Filipino report

2,199 views
1,826 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
2,199
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
208
Actions
Shares
0
Downloads
9
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Filipino report

  1. 1. Ni: Ruby Shelah P. Dunque MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT
  2. 2.  Ito daw ay natural na biyaya at hindi natututunan.  Ang iba naman ay magaling sa larangang ito at hindi sila nababagay.  Ito ay nagreresulta sa pag-iwas at hindi pagbibgay nang kanilang buong kakayanan sa pagsulat.  Hindi nagpupursigeng matuto dahil sa “wala kasi silang talento sa pagsulat” na tinatatak sa kanilang isipan.
  3. 3.  Writing is a skill  Ito ay isang kasanayan na gaya nang ibang mga gawain na natututunan.  Maraming taong nahihirapan sa matindi at mabilisang pag-iisip na hiningi sa pagsulat.  Isang nakapanlulumong katotohanan na napakahirap isalin sa salita ang mga ideya at saloobin.  Ang pagsulat ay hindi isang awtomatikong proseso. Ito ay pinaghihirapan at pinaglalaanan ng panahon.
  4. 4.  Ang magandang teksto ay bunga nag determinasyon, pawis, at pakikipagbuno ng isipan.  Ang kasanayang pagsulat ay natututuhan at nadedebelop, at kung magtitiyaga kang pag aralan, makakamit mo ang mataas na antas sa kasanayang ito.  Ang pagsulat ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan.  Hindi ito isang opsyon, ito ay isang PANGANGAILANGAN.
  5. 5.  Sa pagsulat naipapasa ng isang tao ang kanyang ideya. Naipipreserba ang mga katangi-tanging mga ideya na maaring kapupulutan ng kaalaman o aral sa buhay.  Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o ano mang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. (Bernales, et al.) KAHULUGAN AT KALIKASAN
  6. 6.  Isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.  Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. (Xing at Jin)  Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. (Keller)  Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
  7. 7.  Sosyo- ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.  Kognitibo- ay ano mang tumutukoy sa pag-iisip.  Nauugnay rin ito sa empirikal o paktuwal na kaalaman.  Ito ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti.  Kung gayon, ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong proseso ng pakikipag- usap sa sarili. SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW SA PAGSULAT
  8. 8.  Ekspresibo- pagpapahayag ng iniisip o nadarama.  Transaksyonal- ito ay nasasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. E.g. liham-pangangalakal  Impormatibong pagsulat (expository writing)- ay naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag. E.g. pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estadistika na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report MGA LAYUNIN SA PAGSULAT
  9. 9.  Mapanghikayat na pagsulat (persuasive writing)- ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa sa isang katuwiran, opinyon o paniniwala.  Malikhaing pagsulat- ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda.  Pormularing pagsulat- isang matas at estandardisadong pagsulat katulad ng mga kasulatan/kasunduan sa negosyo/bisnes at iba pang transaksyong legal.
  10. 10. A. PAKSA • Ang imbensyon sa salitang latin na nangangahulugang “to find”. Ito ay nakatuon sa kung ano ang sasabihin. Sa simpleng salita, maari din itong tukuyin bilang PAKSA. • Dito nagsisimula ang proseso sa pagsulat, na siyang iikutin ng sulatin. • Naaangkop sa sitwasyon at mambabasa, napapanahon at kawili- wili. • Pagplanuhan ng maige ang pagpili ng paksa. ELEMENTO NG PAGSULAT
