Dinastiya ng china powerpoint

92,525 views
91,715 views

Published on

6 Comments
45 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
92,525
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
68
Actions
Shares
0
Downloads
2,308
Comments
6
Likes
45
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Dinastiya ng china powerpoint

  1. 1. Ms. Gilda A. Singular
  2. 2. Dinastiyang H’sia (1994 bc – 1523 bc ) • Alinsunod sa tradisyon ng mga Tsino, pininiwalaan na itinatag ni Emperador Yu ang unang dinastiya ng Tsina na siyang gumawa ng isang kanal upang harangan ang baha at hinati ang kanilang mga nasamsam na lupa. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakontrol ang pagbaha ng Ilog Huang Ho. • Hinati-hati niya ang kanyang kaharian sa siyam na lalawigan, pinalawak ang teritoryo. hanggang Disyerto ng Gobi at sinugpo ang mga tribo sa timog. Sa ngayon, sila ay tinawag na "maalamat" dahil walang records na nagpapatunay na sila ay talagang namuhay.
  3. 3. Mapa ng H’sia
  4. 4. Dinastiyang Shang (1523 bc – 1023 bc) • Ang Dinastiyang Shang o Dinastiyang Yin ay ang itinuturing bilang isang pinakaunang totoong imperyo sa Tsina. Sa una, pinaniniwalaang isang alamat lang ang Shang, pero nang madiskubre ng mga Intsik na gumamit sila ng mga butong orakulo, dito napatunayang totoo ang Shang.Ito ay nagtagal sa loob ng 1766 BCE hanggang 1122 BCE.Ang dinastiya ring ito ay pinamunuan ni Emperador Tang. Isa nang halimbawa ng mga ambag nito ay ang paggawa ng mga kagamitang bronse,palayok,banga at ang pagbabasa ng emperador sa mga "oracle bone" para sa mga nagpapahula ng hinaharap
  5. 5. Oracle bone inscription A scholar, Wang Yirong, first found the oracle bone inscriptions in 1899.
  6. 6. Dinastiyang Zhou (1027 bc -256 bc) • Ang Dinastiyang Zhou (1122–256 BCE) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 3,000 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampulitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito rin umiral ang "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya" na pinangunahan nina Confucius at Lao-tzu. Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito maraming pag-unlad ang naganap. Sa panahong ito, natutunan ang pag-araro at pagamit ng matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim. • Ang mag-amang sina Wu Wang at Ch'eng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong bayani na kinikalala ng mga Zhou.
  7. 7. Mapa ng Dinastiyang Zhou Crossbow Dakilang Confucius
  8. 8. Mga Kontribusyon ng Dinastiyang Zhou : • · Naipasa sa dinastiyang Zhou ang “Basbas ng Langit” at ang titulo na “Anak ng Langit”. • · Naimbento ang bakal na araro. • · Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa pagbaha ng Huang Ho. • · Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan. • · Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot. • · Dahil malawak ang teritoryo ang Zhou, humina ang control nito sa mga nasasakupang estadong lungsod. • · Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado owarring states. • · Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism. • · Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.
  9. 9. Dinastiyang Qin o Ch’in ( 221-206 B.C.E) Mapa ng Dinastiyang ChinZheng Great Wall of China
  10. 10. Dinastiyang Qin o Ch’in : • · Nagapi ng Qin ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni Zheng. • · Napabagsak ni Zheng ang Zhou noong 221 B.CE. • · Idiniklara ni Zheng ang sarili bilang si Shi Huangdi o Shi Huang Ti, na nangangahulugang “Unang Emperador”. • · Naganap ang kosolidasyon sa China sa panahon ng Qin. • · Pinili ni Shih Huangdi bilang tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang Legalism. • · Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang maabot ang kaayusan, ayon sa Legalism. • · Si Li Xi, isa sa mga legalista, ang nagaing punong ministro ni Shih Huangdi. • · Ayon kay Li Xi, makasasama sa China ang maraming libro at ideya na tumutuligsa sa Qin. • · Sinunog ang lahat ng libro sa China at maraming skolar ang hinuli at pinatay, iniwan lang ang mga aklat tungkol sa agrikultura, medisina, at mahika. • · Inutos ni Shih Huangdi na ipatayo ang Great Wall Of China bilang proteksyon sa pagatake ang mga kalaban. • · Sa pagkamatay ni Shih Huangdi bumagsak din ang dinastiyang Qin.
