-47625-104775Perez, Raphael Ray L.Prof. Diosdado Franco
BSCP / 4th yr. – 3s      HIST1013 – Buhay, Gawain, at Mga <br...
Rizal reaction paper
Rizal reaction paper
Rizal reaction paper
Upcoming SlideShare
Loading in...5

Rizal reaction paper

10,500

Published on

1 Comment
1 Like
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
10,500
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
53
Comments
1
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Rizal reaction paper

1. 1. -47625-104775Perez, Raphael Ray L.Prof. Diosdado Franco
BSCP / 4th yr. – 3s HIST1013 – Buhay, Gawain, at Mga
2008-000344-6 (Old System)Kaisipan ni Rizal
Kabanata IIsang HandaanBuod Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan.Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.-47625-47625REPLEKSYON: Ang kabanatang ito ay nagsasaad sa kapanahunan ni Rizal at ng tayo pa ay nasa pamamahala ng mga Kastila. Ipinahihiwatig nito ang di-tuwirang pagtrato ng mga dayuhan sa kanyang mga nasasakupan o sa Ingles ay “Racial Discrimation”. Dahil ang mga naimbitahan lamang sa pagtitipon na ito ay ang mga may kapangyarihan at mayayaman. Lalo na ang panlilibak ni Padre Damaso sa mga Indiyo (ang katawagan ng mga Kastila sa mga Pilipino). Ang pagiging agresibo ni Padre Damaso ay nagsisilbing panangalang niya upang hindi malaman ng lahat na siya ay may kinalaman sa pagkamatay ni Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Ipinapakita rin dito ang hindi magandang kaugalian ng mga Pilipino. Sa kasalukuyan, may ilang diskriminasyon pa rin ang nananaig sa mga Pilipino, lalo na sa ibang bansa. Ang ating mga OFW o “domestic helper” ay minamaltrato ng kanilang mga amo. Kabanata XXXSa SimbahanBuod Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.  Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alkalde ay isang sibil na nagsuot-komedyante.Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwaderno upang kumuha ng tala.REPLEKSYON: Ipinahihinuha ni Rizal ang pananamantala ng mga Kastila sa kamangmangan ng mga Pilipino. Nagpapahiwatig din ito ang kasamaan ng mga prayle sa paggamit sa simbahan at sa kanilang panunungkulan para sa kanilang pansariling interes. Ang mga paniniwala o pamahiin ay nagmula sa mga Kastila. At dahil walang alam ang mga tao, madali silang naimpluwensiyahan. Sa kasalukuyan, tumutukoy ito sa kung papaano matutugunan ng gobyerno upang sugpuin ang korupsyon. -76200-359410Kabanata XXIIIAng PangingisdaBuodMadilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli.Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa sa sagawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan. REPLEKSYON: Sa kabanatang ito ipinahihiwatig ang pagsasamahan ng magkasintahan at kung papaano nila haharapin ang mga suliranin sa buhay. Ang mga kalalakihan dito ay gumawa ng paraan kung papaano sila makakakuha ng isda at magpakitang-gilas sa kanilang kasintahan. Nagpapahiwatig din ito sa mga kabataan ng kasalukuyan. Sila ay mahilig makipagkwentuhan sa isa’t-isa upang mapawi ang kanilang kalungkutan at matamo ang kaligayahan.