Nupsc press statement 27 feb2013

279 views

Published on

Published in: News & Politics
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
279
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
1
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Nupsc press statement 27 feb2013

  1. 1. Office of the President of the Philippines NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION National Urban Poor Sectoral CouncilPAHAYAGIka 27 ng Pebrero 2013 Huwag Baluktutin ang Matuwid na DaanNanawagan ang mga lider ng maralitang taga lungsod sa mga ahensya ng pamahalaan na“huwag baluktutin ang matuwid na daan tungo sa pagpapatupad ng pabahay.”Ayon kay Emmanuel “Ka Manny” Manoto, secretary-general ng National Urban PoorSectoral Council na mayroong napagkasunduang pamamaraan ang mga organisasyon ngmga maralitang taga lungsod at pamahalaan sa pamamagitan ng National TechnicalWorking Group na binuo noong 2010 sa pamumuno ng yumaong Kalihim Jesse Robredo.Ani Ka Manny, “Kami ay katuwang ng pamahalaan sa pagpapaplano sa paglutas ng mga isyung kasiguruhan sa aming tirahan at trabaho; sa aming kahirapan. Tinawag ni Sec Jesse angprosesong iyon na People’s Plan.”Nilalatag sa isang People’s Plan ang mga sangkap ng isang maayos na relokasyon ng mgamaralita, lalu na sa mga naninirahan sa mga ilog at estero ng Manila – saan lilipat, anongtipo ng pabahay o medium-rise building (MRB), paraan ng pagbayad ng amelyar sapabahay, paraan ng pagtitiyak ng trabaho, ng pagpapa-aral ng mga bata at kaakibat na mgasocial services. Tunay na maraming sangkap ang People’s Plan pero dahil katuwang angDepartment of the Interior and Local Government, National Housing Authority, NationalAnti-Poverty Commission, Department of Public Works and Highways, Housing and UrbanDevelopment Coordinating Council, at ibang mga ahensya, mayroong pag-asa atpatutunguhan. Tumupad ang mga samahan, maliliit at malalaking grupo at organisasyon sapagbubuo ng kani-kanilang People’s Plan.Pangunahing pinag-usapan at pinagkasunduan noon ang relokasyon ng mga maralitangnaninirahan sa mga estero, ilog at tulay ng Manila o ang tinatawag na “on-top waterways”na bumibilang ng 6,000 pamilya. “Buong-buo ang aming paniniwala na mahalagangpaghandaan ang mga komunidad para sa darating na tag-ulan. Naniniwala kami sa utos ngPangulong Aquino na dapat ngang ihanda ang lahat ng sulok ng Kamaynilaan para ligtas itosa anumang panganib dulot ng kalamidad sa panahon ng tag-ulan,” saad ni Ka Manny. 3rd Floor, Agricultural Training Institute Building, Department of Agriculture, Elliptical Road, Quezon City Trunk lines 4264956, 4264965, 4265019, 4265028, Fax 9279838
  2. 2. Pero ngayon, umuugong ang balita na magkakaroon ng demolisyon anytime hanggang saMay 15, 2013. Gigibain ang mga tirahan sa ibabaw at sa tabi ng mga ilog. Nanganganib angtirahan at kabuhayan ng humigit-kumulang 20,000 pamilya. Bakit biglang may ganitongbanta? Bakit lumalaki ang bilang ng mga pamilyang sapilitang paaalisin? Saan daw ililipat?Sa malayong lugar na naman? Di ba’t nagkasundo sa TWG na ang unang mga options ay on-site at in-city relocation? Di ba’t huling option ang itapon sa malayong lugar na walangtrabaho, clinic o ospital at paaralan?Humihingi ng kasagutan at paglilinaw ang mga nagpupulong sa UP College of Social Workand Development sa Diliman ang humigit-kumulang 500 lider ng mga asosasyon ng mgamaralita na unang tatamaan ng demolisyon sa mga ahensya ng pamahalaan.“We must address the urgent questions of the informal settler families, especially thosewho are living along the rivers of San Juan, Pasig, Tullahan, Manggahan Floodway, Tripa deGallina, at Maricaban Creek because they will be the first to be hit – by the demolition andby the heavy rains,” dagdag naman ni Joel Rocamora, kalihim ng NAPC. “We assure NUPSCand all groups of the urban poor of our support to their organized efforts, especially ontheir respective People’s Plans.”####Para sa karagdagang impormasyon:Joann Fernandez+ 639153771068joannfernandez@gmail.com 3rd Floor, Agricultural Training Institute Building, Department of Agriculture, Elliptical Road, Quezon City Trunk lines 4264956, 4264965, 4265019, 4265028, Fax 9279838

×