• Like
  • Save
Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro-Pagsusuri
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro-Pagsusuri

on

  • 5,545 views

 

Statistics

Views

Total Views
5,545
Views on SlideShare
5,545
Embed Views
0

Actions

Likes
2
Downloads
56
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro-Pagsusuri Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro-Pagsusuri Document Transcript

    • Tarlac College of Agriculture Institute of Education Sociology Kung Makakain LangAng Bawat Pahina ng Libro"Inihanda ni: Loreto C. Morales BEED IV-A GeneralInihanda para kay: Mrs. Marianne P. Villaruel Guro
    • BALANGKAS NG PAGSUSURI (Nobela)I. Pamagat ng Akda: "Kung Makakain Lang Ang Bawat Pahina ng Libro"II. May-Akda: Kiko AnsingIII. Mga Tauhan: 1. Kiko – pangunahing tauhan sa kwento kung saan siya ang tagapagkwento ng kanyang mga karanasan sa pagpasok niya sa komplikadong buhay kolehiyo gayundin ang kanyang mga karanasan sa ibang tao. 2. Damulag – kababata ni Kiko na kasama niyang nag-apply, kumuha ng kursong BS Information Technology 3. Harris – pinakuwelang kaklase ni Kiko na muntik nang magbitiw ang dekana dahil sa kanyang isinulat sa slogan na “ kaming mga guro ang kulang sa edukasyon”. 4. Ms. Crispypata – matabang propesor sa Research Methodology. 5. Mr. Bark – propesor ni Kiko sa Botany, malaki ang katawan at may medyo kaitiman. 6. Sir Kama – laging nakakatulog si Kiko pag klase niya. 7. Sir Apeng Daldal – isa sa mga paborito ni Kiko na dalawang beses niyang naging propesor. 8. Teacher LolangLaging Handa – propesor ni Kiko na madalas niyang makita na nakasuot ng unipormeng girl scout, binansagan siyang Galis ng mga matitino niyang kaklase. 9. Propesor BJ – lalaking propesor na may konsiderasyon sa mga estudyanteng alanganin ang grado sa kanya. 10. Titser Na Ina Pa – nagiging ina sa loob ng klase na minsay hinugasan ang tumaeng kaklase ni Kiko. 11. Jessie – pinakakuwelang kaklase ni Kiko sa Hayskul; na lagging nagpapatawa sa kanya. 12. Ginang Piluka – titiser ni Kiko sa asignaturang Filipino (El Filibusterismo) na makalimang binatok siya dahil sa pagtawa niya. 13. Mr. Egay – cooperating teacher ni Kiko. 14. Niño at Jonas – nakasabayang kumain ni Kiko sa canteen at ikinuwento nila kung bakit kumukunti ang bilang ng estudyante sa kanilang seksyon. 15. Jonas – kabilang sa tinuturuan ni kiko sa seksyon 37. Malakas magsalita sa klase kapag oras ng talakayan. Hindi siya ganoong katalino sa Biology, nakita ni Kiko ang pagpupursigi niya sa pag-aaral. 16. Gary – may sariling mundo na madalas walang kasama, nag-iisa at walang imik, estudyante sa ikalawang taon at kabilang sa seksyon 35 na nalulong sa droga. 17. Ms. Estella - guidance counsellor ng mataas na paaralan ng National Hero. 18. Mike – presidente sa loob ng klase nila na nakaaway ni Gary (seksyon 35). 19. Jepoy 20. Angel mga kaibigan at nakasabayan ni Kiko sa pagpasok sa Call Center 21. Angel 1 22. Angel 2
