2012 VIDES PINOY CALENDAR
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

2012 VIDES PINOY CALENDAR

on

  • 1,091 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,091
Views on SlideShare
1,091
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
6
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Adobe PDF

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

2012 VIDES PINOY CALENDAR 2012 VIDES PINOY CALENDAR Presentation Transcript

  • 2012CALENDAR ONE FOR OTHERS
  • “Busina Mo, Dunong Ko” Mobile Education Project
  • Busina Mo, Dunong Ko Mobile Education ProjectAng Busina Mo, Dunong Ko o BMDK ay isang programang pang-edukasyon para sa mga batang nasa lansangan, mahihirap at kapos salahat ng mga bagay simula sa kanilang pagkabata.Ito ay nagbibigay ng karagdagang edukasyon sa mga batang nag-aaralsa pampublikong paaralan at gayundin sa mga hindi nag-aaral na mgabata at kabataan. Sa tulong ng mga VIDES Volunteers, nabibigyan angmga bata ng katesismo, values education, tutorials, pagkain, libro,laruan, libangan at mga gawaing pangkultura. Nagsasagawa rin angmga volunteers ng pagtataguyod ng mga karapatan ng bata.Ganundin, may mga pang-edukasyong laro at pagpapakita ng mgavideo at pelikulang pang-edukasyon at pambata. Mayroon ringBMDK mobile library na maaaring hiraman ng mga bata ng libro.Sa BMDK, maging ang mga magulang ay nabibigyan ng seminar ukolsa tamang paghubog at pagpapalaki ng kanilang mga anak sapamamagitan ng paggamit ng positibong pagdidisiplina. Tinuturuanrin ang mga nanay ng mga livelihood projects upang magkaroon silang sariling negosyo at makagawa ng mga bagay na maaari nilangpagkakitaan.Paano kayo makakatulong:1. Maaari kayong magbigay ng libro, mga gamit sa pag-aaral, pagkainat inumin, laruan, school and art supplies at iba pang donasyon2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging mga “Ate at Kuya”.Magbahagi ng mga kaalaman sa mga bata at maging magandanghalimbawa at inspirasyon sa mga bata.Ang BMDK ay isinasagawa sa mga sumusunod na lugar:a. Cabrera St., Pasay Cityb. Bgy. 286, Delpan, Binondoc. Recto, Manilad. NIA Road, Quezon Citye. San Roque, Quezon City NOTESf. South Triangle, Quezon Cityg. Sacred Heart Parish, Sta.Mesa, Manilah. Don Bosco School Manila -Bgy. 602—ALS
  • “Baboy Mo, Buhay Ko” - Rural Livelihood Project
  • Baboy Mo, Buhay Ko – Rural Livelihood ProjectAng baboy pangkabuhayan ay nagbibigay ng isang alternatibongkabuhayan at pagkakataon para sa komunidad na magkaroon ngmaunlad at produktibong pamumuhay.Ang biik ay ibinibigay sa isang pamilya na makikinabang batay sapamantayan ng mga Daughters of Mary Help of Christians (FMA).Ang mga makikinabang ay may pananagutan sa pangangalaga ngkalusugan at pagdami ng mga biik. Upang matiyak ang pagpapanatiling programa, ang konsepto ng pagtutulungan sa komunidad aykasama sa layunin ng programa.Kapag ang baboy na ibinigay ng VIDES sa isang pamilya ay nanganak omay kinita sa pinagbilhan, isang biik ang ipapasa sa kasunod napamilya ng komunidad. Dito maipapakita ang pagtutulungan ngkomunidad para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.Paano kayo makakatulong:1. Magbigay ng isang biik o ng halagang katumbas nito (Php2,000) atpumili ng isa sa mga lugar na kung saan nailunsad na ng VIDESPhilippines ang programa, katulong ang mga FMA:a) Negros Occidentalb) Oriental Mindoroc) Canlubang, Lagunad) Minglanilla, Cebue) Mabalacat, Pampanga (Aetas)2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maging bahagi ng komite namagsasagawa ng mga pagbisita sa mga baboy at paggawa ng ulat.———————————————————————————————Maari kayong magpadala ng inyong donasyon sa:VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. NOTESMetrobank Account No. 3306-24619-5Metrobank V. Mapa BranchSta. Mesa, Manila
  • VIDES Alternative Learning System (ALS)
