• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao
 

Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao

on

  • 26,017 views

Panahon ng Bato

Panahon ng Bato
Panahon ng Metal

Statistics

Views

Total Views
26,017
Views on SlideShare
26,017
Embed Views
0

Actions

Likes
7
Downloads
401
Comments
8

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel

18 of 8 previous next Post a comment

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao Yugto sa Pag-unlad ng Kultura ng Tao Presentation Transcript

    • WELCOME!!!
      TOOURPRESENTATION…
    • PANAHON
      NG PALEOLITIKO,
      NEOLITIKOATMETAL..
    • -Paano nabuhay ang mga tao sa Panahong Paleolitiko? Neolitiko? Metal?
    • 3 Panahong Ebolusyon
      * Paleolitiko
      * Neolitiko
      * Metal
    • Paleolitiko
    • PANAHONG PALEOLITIKO
      Tumagalmulahigitdalawangmilyongtaonhanggang 8,000 B.C angpahanahongito.
      ( Mababa, Gitna at MataasnaPaleolitiko)
      Sa AsyaangpinakamatandanghalimbawangMababangPaleolitiko ay natagpuansaKwebangZoukoudian (Choukoutien) namalapitsa Beijing, Tsina.
      Upangmakagawangisangkasangkapangbato, pinupukpoklamangnilaitokapagnabasagmaarinaitonggamitinangnatapyasbasta’t may talimangmgaito. Tinatawagnilaitongflaked stone stool o tinapyasnakasangkapangbato. Karaniwangmgahand axe at chopper tool angkanilangginagamit.
      Sa timog-kanlurangAsyanama,GitnangAsya at TsinanaginglaganapangteknolohiyangGitnangPaleolitiko.
    • PANAHONG PALEOLITIKO
      Ito ay binubuo sa paggawa ng tinapyas na bato mula sa inihandang upang sadyang tapyasin.. Ikinakabit ang tinapyas sa kahiy at ikinakabit sa sibat.
      Ang mga labi ng Mataas na Paleolitiko ay matatagpuan sa kabuuan ng Asya kabilang na dito ang Siberia at Pilipinas. Kasabay nito ang pagkabuhay ng mga Tabon sa Pilipinas.
      Karaniwang naninirahan ang mga ito sa mga kweba o rock shelter.
      Natuto silang gumamit ng palakol, paet, pana at sibat makalipas ang maraming taon. Nabuhay sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda at pangangalap ng pagkain.
    • PANAHONG PALEOLITIKO
      Natutunan din nila ang pag-ukit, pagliilok, at pagpinta. Ito ay ginamit nila sa pagguhit ng dingding ng kweba at paggawa ng talim ng sibat, kutsilyo at iba pang kagamitan yari sa bato. Sa relihiyon ang mha taong Neanderthal na naipamalas sa pag-aalay ng sakripisyo, pagkain at mga palamuti sa patay.
      Sa Tsina, hinihinala ng mga antropologo na maaaring unang patunay ang ritwal ang hematite. Ginagamit na pangkulay sa mga labi ng namatay.
      Ang paglilibing sa mga namatay kasama ang kanilang kasangkapan ay isa nang indikasyon na may paniniwala na sa kabilang buhay ang mga taong Neanderthal.
    • PANAHONG PALEOLITIKO
      Kaugnayan ng Kapaligiran sa Pamumuhay
      Paleolitiko
      Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa mga taong nabuhay sa panahong ito. Kailangang maiangkop ng mga tao ang kanilang sarili sa uri ng klima, kapaligiran, at sa paraan ng kanilang pamumuhay. Simple lang ang pamumuhay ng tao noon, nakatira sa yungib na lugar, mga ligaw na hayop ang pagkain sa araw-araw.
      Ang pagsamba sa kanilang pinaniniwalaang makapangyarihan sa kanila, ang kalikasan. Itinuturing nilang sagrado ang ganitong mga bagay.
