Pang Abay

13,433 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
3 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
13,433
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
7
Actions
Shares
0
Downloads
344
Comments
0
Likes
3
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Pang Abay

  1. 1. PANG-ABAY
  2. 2. • Istruktural na kahulugan: ang pang- abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala. • Pansemantikang kahulugan: ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang- uri o sa iba pang pang-abay.
  3. 3. Mga Uri ng Pang-Abay
  4. 4. Pang-abay na Kataga o Ingklitik  Mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. • Ba daw/raw pala man • Kasi din/rin tuloy muna • Kaya naman nga lamang/lang • Na yata pa sana
  5. 5. Halimbawa: • Nailigtas ba ang mga minerong natabunan sa minahan? • Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna. • Kumain muna kayo bago umalis. • Matalino naman siya kahit masungit.
  6. 6. Pang-abay na salita o parirala 1. Pang-abay na Pamanahon: ay nagsasaad kung kalian naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Pamanahong may Pananda (nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang) Halimbawa: • Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw? • Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan. • Tuwing Pasko ay nagtitipun-tipon silang mag- anak.
  7. 7. Pamanahong walang Pananda (kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atb.) Halimbawa: • Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP. • Panauhing pandangal ang Pangulong Marcos sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM mamaya. • Ipinagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.
  8. 8. Pamanahong nagsasaad ng Dalas (araw-araw, oras-oras, taun-taon, atb.) Halimbawa: • Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. • Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan. • Taun-taon ay dapat tayong magbayad ng buwis para sa ikapagtatagumpay ng mga proyekto ng pamahalaan.
  9. 9. 2. Pang-abay na Panlunan: tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa: • sa + pangngalang pambalana  Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. • sa + pangngalang pantanging di ngalan ng tao  Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo, at sa PNC tungkol sa wika
  10. 10. • sa + panghalip na panao  Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo. • sa + panghalip na pamatnig  Nagluto sa ganito ang kanyang ina. • Kay/kina + pangngalang pantanging ngalan ng tao  Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.  Sasama ako kay Mitch para gumawa ng takdang aralin.
  11. 11. 3. Pang-abay na Pamaraan: ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahayag ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa. Halimbawa: • Kinamayan niya ako nang mahigpit. • Natulog siya nang patagilid. • Bakit siya umalis na umiiyak?
  12. 12. 4. Pang-abay na Pang-agam: ang tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: • Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. • Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas. • Waring natutupad din ang ating mga pangarap.
  13. 13. 5. Pang-abay na Kundisyunal: nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Pinangungunahan ng kung, kapag, o pag, at pagka- Halimbawa: • Matutupad ang mga layunin ng ating pamahalaan para sa bayan kung buong-puso tayong makikipagtulungan sa mga maykapangyarihan. • Luluwang ang ekonomiya ng bayan kapag nakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin. • Maraming dolyar ang papasok sa Pilipinas kapag nakapagbibili tayo ng langis sa ibang bansa.
  14. 14. 6. Pang-abay na Panang-ayon: ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa ganitong pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb. Halimbawa: • Opo, susundin ko po ang utos ninyo. • Tunay, na maganda siya.
  15. 15. 7. Pang-abay na Pananggi: yaong pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi. Tulad ng hindi/di at ayaw. Halimbawa: • Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser. • Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo.
  16. 16. 8. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat: yaong nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano? Halimbawa: • Tumaba ako nang limang libra. • Dinagdagan niya ang biniling lansones nang apat na guhit. • Tumagal nang limang oras ang operasyon niya.
  17. 17. 9. Pang-abay na Kusatibo: nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa: • Nagkasakit si Mhina dahil sa pagpapabaya sa katawan. • Mapapaniwala ko siya dahil dito.
  18. 18. 10. Pang-abay na Benepaktibo: nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: • Mag-aroskaldo ka para sa maysakit. • Magbenta ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo.
  19. 19. 11. Pang-abay na Pangkaukulan: pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol. Halimbawa: • Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang. • Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo.
  20. 20. 12. Pang-abay na pamitagan: nagsasad ng paggalang. Halimbawa: • Kailan po kayo uuwi? • Opo, aakyat na po ako.

×