sona2011....koyen mahamoton

337 views
304 views

Published on

sona2011 of jennifer "koyen mahamoton"bobis

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
• Be the first to comment

• Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
337
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
3
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

sona2011....koyen mahamoton

1. 1. Isang Magandang Umaga po sa inyong lahat…
Ako po si  Jennifer Bobis ang tinutukoy nila Agnes Masagra at Melody “Dy” Delfin sa kanilang mga posting noong mga nakaraang araw.
Ako po sana ang isa sa magiging sponsor sa darating na Grand Reunion next year ng ating Batch. Sa mga pangyayari po ngayon ay wala akong sisisihin at hindi po ako magtuturo at magbabanggit para na din matapos na ang mga issue at magkaroon na ng katahimikan ang lahat at ang tanging nais ko lamang ay mailahad po ang aking saloobin sa nasabing usapin. para sa ikatatahimik ng  bawat kampo o grupo, ayoko na pong dagdagan pa ang mga nabasa ko at narinig, sapat na po sa akin ang mga paliwanag ni Nino Aguila at Rhap Ocampo at aking mga taong naniniwala sa aking kakayahan sa mga issue ibinato nila Agnes Masagra at Melody dy Delfin. kahit ako po ay gusto ko na rin matapos ang lahat ng issue para sa ikapanatag at ikauunlad ng bawat isa sa atin. Nawa’y bigyan ninyo ako ng espasyo upang mailahad din ang aking saloobin sa mga issue.
1. KULAY NG T-SHIRT
Sa simula pa lang ng plano ng pagbuo ng Grand Reunion ay nakapangako ako na sasagutin ang t-shirt provided na ang request ko na kung maari sana ay blue ang maging kulay. Umoo si Dy sa sa aking request, at bilang organizer ng GR pinanghawakan ko ang tugon na iyo. nagdaan ang araw, maganda ang tinakbo ng mga pag-uusap naisipan ko na dagdagan ang ang pledge ko kasama na ang SAMSUNG TABLET PARA SA RAFFLE, 3 PANGKABUHAYAN FOOD KART, ₱20,000.00 NA MANGGAGALING SA SECTION 6 NA DAPAT IBIBIGAY AFTER NG 2ND MEETING AT MONTHLY ₱3,000.00 SA LOOB NG 10 MONTHS NA AABOT SA HALAGANG ₱30,000.00 . Nakahanap din ako ng 3 pang katuwang sa pagsagot ng t-shirt para sa batch ’92, at lahat kame napagkasunduan na blue ang maging kulay ng t-shirt, alam yan nila dy at agnes. Kaya isang araw nagulat ako na un palang munting request ko ay kailangan pang daanin sa botohan at hindi man lang sinabi, gayong nakapangako na sila sa akin. Sinubukan kong kausapin at mag tanong kay Dy tungkol dito, pero wala syang direktang isinagot sa akin. Alam din ni Agnes yan dahil makailang ulit kaming nag-usap about sa pagbabalewala sa akin ni Dy, sinabi din sa akin ni Agnes na sya na ang bahalang kumumbinsi kay Dy. Pero patuloy pa din sa pag post na magkakaroon ng botohan sa kulay ng t-shirt at hindi lang iisa ang admin, na talaga namang nakakapagtampo. Pasensya na po pero pinanghawakan ko talaga ung pangako nila sa akin na masusunod ang munti kong kahilingan. At dahil dito, nag usap usap kame ng mga kasama kong mag sponsor sa t-shirt at nagkasundo sa iisang desisyon. Patuloy kameng nag usap ni agnes ukol d2 at patuloy syang nangako na sya na ang bahala kay Dy para sa request ko. hindi ko alam kung ano ang naging pag-uusap nila kaya nakapagbitiw ako ng paghamon kay agnes na ipost sa site ang kulay ng shirt na nirequest namin. pero nanindigan si Dy sa isang botohan, alam ni agnes yan dahil kasama yan sa mga napag usapan pa ulit namin hanggang sa nagsabi na sya (agnes) sa akin na, and I quote… “ok, thambs up na ako bff ayaw akong pakinggan e”. Hanggang sa nagpost si Dy na magkakaroon ng “playful voting” sa 2nd meeting. Kaya nagdesisyon na ako na tuluyan ko ng i-pull-out ang pag sponsor ko sa t-shirt.
2. PARINIGAN ISSUE
itigil na po natin ang mga parinigan na yan. kami po ay tatahimik na rin po sa aming kampo. Bawat isa po sa atin ay may pagkakamali. Dahilan para may masabi po tayong hindi  kanais nais sa ating kapwa kya ako po nakikiusap tapusin na po ang mga parinig na yan. kung my mga comment man ang ilang kasamahan natin, isipin na lang natin na ito’y hindi parinig at kanyang malayang pananaw lamang magsaya lang tayo dito at sana’y walang pasakitan o batuhan ng hindi magagandang salita.
