Your SlideShare is downloading. ×
Mga Tanong at Sagot sa RH Bill
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Introducing the official SlideShare app

Stunning, full-screen experience for iPhone and Android

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply

Mga Tanong at Sagot sa RH Bill

7,606
views

Published on


0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
7,606
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
60
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. Mga Tanong at Sagot Tungkol sa RH Bill 4244Ni Teresa R. Tunay, OCDS
  • 2. Tanong 1. Wala po kaming panahongbasahin at unawain ang kopya ng RH Bill. Ano po ba talagaang kontrobersyal na RH Bill?
  • 3. Sagot: Ito ang Reproductive Health Bill 4244, na naka-base sa paniniwalang labis nang lumoloboang populasyon ng Pilipinas na siyangnagiging sanhi ng lubos na paghihirap. Maraming ulit na itong isinususog sakongreso ng Pilipinas ngunit hindi ito makapasa para maging batas.
  • 4. Tanong 2 Bakit po hindi itomakapasa, samantalang sabi po sa debate ay mabuti daw ito?
  • 5. Sagot: Kung lubos na mabuti ito, di sana’y matagal na itong naging batas. Marami pong mga bagay sa RH Bill ang tinututulan ng maraming kongresista, unang- una ay yung pinagpipilitang angBill daw ang solusyon sa kahirapan - ang pagliitin ang populasyon.
  • 6. Pakay ng RH Bill na mamigay ang gobyerno nang libre sa mahihirap ng mga gamot at serbisyong makapipigil sa pagbubuntis, tulad ng mga birth controlpills, condoms, IUD, ineksiyon, atbp.
  • 7. Isinasaad sa Sec. 10 ng Bill naang mga ito ay dapat ibilang na mga “essential medicines and supplies of all national and local hospitals and other government health units”.
  • 8. Humihingi ang RH Bill ngbudget na P13.7 Billion, nakukunin sa kaban ng bayan, sa mga mamamayang nagbabayad ng buwis.
  • 9. Ang higit na makikinabang at tutubo mula dito ay ang mga pharmaceutical companiespagkat gagawin nang batas ang pagbili ng kanilang mga produkto.
  • 10. Ibig sabihin, kapag nilabag mo,paparusahan ka dahil batas na ito.
  • 11. Ayon sa mga tumututol, hindi tama na ilagay sa panganib ang kalusugan ng mga ina atkababaihan sa paggamit ng mganaturang gamot at serbisyong ito na ayon sa mga pagsusuri ng medisina sa buong mundo ay nakapipinsala sa kalusugan ng gagamit.
  • 12. Makabubuti pa raw na ang salapi ay gugulin na lamang sa mga bagay na higit na kailangan at makatutulong sa pag-unlad ngbansa, tulad ng pagpapagawa ngmga eskwelahan, kalsada, balonng tubig, ospital, at sa pagbibigayng hanapbuhay ng mga maralita.
  • 13. Tanong 3Totoo po ba na sa RH Bill ay bibigyan ng sex educationang mga bata kahit Grade V pa lang?
  • 14. Sagot: Totoo po. Yun po ay nasa SEC. 16.“Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education.”
  • 15. Lahat ng mga estudyante mula Grade V to 4th year high school ay ipapailalim sa “sexuality education” kung saan matututuhannila ang pagpaplano ng pamilya hindilamang sa natural na paraan kundi sa paggamit ng mga makakapigil ng pagbubuntis tulad ng condom at pildoras.
  • 16. Kasama din sa mga ituturo ayang tinatawag nilang “safe sex” o pakikipagtalik nang hindihahantong sa pagbubuntis o sa pagkahawa sa sakit ng katalik (AIDS, halimbawa).
  • 17. Tanong 4 Anim na taong sexeducation? Wala po bangexemption diyan? Paanokung ayaw ng magulang?
  • 18. Sagot: Opo, anim na taon, atwala pong takas ang bata ditosapagka’t ipapaloob ang “sex education” sa iba’t ibang subjects tulad ng Math, Physical Education, Social Studies, Values Education, atbp.
  • 19. Hindi rin po masasabi ng magulang na ipinilit sa anak nila ang Sex Education, sapagkat hindi ito “optional” o magiging bukod na subject kundi sangkap ng bawatsubject, sa buong anim na taon.
