ANG GANG BILANG ALTERNATIBONG INSTITUSYONG                  PANLIPUNAN:Ang Penomenon ng Gang at ang Kabataang Pilipino    ...
1.0. PANIMULA          Nasa kalikasan ng tao ang magsama-sama at bumuo ng isang samahan para sa isangpartikular na layunin...
Sa bawat literaturang naisulat hinggil sa gang, negatibo ang lumalabas na pagtingin sagang. Nabigyang-pansin ng ganitong p...
Titingnan ng sulating ito ang gang bilang isang alternatibong institusyong panlipunan nasiyang nagiging takbuhan at kanlun...
1.2. Saklaw at Limitasyon        Ang pag-aaral na ito ay tutuon sa penomenon ng gang at paglaganap nito sa kabataangPilipi...
2.0 KALUGARANG HISTORIKO-KULTURAL2.1. Ang Kabataang Pilipino       Mahigit isandaan taon na ang nakalilipas, winika ni Dr....
pagpapahalaga sa mithiin ng iba1 May kakayahan ang kabataang Pilipino na gumanap ng iba’tibang karakter sa iba’t ibng sitw...
migranteng kabataang Mehikano sa pakikipag-ugnayan sa banyagang kultura ang nagbunsod ngpagbuo ng mga gang.          Lumag...
Sa Pilipinas, walang nakalap na impormasyon hinggil sa kasaysayan ng mga gang sabansa. Subalit kung pagbabasehan ang mga n...
at delingkwenteng gawi ang nagiging batayan at siyang nag-iiba sa gang sa iba pang pangkat osamahang kinabibilangan ng mga...
Subalit ano nga ba ang pagpapakahulugan sa gang sa lipunang Pilipino? Sa pag-aaral atpagsusuri ng mga gang, mahalagang big...
Marahas, mayabang, maangas - ito ang mga salitang ito ang agad na sagot ng mganakapanayam tungkol sa persepsyon sa gang. W...
depinidong istrukturang ito ay nasisira dala ng mga pagbabagong panlipunan at siyang nagigingsanhi ng pagbuo ng mga gang. ...
proteksyon laban sa di-kaaya-ayang kalagayang panlipunan. Sa gang nahahanap ng mgakabataan ang hinahanap nilang pagkalinga...
Taliwas din sa lumang paniniwala na ang mga gang ay binubuo ng mga lalaki lamang,marami na rin sa mga gang ngayon ay binub...
4.3. Istrukturang Organisasyonal ng Gang       Ayon sa isinagawang pananaliksik, ang mga Pinoy gang ay pinamumunuan ng Fou...
Sunod sa mga opisyal ay ang mga miyembro ng gang. Inaasahan ang bawat miyembro nasumunod sa mga batas ng gang, at isabuhay...
Kinakailangan niyang kayanin ang ganitong pagpapahirap upang maging ganap na       miyembro. Maaaring makaligtas ang isang...
Ang gang din ang nagsisilbing takbuhan ng mga miyembro nito sa panahon ng       kagipitan. Maliban sa pisikal na proteksyo...
Para kay Paulo, isa sa mahalagang konsiderasyon sa pag-alis niya sa gang ay angkanyang pamilya. Hindi sang-ayon ang kanyan...
mga miyembro ng gang sa gawain ng gang nila. Masasabing ang ganitong tanawin aynagpapakita na ang buhay-gang ay isa lamang...
Taliwas naman sa paniniwala ng nakararami, hindi gawain ng gang na manakit ngsibilyan. Kadalasang mga miyembro ng ibang ga...
nila. Makikita mo ang mga kabataang Pilipino na miyembro ng gang na nakasuot ng malalaki atmaluluwang na damit sa pang-ita...
Ang simbolo ng sikat na gang sa Estados Unidos na nagngangalang Bloods4.7.4. Sining       Kilala ang gang sa kanilang mga ...
Samantala ang mga graffiti na ito na may nakasulat na Henry RIP ay nangangahulugang babala                ito sa kung sinu...
Ang musikang rap ay isang genre na popular sa mga gangster. Paborito nila ang hiphop atmabilis nitong himig. Sa isang blog...
‘Nung nakaraang linggo, may dumayo dito sa amin na mula sa kalaban naming gangsta.Binanatan namin, binugbog at nakuhaan na...
