Your SlideShare is downloading. ×
Handouts  prehistory
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Saving this for later?

Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime - even offline.

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply

Handouts prehistory

2,438
views

Published on

Published in: Sports, Automotive

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
2,438
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
97
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. HANDOUTS IN ARALIN PANLIPUNAN FIRST QUARTERPinagmulan ng Daigdig Paano nabuo ang Daigdig?...Ano naman ang kahalagahan kung malalaman kung paano itonabuo?May kinalaman ba ito sa pag-aaral ng Kasaysayan????KASAYSAYAN – Isang sistematikong pag-aaral ng mga pangyayari sa nakalipas na pinatutunayan ngmga ebidensya tulad ng mga relika, labi, artifacts, mga dokumento at mga kwentong bayan. Ito ay maaringnasusulat o hindi nasusulat na nag-iiwan ng mga arala para sa kasalukuyang kapakinabangan.Mga Batayan sa Pag-aaral ng Kasaysayan * relika * artifacts * fossils/labi * dokumento * kwentongBayanNote* ang Daigdig ang lugar na pinag-ganapan ng mga makukulay na kasaysayan ng bawat bansa, bawatlahi at bawat mga henerasyon!! Ang mga katangian nito ay masasabing may epekto sa pamumuhay ng mgatao at nakatugon sa pangangailangan ng tao para mabuhay.Teorya Ukol sa Pinagmulan ng Daigdig Teorya – resulta ng isang sistematikong pag-aaral na sumasagot sa isang bagay bagaman hindi pa ito lubos na napapatunayan(1). Maka- Relihiyon Tinawag itong makarelihiyon at hindi biblical dahil sa pagkilala sa iba pang relihiyon sa daigdig na may sariling paliwanag ukol sa pinagmulan ng daigdig!! ** Sa teoryang ito, sinasabi na mayroong isang makapangyarihan na nilalang ang may gawa nglahat. Ang nilalang o ang Diyos na ito ay ginawa ang digdig upang maging pangunahing tirahan ng mgataong kanyang nilikha(2). Maka- Agham **Ang pagkakabuo ng daigdig ay kayang ipaliwanag ng SIYENSYA matapos ang siyentipiko atsitematikong pag-aaral. Mga Teoryang Maka-agham: a. Nebular b. Dynamic Encounter c. Dust Cloud d. Kolisyon e. Kondensasyon f. Planetissimal g. Big Bang Huwag Kalimutan ang naging mga paliwanag sa bawat mga teoryang nabanggit sa itaas!!!!Ang Daigdig bilang Tirahan ng TaoDaigdig – ang planetang pangunahing tirahan ng lahat ng taoTatlong Pangunahing sapin/layer
  • 2. 1. Atmosphere : hanging bumabalot sa daigdig 2. Hydrosphere : lahat ng tubig na nasa daigdig 3. Lithosphere : ito ang matigas na bahagi sa ibabaw ng daigdig (matatagpuan ang mga anyong lupa)Mga Karagatan sa Daigdig 1. Pacific/Pasipiko : East – North America at South America West – Asya at Australia North – Kipot ng bering South – Antarctica 2. Atlantic: North - Asya South – Antarctica 3. Indian : North – Asya South – Antarctica East – Australia at Indonesia West – Africa 4. Arctic – Pinaka hilagang bahagi ng daigdig ** Milwaukee Region: (atlantic) pinakamalalim na bahagi ** Java Trench: (Indian) pinakamalalim na bahagiPINAGMULAN NG KONTINENTE Mga Teorya ukol dito : 1. Alfred Wegener – (Meteorologist) CONTINENTAL DRIFT THEORY (1912) Tesis: nabuo ang mga kontinente sa daig dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa. (isang pulgada bawat taon sa ibabaw ng daigdig)** Pangaea – Solidong masa ng lupa na sinasabing pinanggalingan ng lahat ng kontinente sa mundo. (Super Continent)** Dagat Panthalassa – Ang dating pangalan ng ngayon ay Karagatang Pasipiko. Ito ang dagat na sinasabing nakapalibot sa Pangaea. PANGAEA Gondwana Laurasia • umusad papuntang timog • ng lumaon ay umusad pa-hilaga • nagkahiwalay ang Africa at Timog Amerika = Dagat Atlantic ** Nagbanggaan ang Gondwana at Laurasia = pitong (7) kontinente sa daigdig ??????WEGENER?????? – Ano ang dahilan ng paggalaw ng lupa? ( ang isa sa mga bagay na hindi lubos na naipaliwanag ng kanyang teorya!)2. David Griggs – (Geologist) PLATE TECTONIC THEORY