      May mga palatandaan sa hilagang India na ginagamit sa gawaing panrelihiyon ang mga kwebang sinaliksik ng mga antropologo.
    • PANAHONG PALEOLITIKO
      Matatgpuan ang mga Homo Ertectus hindi lamang sa Aprika kundi sa malalamig na lugar sa Tsina, Europa, at Siberia.
      Dahil sa kakayahan ng mga sumunod na taong Paleolitiko na tiisin ang lamig, nagawa nilang manatili at mamuhay sa malalamig na lugar. Pinagdugtong ang pinatuyong mga balat ng hayop at ginawa itong balabal o damit laban sa lamig.
      Sa pagkakatunaw ng yelo bunga ng init, lumitaw ang malalawak na lupain sa hilaga. Lumitaw ang maraming mapagkukunan ng pagkain. Nanirahan ang mga taong paleolitiko.
      Natuto silang maghanap ng makakain at sa halip na malalaking kasangkapang bato ang gamitin, gumamit sila ng blade na kanilang pinagdurugtong upang makalikha ng bagong kagamitan.
    • NEOLITIKO
    • PANAHONG NEOLITIKO
      Nagsimula ang panahin ng bagong bato o Panahong Neolitiko noong 8,000 B.C.
      Lumaganap sa maraming bahagi ng mundo ang produksyon ng pagkain. Kabilng na dito ang mga butil, (wheat, barley, millet) at iba pang halaman, gayundin ang paghahayupan o pag-aalaga ng hayop tulan ng tupa, kambing at baka.
      Sadya ang paghugis at pagkinis ng mga taong Neolitiko sa mga batong gamit sa samu’t sari at malilikhang gawain.
      Lumitaw ang busog at pana, gayundin ang iba pang gamit sa pagtatanim at pag-aani ng mga butil. Bumilis ang paggawa ng mga palayok at pagtatayo ng mga kamarin na taguan ng mga ani.
      Bunga ng pagdami ng tao at pagliit ng panustos ng naani sa iba’t ibang kadahilanan, sinubukan na magtanim ng butil (trigo o barley) sa mababang lugar sa kabundukan.
    • PANAHONG NEOLITIKO
      Bunga ng pagdami ng panustos ng pagkain, lalong lumaganap ang pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Nakabuo sila ng nayon. Bumilis ang pagdami ng populasyon. Nagsimulang magkaroon ng simpleng sistema ng pamamahala lalo na sa pagpapalitan ng produkto.
      Unti-unting humiwalay sa karaniwang gawain ang mga espesyalista sa mga gawaing ritwal. Lalong sumigla ang pagpapalitan ng kalakal.
      Bunga ng pagbabagong ito gayundin ang pagkakatuklas sa metal bilang materyal sa paggawa, lumitaw ang mga estadong lungsod at ang tonawag na buhay-lungsod o sibilisasyon.
      Lumaganap sa Taiwan, Pilipinas at Indonesia hanggang sa pulo ng Pasipiko sa silangan at sa Pulo ng Madagascar sa may Aprika sa Kanluran.
    • PANAHONG NEOLITIKO
      Kaugnayan ng Kapaligiran sa Pamumuhay
      Neolitiko
      Bumilis ang ginawang pagbabago ng tao sa mga likas na anyo ng mga bagay sa kapaigiran at sa kapaigiran mismo. Natuto silang magsaka sa mga lugar na dating tirahan ng maiilap na hayop. Nangangaso at nangingisda habang nag-aantay ng anihan.
      Pinakamalaking pagbabago sa kapaligiran ang nagawa ng pamumuhay na Neolitiko. Pati ang pagdaloy ng ilog ay pinakialaman upang malagyan ng tubig ang mga lugar na dati ay iang.
      Higit na mabilis ngayon maunawaan ng mga taong Neolitiko ang kanilang kapaligiran. Bukod sa marami na silang panahon upang magmasid sa kalikasan, may marunong din sa pagbibigay-kahulugan sa pahiwatig ng kalikasan.
    • PANAHONG NEOLITIKO