  • VIDES Alternative Learning System (ALS) para saOut-of-School Youth (OSY) ng Busina Mo, DunongKo Mobile Education (BMDK) ProjectUnang inilunsad ng VIDES Busina Mo, Dunong Ko ang AlternativeLearning System (ALS) project sa sampung mga out-of-school youthng Pasay noong Oktubre 2010. Nang binuksan din ng VIDES ang ALSpara sa Delpan, ipinasok na nila ang lahat ng 38 na OSY sa Don BoscoSchool - “Reach-Ed ALS Program” sa Bgy 602, na isang accreditedDepEd ALS institution. Matapos ang dibdibang paghahanda, pitong(7) bata mula sa Pasay at apat (4) na bata mula sa Delpan angkumuha ng DepEd ALS Exams noong Oktubre 2011. Sinimulan namannoong Nobyembre 2011 ang pagpasok ng 14 OSY galing sa SouthTriangle, Quezon City.Sa kanilang pag-pasa sa mga DepEd ALS exams, ang mga bata aymaaaring bigyan ng diploma sa elementarya o sekondarya, batay sakanilang kinuhang pagsusulit.Karamihan sa mga ALS learners ay mga batang nasa panganib,nagtatrabaho sa murang edad na 12-16, o mga “Children In Conflictwith the Law” (CICL) na hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil sa kapabayaan, pang-aabuso, malnutrisyon, at kahirapan.Upang tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap namaipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, ang VIDES ang nagbibigay ngmga pagkain, uniporme, bag, mga gamit sa paaralan attransportasyon, para sa mga OSY na ALS learners na ngayon.Paano kayo makakatulong:1. Tulungan ang VIDES magpadala ng isang bata sa ALS program* Php 700 - para sa isang buwang pagkain at transportasyon. NOTES* o kaya ay magbigay ng school supplies, bag, uniporme2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at maki-isa sa programa ngedukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata
  • Quarterly Medical Mission
  • Medical Mission at Pagsugpo sa TuberculosisAng VIDES Philippines ay nagsusulong ng pag-unlad ngmga kababaihan at mga bata. Isang aspeto nanangangailangan ng espesyal na pansin ay ang kalinisanat kalusugan, na kung saan ang VIDES ay tumutugon sapamamagitan ng mga medical mission.Simula 2009, pinalawak ng VIDES Philippines angkanyang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ngminsan sa tatlong buwan na medical mission sa mgalunsod, bayan o probinsiya.Kasama rin sa programa ng VIDES ang pagsugpo sa sakitna tuberkulosis (TB) sa Bgy. 601, Bgy. 602 at Bgy. 286.Sa tulong ng mga Volunteers, marami na ang mgapasyenteng naidulog sa mga health centers ngDepartment of Health. Nagsasagawa rin ang mgaVolunteers ng TB classes upang maiparating sakaramihan ang nararapat na impormasyon ukol sa sakitna ito.Paano kayo makakatulong:1. Magbigay ng mga gamot at medical supplies. NOTES2. Mag-Volunteer. Sumali at magbahagi ng oras at mag-imbita ng mga doktor at mga nurses
  • Annual Mission Camp
  • Annual Mission CampAng Mission Camp ay isang taunang “outreach project” opagbibigay ng serbisyo sa mga kapatid natin sa iba’t-ibangdako ng Pilipinas kung saan matatagpuang naglilingkod angmga Daughters of Mary Help of Christians (FMA). Ang mgalugar na ito ay: Negros Occidental; Minglanilla, Cebu; PuertoPrincesa, Palawan; Calapan, Oriental Mindoro; Canlubang,Laguna; at Mabalacat, Pampanga.Ito ay isang pagkakataon para sa mga VIDES volunteers namakapagbigay ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pakiki-isasa mga gawain ng VIDES tulad ng: pagtataguyod sa mgakarapatan ng bata; libreng medikal na konsultasyon at gamot;libreng pagpapagupit; pagtuturo ukol sa mga gawaingpangkabuhayan; pagpapakain at pagbibigay ng pangunahingmga pangangailangan gaya ng bigas, delata, damit, gamit sabanyo at paaralan.Ang mission camp ay nagbibigay daan at lugar para sapaghubog ng mga VIDES Volunteers. Ito ay hindi lamang parasa mga VIDES Pinoy Volunteers kundi para rin sa mga VIDESVolunteers mula sa ibang bansa na kung saan mayroonggrupo ng mga VIDES Volunteers na itinatag ang mgaDaughters of Mary Help of Christians.Paano kayo makakatulong:1. Maging ang isang donor. Maaaring magbigay o maghandogng donasyon NOTES2. Mag-Volunteer. Sumali sa VIDES at ibahagi ang iyong sarilipara sa mga batang salat sa lahat ng bagay.