Bahagi na rin ng pagiging gangster ang pagbibisyo at paggamit ng ipinagbabawal nagamot. Subalit hindi naman ipinipilit sa ...
7.0. Paglalagom       Isang sensitibong usapin ang gang na nangangailangan ng maingat na pagsusuri upanghigit na maunawaan...
BatisGale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The        Association of Social ...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Ang Gang Bilang Alternatibong Institusyong Panlipunan at ang Kabatang Pilipino

9,833 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
4 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
9,833
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
12
Actions
Shares
0
Downloads
0
Comments
0
Likes
4
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ang Gang Bilang Alternatibong Institusyong Panlipunan at ang Kabatang Pilipino

  1. 1. ANG GANG BILANG ALTERNATIBONG INSTITUSYONG PANLIPUNAN:Ang Penomenon ng Gang at ang Kabataang Pilipino Michael Wilson I. Rosero Kasaysayan 114 PROF. GIL GOTIANGCO JR. Guro Abril 2010
  2. 2. 1.0. PANIMULA Nasa kalikasan ng tao ang magsama-sama at bumuo ng isang samahan para sa isangpartikular na layunin at gawain. Sinasabing likas sa tao ang makipag-ugnayan sa kanyang kapwaat bumuo at sumali sa mga samahan na makakatugon sa mga pangangailangan nito. Kahit na angmga sinaunang tao ay nangangaso at nangangalap ng mga pagkain ng pangkat-pangkat. Kayanaman hindi na bago sa kasaysayan ng tao ang pag-iral at paglaganap ng mga samahan,organisasyon at iba pang pagpapangkat-pangkat at sa partikular na usapin, ang penomenon nggang. Hindi na isang makabagong konsepto ang penomenon ng gang. Sa kasaysayan ng India,lumitaw ng halos kasing-aga ng 1200 AD ang salitang thug na tumutukoy sa grupo ng mgakriminal (Thugz) na sumasalanta sa mga pangunahing siyudad ng nasabing bansa. Ang mgamiyembro ng Thugz ay may sariling simbolo, mga senyas, ritwal at wika. Samantala ang salitanggang na nagmula sa lumang Norse gangr, ganga na nangangahulugang ‘daan, paglakbay opaglakad ay ginamit nang pagpapangalan sa mga grupo ng kabataan nang halos kasing-aga ngika-14 na siglo. Masasabi na ang etimolohiyang ito ay nagpapahiwatig na bahagi ng kalakaran ngbuhay ng sinaunang pagpapangkat-pangkat o band ang paggala o paglalakbay, bagama’t malayona ito sa kasalukuyang pagtingin ng gang na mayroon ng ideya na ng teritoryo. Matagal ng mayroong gang, anuman man ang anyo nito at ito ay bahagi na ng kasaysayanng tao. Ngunit sa pagpasok lamang ng dekada 80 naagaw ang pansin ng midya at pulitiko ngmga karahasan at suliraning dulot ng gang. Pagdating ng ika-19 at ika-20 siglo naging suliraninna ng bawat pangunahing siyudad sa mundo ang problemang dulot ng gang. Kasabay ng popularidad ng gang ay ang paglaganap at paglala ng mga suliraning dulot ngmga miyembro nito. Naging popular na tema ito sa mga pag-aaral ng mga dalubhasa at literatura.Subalit nakatuon ang mga isinagawang pag-aaral na ito sa ugat at pinagmulan ng penomenon ng‘gang’ bilang isang suliraning panlipunan at paglaganap nito partikular na sa mga kabataan.Kaugnay nito ay ang pag-usbong ng mga teorya hinggil sa pag-unlad ng gang, na kung saan angpagsugpo o paglutas sa suliranin na dulot ng samahang ito ng mga kabataan ang malimit nausapin.
