwa galing sa:
A. India
B. Tsina
C. Hapon
D. Korea
8. Isa dito ay hindi paglalarawan ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya:
A. Ginagamit ng teknolohiya
B. Pagsasama-sama o collectivism
C. Ispiritwal na pag-unlad
D. Kabutihang asal
9. Mga bilang ng mag-aaral na di tinatapos ang panuruang taon:
A. Cohort survival rate
B. Drop-out rate
C. Rate of repeaters
D. Rate of out of school youth
6
10. Mga bilang ng mag-aaral na di nakakatapos ng kani-kanilang programa tulad ng
elementarya, sekondarya, at kolehiyo:
A. Drop-out rate
B. Out of school youth
C. Cohort survival rate
D. Rate of repeaters
11. Ang wikang panturo sa karaniwan ng paaralang elementarya sa Singapore ay:
A. Ingles
B. Cantonese
C. Portugese
D. Spanish
12. May kakulangan ng paaralan sa Bhutan dahilan sa:
A. Walang nagtatayo ng mga paaralan.
B. Bulubundukin ang kabuuan ng bansa.
C. Walang guro na gustong magturo.
D. Kulang sa pondo.
13. Noong 1970 sa tulong ng UNICEF nagkaroon ng mga materyales upang magamit
sa pagtatayo ng paaralan sa:
A. Taiwan
B. Philippines
C. Bhutan
D. Nepal
14. Karaniwang suliranin kapag bago ang kurikulum ay:
A. kakulangan ng impormasyon tungkol dito
B. ayaw ng mga magulang
C. tutol ang mga guro
D. walang materyales
7
15. Kakayahan ng mga taong magsulat at magbasa.
A. antas ng kamuwangan
B. lebel ng katalinuhan
C. grado ng IQ
D. bahagdan ng EQ
16. Ang lahat ng mga bansang ito ay nakapag-tala ng 99% ng karunungan maliban sa
isa:
A. Japan
B. South Korea
C. Georgia
D. America
17. Ang nakapagtala ng pinakamababang antas ng karunungan:
A. Xenon
B. Pakistan
C. Nepal
D. Saudi Arabia
8
ARALIN 1
MGA ANAK NI CONFUCIUS – EDUKASYON SA ASYA
HANGO SA UNESCO-COURIER APRIL 1996
NI ZHON NANZHAO
Maraming mga pilosopo ang nagbahagi ng kani-kanilang pananaw sa larangan
ng edukasyon. Karamihan sa mga pananaw na ito ay nagsilbing gabay di lamang sa
mga karaniwang tao kundi maging sa nagpaplano at gumagawa ng mga kurikulum. Isa
rin ito sa mga isinasaalang-alang ng mga mambabatas kung sila ay gagawa ng mga
batas na may kinalaman sa edukasyon. Isa sa mga pangunahing pilosopo na may
naging malaking bahagi sa larangan ng edukasyon sa Asya ay si Confucius.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1) Maipaliliwanag ang impluwensya ni Confucius sa ilang pangunahing aspeto ng
edukasyon sa Asya; at
2) Matutukoy ang ilang paglalarawang binigay ni Confucius sa edukasyon sa Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Kilala mo ba si Confucius? Isulat ang mga konseptong maiuugnay mo sa
kanya.
9
May pangunahing bahagi ang edukasyon sa kultura at tradisyon ng mga Asyano.
Sa Asya malaki ang pagpapahalaga ng mga tao sa edukasyon. Si Confucius bilang
pangunahing pilosopo sa China ay naniniwala na ang mga tao ay napapagaling at
napapahusay sa pamamagitan ng wastong pag-aaral. Binigyan-diin niya ang
kapangyarihan ng edukasyon na mapabuti ang lipunan at ang maituro ang mabuting
pagkamamamayan. Sa lumipas na mga siglo, ang edukasyon ay naging pundasyon sa
pampulitika, panlipunan, pangkabuhayan at pangkulturang pamumuhay ng mga
Asyano.
Binigyan-diing din ang pagtuturo ng edukasyong pagpapahalaga o values
education. Karamihan sa mga magulang ay handang tiisin ang hirap ng pagkita ng pera
mapag-aral lang ang kanilang mga anak. Naniniwala sila na ito ay pinakamabisang
paraan upang matakasan ang kahirapan. Maraming kwento ng mga ina sa iba't-ibang
panig ng Asya ang naging testimonya sa pagpapahalagang ito sa edukasyon tulad ng
isang Haponesang ina na naniniwala na ang pangunahin niyang gawain ay turuan ang
kanyang anak ganun din ang isang inang Tsina na sa mahabang panahon ay nagtiis na
pumasok sa malayong lugar upang maituro ang kanyang natutunan sa kanyang anak
na may kapansanan, gayundin ang kwento ng isang inang Koreana na napilitang ibenta
ang alagang baka matustusan lang ang pag-aaral ng anak. Ang mga kwentong ito ay di
bago sa mga Pilipino sapagkat ganito din kalaki ang pagpapahalaga natin sa
edukasyon. Ilan sa mga isinulat ni Mahatma Ghandi at Rabindranath Tagore ng India ay
nagpatotoo rin sa pagpapahalagang ito ng mga Asyano sa edukasyon.
Kung kaya't di kataka-taka na malaki ang inaasahan ng mga Asyanong
magulang at mga guro sa mga kabataan. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ang
paniniwalang ito ng mga magulang kasama ang mataas na uri ng kurikulum, mahabang
oras sa pag-aaral, masususing paghubog ng mga intelektwal na kakayahan,
pagsuporta ng mga magulang, at mabuting ugnayan ng mga guro at mag-aaral ay mga
salik sa ikatatagumpay ng mga mag-aaral kung kaya't batid natin na mataas din ang
antas ng karunungan ng mga Asyanong mamamayan.
10
Ilan sa mga paglalarawan na binigay ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa
Asya ay ang mga sumusunod:
1. pagsasama-sama o COLLECTIVISM
Ito marahil ang dahilan kung bakit malaking bahagi ng edukasyon sa Asya ay
nakatuon sa paghubog ng mga mamamayan upang maging mabuting kasapi di lamang
ng kani-kanilang pamilya kundi maging sa lipunan na kanyang kinabibilangan.
2. ispiritwal na pag-unlad
Kapuna-puna ang pagbibigay-diin sa mga paaralan ng wastong pag-uugali at
pagkilala sa Dakilang Lumikha. Karamihan sa mga aralin ay naglalayon na hubugin ang
mabuting pagkatao ng mga mag-aaral.
3. kabutihang asal
Ayon kay Confucuis, ang edukasyon ay dapat na nagbibigay sa tao ng
kabutihang-asal. Para sa kanya, ang mga iilang tao na magkakaroon ng pagkakataong
mamuno ay dapat na matutong mangalaga ng mga tao at ang mga nasasakupan
naman ay dapat na maging masunurin sa mga namumuno. Ito ang dapat na mangyari
upang maging maayos ang lipunan. Katulad din ito ng kapangyarihan ng magulang sa
tahanan at mga guro sa paaralan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Patunayan na malaki ang pagpapahalaga ng mga Asyano sa
edukasyon.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
11
Tandaan Mo!
Malaki ang bahagi ng mga aral ni Confucius sa sistema ng
edukasyon sa Asya.
Ayon kay Confucius, ang sistema ng edukasyon sa Asya ay
nagbibigay-diin sa:
- pagsasama-sama o collectivism
- ispiritwal na pag-unlad
- kabutihang-asal
Gawain 3: Paglalapat
Sumulat ng sanaysay tungkol sa paksang ito:
Hindi sagabal ang kahirapan sa pagtatamo ng wastong edukasyon.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________.
12
ARALIN 2
KATAYUAN NG EDUKASYON SA ASYA
Hindi ganoon kadali na ikumpara ang gastusin ng sektor ng edukasyon sa Asya
at sa iba pang panig ng mundo tulad ng Europa. Higit na mas mataas ang pagbubuwis
na isinasagawa ng mga bansang nasa Europa kaysa sa mga Asyanong bansa. Ang
mga kinokolektang buwis na ito ang pangunahing pinagkukunan ng pondo para sa mga
paaralan. Kaunting bansa lamang sa Asya ang may kakayahang magbigay ng libreng