  • 20. At “mandatory” po ito, ibig sabihin, kailangan itong pag- aralan ng bawat bata sapagkatlahat po ng paaralan ay kailangang sumang-ayon dito, kahit po mga paaralan ng mga Muslim o Katoliko. Kahit ayaw ng mga magulang, wala silang magagawa.
  • 21. Tanong 5Mahaba-haba din ang anim na taon; ano po ang magiging epekto ng ganoong uri ng “sex education” sa pamilya?
  • 22. Sagot: Bagama’t ayon sa RH Bill, magsasanay sila ng mga guro at iaakma raw angpagtuturo ng “sex education”sa edad ng mga bata, marami pong mga magulang ang nababahala dito.
  • 23. Hindi daw tama na gampananng pamahalaan ang karapatan at pananagutan ng mga magulang na magturo sa kanilang mga anak ayon sa kanilang paniniwala.
  • 24. Hindi raw tumpak na dumiretso ang gobyerno sa mga bata. Ayon sa atingConstitution, dapat suportahan - hindi pangunahan ng gobyerno - ang pamilya.
  • 25. Papaano kung ang gustongituro sa paaralan ay taliwas sa nais ng mga magulang namatutunan ng mga anak nila?
  • 26. Kung hangad ng gobyerno na tulungan ang mga anak ng mahihirap, dapat daw ay turuannila ang mga magulang at hayaangang mga ito ang pumili ng ituturo sa kabataan, pagkat sila angnakakikilala ng kahandaan ng isip ng kanilang mga anak.
  • 27. Tutol sila na anim na tao na pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa“sexuality” na sisimulan habang mura pa ang isipan ng mga bata, sapagka’t sa loob ng panahong ito, maaaring humantong sa hindi tamang pag- unawa ang mga bata tungkol sa katawan nila, lalo na’t libre ang mga gamot at serbisyong pipigil sa pagbubuntis.
  • 28. Tanong 6 Parang mali na ipilit yan sa pamilyang Pilipino dahilnababale-wala ang Constitution at ginagawa lang tayong gaya-gaya sa mga Amerikano?
  • 29. Sagot: Tama, pati ang mga matatanda ay apektado rin:(a) Ang mga may-ari ng pagawaan o opisina (employers) ay mapipilitang magbigay ng “reproductive health services” sakanilang mga empleyado, kahit na tutol ang konsiyensya nila dito;
  • 30. (b) Ang mga “health care providers”(doctors, nurses, midwives, atbp.) ay dapat handang magbigay ngmga gamot na kontra-pagbubuntis o magsagawa ng vasectomy oligation (pagtatali sa lalaki man o babae) kahit salungat sa turo ng kanilang relihiyon.
  • 31. Ang hindi tutupad sa sinasaad ng batas ay makukulong. Ito ay paglabag sa Art. III, Sec. 5 ng ating Constitution na gumagarantiya“…The free exercise and enjoymentof religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.”
  • 32. Tanong 7 Paano lalabag saConstitution ang pamimigay ng contraceptive pills gayong libre naman ito?
  • 33. Sagot: Walang birth control pills na 100% epektibo sa pagpigil sa paglilihi. Kahit na umiinom nito ang babae, maaari pa ringmagtagpo sa pagtatalik ang itlog ng babae at semilya ng lalaki at mabuo ng bagong tao—ito ang “fertilization” at “moment of conception”.
  • 34. Ngunit kahit maganap ang “fertilization,” sa isang babaeng nagpi-pills, ang “lining” ngkanyang bahay-bata ay pinaninipis na ng pills, kaya ito ay magiging tuyo at manipis na, kaya hindi na kakapit ang “fertilized egg.”
  • 35. Ito ang sinasabing “abortifacient effect” o “chemical abortion,” samadaling salita, kinikitil nitoang bagong nilalang na nasa sinapupunan.
  • 36. Ang “fertilized egg” ay hindi na kakapit sa matres at bagkus ayilalabas na lamang ito ng katawan na parang namuong dugo (blood clot) kasama ng regla. Ang totoo, ang “namuong dugo” ay tao na, miyembro na ng pamilya.
  • 37. Ang “chemical abortion” ay labag sa Art. II, Sec. 10 ng Constitution na nagsasabing: “The State recognizes the sanctity of family life and shallprotect and strengthen the family as abasic autonomous social institution. It shall equally protect the life of themother and the life of the unborn from conception…”
  • 38. Tanong 8 Kung hindi naman po contraceptive pills ang gamit ng mag-asawa kundi pagpapatali, siguro naman ayhindi na ito labag sa Constitutionsapagka’t wala pa naman buhay na kinikitil ang vasectomy o ligation?
