Your SlideShare is downloading. ×
Alaala ng kamusmusan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Introducing the official SlideShare app

Stunning, full-screen experience for iPhone and Android

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply

Alaala ng kamusmusan

5,456
views

Published on

Do not plagiarize ..

Do not plagiarize ..

Published in: Education

4 Comments
3 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
5,456
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
44
Comments
4
Likes
3
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. Alaala ng Kamusmusan (saknong bilang 156-187)
  • 2. Inihahandog ng Pangkat I Trisha Racraquin Xyra Abegail Efa Camille Valencia Joanna Bacalaoloyo Dustin Jerod Convento Jorelle Medina
  • 3. I. Pagtuklas
  • 4. A. Mga gawain
  • 5. 1. Ibahagi sa klase ang karanasang „di malilimutan. ipakita ang larawang kaugnay ng karanasang ito.
  • 6. 2. Paano nakatutulong sa isang tao ang karanasan ng ibang tao, malungkot man ito o masaya? (Magpangkatan at ilahad ng lider ang sagot ng pangkat) Maaari itong makatulong at maging gabay sa kanila kung ang karanasan ay dapat nilang ipagpatuloy at tularan o ang karanasan ay dapat layuan at kalimutan. Dahil dito, maaari itong makatulong upang ang isang tao ay magkaroon ng magandang kinabukasan. At dito rin matututo ang tao kung tama o mali ang desisyong kanyang gagawin.
  • 7. 3.Bumuo ng kraytirya kung paano markahan o tayain ang inaasahang produkto.
  • 8. 4. Ilahad ang iyong hinuha sa kahulugang ng salitang “kamusmusan”. Ang kamusmusan ay tumutukoy sa buhay ng isang bata kung saan ang isip ay puro kaligayahan lamang.
  • 9. II. Paglinang
  • 10. A. Pagbabasa ng teksto
  • 11. 156. Anupa't kapuwa hindi makakibo 'di nangakalaban na damdam ng puso; parang walang malay hanggang sa magtago't humilig si Pebo sa hihigang ginto.
  • 12. 157. May awang gerero ay sa maramdaman; malamlam na sinag sa gubat ay nanaw, tinunton ang landas na pinagdaanan, dinala ang kalong sa pinanggalingan.
  • 13. 158. Doon sa naunang hinintuang dako nang masok sa gubat ang bayaning Moro, sa isang malapad, malinis na bato, kusang pinagyaman ang lugaming pangko.
  • 14. 159. Kumuha ng munting baong makakain, ang nagdaralita'y inamong tumikim, kait umaayaw ay nahikayat din ng sabing malambot na pawang pang-aliw.
  • 15. 160. Naluwag-luwagan ang panghihingapos, sapagkat naawas sa pagkadayukdok, hindi kinukusa'y tantong nakatulog, sa sinapupunan ng gererong bantog.
  • 16. 161. Ito'y 'di umidlip sa buong magdamag, sa pag-aalaga'y nagbata ng puyat; ipinanganganib ay baka makagat ng ganid na madlang naggala sa gubat.
  • 17. 162. Tuwing magigising sa magaang tulog, itong lipos-hirap ay naghihimutok, pawang tumitirik na anaki'y tunod sa dibdib ng Morong may habag at lunos.
  • 18. 163. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing, munting napayapa sa dalang hilahil; hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim, walang binitiwang himutok at daing.
  • 19. 164. Ito ang dahilang ipinagkasundo, limang karamdamang parang hinahalo; ikinatwasay ng may dusang puso, lumakas na muli ang katawang hapo.
  • 20. 165. Kaya't nang isabog sa sansinukuban ang doradong buhok ng masayang araw, nagbangong hinaho't pinasalamatan sa Langit ang bagong lakas ng katawan.
  • 21. 166. Sabihin ang tuwa ng gererong hayag, ang abang kinalong ay biglang niyakap; kung nang una'y nunukal ang luha sa habag, ngayo'y sa galak na ang inilagaslas.