  • 3. Tesis: Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperature, lalong gumalaw ang mga lupa. Sa ilalim nglupa ay mga plates na pag gumalaw at nagbanggan ay nagreresulta ng pagkakabiyak ng lupa. ** Ang pag-aaral ni David Griggs ay ibinatay nya sa pag-aaral ni Alfred Wegener. Naniniwala syasa Tesis ni Wegener, kung kayat ang sinikap nyang gawin ay bigyan ng paliwanag ang dahilan ngpaggalaw ng lupa.KONTINENTE: ****TANDAAN!!! – Bawat isang kontinente ay magkakaiba at bawat isa ay may “unique” na katangian. Lokasyon, laki/sukat, likas na yaman, klima Pundasyon ng bawat kontinente at ng kasaysayan nito (Mga aspekto: Politikal, Sosyal, Ekonomiks, Ispiritwal)Apat na Kalupaan/Rehiyon • Eurasia – Africa : tripling kontinente (Europa, Asya, at Africa) • Amerika – Hilaga at Timog Amerika • Antarktika (Antarctic) – kalupaan sa Timog Polo • Australia at OceaniaK L I M A sa Daigdig Klima – pangkalahatang atmospera sa mahabang panahon** tandaan – ang pagkakabuo ng buhay sa mundo ay naapektuhan nito * sinasabing ang pagbabago sa klima ay isa sa mga salik ng Ebolusyon* May mga bansa na mayroong apat na “season” ang iba naman ay dalawa lamang UNANG TAO SA DAIGDIG TAO??? *Bakit kailangan na alamin ang pinagmulan ng mga Tao sa daigdig? “Simple lang ang sagot, mas mauunawaan ng sinuman ang kanyang kalagayan at mga katangian at magkakaroon ng mas malawak na kamalayan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa”EBOLUSYON NG TAO *Australopithecus * Homo Habilis * Homo Erectus* Homo Sapiens Neanderthalensis * Homo Sapiens Sapiens** ang bawat isa ay may katangian na maaring tagapagtukoy ng kanilang mga pagbabago • Paleontologist – nagsusuri ng mga sinaunang mga labi • Historian – ang nagsusulat ng kasaysayan matapos ang masusing pag-aaralANTAS NG TAO 1. Hominid – (Australopithecus)
  • 4. 5 uri ng Australopithecus a. A. Anamensis : nabuhay sa Africa may 4M years na ang nakakaraan b. A. Afrarensis : nabuhay ang may 3.7 milyon taon na ang nakakaraan c. A. Africanus : mas malaki ang bungo nito, mas malaki ang utak d. A. Boisei at Robiticus : mas malaki ang bagang at panga2. Homo Habilis – Pinakamatandang uri ng Tao, nabuhay sa Africa may 2 milyong taon na ang nakararaan. HOMO – (salitang latin) TAO HABILIS – sanay o bihasa - pinaniniwalaan na gumawa ng unang kagamitan na gawa sa bato bilang panghiwa, pangkayod at pantadtad - kumain ng prutas, karne, insekto at mga halaman - nakakalakad ng tuwid4. Homo Erectus – Nakakatayo na ng tuwid, may taas na limang talampakan, makapal ang bungo, at malaki ang panga - unang natutong gumamit ng apoy at damit mula sa balat ng hayop - nakagawa na rin sila ng mga palakol mula sa mga bato5. Homo Sapiens – taong nakapag-iisip at nakakapangatwiran, higit na malaki ang utak sa lahat ng mga naunang tao (hinfdi nalalayo ang utak nila sa mga modernong tao) 2 uri – (1) Neanderthal (2) Cro-MagnonNeanderthal * - ( Paleolithic-hunting people) pinangalanan mula sa isang lambak sa Germanykung saan ang kanilang mga labi ay natagpuan • pinaniniwalaan na ang mga taong ito ay nagsagawa ng mga ritwal para sa masagana at matagumpay na pangangaso kung saan isa ito sa kanilang pangunahing paraan kanilang pamumuhayCro-Magnon * - * sila mula sa Timog Pransya * nakilala ang mga taong ito sa kanilang maunlad na siningTANDAAN*** - malaki ang kinalaman ng kapaligiran sa pisikal na kaanyuan ng sinaunang tao –dahil na rin sa pagnanais nilang manatiling buhay, nakaapekto ng labis ang kanilang paraanpamumuhay!Teorya tungkol sa Pinagmulan ng TAO 2 Pangunahing teorya : * Ebolusyon (Siyentipiko) * Paglalang (Paglikha/Creation)• 1. PAGLALANG (Teoryang MAKARELIHIYON) Katoliko• pangunahing pinaniniwalaan nila ay ang nakasulat sa Bibliya• partikular sa aklat ng GENESIS – ang tao ay nilikha ng isang makapangyarihang nilalangCreationist – tawag sa mga tagapagtaguyod ng teorya ukol sa paglalalangCreationist Theory (1650) – inilathala ni Arsobispo Usser – sinabi nya na nilalang ang daigdig atang lahat ng tao ditto noong 4004 BC.