    • IV. Buod/Lagom ng Katha Ang nobelang "Kung Makakain Lang Ang Bawat Pahina ng Libro" ay tungkol sa mga iba’t ibang karanasan ng isang estudyante sa kanyang pagharap sa buhay kolehiyo. Gayundin ang mga natutuhan niya sa mga taong nakapaligid sa kanya at pagsubok sa pinili niyang kurso. Sa Unang Kabanata, nakalagay dito ang pagpapasiya ni Kiko kung anong kurso ang pipiliin niya sa kolehiyo. Marami ang tumakbo sa isip niya, nandyan ang BS Political Science, BS Information Technology, Plumbing, Animal Husbandry, AB English, Cosmetology, BS Biology at marami pang iba subalit wala sa mga nabanngit ang kanyang kinuhang kurso at ang kursong Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya ang kanyang kinuha at nakapasa naman.. Kinuha niya ang kursong ito dahil karamihan sa kanyang mga kaklase nung Hayskul ay ito rin ang pinili. Ilan sa mga interes ni Kiko ay mag-gitara, gumuhit at ubusin ang barya sa pagrenta ng family computer sa kapitbahay para lang makapaglaro ng mga old games tulad ng Mario at Battle City. Sa pagpasok niya sa kolehiyo, dun lang siya natutong sumuka, umuwi nang pagewang-gewang, gumpang na parang si Spiderman at magka- hangover. Nagawa rin niyang hindi pumasok sa Sociology class kasama ang ibang kaklase makapaglaro lang ng Counter Strike at muntik na rin maipasara yung computer shop dahil sa reklamo pero buti’t kamo’t malakas sa City Hall ang may-ari. Sa bandang huli, napagtanto rin ni Kiko na marami na siyang nagawang kabalbalan, kaya naman gumawa siya nhg ng “New Sem’s Resolution”, listahan ng mga dapat baguhin na bad habits at dapat gagawin sa susunod na semester. SaIkalawang Kabanata, ikinuwento ni Kiko ang iba’t ibang karanasan niya sa kanyang mga bagong guro sa kolehiyo. Nakilahok sa iba’t ibang programa at aktibidad si Kiko kasama ng kanyang mga kaibigan sa kanilang buhay kolehiyo. Sa Ikatlong Kabanata, nagbalik tanaw si Kiko sa mga karanasan niya sa Hayskul na kanyang pinanggalingan, ang Mataas na Paaralan ng National Hero kung saan magsasanay siya ng pagtuturo pagkatapos ng tatlong taon at isang semester sa kolehiyo.Dahil bunutan ang nangyari sa pagpili ng cooperating teacher, napunta sa kanya ang pinakababang seksyon sa ikalawang taon, ang sekyon 35 – 38. Sa Ikaapat na Kabanata, nagsimula nang magturo si Kiko sa kanyang pinagmamalaking paaralan, ang pangunahing asignatura na kanyang itinuturo ay Biyolohiya. Kapag uwian na, nagtitipon silang magkakaklase sa isang silong ng puno para pag-usapan ang mga magagandang nangyari sa loob ng klase, ganun din ang mga kababalan at pasaway na sarili at estudyante. Natapos ang kanilang tatlong buwan na pagtuturo bilang student- teacher. Sa huling pagtuturo naman ni Kiko ay nakakuha siya nang mataas na marka (92 %). Sa Ikalimang Kabanata, bakas sa mga mukha ng kanilang mga magulang ang saya dahil araw na nang kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Nakasuot ng maitim na toga at magpapaalam na sa isa’t isa. Sa kanyang pagtatapos, kumuha agad ng Licensure Examination for Teachers si Kiko. Hindi lang basta madali ang pagkuha niya ditto, marami siyang pinagdaanan at dahil sa kanyang pagpapagal ay nakapasa naman ito. Pagkatapos ng LET ay naghanap agad ng trabaho si Kiko. Pumasok siya bilang Call Center kasama ng kanyang mga kaibigan. Maraming beses siyang nag-apply sa call center pero hindi man lang makaabot sa pinale hanggang tinawagan siya ng dati niyang propesor para magturo bilang part-time instructor sa unibersidad na pinaggalingan niya. Sa Ika-anim na Kabanata, natanggap siya bilang part-time instructor at sa masteral. Umpisa pa lang ng kanyang pagtuturo ay ibinigay na niya ang kanyang mga pamantayan sa