  • Scholarships / Educational Assistance Project
  • Scholarships / Educational Assistance ProjectAng Scholarship ay isang programang pang-edukasyon ng VIDES na naipapalaganap sa mgabatang kasapi ng BMDK sa Delpan, Pasay, Recto,South Triangle, San Roque, Sta. Mesa, at NIA Road.Ang pondo ay nagbibigay ng tulong sa bahagyangpagtugon sa mga pangangailangan sa edukasyonng mga batang nasa ilalim ng programa. Nasaprinsipyo ng VIDES na ang edukasyon ng mga bataay ang pangunahing responsibilidad ng mgamagulang at ng bansa, kung kaya’t ang suporta ngVIDES ay karagdagang tulong lamang para sapamasahe at baon ng mga bata.Paano kayo makakatulong:Sumuporta sa pag-aaral ng isang bata sapamamagitan ng pamasahe at baon. Maaarikayong magbigay ng anumang halaga na maluwagsainyong kalooban sa:VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc.Metrobank Account No. 3306-24619-5 NOTESMetrobank V. Mapa BranchSta. Mesa, Manila
  • “Makina Mo, Kabuhayan Ko” Urban LivelihoodProjectInilunsad ng VIDES Philippines ang programang“Makina Mo, Kabuhayan Ko” bilang pagtugon sa mgasuliraning pang-kabuhayan ng mga pamilyangnaninirahan sa lungsod. Sa ilalim nito, ang bawatNanay na kasapi ay binibigyan muna ng pagsasanay sapananahi at pagkatapos ay pinagkakalooban ng sarilingmakina na kanyang huhulugan. Ang nalikom na bayaday gagamitin sa muling pagbili ng mga bagong makinapara sa mga susunod na tatanggap.May mga ilang Nanay naman na bumuo ng isang gruposa ilalim ng pangangasiwa ng VIDES upang magsanay atmanahi ng mga damit sa pamamagitan ng paggamit ngmga high-speed sewing machines. Layunin nila angmagkaroon ng isang mas matatag at malagongkabuhayan.Paano kayo makakatulong:1. Magturo ng pananahi sa mga nanay2. Ibahagi ang inyong kaalaman sa paggawa ng mga disenyo3. Maghanap ng mga interesadong magpapatahi ng NOTES mga damit, uniform, costume, t-shirts, at iba pa4. Tumulong magbenta ng mga tinahi ng mga nanay5. Magbigay ng makina sa mga nanay
  • “Pera Mo, Kabuhayan Ko” - Micro Credit Project
  • “PERA MO, KABUHAYAN KO” - Micro CreditProjectAng “Pera Mo, Kabuhayan Ko” ay ang pagpapahiram ngVIDES ng puhunan sa mga Nanay na may kapasidadna maghanap-buhay ngunit walang kakayahangmamuhunan. Maliit lamang ang kanilang kailangan athindi naman nila kayang manghiram sa mga bangko.Sa programang ito, 5% lamang ang interes na kanilangbinabayaran at ang bawat kasapi ay insured pa.Ang mga maaaring sumali sa proyektong ito ay angmga nanay na kabilang sa oratoryo ng mgaDaughters of Mary Help of Christians at ng BMDK.Marami na sa kanila ang nakapagsimula atnakapagpapatuloy na ng kanilang maliliit na mganegosyo para sa pang-araw-araw na pangangailanganng kanilang mga pamilya.Karamihan sa mga nanay ay nagtitinda ng pagkain,basahan, barbeque, balut, mais, prutas, laruan, atmga damit.Paano kayo makakatulong:1. Ibahagi ang inyong kaalaman sa pag-gawa ng mga NOTES bagay na maaaring pagkakitaan.2. Bumili ng mga paninda ng mga nanay
  • Solidarity / Being “One for Others”
  • Solidarity / Being “One for Others”Ito ay ang pagkaka-isa at pagsasama-sama ng mgaVIDES Volunteers upang makatugon sa mgapangangailangan ng mga tao, lalung-lalo na sapanahon ng sakuna at kagipitan.Ang VIDES Philippines, sa abot ng kanyangmakakaya at sa tulong ng maraming taong maymabubuting loob, ay nagsasagawa ng tulong parasa mga nasalanta ng kalamidad tulad ng bagyo,sunog at baha. Sa pagbibigay ng sarili atpagbabahagi ng kanilang munting tulong sa mgakapatid nating naging biktima ng anumang uri ngkalamidad, naisasabuhay ng mga VIDESVolunteers ang kanilang pagiging“One for Others”. Ito ay nagmumula sa isangmaliit na tulong na lumalaki kapag pinagsama-sama. Ito ang pagiging isa at ang pagkakaisa ngVIDES Volunteers sa lahat ng oras: lalo na sa orasng pangangailangan.Ang VIDES Philippines ay tumatanggap ng mgadamit, sapatos, pagkain at mga pangunahing NOTESbilihin para sa mga kapatid nating nasalanta ngkalamidad.