  • 5. • 2. EBOLUSYON : ( Teoryang Makarelihiyon) Histoire Naturelle – inilathala ni George Louis Leclerc * dahil ditto nagsimulang mabuo ang teorya ng ebolusyon * ayon sa kanya, ang ebidensya ng pagkakabuo ng daigdig batay sa mga pagbabago ng heolohiya at heograpiya ** magkakaiba ang mga tao sa daigdig dahil sa pagkakaiba ng kanilang kapaligiran at mga pwersa ng pagbabago ng klima • Carolus Linnaeus – (Botanist) : nagpanukala ng TAXONOMY **TAXONOMY : sistematikong pagpapangalan sa mga halaman at mga hayop ayon sa Genus o pangkat na kinabibilangan nila * Sir Chevalier de Lamarck - ang nakatuklas at nakapagpangalan sa 2 uri ng hayop : vertebrate at invertebrate - siya rin ang nagsabi o nagpanukala ng teorya na sumasailalim ang mga hayop sa malaking pagbabago ayon sa mga pagbabago ng kapaligiran at namamana ito ng magiging anak nila. • Charles Darwin – (Biologist) - nabuo ang tao at ang lahat ng uri ng buhay sa daigdig mula sa iilang ninuno nito sa pamamagitan ng NATURAL SELECTION - Origin Of Species by Means of Natural Selection - inilathala noong 1859 Nilalaman: hindi eksaktong magkatulad ang anumang dalawang bagay sa mundo, maging halaman man ito, o hayop o kahit pa maging tao. • bawat tao ay may kanya-kanyang katangian na namamana nito sa kanilang mga ninuno • sa pamamagitan ng natural selection, dumarami ang nilalang na may kakayahangh makipaglaban para sa mga pangangailangan nila tulad ng pagkain at tirahan • nawawala o namamatay ang mga nilalang na walang kakayahang makaangkop sa kapaligiran • mayroon naman ibang mga nilalang na higit na nangingibabaw ang kakayahang mabuhay sa ibang lugar at iabng panahon kung kaya nawawala din ang iba nilang katangian na hindi na umaangkop ditto *** ang mga ito daw ang sinasabing mga dahilan kung bakit nabuo ang ibat-ibang organismo at unti-unting nagbago ang mga uri ng nilalang sa ibat-ibang lugar ***** maraming kumontra sa teoryang ito ni Darwin lalo na ang mga relihiyoso ngunit sa kabilang banda, marami rin ang sumuporta at naniwala sa kanya!! • Gregor Mendel – (Australian Monk) – nakatuklas ng prinsipyo ng GENETICS (1860) • Thomas Hunt – Amerikanong Biologist – nakatuklas na CHROMOSOMES ang may dala ng genes ng bawat nilalang - nabubuo ang katangiang namamana sa pamamagitan ng pagpapalitan ng genes ng dalawang chromosomes - dekado 40 – natuklasan ang deoxyribonucleic acid (DNA) sa mga Chromosomes ( tagadaala ng mga katangiang namamana ng mga nilalang0Ebolusyong Pangkultura ng Tao
  • 6. Kultura – paraan ng pamumuhay ng mga tao – ang kanilang tanging sibilisasyon o kabihasnan - ang lahat ng mga nagawa o nilikha ng tao - paniniwala at gawi hanging sa kanilang mga institusyong panlipunan at pampulitika hanggang samga kagamitan at iba’t ibang uri ng sining Mga yugto sa pagsulong ng kabihasnan ng sinaunang tao - nahahati ayon sa mga kagamitan at sandatang nakita ng mga antropologo sa iba’t-ibang parte ngmundo1. Panahon ng Lumang Bato o Paleolitiko (Paleolitic Age) - binansagan ang mga tao bilang mga tool maker - pangangaso at pangangalap ng halamang gubat - lagalag (nomad) ang mga tao - kweba at mga tent na gawa sa sanga ng kahoy at balat ng hayop - 20-30 katao ang isang pangkat - mga kagamitang yari sa magaspang na bato - gumawa ng mga kabigha-bighaning mga pagpipinta sa loob ng kweba - sumasamba sa kalikasan (paganismo)2. Panahon ng Gitnang Bato o Mesolitiko (Mesolitic Age) - nanirahan sa gilid ng ilog dahil sa kaalaman sa pangingisda (pansamantala lamang) - ang mga kagamitan ay umunlad at nagging mas matalim - natutuhang mag-alaga ng hayop - natutuhang mag-imbak ng pagkain3. Panahon ng Bagong Bato o Neolitiko (Neolitic Age) - ang mga kagamitan ay nagging makinis - natutuhan ang paghahalaman - nanatili sa isang lugar ang mga tao upang mamuhay -nakipagpalitan ng kalakal (barter) - naimbento ang gulong at layag - natuklasan ang apoy4. Panahon ng Metal (Age of Metal) - napaunlad ang kalakalan sa pagkakatuklas ng paraan ng pagsasalita - nahahati sa tatlong yugto 1. Panahon ng Tanso (Copper) - unang natagpuan at ginamit na metal - unang natuklasan ng mga taga ehipto - may kalambutan at natutunaw sa init, at karaniwang ginagamit bilang palamuti 2. Panahon ng Bronse (Bronze) - pinaghalong tanso at lata - higit na matibay na gamitin - natuklasan din ang paggawa ng mga kasangkapan at palamuti mula sag into, pilak at ibapang metal - lumitaw ang mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia, India at Tsina 3. Panahon nh Bakal (Iron) - unang ginamit ng mga Hitite ng Asia Minor - higit na matigas kaysa bronse - bumuti ang sistema ng transportasyon