  3. 3. Sa bawat literaturang naisulat hinggil sa gang, negatibo ang lumalabas na pagtingin sagang. Nabigyang-pansin ng ganitong pagtanaw sa karahasan, at iba pang lihis na gawain ngkabataang miyembro ng gang na umaabot pa sa pagnanakaw, pagpatay, at paggamit ng bawal nagamot. Subalit hindi ito ang buong istorya. Bagama’t may mga ganitong popular na pagtanaw atsteryotipo sa gang at buhay-gang, hindi pa rin maaalis ang katotohanang may tungkulingginagampanan sa lipunan ang gang. Para sa mga miyembro nito, hindi lamang simpleng samahanng mga magkakaibigan ang gang, ito ang humahalili at gumaganap sa tungkuling dapat ayginagampanan ng institusyong panlipunan tulad pamilya, relihiyon at paaralan. Walang istandard na pagpapakahulugan sa salitang gang sa kasalukuyan. May sari-sariling konsepto ng gang at nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang ito sa bawat manunulat.Karamihan sa naging pagpapakakahulugang ito ay nakatuon sa mga karahasan at problemangdulot ng mga miyembro ng gang bilang pangunahing katangian ng gang na nag-iiba dito mula saiba pang uri ng pagpapangkat. Ang ganitong pagtanaw ay hindi nakatuon sa pag-unawa sa tunayna konteksto ng problema kundi sa pagsugpo at pag-alis ng nasabing suliranin. Ang sulating ito ay isa lamang sa mga naging pagtatangkang unawain ang penomenon nggang sa mga kabataan. Ito ay preliminaryong pagsusuri sa isang kapansin-pansin at popular nakaganapan sa mga kabataan, partikular na sa mga kabataang Pilipino sa mga nakalipas na taon.Bagama’t marami ng naisulat na pag-aaral tungkol sa gang sa pangkalahatan, wala pangnaisasagawang pormal at komprehensibong pag-aaral hinggil sa mga Pinoy gang. Layunin ng sulating ito na makapagbigay ng isang kongkretong pagsasalarawan ng kungano ang gang at ang sinasabing buhay-gangster bilang isang pangkalinangang-tanawin sa lipunanat kulturang Pilipino partikular na sa subkultura ng kabataan. Nilalayon nito na mabigyan ngideya ang mga mambabasa tungkol sa kalagayan ng mga ganitong samahan ng samahan at mgamiyembro nito sa lipunan at kulturang Pilipino. Uusisain din ang mga teorya hinggil sa pag-unlad nito at ang iba’t ibang persepsyon dito. Kaugnay nito, nais din ng papel na ito na matukoyang pinagmulan ng gang at ang dahilan ng paglaganap nito sa Pilipinas.
  4. 4. Titingnan ng sulating ito ang gang bilang isang alternatibong institusyong panlipunan nasiyang nagiging takbuhan at kanlungan ng mga miyembrong ito sa mga pagkakataong dinagagampanan ng maayos ng mga nasabing institusyon ang kanilang gampanin. Kaugnay nito,titingnan ang pagsali sa gang bilang pakikipag-ugnayang sosyal na esensyal sa pag-unlad bilangtao. Sa positibong pagtanaw, susuriin ang gang at ang tungkulin na ginagampanan nito sasosyalisasyon ng mga kabataang Pilipino. Pahapyaw din na tatalakayin ang isa panglumalaganap na uri ng pangkat ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon na nagpapahiwatig nang paghina ng penomenon ng gang sa kabataan.1.1. Metodolohiya Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pag-aaral na ito ay isang preliminaryong pagsusuri sakalagayan ng gang at buhay-gang sa Pilipinas. Layunin nito na makapagbigay ng kongkretongpagsasalarawan at makapagbigay-ideya hinggil sa konsepto ng gang sa lipunan at kulturangPilipino. Dalawa ang naging pangunahing paraan ng mananaliksik sa pagkalap ng datos atimpormasyon para sa nasabing pag-aaral na ito. Pagkatapos magsumite ng isang balangkas atbatayang tanong, sinimulan ang pagbabasa ng mga akda at mga nakaraang pag-aaral, magingmga dokumentaryo at artikulong naisulat tungkol sa gang. Sumunod na naging hakbang ay ang paghahanap ng mga informant, mga miyembro nggang upang kapanayamin. Hindi naman naging mahirap para sa mananaliksik ang pagtukoy samga informant na kakailanganin sa pag-aaral. Unang tinukoy ang mga lugar na kinaroroonan atnapapabalitang may mga miyembro ng gang. Ilan sa mga lugar na ito ay Manggahan at NapaCompound sa Brgy. Marcelo Green, Paranaque City, Brgy. Purok 3, Bagong Tanyag, TaguigCity, Dr. Arcadio Santos National High School at Fourth Estate Elementary School saParanaque. Kinapanayam din ang mga lokal na opisyal ng mga nasabing lugar at paaralan.
