Obillo, Nichole Beatrize V.                                  Pebrero 4, 2013A-203                                         ...
Dahil sa pananakop ng mga Kastila, maraming bukirin ang nakatiwangwang atwala ng punong mapagkukunan sana ng mga pagkain k...
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Reaksyon ko sa Ang Katamaran ng Pilipino

7,077

Published on

Published in: Education
0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
7,077
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
102
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Transcript of "Reaksyon ko sa Ang Katamaran ng Pilipino"

  1. 1. Obillo, Nichole Beatrize V. Pebrero 4, 2013A-203 G. Marcial B. Dela Vega RIZALReaction Paper. “Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino” Ang “Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino” ay sanaysay na isinulat ni Rizalnoong mga panahon na umiigting ang alitan ng kanyang pamilya laban sa mgaDominikano. Ako ay nagtataka kung bakit ganitong paksa ang ibig na isulat ni Rizal,at nang binasa ko na nga ang naturang sanaysay ay unti-unti ko nang naiintindihanang puno’t dulo ng paksang ito. Ako ay namangha sa katapangang ipinakita ni Rizal upang ipagtanggol angkanyang bayan lalo na ang kanyang pamilya. Kahit ang tanging sandata lamang namayroon siya ay ang pluma at papel, na sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat aynakuha pa rin niyang talunin ang mga Kastila sapagkat alam niyang ang katalinuhangkanyang taglay ay siyang kahinaan ng mga ito. Alam naman nating lahat na ayaw ngmga Kastila na mahihigitan sila ng mga Indiyo kaya nagsumikap na mag-aral si Rizalupang gamitin niya ang kanyang talino laban sa mga kaaway. At ang mga Kastilanaman ay takot na baka magising sa kamalayan ang mga inosenteng Pilipino atmaisipang lumaban upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa sariling bansa.Sapagkat naniniwala si Rizal na ang taong may edukasyon ay hindi kailanman maaaping kahit sino. Napagtanto kong mayroon palang mga rason kung bakit nagiging tamad angmga Pilipino. Kung naging patas lang sana ang gobyerno at pamahalaan natin noon,hindi sana nabansagang mga tamad ang mga Pilipino. Nakakainis isipin na kung sino paang mga dayo sa ating bansa ay sila pa ang naghahari-harian. Diba’t anong kapal ngmukha mayroon ang mga dayuhang ito? At sila ay hindi pa nakuntento sa bansangmayroon sila kaya’t naisip pa nilang sakupin ang ating bansang sinilangan. Sapilitang paggawa at pagsabak sa giyera, pang-iinsulto, paglalason sa utak ngmga inosente, paglilinlang, pagmamaliit, ay iilan lamang sa mga paghihirap naipinaranas ng mga Kastila sa mga Pilipino. Hindi ko maisip na walang konsensya at awaang mga dayuhang ito, anong puso ba ang mayroon sila? Ngunit alam naman natinglahat na tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Maituturing pa ba nating tao angmga Kastila kung asal hayop naman ang ipinapakita nila sa ating mga Pilipino noon?Nakakalungkot isipin na nagdurusa ang mga taong hindi naman dapat magdusa, atnakikinabang ang mga taong hindi naman dapat makinabang.
  2. 2. Dahil sa pananakop ng mga Kastila, maraming bukirin ang nakatiwangwang atwala ng punong mapagkukunan sana ng mga pagkain kaya’t maraming Pilipino angnagutom. Ginagamit ang mga punong ito sa paggawa ng malalaking barko na tangingang mga Kastila lamang ang nakikinabang. Hindi ba’t kabastusan ang kanilangginagawa? Pinuputol nila ang mga punong kahoy na hindi naman nila pag-aari! Sila paang may lakas ng loob na pumutol ng anumang kahoy sa hindi nila teritoryo! Walang kasing sama ang ugali ng mga Kastilang ito, sakim na nga sila sa lahatng bagay ay hindi pa nakuntento at sinabing ang mga mahihirap ay mapupunta salangit kaya’t ang mga kawawang Pilipino ay hindi na nagsusumikap at piniling magingmahirap na lamang para makaakyat sa langit pag sila’y namatay na. Nakakainis talagang isipin na sinasamantala ng mga Kastila ang kamangmanganng ibang Pilipino. Para silang Diyos na alam na nila ang lahat, ang mga dapat at hindidapat gawin. Kung pinagsisigawan nila na sila ang pinakamatalino at walang sinumanang makahihigit sa kanila, bakit ang mga ipinapakita nilang asal ay hindimakatarungan? Dapat sana ay maging mabuting halimbawa sila sa mga taongnakapaligid sa kanila, hinihikayat sana nila ang mga taong nawawalan ng pag-asa,tinuturuan ang mga taong salat sa kaalaman at nirerespeto ang kapwa tao nilaKastila man o Indiyo. Pero kabaliktaran ng aking ninanais ang kanilang iniwan sakasaysayan ng ating bansa. Kung tutuusin, dapat ang mga Kastila ang maging utusan at sunod-sunuran ngmga Pilipino dahil sila ay dumadayo lamang dito sa ating bansa. Sa halip nakarunungan ang itanim sa kaisipan ng mga nag-aaral na Pilipino noon, aba, angpagsunod sa maling utos ng simbahan ang kanilang ipinagdidiinan at ipinamalas samga kaawa-awang Pilipino. Siguro nga ay iyon ang rason kung bakit isinilang si Jose Rizal, upangipagtanggol at ipaglaban ang ating karapatan sa ating sariling bansa. Tunay na dakilasi Rizal, dahil walang takot niyang hinarap ang kanyang kamatayan. Kaya’t nangmamatay siya ay nagsimulang mag-alsa ang mga Pilipino, naging inspirasyon nila angmga naisulat ni Rizal na naghihikayat sa mga kakayahan at karapatan ng mga Pilipino. Sa panahon natin ngayon papayag pa ba tayong masakop muli ng mga Kastila ong kahit anumang lahi lalo na’t alam na natin ang magiging kalabasan at karanasankapag tayo ay sinakop muli? Syempre hindi na tayo papayag na maulit muli angkaranasang naranasan ng ating mga ninuno noon. Sikapin nating hindi masayang angmga nasimulan at ipinamalas na katapangan ng ating mga bayani, lalo na’t ibinuwis panila ang kanilang mga buhay upang tayo ay maging ganap na malaya sa ating bansangpinagmulatan.

×