  • 39. Sagot: Kapag naging batas ang RH Bill, kahit ang pagpapatali ay maaari nang maging sanhi ng pagkakasira ng mag-asawahan sapagkat ipapahintulot ng batas ang vasectomy at ligation kahit walang pahintulot ang asawa.
  • 40. Puwede nangmagpa-vasectomy si mister o magpa-ligate si misis nang walang paalam sa isa’t isa. Sa madaling salita, walang pakialaman.
  • 41. Isinusulong ng RH Bill sa tiyak na pagkasira ang pamilya at ang pag- aasawahan - isang tahasang paglabag sa Art. XV, Sec. 2 ng Constitution na nagsasabi: “Marriage, as an inviolable socialinstitution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.”
  • 42. Sa paningin ng Constitution ang pag-aasawahan ayisang sagradong pundasyon ng lipunan na dapat pangalagaan ng estado.
  • 43. Sisirain ng RH Bill ang pundasyong ito: ang paggalang ng mag-asawa sa isa’t isa, ang pag-uusap, pagkakasundo at pagpapasiyanang maayos, bagkus ay ginagawa nitong tama ang “kanya-kanya mentality” na nakikita natingsimula ng pagkakawatak-watak ng pamilya.
  • 44. Tanong 9Kung hindi po mapo-protektahan ng estado ang pamilya at pag-aasawahan, paano na po ang mga kabataan na anak ng mga pamilyang ito?
  • 45. Sagot: Iyon nga angnapakakatakot. Sa RH Bill, pati na ang mga menor de edad nadalagita na inaabuso o nabuntis ay maaari nang gumamit ng “reproductive health services”nang hindi na kailangang humingi ng pahintulot sa magulang.
  • 46. Kung magagalit at tututol ang mga magulang sa ibibigay ngmga “health centers” maaaring magsumbong ang anak at makulong pa ang mga “nakikialam” na magulang.
  • 47. Kung libre na nga ang mga pampigil sa pagbubuntis at hindi na rin maaaringpakialaman ng magulang ang kanilang mga dalagita,malamang na ikapaririwara na ito ng mga kabataan.
  • 48. Kaya’t lalabagin ng RH Bill anglikas at pangunahing karapatan ng mga magulang na palakihin at arugain ang kanilang mga anak upang maging mabubuting mamamayan, na nakasaad po sa Art. II, Sec. 12 ng ating Constitution:
  • 49. “…The natural and primary rightand duty of parents, in the rearingof the youth for civic efficiency and the development of moralcharacter, shall receive the support of the Government.”
  • 50. Tanong 10 Nakakatakot namang isipin namagiging sapilitan ang pagsunod sa mga patakarang iyan! Ano po angmangyayari kung hindi kami sasang-ayon kung sakaling maging batas na ang RH Bill?
  • 51. Sagot: Parurusahan ang kahitsinong tao na maghahayag ng opinion o impormasyon nakontra sa hangad at nilalamanng RH Bill kapag naging batas ito.
  • 52. Halimbawa, ang mga komentarista sa radyo, kolumnista sa diyaryo, mga guro, mga magra- rally o nagse-sermon—maaaring makulong kapag hayagan nilang kinalaban ang batas na ito.
  • 53. Samakatuwid, susuway ang RH Bill sa Art. III, Sec. 4 ng ating Constitution na nagsasabing“No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press...”
  • 54. Kaya hindi tama na ipasa ito at gawing batas sapagkat lalagyan nito ng busal ang mga tao athahadlangan ang ating karapatang magpahayag ng sarili ng buong laya.
  • 55. Tanong 11 Ang ibig bang sabihin ayparurusahan ang kokontra saRH Bill kapag naging batas na iyon? Ano naman po ang parusa sa mga susuway?
  • 56. Sagot: Opo, ang sino manglalabag ay maaaring makulong o mamultahan.
  • 57. Halimbawa, sa paaralan, may isang babaeng high school student na hihingi ng “morning after pill”—isang pildoras na iniinom ng babae kapag nakipag-sex siya nang walang “proteksyon” laban sa pagbubuntis noong nakaraang gabi;
  • 58. …tinitiyak ng “morning-after pill” na dadating ang regla niya, kahit nagkataong “fertile” siya noonggabing iyon, sapagka’t kaya nitongpatayin ang kahit limang-araw nagulang na buhay sa sinapupunan.