  • 22. 167. Kapos ang dila kong magsaysay ng laki ng pasasalamat nitong kinandili; kundangan ang dusa'y sa nawalang kasi ay napawi disin sa tuwang umali.
  • 23. 168. Sapagka't ang dusang mula sa pag-ibig kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib, kisapmata lamang ay agad babalik at magdaragdag pa sa una ng bangis.
  • 24. 169. Kaya hindi pa man halos dumarapo ang tuwa sa lamad ng may dusang puso itinakwil na ng dalitang lalo at ang tunod niya'y siyan itinimo.
  • 25. 170. Niyapos na muli ang dibdib ng dusa, hirap yatang bathin ang sakit sa sinta! Dangan inaaliw ng Moro sa Persya, natuluyang nanaw ang tangang hininga.
  • 26. 171. "Iyong natatanto ang aking paglingap," anitong Persyano sa nababagabag; "mula ng hirap mo'y ibig kong matatap at nang kung may daa'y malagyan ng lunas."
  • 27. 172. Tugon ng may dusa'y “Di lamang ang mula niring dalita ko ang isasalita, kundi sampung buhay sapul pagkabata, nang maganapan ko ang hingi mo't nasa."
  • 28. 173. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy ang may dalang habag at lipos-linggatong, saka sinalitang luha'y bumbalong, buong naging buhay hanggang naparool.
  • 29. 174. "Sa isang Dukado ng Albanyang S'yudad, doon ko nakita ang unang liwanag; yaring katauha'y utang kong tinanggap sa Duke Briseo,na ama kong liyag!"
  • 30. 175. "Ngayo'y nariyan ka sa payapang bayan, sa harap ng kaing inang minamahal, Prinsesa Florescang esposa mong hirang, tanggap ang luha kong sa mata'y nunukal ."
  • 31. 176. "Bakit naging tao ako sa Albanya, bayan ng ama ko, at 'di sa Krotona, masayang Siyudad na lupa ni ina? disin ang buhay ko'y 'di lubhang nagdusa."
  • 32. 177. "Ang dukeng ama ko'y pribadong tanungan ng Haring Linceo sa anumang bagay; pangalawang puno sa sangkaharian, hilagyuang-tungo ng sugo ng bayan."
  • 33. 178. "Kung sa kabaita'y uliran ng lahat at sa katapanga'y pang-ulo sa s'yudad; walang kasindunong magmahal sa anak, umakay magturo sa gagawing dapat."
  • 34. 179. "Naririnig ko pa halos hanggang ngayon, palayaw na tawag ng ama kong poon, noong ako'y batang kinakandung-kandong, taguring "Floranteng bulaklak kong bugtong"
  • 35. 180. "Ito ang ngalan ko mula pagkabata, nagisnan sa ama't inang nag-andukha; pamagat na ambil na lumuha-luha at kayakap-yakap ng madlang dalita."
  • 36. 181. "Buong kamusmusa'y 'di na sasalitin, walang may halagang nangyari sa akin, kundi nang sanggol pa'y kusang daragitin ng isang Buwitreng ibong sakdal sakim."
  • 37. 182. "Ang sabi ni ina ako'y natutulog sa bahay na kintang malapit sa bundok; pumasok ang ibong pang-amo'y ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop."
  • 38. 183. "Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya, nasok ang pinsang kong sa Epiro mula; ngala'y Menalipo - may taglay na pana - tinudla ang ibo't namatay na bigla."
  • 39. 184. "Isang araw namang bagong lumalakad, noo'y naglalaro sa gitna ng salas, may nasok na Arko't biglang sinambilat Kupidong d'yamanteng sa dibdib ko'y hiyas."
  • 40. 185. "Nang tumuntong ako sa siyam na taon, palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol; sakbat ang palaso't ang busog ay kalong, pumatay ng hayop, mamana ng ibon."
  • 41. 186. "Sa tuwing umagang bagong naglalatag ang anak ng araw ng masayang sinag, naglilibang ako sa tabi ng gubat, madla ang kaakbay na mga alagad."
  • 42. 187. "Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan ang mukha ni Pebong hindi matitigan ay sinasagap ko ang kaligayahang handog niyong hindi maramot na parang."
  • 43. B. Mga gawain
  • 44. 1. Pagpapalawak ng talasalitaan. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita gamit ang word network.