3. POSTING NG NAME KO SA SITE NA ITO
hindi na po kami mgpo-post ng name ko sa site na ito na ako’y nakakatulong, kung yan ang gusto nyo at kung kayo ay nasusura na sa pangalan ko yan ay aking tatanggapin at rerespetuhin ko ng maluwang, dahil naunawaan ko kayo kung ano ang hangarin nyo sa site na ito ay tanging GR po lamang at hindi po Charity o pagtulong sa mga ka-batch nating nangangailangan tulad ng ginawaga ko.
4. PAGPAPADALA PO NG PERA
Tinanong nila ako kung bakit kay Nino Aguila ko ipinadadaan ang tulong na pera na ipinadadala ko gayong may admin naman daw. Isa lang po ang sagot ko jan, malaki ang tiwala ko kay Nino Aguila at alam kong makakarating sa tao ang tamang halaga at nararapat na tulong para sa kanila. Sigurado ako na KUNG MAGKANO ANG IBINIGAY KONG TULONG AY GANON DIN MISMO ANG MAPUPUNTA SA TAONG TUTULUNGAN at wala akong kahit katiting na pag-aalinlangan sa kanya.
5. BINABAYARAN BAWAT POST
Marami pang mga isyu na ayaw ko ng bigyan pansin ngunit may isa na di katanggap tangap at kahit sino hindi magugustuhan. Ito ay ang “BINABAYARAN KO ANG MGA KAIBIGAN KO PARA LANG AKO KAMPIHAN AT MAGPOST NG MGA MAGAGANDANG BAGAY PARA AKO MAPABIDA”. dahil dito hindi ko na sila mapipigilan na ipagtanggol pa ang kanilang mga sarili at magpost para lang maiparating sa inyo ang katotohanan. Isang malinis na hangarin na pinipilit nyong dungisan. Sana hindi tayo naging mapanghusga at inalam muna natin ang buong katotohanan. Sana natuto tayong rumespeto at makinig sa bawat sinasabi nila para nalaman ninyo ang totoo. Nakakapanghinayang na ang mga unang tao na akala ko makakaisa ko sa hangarin kong ito ang sya palang sisira sa akin. Buti pala hanggat maaga pa nalaman ko na.
6. ANG TUNGKOL SA AKING SPONSORSHIP
napakahirap ng aking desisyon na  ito inisip ko ng ilang beses at napagdesisyonan ko na po na-ibackout po ang lahat  ng naipangako ko na sa GR at iyon din po ang desisyon ng aking mga nakausap na makikibahagi sana sa ibang sponsorship na mababanggit, akin po itong ginawa para sa seguridad ng lahat pati na ang namumuno ng GR at ito ay ang mga sumusunod:
A. 20 THOUSAND PESOS na mangagagaling sa section ko sa section 6 na dapat ibibigay ko after 2nd meeting.
B. 30 THOUSAND po sana na monthly ako mgbibigay ng 3 thousand bawat buwan sa loob po ng 10 buwan
C. SAMSUNG TABLET 1ST PRIZE RAFFLE
D. 3 FOOD CARD na pangkabuhayan sana ng ating mga ka-batch
E. T-SHIRT SPONSORSHIP na 3 kami mgshare share.
At higit sa lahat bilang member ng  site na ito ako po ay tuluyan na  rin pong magpapaalam sa inyo ako po ay mag-leave group na, ayoko po mangyari to pero minsan may mga dumating din  na mga bagay bagay sa buhay natin na hindi natin inaashan at maiwasan.kahit hindi na po ako member sa site na ito, ako patuloy pa rin na tutulong sa mga ka-batch natin na nangnagilangan ng tulong sa aking munting paraan at hindi man po malaking halaga ang importante ang mapasaya mo sila at matulungan sa oras na kanilang kailangan. Ang pagtulong sa ating mga ka-batch ay akin pa din pong ipagpapatuloy at sa katunayan ako po ay naka-focus sa pagbuo ng team na tutulong sa mga ka batch natin na nangangailangan at magkaroon ng project  para sa ating Alma Mater na wala po akong ibang hinagad na anumang kapalit kungdi kabutihan para sa buong batch 92, gusto ko rin po ipabatid sa inyong lahat  ako ay humihingi ng kapatawaran sa lahat ng kasama sa  issue na ito aat alam ko po may rason ang lahat kung bakit nangyari lahat ng ito, ako po’y humuhuling ng konting panahon pa po para hilumin ang sugat na aking nararamdaman pa sa ngayon, Tao lang  po ako di ako bato.  darating din ang panahon ako ang lalapit sa inyo para kausapin KAYO.
MULI PO ANG AKING PASASALAMAT SA SITE  NA ITO, DITO KO PO NAKILALA ANG IBANG KA-BATCH NATIN AFTER 20 YRS. MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT
Ang inyo pong lingkod,
JENNIFER “KOYEN MAHAMOTON” BOBIS