Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

on

  • 1,221 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,221
Views on SlideShare
1,221
Embed Views
0

Actions

Likes
1
Downloads
8
Comments
1

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Adobe PDF

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel

11 of 1

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
  • natatanging produksiyon.//.///
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos Document Transcript

    • Halaw Sa:Ang La ybrari/Laybrar yan ng Kasalukuyang Panahon Produktivong Laybraryanship Roderick Baturi Ramos, MAEd
    • Halaw Sa:Ang La ybrari/Laybrar yan ng Kasalukuyang Panahon Produktivong Laybraryanship Roderick Baturi Ramos, MAEd
    • 2011 By Roderick Baturi Ramos ALL RIGHTS RESERVEDNo portion of this book may be copied or reproduced in books, pamphlets, outlines or notes,whether printed, mimeographed, typewritten, xeroxed or in any other form, for distribution or sale, without the written permission of the author.
    • Handog at Pasasalamat Sa mga kapwa ko laybraryan at sa sinumang sumusulong sa aktivong pag-unlad ng propesyong laybraryanship, aking inihahandog ang munting likhang ito at pagpapasalamat na rin sa ikadalawampung taon bilang kawani at gurong mga laybrari at eskuwelahang aking napaglingkuran sa loob ng dalawang dekada.
    • Panimula Apat na dahilan kung bakit ito ay nabuo: makapaghatid ngimpormasyon, inspirasyon, at makapagdulot ng kasiyahan at makahikayat.Basahin, tunghayan at pag-aralan ang mga artikulong nakapaloob upangmakatuklas ng mga gawaing nararapat upang maging produktivonglaybraryan ng kasalukuyang panahon. Ang mga ipinahayag na mgakaranasan, damdamin, at ninanais ay maaring kapulutan ng mga kaalamangmagbubunsod sa mas malalim pang pagtataglay ng isang uri ng paglilingkodsa ating mga tagatangkilik sa loob at labas ng laybrari. Umaasa akong pahahalagahan ang mga mahihinuha mula saakdang ito bilang inspirasyon, gabay tungo sa tinatahak o nilulunggating uri ngpagsisilbi sa mga nangangailangan. Roderick
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. ABSTRAKName : RODERICK BATURI RAMOSCourse : Master in EducationSpecialization : Library ScienceSchool : Philippine Normal UniversityAdviser : Maria Arcilla Orendain, Ed.D.Date : March 2011 Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A ProposedConference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. Layunin Pangkalahatang Layunin Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang ContinuingProfessional Education ng Philippine Association of Academic and ResearchLibrarians, Inc. o PAARL, Inc. sa taong 2010. Inihayag ng pag-aaral na ito angepekto ng programang Continuing Professional Education batay sa mgabaryanteng konteksto, input, proseso at produkto. Ang pag-aaral aynaglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang pagsusuri ng mga kalahok sa programang komperensiyang PAARL, Inc. batay sa mga sumusunod: Mga Layunin (Context evaluation) Nilalaman ng CPE (Input evaluation) Page 6
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. Mga Lektiyurer at presentasyon (Process evaluation) Kalidad ng komperensiya at organisasyon nito (Product evaluation) 2. Anong programang pangkomperensiya ang maaaring imungkahipara sa PAARL, Inc. nang sa gayon ay magkaroon ng kontrol sa kalidad ngproseso ng continuing professional education ang mga miyembro at mgatagatangkilik? Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral ay nakatuon sa programa para sa continuingprofessional education ng Philippine Association of Academic at ResearchLibrarians, Inc. o PAARL, Inc, (mga komperensya, programang seminar-workshop at ebalwasyon) para sa taong 2010. Kasama sa pag-aaral bilangsumasagot-kalahok ay ang mga dumalo sa pambansang komperensiya saSuperior Practices & World Widening Services of Philippine Libraries naginanap sa sa Lyons Function Hall ng Dao Diamond Hotel, Tagbilaran City,Bohol noong Abril 14-16, 2010 at ang mga dumalo sa isang parallel session-workshop patungkol sa Library & Web Services 2011 na ginanap saMultifunction Hall ng Holy Angel University, Angeles City, Pampanga noongAgosto 19-20, 2010. Sinubok din ng pag-aaral na ito na matuklasan ang mga problema atpaghihirap na naranasan ng komiteng nanguna sa programang continuingprofessional education lalo na sa pangangasiwa nito. Page 7
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. Ang pag-aaral ding ito ay nakatutok sa mga benepisyong hatid ngcontinuing professional education sa propesyonal na kasanayan, teknikal nakasanayan at mga personal at panlipunan na mga katangian. Ito rin ayisinagawa upang malaman ang mga karanasang natamo ng mga nagsidalomula sa dalawang komperensiyang pinangunahan ng PAARL, Inc. Metodolohiya Ito ay isang pagsusuri sa programang continuing professionaleducation ng dalawang pangunahing programang komperensiya ng PAARL,Inc. ayon sa CIPP Model na binuo ni Stufflebeam. Ang pagsusuri ay ibinataysa mga nakalap na datos at impormasyon na natipon mula sa mga kalahok ngkomperensiya. Kinalabasan ng Pag-aaral 1. Pagsusuri ng mga kalahok sa programang komperensiya ng PAARL,Inc. batay sa mga sumusunod: 1.1 Mga Layunin (Context evaluation) Umaayon ang mga kalahok sa markang 2 at natanggap nila angkanilang inaasahan at naisakatuparan ng dalawang komperensiya ang mgalayunin para sa parehong mga programa. Ang mga layunin ng parehong mgaprogramang komperensiya ay nakatuon sa epektong pagbabago sa lahat nguri ng mga aklatan habang tinatayo ang bagong uri ng pamumuno. Ang lawaknito ay sakop ang buong mundo dahil na rin sa paglalayonginternasyonalisasyon ng mga serbisyo ng mga silid-aklatan sa pamamagitan Page 8
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.mga web-based at onlayn na mga teknolohiya. Nagkaroon ng pagnanais nailahok ang lahat ng mga sektor, pampubliko at pribado, iba’t-ibang komunidad,mga lokal at internasyonal, upang mapagtanto ang epekto ng mga aklatan atmga kawani nito sa buhay ng kanilang mga pinaglilingkuran. Sa tulong ngmga programang komperensiya, maaari nang pasiglahin at maengganyo angmga kliyente ng mga aklatan upang hanapin ang kanilang tulong sa mgabagay na may kaugnayan sa serbisyong pang-impormasyon. 1.2 Nilalaman ng CPE (Input evaluation) Ayon sa mga kalahok ng Superior Practices at Library & WebServices 2011, natugunan ng mga nilalaman ng mga lektura ang mga layuninng dalawang komperensiya. Sila rin ay sumang-ayon na ang pagkakasunod-sunod at daloy ng mga lektura at antas ng mga nilalaman ay angkop sa nibelng mga nagsidalo kabilang ang linaw at pagiging kapaki-pakinabang ng mgahandawt. Ang Library & Web Services 2011 lamang ang nakakuha ng masmataas sa markang 2 batay sa linaw at tulong hatid ng visual aid. 1.3 Mga Lektyurer at presentasyon (Process Evaluation) Ang marka ng mga lektyurer at mga presentasyon para saLibrary Web Services 2011 ay mahusay. Tunay na kasiya-siya ang pagigingepektibo ng mga estilo ng mga lektyurer sa kanilang presentasyon para saSuperior Practices at Library Web Services 2011. Ang mga lektyurer atpresentasyon sa Pampanga ay tunay na kasiya-siya lamang. Markang 2 parasa bawat isa sa mga sumusunod: ang mga lektyurer ay may epektibong estilo Page 9