  5. 5. 1.2. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay tutuon sa penomenon ng gang at paglaganap nito sa kabataangPilipino. Layunin nito na makapagbigay ng isang pagsasalarawan sa mukha at kalagayan ng gangat mga miyembro nito. Sasaklawin ng pag-aaral na ito ang kasaysayan at pinagmulan ng gang atpaglaganap nito sa lipunang Pilipino. Kaugnay nito, tatalakayin din ang mga perspektibongteoritikal na maikakawing sa pag-unlad ng gang sa Pilipinas. Mula sa mga nakalap na datos at impormasyon, magbibigay ang mananaliksik ng isangkongkretong pagsasalarawan, pagpapakahulugan at pagtingin ng mga tao tungkol sa gang salipunang Pilipino. Lalamanin din ng pagsusuri ang mga polisiya at programang ipinapatupadkaugnay ng suliranin sa gang at karahasang dulot nito. Tatalakayin din ng pahapyaw angfraternity, isa ring lumalaganap na uri ng pangkat ng mga kabataang Pilipino. Sa pag-aaral na ito,ipapakita ang unti-unti ng paghina ng penomenon ng gang at ang transisyon mula sa gangpatungong fraternity na siyang umiiral sa kasalukuyang panahon. Samantala, naging isang malaking limitasyon sa isinagawang pag-aaral ang kakulangansa oras at panahon bagamat masasabing sapat na ito upang makuha ang mga esensyal naimpormasyon para sa pag-aaral. Maliban pa dito ay ang pagiging sensitibo ng napiling paksa.Bagama’t hindi masyadong nahirapan ang manunulat na maghanap ng mga informant, nagingsuliranin naman ang pag-aatubili ng mga ito na ibigay ang hinahanap na datos. Isangkonsiderasyon din ang kaligtasan ng mananaliksik. Hindi na tinangka na magsagawa ng mgapanayam sa mga lugar na walang kakilalang tutulong sa paghahanap ng mga miyembro ng isanggang. Wala pa ring gaanong nasusulat hinggil sa ‘Filipino gang’ kaya hindi naging madali angpagkalap ng impormasyon lalo tungkol sa kasaysayan ng gang sa Pilipinas. Karamihan sapinagbatayang batis ay sinulat ng mga banyagang may-akda.
  6. 6. 2.0 KALUGARANG HISTORIKO-KULTURAL2.1. Ang Kabataang Pilipino Mahigit isandaan taon na ang nakalilipas, winika ni Dr. Jose Rizal, ang pambansangbayani ng Pilipinas na ang ‘Kabataan ang pag-asa ng bayan.’ Sa kasalukuyan, ito angpinanghahawakan ng mga kabataan para matamo ang minimithi nilang pagbabago. Sa lipunang Pilipino, ang ‘kabataan’ ay ang mga nabibilang sa mga edad 15-30 taonggulang. Ito ay ayon sa itinakda ng Batas Republika 8044 o ang ‘Youth Nation-Building Act’noong 1995. Subalit ang nag-iiba-iba ang pagpapakahulugang ito sa iba’t ibang ahensya ngpamahalaan sa bansa na nakabatay sa tungkuling ginagampanan nila. Itinuturing na yugto ng kabataan ang isa sa mga pinakamahirap na yugto ng buhay ngisang tao. Sa maikling panahong ito, patuloy na nakararanas ang isang tao ng mga pagbabago,mga dramatikong trnaspromasyon sa pisikal at emosyonal na aspekto. Sa yugtong ito,nararanasan ng isang tao ang mga pagsubok na makasabay sa mga pagbabagong ito. Sa paglipas ng panahon, mahalaga ang papel na ginampanan ng sektor ng kabataan sapagbuo ng kasaysayan. Noong panahon ng mga Kastila, sinimulan ng mga kabataang Pilipinongtinawag na ilustrado na may kakayahang makapag-aral sa ibang bansa ang paghingi ng repormapara sa kalayaan ng Pilipinas. Nanguna sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena at marami pang iba. Sa panahon ng Batas Militar, naging aktibo ang mga kabataang Pilipino sa pagpapaalis sadiktador na pangulo. Nanguna ang grupong Kabataang Makabayan at mga estudyanteng kabilangsa sector ng kabataan sa paghingi ng pagbabago para sa bansa. Sa kasalukuyan, kinakarakterisa ng kabataang Pilipino ang sarili bilang indibidwal namay katangi-tanging katangian, kakayahan, pangarap at mithiin at indibidwal na may