edukasyon sa mataas na paaralan lalo na sa kolehiyo. Bagamat sa gitna ng ganitong
sitwasyon kung saan may kakulangan sa pondo ng edukasyon, nakakatuwang
malaman na maraming pag-aaral o pagsasaliksik na naisagawa sa iba't-ibang
pribadong organisasyon ay nagpapatunay na maraming mag-aaral sa mga bansang
Asyano ang may mataas na antas ng karunungan sa lebel ng elementarya at
sekundarya.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maiisa-isa ang mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon ng mga bansang
Asyano; at
2. Mailalarawan ang mga gawing ito sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Itala ang ilan sa mga suliranin na may kinalaman sa edukasyon.
1.
2.
3.
4.
5.
13
Ilang Natatanging Gawi sa Larangan ng Edukasyon ng mga Bansang Asyano
A. Pagmonitor sa Larangan ng Edukasyon
Karamihan sa mga pamahalaang Asyano ay regular na nagsasagawa ng
pagmonitor sa bilang ng nagpapatala sa pagpasok sa mga paaralang elementarya at
sekondarya. Bagamat ang mga bilang na ito ay di tiyak, ito ay mabisang basehan ng
pagpaplanong gagawin para sa sektor ng edukasyon. May mga pagmomonitor din na
nakapokus sa tinatawag na Drop-out Rate o bilang ng mga mag-aaral na di tinatapos
ang panuruang taon at ang Cohort Survival Rate o bilang ng mga mag-aaral na di
nakakatapos sa kani-kanilang programa (maaring elementarya, sekondarya at
kolehiyo). Ang mga bilang na ito ay nagiging batayan ng mga pag-aaral na isasagawa
ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Maraming bansa sa Asya tulad ng Indonesia at Thailand ang regular na
nagsasagawa ng ganitong pagmomonitor. May mga iba na ang tuon ay nasa Academic
Achievement ng mga mag-aaral. Mayroon naman na ang pokus ay sa wika (language)
at matematika. May mga bansa naman tulad ng Timog Korea at Hapon na ang
pagbabagong pisikal ng mga mag-aaral ang minomonitor taun-taon.
B. Pagpili ng Wikang Panturo
May mga bansang Asyano na gumagamit ng wikang panturo na di katulad ng
wikang sinasalita ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Maraming Asyanong
bansa rin ang maingat na pinag-aaralan ang gagamiting wikang panturo lalo na sa mga
nasa elementarya. Sa kaso ng Pilipinas ang patakaran sa Bilingual Education ay
ipinatupad bilang pagtugon sa Art. XIV Sec 7 ng 1987 Saligang Batas.
Ayon sa 1987 Policy sa Bilingual Education (DECS no. 52 s. 1987) ang
patakarang ito ay naglalayon na gawing magaling ang bawat Filipino sa paggamit ng
Filipino at English sa lahat ng antas.
Samantala sa Bhutan at sa karamihan ng mga paaralang elementarya sa
Singapore, ang wikang panturo ay English.
14
C. Suliranin ng mga Maliliit na Paaralan at Kakulangan ng Silid-Aralan
Ang kakulangan sa mga paaralan ay di lamang suliranin ng Pilipinas. Ito ay
suliranin din ng maraming bansang Asyano. Maraming kadahilanan ang maiuugnay sa
suliraning ito. Pangunahin na ang kakulangan ng pondo. Bagamat may mga bansang
tulad ng Bhutan na dahilan sa bulubundukin ay may kakulangan sa paaralan dahilan na
rin sa uri ng kanilang kapaligiran. Ito ang pangunahing rason kung bakit siksikan ang
mga paaralan dito lalo na sa antas ng elementarya.
Sa ilang isla naman ng Maldives na may konting populasyon, ang pamahalaan
ay nagsasagawa ng natatanging pagsasanay para sa mga guro na maitatalaga sa mga
islang ito.
D. Pagtuturo ng mga Special Subjects
Hindi mabilang na pag-aaral ang naisagawa na upang sukatin ang pang-
akademikong kahusayan ng mga mag-aaral. Nakatutuwang banggitin na maraming
Asyanong mag-aaral ang nagtamo ng mataas na antas ng kagalingan at kahusayan
ayon na rin sa mga pag-aaral na ito.
Samantala, may mga Asyanong bansa rin naman ang nagbibigay diin sa pag-
aaral ng mga natatanging asignatura. Sa Myanmar (Burma) ang pagtuturo ng sining,
musika at palakasan ay labis na binibigyang-diin. Sa Korea ang mga paaralang
primarya ay napakahusay sa pagtuturo ng katutubong sayaw. Halos lahat ng paaralang
elementarya sa Asya ay nagbibigay ng atensyon sa pagtuturo ng kani-kanilang sining at
kultura sa pamamagitan ng mga musika at sayaw. Sa Thailand at Pilipinas ang
paggawa ng mga kagamitang ginagamitan ng mga katutubong materyales ay tinuturo
din sa paaralan.
E. Pakikiisa ng mga Magulang
May mga ilang bansa din sa Asya na ang mismong pagpapagawa ng paaralan
ay katulong at kabalikat ang mga magulang. Sa Burma at Bhutan ang mga malalaking
bahay ay tinatayo ng mga lokal na residente upang gawing silid-aralan. Ganito din ang
ginagawa sa ilang nayon ng Maldives. Noong 1970, ang UNICEF, ang kauna-unahang
15
international agency, ang nagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng
materyales sa pagtatayo ng paaralan sa Nepal.
F. Pagbabago ng Kurikulum
Lahat ng mga Asyanong bansa ay nagsagawa ng iba't ibang pagbabago sa kani-
kanilang kurikulum. May mga ilang bansa ang nagtagumpay ngunit marami rin ang
nakaranas ng sari-saring suliranin sa pagpapatupad ng kanilang kurikulum. Karamihan
sa mga bansang Asyano ay may isang opisyal na kurikulum para sa kanilang bansa.
Karamihan naman ng mga aklat ay isinusulat ng mga gurong may karanasan na sa
pagtuturo ng elementarya at sekondarya. May ilan ding mga aklat na sinulat ng mga
eksperto sa kani-kanilang asignatura at larangan.
Karaniwan ng suliranin sa pagpapatupad ng bagong kurikulum ay ang
kakulangan ng impormasyon ukol dito. Kadalasang ito ang nagiging sagabal upang
magtagumpay ang ano mang bagong kurikulum na ipinakikilala.
Ang Pilipinas ay isa sa mga Asyanong bansa na nanguna sa pagsasagawa ng
pagbabago sa antas elementarya at sekondarya kung saan ang pagpili sa mga
kagamitang panturo ay sinusubok at pinag-aaralan. Maging ang mga guro ay sinasanay
sa pagbabagong ipapatupad. Sa kasalukuyan, maraming Asyanong bansa na ang
nagsasagawa ng ganitong sistema kapag sila ay magbabago ng kurikulum.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Naniniwala ka ba na ang edukasyon ay isang karapatan at hindi isang
pribelihiyo? Patunayan.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
16
Tandaan Mo!
May mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon sa bansang
Asyano na tumatalakay sa aspeto ng:
Pagmonitor sa larangan ng edukasyon
Pagpili ng wikang panturo
Suliranin ng maliliit na paaralan at kakulangan ng silid aralan
Pagtuturo ng mga “Special Subjects”
Pakikiisa ng mga magulang
Pagbabago sa kurikulum
Gawain 3: Paglalapat
Punan ang speech balloon.
Para sa akin, mahalaga ang
edukasyon dahil ________.
Sa pamamagitan ng
napapanahong kaalaman,
ako ay ________.
17
ARALIN 3
ANTAS NG KAMUWANGAN SA MGA BANSANG ASYANO
Batid ng mga Asyano na malaki ang bahaging ginagampanan ng edukasyon sa
bilis o bagal ng kaunlaran ng rehiyon. Maraming bansang Asyano ang patuloy na
nagsasagawa ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon nila upang makaagapay sa