  • 45. Pinarami Pinalago Pinagyaman Pinalawak Pinausbong
  • 46. Sakim Traydor Ganid Madamot makasarili
  • 47. Tinira Pinana Tinudla Pinuntirya BInato
  • 48. Inalagaan Kinalinga Kinandili Inaruga Pinrotekatahan
  • 49. 2. Pag-unawa sa binasa a. Paano inalagaan ni Aladin si Florante ? Inihimlay niya ito sa kanyang kandungan at binantayan hanggang sa magkaroon ng malay si Florante.
  • 50. b. Itala ang mga pangyayaring nagkaroon ng bisa sa iyong pandamdam, pangkaisipan at pangkaasalan.
  • 51. Mga Pangyayari Pangkaisipan Si Floranteng napakasaya sa buhay noong siya’y bata pa. Pandamdamin Inaruga ni Aladin si Florante hangggang sa ito’y gumaling. Pangkaasalan Paggpapalaki ni Duke Briseo kay Florante na lumaki sa layaw.
  • 52. c. Ilahad ang naging reaksyon ni Florante na isang Moro ang tumulong sa kanya. Paano niya nakilala na isa itong Moro? Nang nagkaroon na ng malay si Florante, ay nagpasalamat siya sa gerero at niyakap niya ito. Nalaman ni Florante na isang Moro ito sa Persyano dahil sa kasuotan nito.
  • 53. d. Makatarungan ba ang ginawang pagliligtas ni Aladin kay Florante kahit magkaiba sila ng Relihiyon? Patunayan. Opo, sapagkat hindi hadlang ang relihiyon upang ikaw ay tumulong sa iyong kapwa na walang hinihiling na kapalit!
  • 54. e. Iugnay ang aralin sa sinabi ni Hesus na “Anuman ang ginagawa mo sa iba ay siya ang ginagawa mo sa Akin.” Nang tinulungan ng Gerero si Florante, parang ginagawa na niya ito sa Kanya. Kumbaga sa mata ng tao, tumulong ka, at sa mata rin ng Diyos nakita niya na tumulong ka na walang hinihintay na kapalit.
  • 55. f. Anu-ano ang masasayang karanasan ni Florante sa kanyang kamusmusan na hindi niya malimutan. Kung ikaw si Florante, mahihirapan ka rin bang kalimutan ang mga ito? Bakit? Isa na rito ang pagpunta niya sa bundok upang mangaso kasama ang kanyang mga bantay; Opo, sapagkat ang mga araw na iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko na palagi kongtinatatak sa utak ko.
  • 56. g. Ibuod ang aralin sa pamamagitan ng Story Frame.
  • 57. Inaruga ni Aladin si FLorante Pinakilala ni Florante ang kanyang mga magulang Nag-usap si Aladin at si Florante Gumaling na si Florante Inilahad niya ang mga masasayang pangyayari ni Florante nung siya ay bata pa
  • 58. III. Pagpapalalim
  • 59. A. Mga Gawain
  • 60. 1. Maglahad ng mga karanasan o karansan ng ibang taong kakilala na nagpakita ng pagkilala at pakikipagkilala sa iba. Pagtanaw ng utang ng loob sa ibang tao.
  • 61. 2. Mahalaga bang magkaroon ng mabuting pakikisama o pakikipagmabutihan sa kapwa? Pangatwiranan. Opo, dahil maari itong makatulong sayo sa oras ng pangangailangan
  • 62. 3. Bumuo ng sariling pakahulugan tungkol sa nais ipahiwatig ng mga karanasang isinalaysay ng mga tauhan sa aralin. Ang relihiyon ay hindi hadlang para tumulong sa kapwa na nangangailangan ng tulong na ibang relihiyon. Nasa desisyon na iyon ng tao kung nais niyang tumulong.
  • 63. 4. Bumuo ng panuntunan kung paano pagtitibayin ang pakikipagkapwa-tao. Ibahagi sa klase ang nabuong panuntunan at kung paano ito maisasagawa. (Hingan ng pagsang-ayon at di pagsang-ayon ang kamag-aral hinggil dito.)
  • 64. Panuntunan ng Pakikipagkapwa-tao Magpakita ng mabuting ugali sa iyong kasamahan. Huwag mong sasabihan ng masasamang salita ang iyong kasamahan.
  • 65. 5. Ilahad ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa aralin. Paano mo ito gagawing gabay sa iyong buhay? Ang pakikipagkapwa ay mahalaga para mamuhay ng may katahimikan at kasiyahan.
  • 66. Salamat at nawa‟y may natutunan kayo!