  • 59. Kung ikaw na nurse ay hindimagbibigay ng pill sa humihingi dahil alam mong “abortifacient” iyon atnakalalaglag, paparusahan ka – kulong o multa.
  • 60. Ayon sa Sec. 29 ng RH Bill: “Anyviolation of this Act or commission of the foregoing prohibited acts shall be penalized by imprisonment, ranging from one month to six months or a fine of Ten Thousand (P 10,000.00) to Fifty Thousand Pesos (P50,000.00)”.
  • 61. Tanong 12Bakit sa mga debate sa TV, lagingsabi ng mga sponsors ng RH Bill at ng mga artista sa panig nila, namakabubuti raw ito sa kalusugan ng mga ina at kababaihan, at“women empowerment” pa daw iyon, kaya sino ba aayaw doon?
  • 62. Sagot: Siyempre, sino nga ba ang hindi magkakagusto samabubuting puntos ng RH Bill?
  • 63. Ang totoo - ang matatawag na mabubuting bahagi ng RH Bill,yung mangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan ay napaloloob na pong lahat sa tinatawag nating “Magna Carta for Women.”
  • 64. Samakatuwid, may batas na dito, at kailangan lamang aymaigting na pagpapatupad! Ito’ybuong giting pong ipinapaliwanagng mga Kongresistang tutol sa RH Bill sa Batasang Pambansa kungsaan masusing sinisiyasat ang RH Bill.
  • 65. Wika nila, kapag inalis sa RH Bill ang mga puntos na sakop na ng “Magna Carta for Women,” walanang matitira kundi ang mga hindi kanais-nais na parte na ating tinatalakay dito.
  • 66. Tanong 13May magagawa ba kami para mahinto ang pagsulong ng RH Bill?
  • 67. Sagot: Malaki. Simulan natin sapag-iisip para matunton natin angkatotohanan: Bakit isinusulong ng RH Bill ang mga gamot at serbisyong napatunayan na ngmedisinang nagdudulot ng higit napanganib kaysa tulong sa katawan ng babae?
  • 68. Bakit gagastahan ng gobyerno ng bilyon-bilyong piso ang mga gamot at serbisyong ito para pigilin diumano ang paglobo ng populasyon—na para ba itong sakit o epidemic na dapat sugpuin?
  • 69. Bakit sapilitang isasagawa ito sapamamagitan ng pagpaparusa sa mga hindi sumasang-ayon?Bakit nais simulan ng RH Bill ang pagtuturo ng pananaw nito sa ating mga kabataan?
  • 70. Ang paniniwala na ang malaking populasyon natin ang ugat ngating kahirapan ay mula sa isipang banyaga na pilit ipinalululon ng RH Bill sa ating mga Pilipino.
  • 71. Idilat natin ang ating mga mataat tunghayan kung ano ang sinapit ng mga bansang nagpasa ng sistema ng RH Bill.
  • 72. Nakakagimbal ang pagdami ng sakit ng mga babae dulot ng paggamit ng contraceptive drugs and devices; pagkaubos ng lahi at pagtanda ng populasyon pagkat ayaw o hindi namag-anak ang karamihan; pagkalat ng AIDS at iba pang mga sexually transmitted diseases (STD, o mga sakit na nakukuha sa pagtatalik).
  • 73. Higit na pagdami ng pagbubuntis ng mga dalagita at higit na pagdami ng kasong aborsyon(kapag pumalpak ang inaasahangcontraceptive drugs and devices);
  • 74. Pagtaas ng bilang ng diborsyo;patuloy na pagkakawatak-watakng mga pamilya, at marami pang ibang hindi natin kailanman nanaising mangyari sa ating bayan.
  • 75. Tayo lamang mga Pilipino ang makapagsasabi kung paano natin lulutasin ang ating kahirapan.
  • 76. Nawa’y makita ng lahat ng ating mga namumuno at mga mambabatas na tayo ay may sariling lakas, yaman at talino upang unawain at umahon sa ating kinasadlakang kahirapan, upang sa halip na higit tayong pahirapan ngRH Bill ay magkaisa tayo tungo sa ganapna pag-unlad ng sambayanang Pilipino.