Your SlideShare is downloading. ×
Buod ng biag ni lam ang
Buod ng biag ni lam ang
Buod ng biag ni lam ang
Upcoming SlideShare
Loading in...5

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Buod ng biag ni lam ang

50,502

Published on

3 Comments
8 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
50,502
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
558
Comments
3
Likes
8
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

• 1. Buod ng Biag ni Lam-Ang at Mahahalagang Tala
ni Pedro Bukaneg
Mga Tauhan at Mahahalagang Bagay:

• Lam-Ang – ang pangunahing tauhan at bayani ng epiko. Siya ay inilalarawan bilang isang matapang na mandirigmang may supernatural na lakas.
• 2. Don Juan – ama ni Lam-Ang na pinatay ng mga Igorot. Siya ay isang hasyendero.
• 3. Namongan – ina ni Lam-Ang.
• 4. Ines Kannoyan – ang babaeng inibig at naging asawa ni Lam-Ang.
• 5. Rarang – ang isdang tradisyonal na hinuhuli ng mga bagong kasal na lalaki.
• 6. Berkahan – ang pating na kumain ng buhay kay Lam-Ang.
• 7. Aso at Tandang – and dalawang kasa-kasamang hayop ni Lam-Ang. And dalawang ito ang tumulong kay Lam-Ang sa panliligaw kay Ines Kannoyan. Sila rin ang bumuhay ulit kay Lam-Ang matapos itong makain ng berkahan.
Tagpuan:

• Lambak ng Nalbuan – ang lugar ng kapanganakan ni Lam-Ang.
• 8. Kabundukan ng mga Igorot – kung saan nilabanang mag-isa ni Lam-Ang ang mga Igorot.
• 9. Ilog Amburayan – kung saan naligo ang bagong-laban na si Lam-Ang. Lahat ng nilalang na naninirahan dito’y agad namatay ng naligo dito si Lam-Ang.
• 10. Kalanutian – lugar ng kapanganakan ni Ines Kannoyan.
Buod:

• Sa lambak ng Nalbuan ay may mag-asawang nagngangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit ng manganak si Namongan, napilitan si Don Juan na maglakbay patungong kabundukan ng mga Igorot upang ayusin ang isang gusot.
• 11. Hindi na muling bumalik si Don Juan upang makita ang kaniyang bagong silang na anak.
• 12. Kakaiba ang batang ito sapagkat marunong na itong magsalita agad. Pinangalanan niya ang sarili bilang Lam-Ang at siya narin mismo ang pumili ng kaniyang mga ninong at ninang sa binyag.
• 13. Sa edad na SIYAM NA BUWAN ay nagtungo si Lam-Ang sa kabundukan ng mga Igorot upang hanapin ang kaniyang ama.
• 14. Pagdating niya sa lugar ng mga Igorot ay nakita niya ang putol na ulo ng kaniyang ama. Sa matinding galit ay hinamon at pinatay niya ang lahat ng Igorot na naroroon.
• 15. Matapos nito’y nagtungo siya sa Ilog Amburayan upang linisin ang dungis sa kaniyang katawan. Tinulungan siya ng mga dalagang naroroon sa paglilinis ng katawan. Agad namatay ang lahat ng isdang nasa ilog nang siya’y maligo roon.
• 16. Matapos ay nagtungo siya sa lugar ni Ines Kannoyan upang hingiin ang kamay nito. Ang kaniyang kasamang tandang at aso ang tumulong sa kaniya upang pormal na magpakilala sa dalaga’t magulang nito.
• 17. Hiningian ng bigay-kaya (dowry) si Lam-Ang ng mga magulang ni Ines Kannoyan. Agad nagpadala ng dalawang barkong puno ng ginto ang binata.
• 18. Sila’y kinasal sa isang simbahan. Nagkaroon ng magarbong pagsasaya sa kanilang pag-iisang dibdib.
• 19. Bilang pagtupad sa mga tradisyon, ang bagong kasal na si Lam-Ang ay sinubukang humuli ng raring. Bagamat alam niyang siyang makakain ng berkahan ay nagpatuloy siya. Ngunit bago nito’y ipinagbilin niya sa asawa ang maga dapat gawin kung sakaling mangyari man ang kaniyang inaasahan.
• 20. Nakain nga si Lam-Ang ng berkahan. Ipinasisid ni Ines Kannoyan ang mga buto ni Lam-Ang.
• 21. Sa tulong ng tandang at ng aso, muling nabuhay si Lam-Ang mula sa kaniyang mga buto.
• 22. Masaya at mapayapang namuhay ang mag-asawa matapos nito.
Mga Iba pang Tala:

• Mapapansing may halong Kristyanismo sa epikong ito, sapagkat isinulat ito ni Pedro Bukaneg, na laking Ilocos at pinalaki ng mga pari, mula sa orihinal na epiko ng mga Ilocos. Nahaluan niya ang epikong ito ng ilang mga akdang may kinalaman sa Kristyanismo (i.e. ang pagkamatay ng mga isda sa ilog Amburayan na maihahalintulad sa nangyari sa ilog Nile sa “Seven Plagues”.) Dahil dito, natanggal ang epikong ito sa listahan ng mga orihinal na Asyanong Epiko at Literatura.
• 23. Ang aso sa epiko ay sumisimbolo sa katapangan; Ang tandang naman ay sumisimbolo sa hinaharap.
• 24. Mula ito sa rehiyon ng Ilocos.
Sangunian:
Belvez, Paz M. PAMANA : Katutubong Panitikan at sining ng Pagkukuwento at Pagtula. Manila: Rex Book Store, 1983, pp. 145-147.