  7. 7. pagpapahalaga sa mithiin ng iba1 May kakayahan ang kabataang Pilipino na gumanap ng iba’tibang karakter sa iba’t ibng sitwasyon ng buhay. Sunod sa pamilya bilang mahalagang pinagmumulan ng suporta at pagtanggap bilang taoay ang kanilang mga kaibigan at barkada na tumutukoy sa maliit na pangkat ng tao na madalasnakakasama sa lahat ng gawain. Karaniwan itong gumaganap na isang entablado na kung saannagagawa ng isang kabataan ang mga gampanin niya bilang tao. Isang mahalagangpinagmumulan din ng tama at maling impormasyon ang barkada. Kung kaya naman aymayroong konsepto ng mabuti at masamang barkada ang mga magulang pagdating sa mgakaibigan ng kanilang mga anak. Mayorya (97%) ng kabataang nabanggit ay may barkada. Angbarkada ang nagsisilbing lugar na kung saan maaaring makapagpahayag ng walang ibang iniisip,lalo na ang hindi nila masabi sa kanilang magulang at kapatid. Isang esensyal na bahagi ngbuhay-kabataan ang pagkakaroon ng barkada at iba pang uri ng samahan.2.2. Kasaysayan ng Gang Unang ginamit ang salitang ‘gang’ bilang pagpapangalan sa grupo ng mga kabataannoong ika-14 na siglo. Sa pagpasok ng ika-19 hanggang ika-20 siglo, naging pangunahingsuliranin sa mga malalaking siyudad sa mundo ang karahasang dulot ng mga grupo ng kabataanngunit naagaw lamang nito ang pansin ng midya at mga pulitiko noong 1980s. Unang lumitaw ang gang na kinabibilangan ng kabataan sa Europa at Mexico. Nakaratingat lumaganap ito sa Estados Unidos nang kasing-aga ng 1973 sa pagtatapos ng RebolusyongAmerikano. Pinaniniwalaang nag-ugat ito sa mga grupong tinatawag na play groups o maaaringisa rin itong kolektibong pagtugon sa mga pagbabago sa kondisyon ng bansa. Sinasabi rin naumusbong kasunod ng pandarayuhang Mehikano patungong timog-kanluran pagkatapos ngRebolusyong Mehikano noong 1813. Mahihinuhang ang hirap na naranasan at nakaharap ng mga1 Gale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The Association of SocialScience Research Councils, (2005), 202,http://www.unescobkk.org/fileadmin/user_upload/shs/Publications/AASSREC_Book.pdf
  8. 8. migranteng kabataang Mehikano sa pakikipag-ugnayan sa banyagang kultura ang nagbunsod ngpagbuo ng mga gang. Lumaganap ang mga gang sa New England noong unang bahagi ng 1800s sa pagsulongng Rebolusyong Industriyal sa mga malalaking siyudad ng Estados Unidos tulad ng New York,Boston at Philadelphia. Umunlad ang gang sa Chicago at ibang malalaking siyudad sa pagtaas ngantas ng pandarayuhan at pabagu-bagong populasyon noong panahong industriyal. Sakasaysayan ng Amerika, naging pinakaaktibo at pinakamarahas sa mga panahon na kung saanmay nagaganap na mabilis na pagbabago sa populasyon ng bansa. Kinakitaan ng apat na yugtong rurok ng pag-unlad ng gang at gawain nito: noong ika-18 siglo, dekada 20, 60 at 90. Noongdekada 70 at 80, naging mas mapanganib ang mga gang. Ang dating mga away-gang o rumble naginagamitan lamang ng kamao at mga brass knuckles ay ginamitan na ng mga baril. Sa pag-unlad ng panahon at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ng mga bagong paraan at nagingdaan ito sa pagiging mas mapanganib na gawain ng gang. Bumabata din ang mga nagingmiyembro ng gang ng 1980 at 1990. Kinakitaan din ng pagbabago at transpormasyon ang ilan samga gang patungo sa mga organisasyong entreprenyuryal. Pinasok na rin ng ilang gang angnegosyo ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot noong kalagitnaan ng dekada 80.22.3. Ang Pinagmulan ng Pinoy Gang Sinasabing nagsimulang lumaganap ang mga gang na binubuo ng mga kabataang Pilipinonoong dekada 70 at 80. Ito ang panahong laganap ang kaguluhang pulitikal sa bansa. Dahil dito,marami ang umalis ng Pilipinas at nagpunta sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos. Dala ngpagkakaiba sa kultural na aspeto, nagsimulang magbuo ng mga samahan ang mga kabataangPilipino bilang proteksyon sa mga komprontasyong kinakaharap nila sa ibang bansa. Habangnasa banyagang lupain, kinailangan ng mga kabataang Pilipino na maipagtanggol ang kanilangmga sarili laban sa iba’t ibang uri ng diskriminasyon dulot ng pagkakaiba ng lahi at kultura Ditonagsimulang mabuo ang mga ‘gang’.2 Irving, Spergel, The Youth Gang Problem: A Community Approach (New York: Oxford University Press, 1995).