bilis ng modernisasyon at urbanisasyon. Sa kasalukuyan halos lahat ng mga bansang
ito ay nakatuon sa pagpapahusay ng kanilang agham at teknolohiya. Hindi na sapat na
marunong lang bumasa at sumulat ang mga mag-aaral. Nililinang na rin ngayon ang
kakayahan ng mga mag-aaral na matutong magmasid, sumuri at maging produktibong
bahagi ng lipunan.
Maraming bansang Asyano rin ang nagbibigay ng libreng pag-aaral sa antas
elementarya at sekundarya. May ilan na maging kolehiyo ay libre na din. Maraming
scholarship grants na nakalaan para sa mga natatanging mag-aaral.
Upang matugunan ang Globalisasyon, nagpapalitan ng mga scholars at guro ang
mga bansa. May mga pagsasanay din na isinasagawa para sa mga guro upang
maturuan silang gumamit ng iba't ibang istratehiya upang mapabuti ang pagtuturo na di
maglalaon ay siyang magdadala ng kaunlaran sa bansa.
Subalit ang tunay na susi sa pagiging matagumpay ng anumang programa sa
edukasyon ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng
pamahalaan, pamunuan ng paaralan, mga guro, mga magulang, at higit sa lahat ay ang
mga mag-aaral.
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga sumusunod:
1. Mabibigyang kahulugan ang antas ng kamuwangan bilang isang pangunahing
batayan sa pagkilala ng isang bansa; at
2. Mapapatunayang may kaugnayan ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa
magiging antas ng kamuwangan ng mga mamamayan nito.
18
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ibigay ang kahulugan:
1. Antas ng Kamuwangan
2. Gross National Product
ANTAS NG KAMUWANGAN NG MGA BANSANG ASYANO
REHIYON BANSA
Public
Expenditure on
Education as their
% of the Nation’s
Gross National
Product
KAMUWANGAN
CHINA 2.3 81.5%
JAPAN 6.8 99%
NORTH KOREA N/A 99%
SOUTH KOREA 3.7 98%
MONGOLIA N/A 82.9%
SILANGANG
ASYA
TAIWAN N/A 94%
BAHRAIN N/A 85.2%
ISRAEL 7.6 955%
JORDAN 6.8 86.6%
KUWAIT 5 78.6%
LEBANON 2.5 86.4%
OMAN 4.5 80%
QATAR N/A 79.4%
SAUDI ARABIA 7.5 62.8%
SYRIA 3.1 70.8%
TURKEY 2.2 82.3%
UAE 1.8 79.2%
IRAN 4 72.1%
YEMEN 7 38%
AFGHANISTAN N/A 31.5%
TIMOG-
KANLURANG
ASYA
IRAQ N/A 58%
ARMENIA 2 99%
AZERBAIJAN 3.0 97%
GEORGIA 5.2 99%
KAZAKHSTAN 4.4 98%
HILAGANG ASYA
KYRGYZTAN 5.3 97%
19
TAJIKISTAN 2.2 98%
TURKMENISTAN 4.3 98%
UZBEKISTAN 7.7 99%
BANGLADESH 2.2 38.1%
BHUTAN N/N 42.2%
INDIA 3.2 52%
NEPAL 3.2 27%
MALDIVES N/A 93.2%
PAKISTAN 2.7 37.8%
TIMOG ASYA
SRI LANKA 3.4 90.2%
BRUNEI N/A 88.2%
CAMBODIA 2.9 35%
INDONESIA 1.4 83.8%
LAOS N/A 57%
MALAYSIA 4.9 83.5%%
PHILIPPINES 3.4 94.6%
SINGAPORE 3 91.1%
THAILAND 4.8 93.8%
TIMOG-
SILANGANG
ASYA
VIETNAM 3 93.7%
* N/A - not available
REF: World Education Encyclopedia 2nd
edition
A Survey of Educational System Worlwide
By Rebecca Marion Ferguson 2002
PEE - inilalahad ito bilang porsyento % ng GNP ng bansa o kabuuang halaga ng
produksyon ng bansa.
- ginagamit na batayan ng pagpapahalagang binigay ng bansa sa sektor ng
edukasyon.
Kamuwangan - kakayahan ng isang tao na magsulat at magbasa kahit simpleng bagay
na hinggil sa pang-araw-araw na buhay nila.
Sa lahat halos ng mga bansa, ang edukasyon ay nakaplano upang tuparin ang
tatlong pangunahing layunin:
A. Isang pangunahing pangangailangan ng tao
B. Isang pamamaraan upang matugunan ang iba pang pangunahing pangangailangan
ng tao
20
C. Isang gawaing magpapatatag at magpapaangat ng kabuhayan at kaunlaran ng
bansa.
Sa kasalukuyan batid na ng mga bansang Asyano na dapat na silang maglaan
ng sapat na pondo para sa edukasyon. Hindi ito isang madaling gawain ngunit sa
sama-samang pagpaplano ng pamahalaan at mga mamamayan unti-unti na ring
mararating ng mga bansang ito ang mataas na antas ng kamuwangan. Sa bandang huli
ang kaalaman at kamuwangang natamo ang siya ring magiging pundasyon ng
katatagan at kaunlaran ng mga bansa sa pagharap nito sa mabilis na pagdaloy ng
modernisasyon at globalisasyon.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Punan ang tsart.
REHIYON NG ASYA Bansang May
Pinakamataas na Antas
ng Kamuwangan
Bansang May
Pinakamababang Antas
ng Kamuwangan
TIMOG-KANLURAN
TIMOG-SILANGAN
TIMOG
HILAGA
SILANGAN
21
Tandaan Mo!
Kamuwangan – kakayahan ng isang tao na magsulat at magbasa
kahit simpleng bagay hinggil sa kanyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Public Expenditure on Education – inilalahad bilang porsyento % ng GNP o
Kabuuang Produksyon ng Bansa at ginagamit ding batayan ng pagpapahalagang
ibinibigay ng bansa sa sektor ng edukasyon.
Ang mga bansa sa Asya na may pinakamataas na antas ng kamuwangan ay ang
Japan, North Korea, Armenia, Georgia, at Uzbekistan na nagtala ng 99%.
Samantala, ang bansa sa Asya na nakapagtala ng pinakamababang antas ng
kamuwangan na umabot lamang sa 27.5% ay ang Nepal.
Gawain 3: Paglalapat
Gamit ang talahanayan, patunayan na may kinalaman ang pondong inilalaan
ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon sa antas ng kamuwangan ng mga
mamamayan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
22
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Malaki ang bahagi ng mga aral ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya.
Ayon kay Confucius, ang sistema ng edukasyon sa Asya ay nagbibigay-diin sa:
-pagsasama-sama o collectivism
-ispiritwal na pag-unlad
-kabutihang-asal
May mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon sa bansang Asyano na
tumatalakay sa aspeto ng:
-Pagmonitor sa larangan ng edukasyon
-Pagpili ng wikang panturo
-Suliranin ng maliliit na paaralan at kakulangan ng silid aralan
-Pagtuturo ng mga “Special Subjects”
-Pakikiisa ng mga magulang
-Pagbabago sa kurikulum
Kamuwangan – kakayahan ng isang tao na magsulat at magbasa kahit simpleng
bagay hinggil sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Public Expenditure on Education – inilalahad bilang porsyento % ng GNP o
Kabuuang Produksyon ng Bansa at ginagamit ding batayan ng
pagpapahalagang ibinibigay ng bansa sa sektor ng edukasyon.
Ang mga bansa sa Asya na may pinakamataas na antas ng kamuwangan ay ang
Japan, North Korea, Armenia, Georgia, at Uzbekistan na nagtala ng 99%.
Samantala, ang bansa sa Asya na nakapagtala ng pinakamababang antas ng
kamuwangan na umabot lamang sa 27.5% ay ang Nepal.
23
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
A. Ibigay ang kahulugan.
1. edukasyon
2. cohort survival rate
3. drop-out rate
4. academic achievement
5. antas ng kamuwangan
B. Isa-isahin.
I. Paglalarawan na binigay ni Confucius sa sistema ng edukasyon
1.
2.
3.
II. Mga Natatanging Gawi sa Larangan ng Edukasyon sa Asya
1.
2.
3.
4.
5.
6.
III. Ibigay ang mga bansang may pinakamataas na naitalang antas ng
kamuwangan.
1.
2.
3.
4.
5.
IV. Magbigay ng 5 bansang nakapagtala ng pinakamababang antas ng
kamuwangan.
1.
2.
3.
4.
5.
24
GABAY SA PAGWAWASTO:

More Related Content

What's hot

Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson plan
Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson planSuliraning pangkapaligiran sa asya lesson plan
Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson planJoan Andres- Pastor
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoFrancine Beatrix
 
Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nito
Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nitoAng Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nito
Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nitoshebasalido1
 
AP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang Sumer
AP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang SumerAP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang Sumer
AP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang SumerJuan Miguel Palero
 
Lesson plan ekonomiks pananalapi
Lesson plan ekonomiks pananalapiLesson plan ekonomiks pananalapi
Lesson plan ekonomiks pananalapiJAYBALINO1
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyajhariensky
 
AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:
AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:
AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:Juan Miguel Palero
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IMavict De Leon
 
Q2, a1 mga sinaunang kabihasnan sa asya
Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asyaQ2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Q2, a1 mga sinaunang kabihasnan sa asyaJared Ram Juezan
 
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga AsyanoMga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyanosevenfaith
 
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson planSektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson planJoan Andres- Pastor
 
Yamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptxYamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptxRinalynPadron
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya南 睿
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonEvalyn Llanera
 

What's hot (20)

Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson plan
Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson planSuliraning pangkapaligiran sa asya lesson plan
Suliraning pangkapaligiran sa asya lesson plan
 
Panahon ng bato
Panahon ng batoPanahon ng bato
Panahon ng bato
 
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng taoMga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
Mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
 
Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nito
Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nitoAng Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nito
Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian nito
 
Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdigPamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig
 
Kabihasnang indus
Kabihasnang indusKabihasnang indus
Kabihasnang indus
 
AP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang Sumer
AP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang SumerAP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang Sumer
AP 7 Lesson no. 7-A: Kabihasnang Sumer
 
Kabanata 13
 Kabanata 13 Kabanata 13
Kabanata 13
 
Lesson plan ekonomiks pananalapi
Lesson plan ekonomiks pananalapiLesson plan ekonomiks pananalapi
Lesson plan ekonomiks pananalapi
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
 
AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:
AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:
AP 7 Lesson no. 8: Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo:
 
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan IAraling Panlipunan 8 - Unit Plan I
Araling Panlipunan 8 - Unit Plan I
 
Q2, a1 mga sinaunang kabihasnan sa asya
Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asyaQ2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Q2, a1 mga sinaunang kabihasnan sa asya
 
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga AsyanoMga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
Mga Relihiyon at Paniniwala ng mga Asyano
 
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson planSektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Yamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptxYamang Tao at Kaunlaran.pptx
Yamang Tao at Kaunlaran.pptx
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
 

Viewers also liked

Edukasyon sa asya - report - quarter 3 - grade 8
Edukasyon sa asya - report - quarter  3 - grade 8Edukasyon sa asya - report - quarter  3 - grade 8
Edukasyon sa asya - report - quarter 3 - grade 8ApHUB2013
 
AP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa India
AP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa IndiaAP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa India
AP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa IndiaJuan Miguel Palero
 
AP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi Arabia
AP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi ArabiaAP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi Arabia
AP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi ArabiaJuan Miguel Palero
 
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...Shai Ra
 
AP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa Pakistan
AP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa PakistanAP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa Pakistan
AP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa PakistanJuan Miguel Palero
 
Ap gr. 8 q3 ( module 3)
Ap gr. 8 q3 ( module 3)Ap gr. 8 q3 ( module 3)
Ap gr. 8 q3 ( module 3)DepEd Caloocan
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoNoel Tan
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
AP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa Oman
AP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa OmanAP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa Oman
AP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa OmanJuan Miguel Palero
 
Pamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asyaPamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asyaIan Pascual
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg南 睿
 
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya
Modyul 15   ang ekonomiya sa asyaModyul 15   ang ekonomiya sa asya
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya南 睿
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleJhing Pantaleon
 

Viewers also liked (20)

Edukasyon sa asya - report - quarter 3 - grade 8
Edukasyon sa asya - report - quarter  3 - grade 8Edukasyon sa asya - report - quarter  3 - grade 8
Edukasyon sa asya - report - quarter 3 - grade 8
 
AP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa India
AP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa IndiaAP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa India
AP 7 Lesson no. 24-A: Edukasyon sa India
 
Sistema ng Edukasyon sa South Korea
Sistema ng Edukasyon sa South KoreaSistema ng Edukasyon sa South Korea
Sistema ng Edukasyon sa South Korea
 
AP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi Arabia
AP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi ArabiaAP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi Arabia
AP 7 Lesson no. 24-G: Edukasyon sa Saudi Arabia
 
Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4 Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4
 
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
 
Aral pan report
Aral pan reportAral pan report
Aral pan report
 
AP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa Pakistan
AP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa PakistanAP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa Pakistan
AP 7 Lesson no. 24-B: Edukasyon sa Pakistan
 
Ap gr. 8 q3 ( module 3)
Ap gr. 8 q3 ( module 3)Ap gr. 8 q3 ( module 3)
Ap gr. 8 q3 ( module 3)
 
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakataoModule 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
Module 6.7 edukasyon sa pagpapahalaga at pagpapakatao
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
AP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa Oman
AP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa OmanAP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa Oman
AP 7 Lesson no. 24-F: Edukasyon sa Oman
 
Pamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asyaPamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asya
 
Saudi arabia 1
Saudi arabia 1Saudi arabia 1
Saudi arabia 1
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya
Modyul 15   ang ekonomiya sa asyaModyul 15   ang ekonomiya sa asya
Modyul 15 ang ekonomiya sa asya
 