  • Advocacy on Children’s Rights
  • Advocacy on Children’s RightsBawat bata ay may karapatang mabigyan ngproteksiyon at pangangalaga ng kanilang pamilya,komunidad at ng lipunan. Ang UN Convention onthe Rights of the Child (UN CRC) ay nagsasaad ngmga karapatan ng bata sa pagkain, tahanan,edukasyon, proteksiyon, pakikilahok, kalusugan atmga batas na angkop para sa edad at pag-unlad ngbata.Ang VIDES Philippines ay isang organisasyon nanangangalaga sa mga bata at sa kanilang mgakarapatan. Nagbibigay ito ng impormasyon ukolsa UN CRC sa mga batang kasapi ng BMDK upangmaiwasan ang mga pang-aabuso sa kanilang mgakarapatan at malaman nila kung paano nila itomaipaglalaban. Ipina-uunawa din sa mga bata naang bawat karapatan nila ay may kaakibat naresponsabilidad at pag-galang sa karapatan ngibang tao.Kasama ng VIDES Philippines sa pagtataguyod ngmga karapatan ng bata ang Council for the NOTESWelfare of Children (CWC), Child Rights Network(CRN) at ang Philippine NGO Coalition on theUN CRC.
  • “Kambing Mo, Kabuhayan Ko”
  • “Kambing Mo,Kabuhayan Ko”Unang inilunsad ng VIDES Philippines saCanlubang, Laguna ang proyektong “Kambing Mo,Kabuhayan Ko”.Malawak na damuhan ang kailangan upangmapangalagaan ang mga kambing. Ang bawatpamilyang napili ng Daughters of Mary Help ofChristians (FMA) na tatanggap ng kambing ay mayresponsabilidad na ibalik ang isang guya nitoo ang katumbas na halaga upang maigawadnaman sa susunod na tatanggap na pamilya.Layunin ng VIDES na ang proyektong ito ay maginglaganap sa komunidad kung saan ito ay inilunsad.Ang “Kambing Mo, Kabuhayan Ko” aymatatagpuan sa mga lugar na ito:Canlubang, Laguna; Minglanilla, Cebu;Macarascas, Puerto Princesa, Palawan;at sa mga Aetas ng Sitio Monicayo, Mabalacat,Pampanga.Paano kayo makakatulong:1. Magbigay ng kambing para sa mga napiling pamilya NOTES2. Magbigay ng katumbas na halaga ng isang kambing
  • Boluntarismo (Volunteerism)
  • BOLUNTARISMO (VOLUNTEERISM)Ang pagbibigay ng sarili, oras at pagbabahagi ng talento ayisang karanasan na nagdududulot ng lubos at malalim nakaligayahan na nanggagaling sa puso at nagiging resulta ngpositibong pag-uugali ng isang taong nagpapasalamat saDiyos. Ang pagiging isang VIDES Volunteer ay isang bokasyonat isang hamon sa iyong sarili upang gumawa ng isangpagbabago.Ang VIDES Philippines ay isang boluntaryong organisasyon nanagbibigay ng pagkakataon sa mga institusyon, negosyo,kabataan, propesyonal at sa mga estudyanteng may pusongmagbahagi ng kanilang sarili. Ito rin ay binubuo ng mgaindibidwal na may kani-kaniyang talento na siyangnagpapatingkad ng kulay kapag ito ay pinagsama-sama.Makikita sa grupo ang pagkakaroon ng respeto atpagpapahalaga sa mga kakayahan ng bawat volunteer.Isa sa pinakamagandang halimbawa na ginagawa ngvolunteers ng pagpapakita ng pagmamahal ay ang taunangChristmas Party kasama ng mga batang Aetas at ng kanilangpamilya. Isang pangako ng volunteers na sa halip namagkaroon ng palitan ng regalo at mag-Christmas party silaay ipunin na lang ang mga regalo upang ibahagi sa mgabatang Aetas. Nagustuhan ito ng mga volunteers sapagkatang kasiyahan ng pagbibigay at pagbabahagi ng simplengregalo ay higit sa lahat ang pagkakaroon ng panahon namakasama ang ating mga kapatid na katutubo. NOTESIto ay naging palagiang gawain na tuwing unang Linggo ngDisyembre, malapit sa December 5, na siyang itinakdangInternational Volunteer Day ng United Nations.
  • VIDES Philippines Volunteers Foundation, Inc. Of the Daughters of Mary Help of Christians(Volunteers International for Development, Education and Solidarity) 3500 V. Mapa Extension , Sta. Mesa Manila 1016 PHILIPPINES Tel. No.: (02) 703-5606; Telefax: (02) 715-6740 Email: videspinoy@gmail.com Website: http://videsphil.multiply.com