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.sa presentasyon; may sapat silang kaalaman at alam ang mga paksa nakanilang ibinabahagi; umaayon sila sa antas ng mga nakikinig o kalahok;maayos ang pagkakatalakay at pagpapaliwanag ng mga paksa; at, tumutugonsa mga katanungan sa panahon ng forum. 1.4 Kalidad ng komperensiya at organisasyon nito (Product evaluation) Sa aspeto ng paghawak ng forum at paghahain ng parehong tema,nakakuha ng markang 1.25 ang Library & Web Services 2011 habangmarkang 2 na man sa Superior Practices. Ang mga forum ay naisagawa ngkapaki-pakinabang habang ang rekomendasyon para sa mga katulad na mgatema ay hindi ipinahayag ng matindi. Ayon sa mga kalahok, ang Library WebServices 2011 ay mahusay sa aspeto ng mga impormasyong naipabatid,bagong kaalaman at kasanayang nakamit, organisasyon ng konperensiya,katanggap-tangap na kapaligiran para sa pag-aaral, pagkamatulungin ng mganasa komite, ang pagkatuto ng mga kalahok ay lalo pinahusay habang angSuperior Practices ay lubhang kasiya-siya. Kongklusyon Batay sa mga resultang lumabas sa pag-aaral na ito, nabuo ang mgasumusunod na kongklusyon: 1. Nais ng mga kalahok na ang mga programang komperensiyapinamamahalaan na may kalidad, sangkap ang maliliwanag at magkakaugnayna mga layunin. Ang kahandaan ng mga bumubuo ng komite sapag-oorganisa ng konperensiya ay maglalaan ng kahalagahan nito habang Page 10
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.ang tagumpay ay sinusukat sa pamamagitan ng kung ano ang nilulunggatibago pa man ang pagdako ng bawat kalahok dito. Nararapat nilang malamandahilan para sa pag-aaral ng isang bagay. Mula sa pagrerehistro para saisang konperensiya, batid na karaniwang kung ano ang layunin at gustongmakuha at malaman. Samakatuwid, pahalagahan nila ang isang programangkonperensiya kung ito ay organisado at malinaw ang mga sangkap sapangangasiwa. Nararapat din na ipahayag at ipakita ng mga lektiyurer samga kalahok kung paano makakatulong ang programa upang makamit angkanilang mga layunin. 2. Na ang paggamit ng paralell session-workshop na kung saan angsinumang kalahok ay binibigyan ng pagkakataon na pumili ng mga sesyon nadadaluhan at mga lektiyurer na mapagkukunan ng kaalaman ay lubhanghinihikayat. Sa pamamagitan nito, ang mga kalahok ng komperensiya aymaaaring magdesisyon at dumisenyo ng akmang moda para sa kanilangsariling pag-aaral. Malaya at diskarte nila ang pagpapasiya para sa pang-sariling proseso sa edukasyong propesyonal at hawakan at tanggaping kritikalna batay sa kung ano ang nararapat o angkop sa kanilang mga kagyat napangangailangan. Rekomendasyon Batay sa mga pagsusuri at konklusyon sa ginawang pag-aaral,iminumungkahi ang mga sumusunod: Page 11
    • Evaluation of the Continuing Professional Education of the PhilippineAssociation of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards AProposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. 1. Ang continuing professional education ng PAARL, Inc. ay dapat self-directed. Ang mga tagapangasiwa ng komperensiya ay inaasahang aktibongisasama ang mga kalahok sa proseso ng pagkatuto, partikular na sa kanilangpagpili ng tema ng sesyon at mga paksa na dadaluhan. Ang pagkatuto aynaaangkop sa kanilang mga trabaho o iba pang mga responsibilidad na mayhalaga sa kanila. Ito ay maaaring maganap sa pamamagitan ng pagpapaalamsa mga kalahok ng kanilang pagkakataon na makapili ng mga paksa nasumasalamin sa kanilang sariling interes. Ang paggamit ng paralel na mgasesyon ay hinihikayat. 