  11. 11. B. LAYUNIN • Sa isang manunulat, ang pagsulat ay karaniwang daan sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin, ng kaniyang mga kaisipan at ng kanyang mga mithiin. • Ang isang akda ay maituturing na ekstensyon ng isang manunulat dahil siya ang nagmamy-ari ng kaniyang mga kaisipan.
  12. 12. C. PAGSASAWIKA NG IDEYA • Ang ideya ay kaisipan ng isang tao tungkol sa isang paksa. • Mahalaga, kung gayon, ang lingguwistik kompetens dahil dito masusukat ang kakayahan ng isang manunulat. • Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika ng isang akda. Walang akda kung walang wika. • Sa mga salitang mapipili, maipapahayag natin ang ating sariling damdamin kaugnay ng paksa, kung tayo ba ay natutuwa o naiinis, nawiwili ba tayo o naaasiwa. Ito din ang nagbibigay ng tono na nagbibigay ideya kung ano ang damdamin ng may akda ukol sa kaniyang paksa.
  13. 13. D. MAMBABASA • Malaki ang papel na ginagampanan ng mambabasa sa ating pagsusulat. Dahil kilala natin ang ating mambabasa, tinatangka nating ibigay sa kanila ang sa ating pakiwari ay siyang ninanais nila. • Kung walang mambabasa, hindi tayo maituturing na manunulat.
  14. 14.  Sa pagbuo ng bagay, karaniwang may sinusunod tayong serye ng mga hakbang.  Dumedepende tayo sa mga proseso upang makaalis sa mga blangkong papel at makarating sa isang magandang teksto.  Ang mga prosesong bago sumulat (prewriting), habang sumusulat (actual writing), at paghuli’y, pagkatapos sumulat (rewriting) ay malaking tulong sa pagsulat ng isang magandang tekstong ekspositori. PROSESO SA PAGSULAT
  15. 15. 1. Mga teknik sa pagdebelop ng tekstong ekspositori a. Malayang pagsulat (Freewriting p writing freely)- ito ay pagsusulat ng mga pangungusap o parirala sa papel nang tuloy- tuloy hanggang makabuo ka ng burador. a. Pagtatanong (Questioning)- ito ay maaring pangaglingan ng ideya at detalye na posibleng magamit sa pagsusulat. a. Paglilista (Listing)- ito rin ang tinatawag na brainstorming b. Pagkaklaster (Clustering)- o diagramming c. Pagbabalangkas (Preparing an outline) A. BAGO SUMULAT
  16. 16. 2. Paraan ng Pagsulat a. Impormal na balangkas- gamitin lamang sa pagpaplano ng susulatin a. Balangkas na pangungusap- mas debelop ito kumpara sa impormal na balangkas. a. Pormal na balangkas- ito hindi ginagamit sa pagpaplano ng pagbubuo ng teksto.
  17. 17.  Ang hakbang na ito ay nakakaaliw at nakakapagod na bahagi.  Dito masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat. B. HABANG SUMUSULAT
  18. 18. 1. Magsimula sa isang paksang pangungusap 2. Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan 3. Ayusimn at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya 4. Isulat nang malinaw o erroe-free ang pangungusap.
  19. 19.  Sa yugtong ito kinakailangan ng tiyaga. Dahil posibleng mayari ang pagkakontento pagkatapos ng pahirapang pagsulat.  Dapat iwasan ang ganitong pakiramdam upang matamo ang isang epiktibong teksto.  Revising is the essence of writing ayon kay Rozakis. Kahit pa nga propesyonal na manunulat ay nagrerebisa gaya nina E.B. White at James Thurber na kilala sa pagre-rewrite ng kanilang akda nang walo o siyam na ulit.  Sa pagrerebisa, pinaghuhusay mo ang iyong akda sa lahat ng antas: salita, pangungusap, talata at kabuuan. C. PAGKATAPOS SUMULAT
  20. 20.  Mga dapat isaalang-alang sa parerebisa: 1. Kohirens- kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya 2. Kaisahan- ang mga ideya ay malinaw na magkaugnay sa isa’t isa at umiikot ang talakay sa isang sentral na ideya. 3. Empasis- ang mahalagang salita o punto ay dapat nakahaylayt o nabibigyang diin. 4. Kasapatan- sapat ang mga materyal para suportahan ang paksang tinatalakay. 5. Kasanayan sa pangungusap- tamang pagbabantas, ispelling, at maging pormat

×