Your SlideShare is downloading. ×
Elemento Ng Tula
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Saving this for later?

Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime - even offline.

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply

Elemento Ng Tula

468,412
views

Published on

Published in: Education, Technology

76 Comments
36 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
468,412
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
19
Actions
Shares
0
Downloads
2,602
Comments
76
Likes
36
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. Tula – isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
  • 2. Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
  • 3.
    • Elemento
    • Sukat
    • Saknong
    • Tugma
    • Kariktan
    • talinhaga
  • 4. SUKAT Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
  • 5. Mga uri ng sukat 1. Wawaluhin – hal. Isda ko sa Mariveles - Nasa loob ang kaliskis
  • 6. Mga Elemento ng Tula
  • 7. 2. Lalabindalawahin – hal. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat
  • 8. 3. lalabing-animin – hal. Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
  • 9. 4. Lalabingwaluhin – hal. Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay
  • 10. Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay may Cesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig. Halimbawa: Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pg-ibig!
  • 11. Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones. Ito ang tinatawag na Haiku, na may limang pantig lamang sa loob ng isang saknong at Tanaga na may pitong pantig sa loob ng isang saknong.
  • 12. Saknong Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 6 linya - sestet 3 linya - tercet 7 linya - septet 4 linya - quatrain 8 linya - octave 5 linya – quintet Ang couplets, tercets at quatrains ang mada- las na ginagamit sa mga tula.
  • 13. TUGMA Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
  • 14.
    • MGA URI NG TUGMA
    • Tugma sa patinig
    • hal. Mahirap sumay a
    • Ang taong may sal a
    • hal. Kapagka ang tao sa saya’y nagaw i
    • Minsa’y nalilimot ang wastong ugal i
  • 15. Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasu- nod o salitan. hal. a a a a a i a i a a i i
  • 16. 2. Tugma sa katinig a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t hal. Malungkot balikan ang taong lumipa s Nang siya sa sinta ay kinapos-pala d b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kama y Ni hindi matingnan ang sikat ng ara w
  • 17. KARIKATAN Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
  • 18. TALINHAGA Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na bina- banggit. Ito’y isang sangkap ng tula Na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
  • 19. Binuo ni ROSEMELYN T. RANCHES Guro sa Filipino Quezon City High School