Your SlideShare is downloading. ×
Talento at kakayahan
Talento at kakayahan
Talento at kakayahan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Talento at kakayahan

762

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
762
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
1
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. 1 Talento at Kakayahan Ni: Shaina Mavreen D. Villaroza Tunay na talentadong manunulat si Francisco „Balagtas‟ Baltazar sapagka‟t siya‟y nag-akda ng Florante at Laura na puno ng himagsik. Humugot siya ng inspirasyon mula sa kanyang mga karanasan at sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Sino pa ba ang makakapig-isip ng ideyang gawing metapora ang isang madilim at masukal na gubat sa kaharian ng Albanya para maihalintulad sa bansang Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila? Naging ebidensya ang Florante at Laura sa mga kanser ng lipunan na laganap na noon pa. Nagkakagulo ang mga tao dahilan lamang sa mga „di-kaayaayang mga katangian. Dahil sa pagiging mainggitin ay nagiging mapaghiganti at mang-aagaw ng kayamanan at pag-ibig ng iba ang mga tao. Malamang ito ay dahil sa pagpapalayaw ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang hindi paghubog ng wasto sa mga kabataan. Iilan lamang ito sa mga „Social Cancer‟ kung tawagin ni Dr. Jose Rizal na kanya ring ginawang paghimagsik sa kanyang dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Hangarin ng bawat tao ang kapayapaan. Ang kapayapaan ay hindi lamang ang absensya ng mga giyera at digmaan ngunit ito ay
  • 2. 2 ang presenya ng Diyos. Sa ikalawang himagsik ni Balagtas sa kanyang awit, nakasaad ang pagiging hiyang ng kahit sino, mapa- Muslim man o Kristiyano, sa relihiyon ng bawat isa. Ipinakita niya na hindi sa relihiyon nagdedepende ang bawat aksyon ng isang tao ngunit ito ay nanggagaling sa kanyang ugali. Ang pagiging matulungin ng isang Muslim na si Aladin ang isang katangian na ipinakita sa pelikulang binase sa awit. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay matindi ang naging pagdurusa ng mga Pilipino. Ang kalayaan ay mahirap matamo dahil sa sakim na pamamahala ng mga Kastila. Ganito kahirap ang suliranin ng mga Pilipino noon. Ngayon, hindi na tayo nagkulang sa ating kalayaan sapagka‟t demokrasiya ang ating pamahalaan. Ang kapansin-pansin na suliranin ng ating lipunan ay ang kahirapan. Paano nga ba ako, bilang bahagi ng lipunang Pilipino at bilang isang mag-aaral, makakatulong upang maibsan ang suliraning ito? Alam na alam ko ang sagot dito at kakayanin kong maabot ito. Sa aking munting paraan, makakatulong ako sa pamamagitan ng pag-aaral ng maayos, pag-aalay ng aking mga pagsisikap at pangarap sa bansang tinubuan. Maglilingkod ako ng tapat sa bansa natin upang tayo ay mas maging malaya, matagumpay at masagana. Hindi lamang ang kabataan ang pag-asa ng bayan; mas mabuting isa-isip natin na “nasa bawat Pilipino ang pag-asa ng
  • 3. 3 ating bayan”, mahirap man o mayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki. Anong pag-asa ang ibig-sabihin ng adhikain? Pag-asang sumikat, umunlad, lumaya, luminis? Kung ano man iyon, maaaring ikaw ang pag-asa na hinahanap ng ating bansa. Napakagaling ng mga nalikhang panitikan ni Balagtas. Kahit mahigit limampung taon pa ang dumaan bago muling natalakay ang mga suliraning panilipunan ni Rizal mula noong unang paghimagsik ni Baltazar ay buhay pa rin ang pag-asang matamo ang kalayaan. Katulad sa dalawang mga repormistang nabanggit, talento at kakayahan ang kakailanganin ng taong sambayanan na maaaring magpapaunlad sa ating Inang bayan.

×