  11. 11. Dinastiyang Han (221 bc – 206 bc) Liu Bang Wudi Silk Road
  12. 12. Dinastiyang Han : • · Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China. • · Itinatag ito ni Liu Bang noong 206 B.C.E. • · Pinalitan niya ang mararahas na patakaran ng Qin. • · Ang Confucianism ang naging opisyal na pilosopiya. • · Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wu ti. • · Pinalawak ni Wudi ang teritoryo ng Han sa pamamagitan ng pagsakop ng iba pang teritoryo. • · Sa panahon ng Han napatanyag ang Silk Road, isang ruta ng kalakalan. • · Sa tala ang dinastiang Han, nakarating sa Rome ang isang pangkat ng mga Tsinong juggler. • · Nakarating sa rome ang seda ang China na tinatawag naseres. • · Sa dinastiyang ito naimbento ang papel, porselana, at swater-powdered mill. • · Nabuhay sa panahong ito si Panchao, ang dakilang historyador ng China.
  13. 13. Dinastiyang Sui (589 – 618 C.E) Mapa ng Dinastiyang Sui Great Canal sa China
  14. 14. Dinastiyang Sui : • · Mabilis na pumalit ang Sui pagkatapos bumagsak ang Han. • · Napasok din sa China ang mga nomadikong mandirigma. • · Watak-watak ang China nang may 400 na taon. • · Umabot ang Buddhism sa China. • · Bumalik ang konsolidasyon. • · Itinatag ito ni Yang Jian. • · Itinayo ang Grand Canal.
  15. 15. Dinastiyang Tang (618-907 C.E.) Mapa ng Dinastiyang Tang Li YuanWoodblock Printing
  16. 16. Dinastiyang Tang • · Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui. • · Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang. • · Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong. • · Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China. • · Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya ng anumang sulatin.
  17. 17. Dinastiyang Sung (960-1278 C.E.) Mapa ng Dinastiyang Sung Foot Binding Gun Powder Heneral Zhao Kuangyin
  18. 18. Dinastiyang Sung • · Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang. • · Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song. • · Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin. • · Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya. • · Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan. • · Naimbento ang gun powder. • · Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga babae. • · Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.
  19. 19. Dinastiyang Yuan (1278-1368 C.E.) Mapa ng Dinastiyang Yuan Kublai Khan Marco Polo
  20. 20. Dinastiyang Yuan • · Daidu ang naging kapital ang Yuan – unang banyagang dinastiya ng China. • · Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan. • · Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya. • · Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol. • · Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.
  21. 21. Dinastiyang Ming (1368-1644 C.E.) Mapa ng Dinastiyang Ming
  22. 22. Dinastiyang Ming • · Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan. • · Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuan ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming. • · Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China. • · Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa.
  23. 23. Dinastiyang Manchu (1644-1911 AD) •Huling Emperador ng Dinastiyang Manchu
  24. 24. Dinastiyang Manchu • Noong 1644, nagwakas ang dinastiyang Ming dahil sa paglusob ng mga banyagang Manchu. Itinayo ng mga dayuhang Manchiu angDinastiyang Qing.Bagaman mga dayuhan sa Tsina mula sa hilaga ng Dakilang Moog ng Tsina, iginalang ng mga Manchu ang kalinangan at mga kaugaliang Tsino; agad silang namuhay ayon sa mga pamamaraan ng mga Intsik. Sa ilalim ng mga emperador na Manchu, nagkaroon ng 150 mga taon ng kapayapaan at kasaganahan sa Tsina, at naging mas malaki pa ang nasasakupan ng Tsina. Higit pa sa bantog na kapanahunan ng dinastiyang Tang.Si Puyi ang huling emperador ng imperyong Tsino.

×