  9. 9. Sa Pilipinas, walang nakalap na impormasyon hinggil sa kasaysayan ng mga gang sabansa. Subalit kung pagbabasehan ang mga naging kaganapang panlipunan sa bansa,mahihinuhang sa yugto ding ito ng dekada 70 at 80 nabuo at lumaganap ang mga gang sa bansa.Sa mga panahong ito, aktibo ang mga kabataan sa pagbuo at pakikilahok sa mga samahan atorganisasyon. Isa sa rin sa maaaring pagbatayan ng ganitong hipotesis tungkol sa kasaysayan ng Pinoygang ay ang social disorganization theory3 na isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad nggang. Ayon sa teoryang ito, malaki ang kaugnayan ng urbanisasyon, pandarayuhan atindustriyalisasyon sa pag-unlad ng gang na nagiging dahilan pagkasira ng mga umiiral nainstitusyong panlipunan. Isa sa mga bunga ng urbanisasyon ay ang pagdami ng mga iskwater o mga informalsettlement. Ayon sa isang pag-aaral4, naging triple ang populasyon ng iskwater mula 3.35 milyonnoong 1985 na naging 11 milyon noong 1989. Nasa Metro Manila ang 45 porsyento ngpopulasyon ng iskwater. Inaasahang sa patuloy na pagsulong ng urbanisasyon, patuloy rin angpaglaki ng bilang ng populasyon ng iskwater sa mga susunod na dekada. Ang kalagayang ito nglipunang Pilipino noong dekada 80 ay maiuugnay din ito sa popular na pagtanaw na ang mgagang ay karaniwang nabubuo sa mga mahihirap na lugar at mga lugar na may iskwater. Sa kasalukuyan, patuloy ang paglaganap ng mga gang sa kabataang Pilipino. Hindi rinnaiiba ang mga Pinoy gang sa mga gnag sa ibang bansa. Negatibo rin ang pagtingin ng mga taosa mga miyembro ng gang. Sa Metro Manila, naging malaking suliranin ang mga karahasangdulot ng mga kabataang miyembro ng gang.2.4. Ano ang Gang? Walang isang masasabing istandard na pagpapakahulugan sa gang. Nag-iiba-iba itodepende sa pagtanaw ng mga manunulat na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa gang. Sa mganakaraang pag-aaral, ang pagiging sangkot ng mga miyembro ng gang sa mga gawaing kriminal3 Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997).4 Transportation, Water, And Urban Development Department, Philipines in the 1980s: A Historical Review ofSocial Policy and Urban Level Interventions (Washington:The World Bank, 1993).