Ikatlong republika
Ikatlong republikaIkatlong republika
Ikatlong republika
 
Mga uri ng pamahalaan
Mga uri ng pamahalaanMga uri ng pamahalaan
Mga uri ng pamahalaan
 
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGIKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
 

Similar to Modyul 13 edukasyon sa asya

filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsJoanMarieCustodio
 
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Lin Lavanza
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Perl_1011
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Rose Espino
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleNone
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Ray Nar
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Dep ED
 
Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)target23
 
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013Nhe An
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Arneyo
 

Similar to Modyul 13 edukasyon sa asya (20)

filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materials
 
Filipino9
Filipino9Filipino9
Filipino9
 
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino module
Filipino moduleFilipino module
Filipino module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Ap3 kto12 cg
Ap3 kto12 cgAp3 kto12 cg
Ap3 kto12 cg
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
 
Araling Panlipunan K to 12 Curriculum Guide
Araling Panlipunan  K to 12 Curriculum GuideAraling Panlipunan  K to 12 Curriculum Guide
Araling Panlipunan K to 12 Curriculum Guide
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0Ap kto12 cg 1 10 v1.0
Ap kto12 cg 1 10 v1.0
 
Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)Araling panlipunan curriculum guide (AP)
Araling panlipunan curriculum guide (AP)
 
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
Araling panlipunan gabay pangkurikulum baitang1 10 disyembre 2013
 
Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)
Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)
Ap kto12 cg 1 10 v1.0 (1)
 
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014Araling panlipunan grades  1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
Araling panlipunan grades 1 10 01.17.2014 edited march 25 2014
 

More from 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter南 睿
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao南 睿
 
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23   pag-unlad ng teknolohiyaModyul 23   pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya南 睿
 

More from 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao
 
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23   pag-unlad ng teknolohiyaModyul 23   pag-unlad ng teknolohiya
Modyul 23 pag-unlad ng teknolohiya
 

Recently uploaded

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxMelanieDionisio3
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptxQuarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
Quarter 4-MUSIC- Grade 3-Paggammit ng Wastong Tempo.pptx
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 

