Your SlideShare is downloading. ×
Slide
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
1,221
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
17
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. MGA TANYAG NA PILIPINO NOON AT NGAYONMaria Lucia L. Ana
  • 2. Julian Felipe Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit. Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.
  • 3. Nicanor Abelardo Nicanor Abelardo Kabatiran Kilala rin bilang Nicanor Abelardo Kapanganakan Pebrero 7, 1893 San Miguel de Mayumo, Bulacan, Pilipinas Pinanggalingan Pilipinas Kamatayan Marso 21, 1934 (edad 41) Genre Kundiman Mga Gawain Kompositor Si Nicanor Abelardo ay isang Pilipinong kompositor ng mga awitin sa pelikula o entablado. Nilikha niya ang mga awitin na kung tawagin ay Kundiman tulad ng "Nasaan ka, Irog" noong 1923, "Kundiman ng Luha", "Mutya ng Pasig", "Ang Aking Bayan", "Himutok", "Pahimakas", "Bituing Marikit" at marami pang iba. Ang kauna-unahang pelikula ng Sampaguita Pictures na Bituing Marikit kung saan pinagsama ang si Rogelio dela Rosa at ang tinaguriang Singing Sweetheart of the Philippines na si Elsa Oria ay hango sa likhang awit Kundiman na ito ni Abelardo. Si Abelardo ay namatay noong 1934 at nag-naiwan ng mahigit 140 na nilikha.
  • 4. Gilopez Kabayao  Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral.
  • 5. Cecile Licad Cecile Licad Kapanganakan Mayo 11, 1961 (edad 50) Maynila Pinanggalingan Pilipinas Genre Musikang Klasikal Mga Gawain Nagtatanghal, Recording Artist Mga Instrumento Piyano Taong aktibo 1968-kasalukuyan Mga leybel Sony Classical, EMI, Naxos, Musical Heritage Society Sityo http://www.cecilelicad.com Si Cecile Licad (Ipinanganak Mayo 11, 1961) ay isang tanyag na Pilipinang piyanista. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano. Binansagan siyang "piyanista ng isang piyanista" ng The New Yorker, ang kanyang kasiningan niya, ay pinaghalong likas na musikero at mahusay na pagsasanay."[1]
  • 6. Freddie Aguilar at Apo Hiking Society  Hindi lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo Hiking Society. Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa mga konsiyerto sa ibang bansa. Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang- internasyonal sa musika. Sila ang tinatawag na makabansang mang- aawit. Matapang din silang sumanib sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.
  • 7. Francisca Reyes Aquino Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes Aquino na isang guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng ibat ibang lugar ng bansa nang may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang orihinal na galaw nito. Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.
  • 8. Paeng NepomucenoIsang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siyay 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.
  • 9. Charice Pempengco Charice, August 2011 Background information Birth name Charmaine Clarice Relucio Pempengco Born May 10, 1992 (age 19) Cabuyao, Laguna, Philippines Genres pop, teen pop, electropop, R&B, rock, CCM, soul Occupations Singer- songwriter, actress, dancer Years active 2005–present Labels 143/Reprise, Warner Bros. Records[1] Associated acts David Foster, Oprah Winfrey, Celine Dion, Ashanti, Nick Jonas, Iyaz Website Official Website Charmaine Clarice Relucio Pempengco (born May 10, 1992), popularly known by the mononym Charice, is a Filipina singer and actress who rose to popularity through YouTube. Dubbed by Oprah Winfrey as the Most Talented Girl in the World,[2] she released her first international studio album Charice in 2010. The album entered the Billboard 200 at number-eight, making Charice the first Asian singer in history to land in the Top 10 of the Billboard 200 albums chart.[3] She released the single "Pyramid" which featured singer Iyaz. It became her most successful single to-date, charting within the top 40 in a number of countries, and debuting on The Oprah Winfrey Show where she sang live vocals. Crossing over to acting on television, she joined the cast of TV series Glee as Sunshine Corazon.[4] She has released a new lead single, "Before It Explodes", written by Bruno Mars, from her international sophomore studio album, Infinity.
  • 10. Manny PacquiaoManny Pacquiao Estadistika Tunay na pangalan Emmanuel Dapidran Pacquiao Palayaw Pac-Man Fighting Pride of the Philippines The Mexicutioner Pambansang Kamao (National Fist) Bigat Welterweight Light Welterweight Lightweight Super Featherweight Featherweight Super Bantamweight Flyweight Nasyonalidad Filipino Petsa ng kapanganakan Disyembre 17, 1978 (edad 33) Lugar ng kapanganakan Kibawe, Bukidnon, Philippines Istilo Southpaw[1] Rekord sa boksing Bilang ng mga laban 56 Panalo 51 Panalo sa KO 38 Pagkatalo 3 Tabla 2 Ang kahon na ito: tingnan · pag-usapan Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao, (ipinanganak ng Disyembre 17, 1978), ay isang Filipino na boksingero at pulitiko. Siya ay kilala sa palayaw na "Pacman". Siya ang kauna-unahang boksingero sa kasaysayan ng boksing na naging kampiyon sa walong pangunahing titulo sa pitong ibat-ibang klase ng timbang — Flyweight, Super Bantamweight, Featherweight, Super Featherweight, Lightweight, Light Welterweight and Welterweight.[2] Siya din ang kauna-unahang boksingero na linyal na kampiyon sa apat na ibat- ibang klase ng timbang — Linyal na Kampiyon sa Flyweight, Linyal na Kampiyon sa Featherweight, Linyal na Kampiyon sa Super Featherweight at Linyal na Kampiyon sa Light Welterweight.[3] Mayroong siyang nakakasirang kaliwang buntal na may kakayahang matapos ang isang laban sa isang iglap. Si Pacquiao ang kasalukuyang Kampiyon ng WBO World Welterweight (Super Champion) at Kampiyon ng The Ring Junior Welterweight. Siya din ay naitala sa listahan ng The Ring,[4] ESPN,[5] Sports Illustrated,[6] NBC Sports,[7] at About.com[8] bilang pinakamahusay at pinakamagaling na boksingero sa buong mundo. Si Pacquiao ang dating Kampiyon ng IBO World Junior Welterweight, Kampiyon ng WBC World Lightweight, Kampiyon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampiyon ng WBC World Super Featherweight, Kampiyon ng The Ring World Featherweight, Kampiyon ng IBF World Junior Featherweight at Kampiyon ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion. Tinalo at pinatumba na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey at Antonio Margarito.

×