  10. 10. at delingkwenteng gawi ang nagiging batayan at siyang nag-iiba sa gang sa iba pang pangkat osamahang kinabibilangan ng mga kabataan. Ayon sa mga isinagawang pag-aaral ng mga sosyolihista, ang gang ay grupo ng kabataanna kinikilala at tinitingnan bilang distintong samahan sa lugar na kanilang kinabibilangan;itinuturing ang kanilang mga sarili bilang isang distintong grupo (na may sarilingpagpapangalan at mga simbolo na sumasagisag sa kanilang grupo) at; naging sangkot sa mgailigal na insidente na sapat upang tumawag ng pansin o makakuha ng mga negatibong puna mulasa mga tao sa kanilang lugar at/o maging sa mga awtoridad ng batas (Klein and Maxson, 1989). Sa isa pang parehong pagpapakahulugan, ayon kay Joan Moore na isang sosyolohista,ang mga gang ay mga unsupervised peer group na ang paraan ng pakikipag-ugnayan atsosyalisasyon ay sa mga kalye at kalsada at hindi sa ilalim ng mga umiiral na institusyon.Kinikilala nila ang sarili nilang gang at may kapasidad na magparami ng kanilang samahan,karaniwan sa kinabibilangan nilang lugar. Para naman kay Frederic Thrasher, isang sosyolohista na nagsagawa ngkomprehensibong pag-aaral tungkol sa gang, ang mga gang ay isa sa mga normatibong gawainng mga kabataan na nakapaloob sa isang continuum ng pag-uugali, mula sa pagigingkumbensiyonal patungo sa wild o magulong gawi. Samantala, sa perspektibo naman ng mga tagapagpatupad ng batas, ang gang ay mgasamahan at ugnayang kriminal na may iilang hard-core na miyembro (karaniwang inilalarawanbilang mga sociopath). Naniniwala ang mga awtoridad ng batas na ang paghuli at pagkulong samga indibidwal na ito ay kinakailangan at pinahihintulutan ng polisiyang panlipunan. Ayon naman sa California Penal Code, ang isang street gang ay kahit anongorganisasyon, asosasyon o samahan ng tatlo o higit pang indibidwal, pormal o di-pormal na mayiisang pagpapangalan o símbolo o senyas na kung saan ang mga miyembro ay maaaring mag-isao magkakasamang nagsasagawa o nakikilahok sa isang padrón ng gawain na labag sa batas.
  11. 11. Subalit ano nga ba ang pagpapakahulugan sa gang sa lipunang Pilipino? Sa pag-aaral atpagsusuri ng mga gang, mahalagang bigyang-pansin na normatibo para sa mga kabataan namakasama ang kanilang mga kaibigan. Dahil sa ang kabataan ay pumupunta sa mga kasiyahan atparty, at sayawan at mga mall upang mamili at mamasyal, hindi na nakakagulat ang ilan sa kanilaay sumali sa isang uri ng grupo na kilala bilang gang. Dahil dito, maituturing na ang karanasan sagang na isang ang normatibo at pamilyar na penomenon sa subculture ng mga kabataan atnagpapakita ng isang na manipestasyon ng pagkakaroon ng tendensiya ng mga nasa ganitongpangkat na magsasama-sama o maging kabilang sa isang grupo. Sa mga isinagawang panayam sa mga miyembro ng gang, ang mga sumusunod ay mgapagpapakahulugan nila sa mga gang na kanilang kinabibilangan: a. Isang samahan o tropa ng mga kabataan na nagtutulungan kapag may kaaway b. Isang samahan na maaari mong matakbuhan pag nangangailangan c. Isang samahan na makakapitan at magbibigay sa isang miyembro ng proteksyon laban sa nang-aapi d. Isang samahan o barkada e. Isang grupo o samahan ng mga kabataan na walang patutunguhan f. Isang kapatiran ng mga kabataan na nagdadamayan kung may naapi . Sa madaling sabi, kung pagsasamahin ang mga nakuhang sagot, ang gang ay isangsamahan ng mga kabataan na may layuning mabigyan ng proteksyon ang mga miyembro nito.Bagama’t hindi pa rin naaalis ang negatibong konotasyon ng salitang gang, mahalagang unawainna tinitingnan ito ng mga miyembro nito bilang isang institusyon na maaari nilang takbuhan atmagsisilbing kanlungan nila sa panahon ng kagipitan.2.5. Ang Persepyon at Steryotipo sa Gang Sa lipunang Pilipino, hindi na rin bago ang pagturing sa mga miyembro ng gang bilangmasasama at delingkwenteng indibidwal. Hindi na rin bago ang pagiging sangkot sa krimen atmga gawaing labag sa batas gaya ng pagnanakaw, at pagpatay.