Modyul 13 edukasyon sa asya

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN II (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 13 Edukasyon sa Asya BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City INSERT PICTURE
  • 2. 2 MODYUL 13 EDUKASYON SA ASYA Ang edukasyon ay daan sa kaunlaran. Nagbibigay-daan ito sa pagkakataong makapamili ang isang tao. Binubuksan din nito ang pinto tungo sa iba't ibang opurtunidad para sa mga nagsumikap na makatapos ng kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng magandang edukasyon, ang suliranin ng kahirapan, sakit at karamdaman ay unti-unting nababawasan. Kasabay nito, ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng mas malakas na tinig sa lipunan kung sila ay may sapat na edukasyon. Ang mga bansang may mataas na populasyon ng may pinag-aralang mamamayan ay may mas mahusay na lakas paggawa. Ang mga matatalino at mahuhusay na mamamayan ay nagkakaroon ng kakayanan na makipagkompetensiya kundi man ay makipag-ugnayan sa iba pang mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa ating mundo. Ang edukasyon din ay nagbibigay ng opurtunidad upang tayo ay magkaroon ng panlipunan at pangkabuhayang kaunlaran. Sa komperensya noong 1990 ng Education for All (EFA), napagkaisahan ng mga dumalo na pagsapit ng taon 2000, lahat ng mga kabataang nasa gulang ay tapos na ng mababang paaralan. Ngunit noong taong 2000, 104 milyon na kabataan na nasa edad ang hindi pa rin nakapag-aral, 57% rito ay mga kabataang babae at 97% ay nagmumula sa papaunlad pa lamang na mga bansa--karamihan sa Timog Asya at sa Sub-Saharan Africa. Ang ibinigay ng UN sa kanilang Millennium Development goals ay mas makatotohanan bagamat mahirap din naman—na pagsapit ng taong 2015 ang lahat ng mga bata sa lahat ng panig ng mundo ay dapat na nakatapos na ng buong kurso ng mababang paaralan o edukasyong primarya (primary education) o elementarya. May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Anak ni Confucius – Edukasyon sa Asya Hango sa UNESCO – Courier April 1996 ni Zhao Nangzhao Aralin 2: Katayuan ng Edukasyon sa Asya Aralin 3: Antas ng Karunungan sa mga Bansang Asyano
  • 3. 3 Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang impluwensya ni Confucius sa ilang pangunahing aspeto ng edukasyon sa Asya; 2. Matutukoy ang ilang paglalarawang binigay ni Confucius sa edukasyon sa Asya; 3. Maiisa-isa ang mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon ng mga bansang Asyano; 4. Mailalarawan ang mga gawing ito sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa; 5. Mabibigyang kahulugan ang antas ng karunungan bilang isang pangunahing batayan sa pagkilala sa isang bansa; at 6. Mapapatunayan na may kaugnayan ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa magiging antas ng karunungan ng mga mamamayan nito. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
  • 4. 4 PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang edukasyon ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na: A. umunlad B. magkaroon ng trabaho C. makapaglakbay D. lahat ng nabanggit 2. Sa taong ito ginanap ang komperensiya para sa Education for All. A. 1990 B. 1991 C. 1992 D. 1993 3. Ayon sa Komperensiyang ito, pagsapit ng taong 2000 lahat ng mga kabataang nasa tamang gulang ay: A. tapos na sa kolehiyo B. tapos na sa antas sekondarya C. tapos na sa mababang paaralan D. nakapag-enrol na sa mga paaralan 4. Pagsapit ng taong 2000, 104 milyon na kabataan pa rin ang hindi nakapag-aral mula sa mga bansa sa Asya at: A. Sub-Saharan Africa B. Europa C. Amerika D. Australia
  • 5. 5 5. Ayon sa UN Millenium Development goals, inaasahang tapos na lahat ng kabataang nasa gulang ng elementarya pagsapit ng: A. 2010 B. 2015 C. 2020 D. 2025 6. Si Confucius ay isang pilospo mula sa: A. Korea B. India C. Hapon D. Tsina 7. Sina Mahatma Gandhi at Rabindranath Tagore na nagsulat ng pagpapahalaga ng mga Asyano sa edukasyon ay kapwa galing sa: A. India B. Tsina C. Hapon D. Korea 8. Isa dito ay hindi paglalarawan ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya: A. Ginagamit ng teknolohiya B. Pagsasama-sama o collectivism C. Ispiritwal na pag-unlad D. Kabutihang asal 9. Mga bilang ng mag-aaral na di tinatapos ang panuruang taon: A. Cohort survival rate B. Drop-out rate C. Rate of repeaters D. Rate of out of school youth
  • 6. 6 10. Mga bilang ng mag-aaral na di nakakatapos ng kani-kanilang programa tulad ng elementarya, sekondarya, at kolehiyo: A. Drop-out rate B. Out of school youth C. Cohort survival rate D. Rate of repeaters 11. Ang wikang panturo sa karaniwan ng paaralang elementarya sa Singapore ay: A. Ingles B. Cantonese C. Portugese D. Spanish 12. May kakulangan ng paaralan sa Bhutan dahilan sa: A. Walang nagtatayo ng mga paaralan. B. Bulubundukin ang kabuuan ng bansa. C. Walang guro na gustong magturo. D. Kulang sa pondo. 13. Noong 1970 sa tulong ng UNICEF nagkaroon ng mga materyales upang magamit sa pagtatayo ng paaralan sa: A. Taiwan B. Philippines C. Bhutan D. Nepal 14. Karaniwang suliranin kapag bago ang kurikulum ay: A. kakulangan ng impormasyon tungkol dito B. ayaw ng mga magulang C. tutol ang mga guro D. walang materyales
  • 7. 7 15. Kakayahan ng mga taong magsulat at magbasa. A. antas ng kamuwangan B. lebel ng katalinuhan C. grado ng IQ D. bahagdan ng EQ 16. Ang lahat ng mga bansang ito ay nakapag-tala ng 99% ng karunungan maliban sa isa: A. Japan B. South Korea C. Georgia D. America 17. Ang nakapagtala ng pinakamababang antas ng karunungan: A. Xenon B. Pakistan C. Nepal D. Saudi Arabia
  • 8. 8 ARALIN 1 MGA ANAK NI CONFUCIUS – EDUKASYON SA ASYA HANGO SA UNESCO-COURIER APRIL 1996 NI ZHON NANZHAO Maraming mga pilosopo ang nagbahagi ng kani-kanilang pananaw sa larangan ng edukasyon. Karamihan sa mga pananaw na ito ay nagsilbing gabay di lamang sa mga karaniwang tao kundi maging sa nagpaplano at gumagawa ng mga kurikulum. Isa rin ito sa mga isinasaalang-alang ng mga mambabatas kung sila ay gagawa ng mga batas na may kinalaman sa edukasyon. Isa sa mga pangunahing pilosopo na may naging malaking bahagi sa larangan ng edukasyon sa Asya ay si Confucius. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1) Maipaliliwanag ang impluwensya ni Confucius sa ilang pangunahing aspeto ng edukasyon sa Asya; at 2) Matutukoy ang ilang paglalarawang binigay ni Confucius sa edukasyon sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kilala mo ba si Confucius? Isulat ang mga konseptong maiuugnay mo sa kanya.
  • 9. 9 May pangunahing bahagi ang edukasyon sa kultura at tradisyon ng mga Asyano. Sa Asya malaki ang pagpapahalaga ng mga tao sa edukasyon. Si Confucius bilang pangunahing pilosopo sa China ay naniniwala na ang mga tao ay napapagaling at napapahusay sa pamamagitan ng wastong pag-aaral. Binigyan-diin niya ang kapangyarihan ng edukasyon na mapabuti ang lipunan at ang maituro ang mabuting pagkamamamayan. Sa lumipas na mga siglo, ang edukasyon ay naging pundasyon sa pampulitika, panlipunan, pangkabuhayan at pangkulturang pamumuhay ng mga Asyano. Binigyan-diing din ang pagtuturo ng edukasyong pagpapahalaga o values education. Karamihan sa mga magulang ay handang tiisin ang hirap ng pagkita ng pera mapag-aral lang ang kanilang mga anak. Naniniwala sila na ito ay pinakamabisang paraan upang matakasan ang kahirapan. Maraming kwento ng mga ina sa iba't-ibang panig ng Asya ang naging testimonya sa pagpapahalagang ito sa edukasyon tulad ng isang Haponesang ina na naniniwala na ang pangunahin niyang gawain ay turuan ang kanyang anak ganun din ang isang inang Tsina na sa mahabang panahon ay nagtiis na pumasok sa malayong lugar upang maituro ang kanyang natutunan sa kanyang anak na may kapansanan, gayundin ang kwento ng isang inang Koreana na napilitang ibenta ang alagang baka matustusan lang ang pag-aaral ng anak. Ang mga kwentong ito ay di bago sa mga Pilipino sapagkat ganito din kalaki ang pagpapahalaga natin sa edukasyon. Ilan sa mga isinulat ni Mahatma Ghandi at Rabindranath Tagore ng India ay nagpatotoo rin sa pagpapahalagang ito ng mga Asyano sa edukasyon. Kung kaya't di kataka-taka na malaki ang inaasahan ng mga Asyanong magulang at mga guro sa mga kabataan. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ang paniniwalang ito ng mga magulang kasama ang mataas na uri ng kurikulum, mahabang oras sa pag-aaral, masususing paghubog ng mga intelektwal na kakayahan, pagsuporta ng mga magulang, at mabuting ugnayan ng mga guro at mag-aaral ay mga salik sa ikatatagumpay ng mga mag-aaral kung kaya't batid natin na mataas din ang antas ng karunungan ng mga Asyanong mamamayan.