      Sa timog-silangang Asya, ang pagtaas ng dagat simula 6000 B.C ay napalitaw ng iba’t ibang uri ng kapaligiran kung kaya umayon dito ang pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
      Natutuhan ng mga taga-Timog-silangang Asya ang paglikha ng mga sasakyang-dagat na may iba’t ibang disenyo. Humusay rin sa kanilang kakayahan sa nabigasyon o paglalakbay-dagat. Natutuhan nila ang iba’t ibang anyo ng alon, ang paggamit sa mga bituin at hangin bilang gabay sa paglalakbay.
      Noong 5000 B.C., sinimulan ng mga nagsasalita ng wikang Austronesyano ang pagtawid sa dagat. Lumaganap sila sa Taiwan, Pilipinas at Indonesia hanggang sa mga Pulo na Pasipiko sa silangan at sa pulo ng Madagascar sa may Aprika sa kanluran.
    • Metal
    • PANAHONG METAL
      Tinataya ng mga Arkeologo na ang panahon ng metal sa Timog-kanlurang Asya ay nagsimula noong ikapitong milenyo B.C. May tallong uri ng meta na ginamit ang mga tao bilang materyal sa paggawa ng kasangkapan – tanso, bronse (halo ng tanso at tin) at bakal. Nagsimula ang paggamit sa tanso bilang kasangkapan noong 6250 B.C, sa bronse noong 3000 B.C at sa bakal noong 1000 B.C.
      Maagang namulat sa mga tao ang mga metal na ito. Ngunit matagal bago nila natuklasan ang paggamit sa mga ito bilang materyal sa paggawa ng kasangkapan.
      Nauna na ginamit ang bronse kaysa baka kahit kilala na at maraming mapagkukunan itong huli.
    • PANAHONG METAL
      Ang Catal Huyuk sa Turkey ang isa sa mga kinatagpuan ng mga unang gumamit ng tanso bilang kasangkapan. Nakatagpo rito ng mga karayom na yari sa tanso na hinihinalang kanilang ginamit sa paghahabi ng kanilang damit.
      Ginamit naman ito sa Chaldea sa paggawa ng mga luhuan, kubyertos, at palamuti noong ikaapat na milenyo B.C.
      Isa sa mga natuklasang materyal ang mga arkeologo ay ang bronse na pinaghalong tanso at tin. Kung tutuusin, higit na matigas ang bronse sa tanso.Subalit higit na mabilis matunaw ang bronse kung kaya naging madali para sa mga sinaunang taong ihulma ito sa iba’t ibang hugis. Hindi ito basta basta masisira ng kalawang.
    • PANAHONG METAL
      Sa hilaga-silangang Thailand at hilagang Vietnam, may mga natagpuang patunay ng paggawa ng bronse noong papatapos ang 3000 B.C.
      Kung ihahambing sa gamit na gawa sa bato, higit na matibay, matigas at matalas ang mga kasangkapang yari sa metal. Madali pa itong ihulma sa iba’t ibang hugis at gamit, nang matutuhan at mapaunlad ng mga sinaunang tao ang agham at sining ng metalurhiya ng metal.
      Sa paggamit ng meat bilang materyal sa paggawa ng kasangkapan, higit na bumilis ang produksyon ng pagkain na nagpagaan sa buhay ng marami.
      Sa pagdami ng pagkain, bumilis ang pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
    • PANAHONG METAL
      Malaki ang naitulong ng metal sa urbanisasyon. Dahil may labis na produksyon ng pagkain, maraming tao ang nagkaroon ng pagkain, maraming tao ang nagkaroon ng maraming oras, kung hindi man nalibre sa pagsasaka, upang paunlarin ang kanilang kalaaman sa paggawa ng iba sa paghahayupan, mayroon sa pagpapanday, ang ibang tao sa konstruksyon, ang ilan sa gawaing administrasyon.
      Lahat ng ito ay nabuo sa tulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao na sanhi ng paggamit ng tanso, bronse, at baka bilang mga materyal sa paggawa ng kanilang kasangkapan.
    • THE END