    • loob ng klase. Tatlong taon siyang nagturo bilang part-time teacher at tinapos niya nang walang dalawang taon ang Master of Biology. Sa Ikapitong Kabanata, istorya naman ng isang kaibigan ni Kiko, si Rowell. Humanga si Kiko sa determinasyon niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan. Kasali din sabahaging ito ang pinsan ni Kiko na si Toton, nakapagtapos din ng pag-aaral sa kolehiyo kahit marami siyang ginagampanan sa buhay. Ikinuwento din ni Kiko ang mga naranasan niya para lang marating ang pangarap. Kung paano magsakripisyo ang kanyang mga magulang para lang mapabuti siya. At sa huling Kabanata , dito niya naisip na masarap pa lang magturo na kahit hindi yumayaman hindi naman nawawalan. Ipinagmamalaki niya na isa siyang guro, isang marangal na propesyon. Dahil nakapasa siya ng LET, isa siya sa maraming nagparehistro sa PRC Licensure Examination for Teachers. Isa rin siya sa 30,000 board passers na dumalo sa oath taking ng mga bagong lisensyadong guro para marinig lang ang talumpati ng dalawang nangunguna sa LET. Lumiban muna sa trabaho si Kiko para lang bisitahin ang dating bodegang klasrum ng seksyon 37 sa National Hero High School. Maraming natutuhan at itinuro kay Kiko ang bodegang klasrum bilang tao, estudyante hanggang siya ay nagging titser kahit ganoon ang kalunos-lunos na kalagayan nito.V. Pagsusuri 1. Panahong Kinabibilangan Ang nobelang ito ay naaayon pa rin sa modernong panahon kung saan nasasalamin sa mga buhay ng mga estudyante ang karanasan na nakalapat sa nobela. 2. Sariling Puna Ayon sa istilo ng kanyang pagsusulat, gumamit siya ng malayang pagpapahayag ng mga salit, puwedeng haluan ng ibang wika, Tagalog na may halong Ingles. Sa aking unang pagpuna, pagkabasa ko pa lang sa pamagat nito at panimula, inisip ko na hinaluan ito ng kunting imahinasyon o kaya’y nakakatawa ang mga nilalaman nito, may mga bagay pala na akal mo hindi totoo, parang biro-biro lang pero totoong-totoo palasa kanila at seryoso pala sila sa kanilang ginawa. Kaya naman, hanga ako sa gumawa nang nobelang ito. Siguradong madami ang makakaintindi ng nobelang ito dahil naaayon ito sa modernong panahon at maaari pang Makita ang ganitong mga pangyayari ngayon lalo na sa mga estudyante na pumipili nang sariling direksyon ng buhay. 3. Kaisipan/Values/Aral na Nakapaloob sa Katha Nangibabaw sa nobelang ito ang kaisipan na “ang tao ang siyang may hawak ng kanyang buhay at pangarap sa mundong ito kung saan may kakayahan siyang magdesisyon kung anuman ang tatahakin nito. Ang kaisipang mas binigyan nang diin ng nobela ay.....EDUKASYON. ating pahalagahan ang bawat natutuhan natin na siyang maghuhugas n gating mga pangarap. Edukasyon ang susi ng tagumpay na walang sinumang makakaangkin o di mananakaw ninuman.
    • 4. Mungkahi Sa tingin ko maayos naman ang pagkabuo ng kwento sa nobela. Kung ating susuriin,may mga ilan na gumamit ang may-akada ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan at maganda itosa pagbuo ng kwento kung saan may kaugnayan siya sa buhay niya noon. At huli, nagpaganda sa akda ang mga kasabihan, paniniwal aat mensahe na talaganamang nakakapagbigay ng inspirasyon , aralat palaisipan sa ating buhay