  • 10. 10 Ilan sa mga paglalarawan na binigay ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya ay ang mga sumusunod: 1. pagsasama-sama o COLLECTIVISM Ito marahil ang dahilan kung bakit malaking bahagi ng edukasyon sa Asya ay nakatuon sa paghubog ng mga mamamayan upang maging mabuting kasapi di lamang ng kani-kanilang pamilya kundi maging sa lipunan na kanyang kinabibilangan. 2. ispiritwal na pag-unlad Kapuna-puna ang pagbibigay-diin sa mga paaralan ng wastong pag-uugali at pagkilala sa Dakilang Lumikha. Karamihan sa mga aralin ay naglalayon na hubugin ang mabuting pagkatao ng mga mag-aaral. 3. kabutihang asal Ayon kay Confucuis, ang edukasyon ay dapat na nagbibigay sa tao ng kabutihang-asal. Para sa kanya, ang mga iilang tao na magkakaroon ng pagkakataong mamuno ay dapat na matutong mangalaga ng mga tao at ang mga nasasakupan naman ay dapat na maging masunurin sa mga namumuno. Ito ang dapat na mangyari upang maging maayos ang lipunan. Katulad din ito ng kapangyarihan ng magulang sa tahanan at mga guro sa paaralan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Patunayan na malaki ang pagpapahalaga ng mga Asyano sa edukasyon. ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________.
  • 11. 11 Tandaan Mo! Malaki ang bahagi ng mga aral ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya. Ayon kay Confucius, ang sistema ng edukasyon sa Asya ay nagbibigay-diin sa: - pagsasama-sama o collectivism - ispiritwal na pag-unlad - kabutihang-asal Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng sanaysay tungkol sa paksang ito: Hindi sagabal ang kahirapan sa pagtatamo ng wastong edukasyon. ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________.
  • 12. 12 ARALIN 2 KATAYUAN NG EDUKASYON SA ASYA Hindi ganoon kadali na ikumpara ang gastusin ng sektor ng edukasyon sa Asya at sa iba pang panig ng mundo tulad ng Europa. Higit na mas mataas ang pagbubuwis na isinasagawa ng mga bansang nasa Europa kaysa sa mga Asyanong bansa. Ang mga kinokolektang buwis na ito ang pangunahing pinagkukunan ng pondo para sa mga paaralan. Kaunting bansa lamang sa Asya ang may kakayahang magbigay ng libreng edukasyon sa mataas na paaralan lalo na sa kolehiyo. Bagamat sa gitna ng ganitong sitwasyon kung saan may kakulangan sa pondo ng edukasyon, nakakatuwang malaman na maraming pag-aaral o pagsasaliksik na naisagawa sa iba't-ibang pribadong organisasyon ay nagpapatunay na maraming mag-aaral sa mga bansang Asyano ang may mataas na antas ng karunungan sa lebel ng elementarya at sekundarya. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maiisa-isa ang mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon ng mga bansang Asyano; at 2. Mailalarawan ang mga gawing ito sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Itala ang ilan sa mga suliranin na may kinalaman sa edukasyon. 1. 2. 3. 4. 5.
  • 13. 13 Ilang Natatanging Gawi sa Larangan ng Edukasyon ng mga Bansang Asyano A. Pagmonitor sa Larangan ng Edukasyon Karamihan sa mga pamahalaang Asyano ay regular na nagsasagawa ng pagmonitor sa bilang ng nagpapatala sa pagpasok sa mga paaralang elementarya at sekondarya. Bagamat ang mga bilang na ito ay di tiyak, ito ay mabisang basehan ng pagpaplanong gagawin para sa sektor ng edukasyon. May mga pagmomonitor din na nakapokus sa tinatawag na Drop-out Rate o bilang ng mga mag-aaral na di tinatapos ang panuruang taon at ang Cohort Survival Rate o bilang ng mga mag-aaral na di nakakatapos sa kani-kanilang programa (maaring elementarya, sekondarya at kolehiyo). Ang mga bilang na ito ay nagiging batayan ng mga pag-aaral na isasagawa ng mga ahensiya ng pamahalaan. Maraming bansa sa Asya tulad ng Indonesia at Thailand ang regular na nagsasagawa ng ganitong pagmomonitor. May mga iba na ang tuon ay nasa Academic Achievement ng mga mag-aaral. Mayroon naman na ang pokus ay sa wika (language) at matematika. May mga bansa naman tulad ng Timog Korea at Hapon na ang pagbabagong pisikal ng mga mag-aaral ang minomonitor taun-taon. B. Pagpili ng Wikang Panturo May mga bansang Asyano na gumagamit ng wikang panturo na di katulad ng wikang sinasalita ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Maraming Asyanong bansa rin ang maingat na pinag-aaralan ang gagamiting wikang panturo lalo na sa mga nasa elementarya. Sa kaso ng Pilipinas ang patakaran sa Bilingual Education ay ipinatupad bilang pagtugon sa Art. XIV Sec 7 ng 1987 Saligang Batas. Ayon sa 1987 Policy sa Bilingual Education (DECS no. 52 s. 1987) ang patakarang ito ay naglalayon na gawing magaling ang bawat Filipino sa paggamit ng Filipino at English sa lahat ng antas. Samantala sa Bhutan at sa karamihan ng mga paaralang elementarya sa Singapore, ang wikang panturo ay English.
  • 14. 14 C. Suliranin ng mga Maliliit na Paaralan at Kakulangan ng Silid-Aralan Ang kakulangan sa mga paaralan ay di lamang suliranin ng Pilipinas. Ito ay suliranin din ng maraming bansang Asyano. Maraming kadahilanan ang maiuugnay sa suliraning ito. Pangunahin na ang kakulangan ng pondo. Bagamat may mga bansang tulad ng Bhutan na dahilan sa bulubundukin ay may kakulangan sa paaralan dahilan na rin sa uri ng kanilang kapaligiran. Ito ang pangunahing rason kung bakit siksikan ang mga paaralan dito lalo na sa antas ng elementarya. Sa ilang isla naman ng Maldives na may konting populasyon, ang pamahalaan ay nagsasagawa ng natatanging pagsasanay para sa mga guro na maitatalaga sa mga islang ito. D. Pagtuturo ng mga Special Subjects Hindi mabilang na pag-aaral ang naisagawa na upang sukatin ang pang- akademikong kahusayan ng mga mag-aaral. Nakatutuwang banggitin na maraming Asyanong mag-aaral ang nagtamo ng mataas na antas ng kagalingan at kahusayan ayon na rin sa mga pag-aaral na ito. Samantala, may mga Asyanong bansa rin naman ang nagbibigay diin sa pag- aaral ng mga natatanging asignatura. Sa Myanmar (Burma) ang pagtuturo ng sining, musika at palakasan ay labis na binibigyang-diin. Sa Korea ang mga paaralang primarya ay napakahusay sa pagtuturo ng katutubong sayaw. Halos lahat ng paaralang elementarya sa Asya ay nagbibigay ng atensyon sa pagtuturo ng kani-kanilang sining at kultura sa pamamagitan ng mga musika at sayaw. Sa Thailand at Pilipinas ang paggawa ng mga kagamitang ginagamitan ng mga katutubong materyales ay tinuturo din sa paaralan. E. Pakikiisa ng mga Magulang May mga ilang bansa din sa Asya na ang mismong pagpapagawa ng paaralan ay katulong at kabalikat ang mga magulang. Sa Burma at Bhutan ang mga malalaking bahay ay tinatayo ng mga lokal na residente upang gawing silid-aralan. Ganito din ang ginagawa sa ilang nayon ng Maldives. Noong 1970, ang UNICEF, ang kauna-unahang
  • 15. 15 international agency, ang nagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng materyales sa pagtatayo ng paaralan sa Nepal. F. Pagbabago ng Kurikulum Lahat ng mga Asyanong bansa ay nagsagawa ng iba't ibang pagbabago sa kani- kanilang kurikulum. May mga ilang bansa ang nagtagumpay ngunit marami rin ang nakaranas ng sari-saring suliranin sa pagpapatupad ng kanilang kurikulum. Karamihan sa mga bansang Asyano ay may isang opisyal na kurikulum para sa kanilang bansa. Karamihan naman ng mga aklat ay isinusulat ng mga gurong may karanasan na sa pagtuturo ng elementarya at sekondarya. May ilan ding mga aklat na sinulat ng mga eksperto sa kani-kanilang asignatura at larangan. Karaniwan ng suliranin sa pagpapatupad ng bagong kurikulum ay ang kakulangan ng impormasyon ukol dito. Kadalasang ito ang nagiging sagabal upang magtagumpay ang ano mang bagong kurikulum na ipinakikilala. Ang Pilipinas ay isa sa mga Asyanong bansa na nanguna sa pagsasagawa ng pagbabago sa antas elementarya at sekondarya kung saan ang pagpili sa mga kagamitang panturo ay sinusubok at pinag-aaralan. Maging ang mga guro ay sinasanay sa pagbabagong ipapatupad. Sa kasalukuyan, maraming Asyanong bansa na ang nagsasagawa ng ganitong sistema kapag sila ay magbabago ng kurikulum. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Naniniwala ka ba na ang edukasyon ay isang karapatan at hindi isang pribelihiyo? Patunayan. ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________.