2. Ang mga propesyunal na mga organisasyong pang-laybrari, maliitman o malaki, alam na kung paano makamit ang mga layunin atmagampanang mabuti sa kasalukyang kapaligiran sapagkat angdiseminasyon ngayon ng pangangailan sa pagsasanay ay mananatili, lagi-lagi, at napapanahon. Ang mga pagsasanay ay maaaring mapagpatibay ngibat ibang mga pamamaraang kung saan ang mga indibidwal ay makakakuhang hindi lamang optimal na antas ng pag-aaral kundi idagdag pa rito angmabilis na paggamit at paglapat ng kaalamang natamo kaagad sa loob olabas ng pinapasukang silid-aklatan. 3. Ang programang continuing professional education ay dapat napinaplano at ibatay sa resulta ng pagsusuring CIPP upang magsilbing gabaypara sa bawat konperensiya tungo sa isang mas sistematikong pagpapatupadat mas mahusay na direksiyon. Page 12
    • TalasanggunianBooksBailey, Keith and Karen Leland(2008). Customer Service in an Instant.Barbazette, Jean (2004). Instant Case Studies: How to Design, Adapt, and Use Case Studies in Training.Brophy, Peter (2002). The Library in the Twenty-first Century: New Services for the Information Age.Conger, Joan E. (2004). Collaborative Electronic Resource Management: From Acquisitions to Assessment.Cullen, Noel C. (2001) Team Power: Managing Human Resources in the Hospitality Industry.Dhammananda, K. Sri (1998). Why Worry?: How to Live Without Fear & Worry.Eisenberg, M., et al. (2004). Information Literacy: Essential Skills for the Information Age.Lago, Elpedia M. (2010). Front Office System and Procedures.Matthews, Joseph R. (2004). Technology Planning: Preparing and Updating a Library Technology Plan.Natividad, Evelyn A. (1987). Effective Guide to Libraries & Reference Sources.Payne, Adrian (2006). Handbook of CRM: Achieving Excellence in Customer Management.Reyes, Ma. Corazon R. (2007). Practicum Manual in College of International Hospitality Management.Rieman, Patricia L. and Jeanne Okrasinski (2007). Creating Your Teaching Portfolio.Roberts, Phil & Jim Sullivan (1998). Service That Sells: the Art of Profitable Hospitality.Rokes, Beverly (2001). Customer Service: Quick Skills.Rowe, Alan J. (2004). Creative Intelligence: Discovering the Innovative Potential in Ourselves and Others.Tilke, Anthony (2002). Managing Your School Library and Information Service: a Practical Handbook.Ukens, Lorraine L.(2007). 101 Ways to Improve Customer Service: Training Tools, Tips and Techniques.Van Ordern, Phyllis J. And kay Bishop (2001). The Collection Program in Schools.Walker, John R. (2006). Introduction to Hospitality.Willams, Michael D. (2000). Integrating Technology into teaching and learning: an Asia-Pacific Perspective. Page 13
    • TalasanggunianInternet SitesAASL Information Literacy Standards for Student Learning. Retrieved May 15, 2008 from the World Wide Web: http://www. weblink.scsd.us/~liblinks/AASLstandards.pdfGlobal Literacy. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://criticplaywright.blogspot.com/2008/01/global-literacy.htmlJenista, Jerri Ann. Culture, Heritage and Stereotypes. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://www.hopeforchildren.org/heritage_stereotypes.htmJessica Zafra vs Bob Ong: Ang Sarcastic Intellectual at ang Batang Kalye. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://www.peyups.com/print.khtml?sid=4223Library Instruction. Retrieved May 5, 2008 from the World Wide Web: http://www.geocities.com/danamao2002/homework2.html; http:// library.stmarytx.edu/acadlib/about/li.htm#whatisRebecca Moore’s Reading Principles. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://www.d.umn.edu/~moor0145/readingprinciples.htmPeriodicalsAbram, Stephen and Judy Luther(2004). Born with the Chip. Library Journal May 1.Chelton, Mary K. (2003). Readers’ Advisory 101. Library Journal November 1 38Hoffert, Barbara (2003). Taking Back: Readers’ Advisory. Library Journal September 1 44Keresztury, Tina (2004). Super Librarian to the Rescue. Library Journal October 15 36King, Carol A. (1995). What is Hospitality? International Journal of Hospitality Management 14(3/4).Lancaster, Lynne C. (2003). The Click and Dash of Generations. Library Journal October 15 36Lapuz, Elvira (2007). Is Your Library Still Relevant? PAARL Newsletter July-September No. 3Ramos, Roderick B. (2006). Book Resources on Education Still Vast – OPAC Study. PNU LISAA Newsletter January-JuneTan, Michael L. (2008) Culture and Health. Philippine Daily Inquirer August 14 page A15 Page 14
    • TalasanggunianSeminarsArlante, Salvacion M. (2006). Marketing and Quality Management of Libraries. National Summer Conference on Library & Information Services: New Paradigms for the Digital Age.A Customer is Always... The Customer. From A Seminar—workshop on Library Customer Care 2007 August 14-15Garcia, Perla T. (2006). Innovative Services and Future Challenges for Libraries. National Summer Conference on Library & Information Services: New Paradigms for the Digital Age.Marketing Brands & Library Customer Care Models. From A Seminar— workshop on Library Customer Care 2007 August 14-15Quality Service for All: Management Training Programme for ASEAN Senior Librarians: A Seminar (1997).Unpublished Materials, etc.Del Mundo,Clodualdo Jr. Devotion to cinema: continuing the search for anational audio-visual archive.Limpin, Placida Socorro A. L. (2004). Information Literacy Initiative of Assumption College (ILIAC).Montealegre, Ma. Antoinette (2004). Genoveva Edroza Matute: a literarybiography and a critical edition of her short stories.Orendain, Ma. Arcilla (2007). Cogent Facts on PNU Library Utilization and Orientation of College Freshmen SY 2007-2008.Ramos, Roderick B. (2011). Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. (2003). Perspectives on the New Average PNU Librarian: First of a SeriesVerzosa, Fe Angela M. (2007) User Education and Information Literacy: Current Practices and Innovative Strategies. Page 15
    • Ang Manunulat Ang manunulat ay kasalukuyang pangulo ng fully-engaged, member-driven association, Philippine Association of Academic and ResearchLibrarians, Inc. at associate librarian ng De la Salle University-Manila.Si G. Ramos ay nakapagtapos ng Master of Education in Library Science(MaEd LIS) noong 2011 at Bachelor of Secondary Education sa LibraryScience (BSE Library Science) noong 1992 sa Pamantasang Normal ngPilipinas. Nakapagturo rin siya sa mga eskwelahang kanyang pinaglingkurantulad ng Araullo High School (1992), St. Louis College of Valenzuela (1993-1999) at Trinity College-Q.C.-Sagada Special Academic Program (1999-2002). Isa siyang adopted son ng Sagada Mountain Province at tagadala ngmga panauhin o turista sa nabanggit na lugar na may layuning maiparanas saiba ang kakaibang kabutihan ng buhay na mayroon sa kabundukan sa loob ngdalawang gabi at tatlong araw na may kasamang outreach o pagbibigay ngmga libro bilang donasyon sa mga laybrari ng Sagada. Nakapagtrabaho at nagsilbi sa kanyang Alma mater mula 2002hangang 2009 habang pangulo ng Philippine Normal University and LibraryInformation Science Alumni Association (PNU-LISAA) noong 2008. Siya ay kasal kay Julie Ann Castillon at may dalawang supling:Heaven Julia Mae C. Ramos (5) at Bituin Ann Margaret C. Ramos (3),kanyang tinaguriang mga prinsesang bigay ng Dios. Page 16
    • SirachEach of us is given a great deal of work to do and a heavy burden lies in all of us from the day of our birth until the day we go back to the earth. Page 17