  • 16. 16 Tandaan Mo! May mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon sa bansang Asyano na tumatalakay sa aspeto ng: Pagmonitor sa larangan ng edukasyon Pagpili ng wikang panturo Suliranin ng maliliit na paaralan at kakulangan ng silid aralan Pagtuturo ng mga “Special Subjects” Pakikiisa ng mga magulang Pagbabago sa kurikulum Gawain 3: Paglalapat Punan ang speech balloon. Para sa akin, mahalaga ang edukasyon dahil ________. Sa pamamagitan ng napapanahong kaalaman, ako ay ________.
  • 17. 17 ARALIN 3 ANTAS NG KAMUWANGAN SA MGA BANSANG ASYANO Batid ng mga Asyano na malaki ang bahaging ginagampanan ng edukasyon sa bilis o bagal ng kaunlaran ng rehiyon. Maraming bansang Asyano ang patuloy na nagsasagawa ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon nila upang makaagapay sa bilis ng modernisasyon at urbanisasyon. Sa kasalukuyan halos lahat ng mga bansang ito ay nakatuon sa pagpapahusay ng kanilang agham at teknolohiya. Hindi na sapat na marunong lang bumasa at sumulat ang mga mag-aaral. Nililinang na rin ngayon ang kakayahan ng mga mag-aaral na matutong magmasid, sumuri at maging produktibong bahagi ng lipunan. Maraming bansang Asyano rin ang nagbibigay ng libreng pag-aaral sa antas elementarya at sekundarya. May ilan na maging kolehiyo ay libre na din. Maraming scholarship grants na nakalaan para sa mga natatanging mag-aaral. Upang matugunan ang Globalisasyon, nagpapalitan ng mga scholars at guro ang mga bansa. May mga pagsasanay din na isinasagawa para sa mga guro upang maturuan silang gumamit ng iba't ibang istratehiya upang mapabuti ang pagtuturo na di maglalaon ay siyang magdadala ng kaunlaran sa bansa. Subalit ang tunay na susi sa pagiging matagumpay ng anumang programa sa edukasyon ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng pamahalaan, pamunuan ng paaralan, mga guro, mga magulang, at higit sa lahat ay ang mga mag-aaral. Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga sumusunod: 1. Mabibigyang kahulugan ang antas ng kamuwangan bilang isang pangunahing batayan sa pagkilala ng isang bansa; at 2. Mapapatunayang may kaugnayan ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa magiging antas ng kamuwangan ng mga mamamayan nito.
  • 18. 18 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ibigay ang kahulugan: 1. Antas ng Kamuwangan 2. Gross National Product ANTAS NG KAMUWANGAN NG MGA BANSANG ASYANO REHIYON BANSA Public Expenditure on Education as their % of the Nation’s Gross National Product KAMUWANGAN CHINA 2.3 81.5% JAPAN 6.8 99% NORTH KOREA N/A 99% SOUTH KOREA 3.7 98% MONGOLIA N/A 82.9% SILANGANG ASYA TAIWAN N/A 94% BAHRAIN N/A 85.2% ISRAEL 7.6 955% JORDAN 6.8 86.6% KUWAIT 5 78.6% LEBANON 2.5 86.4% OMAN 4.5 80% QATAR N/A 79.4% SAUDI ARABIA 7.5 62.8% SYRIA 3.1 70.8% TURKEY 2.2 82.3% UAE 1.8 79.2% IRAN 4 72.1% YEMEN 7 38% AFGHANISTAN N/A 31.5% TIMOG- KANLURANG ASYA IRAQ N/A 58% ARMENIA 2 99% AZERBAIJAN 3.0 97% GEORGIA 5.2 99% KAZAKHSTAN 4.4 98% HILAGANG ASYA KYRGYZTAN 5.3 97%
  • 19. 19 TAJIKISTAN 2.2 98% TURKMENISTAN 4.3 98% UZBEKISTAN 7.7 99% BANGLADESH 2.2 38.1% BHUTAN N/N 42.2% INDIA 3.2 52% NEPAL 3.2 27% MALDIVES N/A 93.2% PAKISTAN 2.7 37.8% TIMOG ASYA SRI LANKA 3.4 90.2% BRUNEI N/A 88.2% CAMBODIA 2.9 35% INDONESIA 1.4 83.8% LAOS N/A 57% MALAYSIA 4.9 83.5%% PHILIPPINES 3.4 94.6% SINGAPORE 3 91.1% THAILAND 4.8 93.8% TIMOG- SILANGANG ASYA VIETNAM 3 93.7% * N/A - not available REF: World Education Encyclopedia 2nd edition A Survey of Educational System Worlwide By Rebecca Marion Ferguson 2002 PEE - inilalahad ito bilang porsyento % ng GNP ng bansa o kabuuang halaga ng produksyon ng bansa. - ginagamit na batayan ng pagpapahalagang binigay ng bansa sa sektor ng edukasyon. Kamuwangan - kakayahan ng isang tao na magsulat at magbasa kahit simpleng bagay na hinggil sa pang-araw-araw na buhay nila. Sa lahat halos ng mga bansa, ang edukasyon ay nakaplano upang tuparin ang tatlong pangunahing layunin: A. Isang pangunahing pangangailangan ng tao B. Isang pamamaraan upang matugunan ang iba pang pangunahing pangangailangan ng tao
  • 20. 20 C. Isang gawaing magpapatatag at magpapaangat ng kabuhayan at kaunlaran ng bansa. Sa kasalukuyan batid na ng mga bansang Asyano na dapat na silang maglaan ng sapat na pondo para sa edukasyon. Hindi ito isang madaling gawain ngunit sa sama-samang pagpaplano ng pamahalaan at mga mamamayan unti-unti na ring mararating ng mga bansang ito ang mataas na antas ng kamuwangan. Sa bandang huli ang kaalaman at kamuwangang natamo ang siya ring magiging pundasyon ng katatagan at kaunlaran ng mga bansa sa pagharap nito sa mabilis na pagdaloy ng modernisasyon at globalisasyon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Punan ang tsart. REHIYON NG ASYA Bansang May Pinakamataas na Antas ng Kamuwangan Bansang May Pinakamababang Antas ng Kamuwangan TIMOG-KANLURAN TIMOG-SILANGAN TIMOG HILAGA SILANGAN
  • 21. 21 Tandaan Mo! Kamuwangan – kakayahan ng isang tao na magsulat at magbasa kahit simpleng bagay hinggil sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Public Expenditure on Education – inilalahad bilang porsyento % ng GNP o Kabuuang Produksyon ng Bansa at ginagamit ding batayan ng pagpapahalagang ibinibigay ng bansa sa sektor ng edukasyon. Ang mga bansa sa Asya na may pinakamataas na antas ng kamuwangan ay ang Japan, North Korea, Armenia, Georgia, at Uzbekistan na nagtala ng 99%. Samantala, ang bansa sa Asya na nakapagtala ng pinakamababang antas ng kamuwangan na umabot lamang sa 27.5% ay ang Nepal. Gawain 3: Paglalapat Gamit ang talahanayan, patunayan na may kinalaman ang pondong inilalaan ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon sa antas ng kamuwangan ng mga mamamayan. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________.
  • 22. 22 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Malaki ang bahagi ng mga aral ni Confucius sa sistema ng edukasyon sa Asya. Ayon kay Confucius, ang sistema ng edukasyon sa Asya ay nagbibigay-diin sa: -pagsasama-sama o collectivism -ispiritwal na pag-unlad -kabutihang-asal May mga natatanging gawi sa larangan ng edukasyon sa bansang Asyano na tumatalakay sa aspeto ng: -Pagmonitor sa larangan ng edukasyon -Pagpili ng wikang panturo -Suliranin ng maliliit na paaralan at kakulangan ng silid aralan -Pagtuturo ng mga “Special Subjects” -Pakikiisa ng mga magulang -Pagbabago sa kurikulum Kamuwangan – kakayahan ng isang tao na magsulat at magbasa kahit simpleng bagay hinggil sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Public Expenditure on Education – inilalahad bilang porsyento % ng GNP o Kabuuang Produksyon ng Bansa at ginagamit ding batayan ng pagpapahalagang ibinibigay ng bansa sa sektor ng edukasyon. Ang mga bansa sa Asya na may pinakamataas na antas ng kamuwangan ay ang Japan, North Korea, Armenia, Georgia, at Uzbekistan na nagtala ng 99%. Samantala, ang bansa sa Asya na nakapagtala ng pinakamababang antas ng kamuwangan na umabot lamang sa 27.5% ay ang Nepal.
  • 23. 23 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: A. Ibigay ang kahulugan. 1. edukasyon 2. cohort survival rate 3. drop-out rate 4. academic achievement 5. antas ng kamuwangan B. Isa-isahin. I. Paglalarawan na binigay ni Confucius sa sistema ng edukasyon 1. 2. 3. II. Mga Natatanging Gawi sa Larangan ng Edukasyon sa Asya 1. 2. 3. 4. 5. 6. III. Ibigay ang mga bansang may pinakamataas na naitalang antas ng kamuwangan. 1. 2. 3. 4. 5. IV. Magbigay ng 5 bansang nakapagtala ng pinakamababang antas ng kamuwangan. 1. 2. 3. 4. 5.