  12. 12. Marahas, mayabang, maangas - ito ang mga salitang ito ang agad na sagot ng mganakapanayam tungkol sa persepsyon sa gang. Walang ibang ginagawa ang mga miyembro nitokundi makipag-away at mangggulo at sangkot sa mga kaguluhang nangyayari sa lugar nakanilang kinabibilangan. At bilang panghuli, pinaghihinalaang ang mga miyembro ay gumagamitng ipinagbabawal na gamot at nagbibisyo. Itinuring din na mahilig sa kasiyahan o party. Samadaling sabi, wika nga ng isang informant, ang mga miyembro ng gang ang mga walangpatutunguhan sa buhay. Isang mahalagang konsiderasyon din ang panlabas na katangian ng mga gangster.Karaniwang nakasuot sila ng mga maluluwang na damit at sumbrero. Mayabang daw angpaglalakad at pananalita ng mga ito. Ang paso sa daliri, braso at iba pang bahagi ng katawan ayisa rin sa mga pisikal na palatandaan ng pagiging gangster. Popular na paniniwala din na angmga gangster ay mula sa mga mahihirap na lugar sa mga siyudad.3.0. ANG PENOMENON NG GANG Marami ng naisagawang pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng gang at dahilan ng pagsaling mga kabataan sa gang. Subalit ang mga pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtugonsa problemang idinudulot ng mga gang sa lipunang kinabibilangan nila. Ilan sa mga popular napagtanaw na ginagamit ng mga manunulat upang pag-aralan ang pag-unlad ng gang ay ang pag-unawa sa mga salik na istruktural at sikolohikal.3.1. Mga Istruktural na Salik sa Pag-unlad ng Gang Ang Social Disorganization Theory5 ang isa sa pinakapopular na teorya sa pag-unlad nggang. Isa itong teorya na nakatuon sa krimen at lihis na gawain na bunga ng pagkasira opagkawala ng mga institusyong komunal gaya ng pamilya, paaralan, relihiyon at lokal napamahalaan) at ugnayang komunal sa mga taong nakapaloob sa dito. Ang terminongdisorganization ay tumutukoy sa pagkasira o pagkawala ng ugnayan ng mga tao at ang mgaugnayang ito ay tinitingnan na organisado at may depinidong istruktura. Ang organisado at5 Randall Shelden, and others, Youth Gangs in American Society, (Wadsworth Publishing Company, 1997).
  13. 13. depinidong istrukturang ito ay nasisira dala ng mga pagbabagong panlipunan at siyang nagigingsanhi ng pagbuo ng mga gang. Ayon sa Social Disorganization Theory, ang mataas na bilang ng krimen at lihis nagawain ay makikita sa mga lugar na nagpapakita ng mataas na bilang ng mga suliraningpanlipunan gaya ng kawalan ng trabaho, mababang kalidad ng edukasyon at iba pa. Angganitong kalagayan ay maaaring bunga ng tatlong salik: ang urbanisasyon, industriyalisasyon atpandarayuhan. Kung titingnan ang kasaysayan ng gang, naipapaliwanag ng Social DisorganizationTheory ang pinagmulan ng mga Pinoy gang sa ibang bansa. Ang pagkakaiba sa kultural naaspeto ang nagbunsod sa mga kabataang Pilipino na bumuo ng gang upang ipagtanggol angkanilang mga sarili laban sa diskriminasyon dala ng pagkakaiba sa kultura at lahi. Magagamitdin ang teoryang ito upang ipaliwanag ang paglaganap ng mga gang sa Pilipinas noong dekada70 at 80. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iral ng mga gang sa Pilipina. Ito ay maaaring dalang patuloy na urbanisasyon at pandarayuhan. Kasabay ng urbanisasyon ay ang paglaki ngpopulasyon ng mga informal settler o mga iskwater sa Metro Manila na bunga ng pandarayuhanng mga mula sa karatig-bayan. Kaugnay ng paglaki ng bilang ng mga iskwater sa kalunsuranpartikular na sa Kamaynilaan ay ang pag-usbong at pagbuo ng mga gang. Sa isang lugar na kung saan nawala o nabigo ang umiiral na mga institusyong panlipunanna gampanan ang mga kaukulang tungkulin sa buhay ng isang bata, nangangahulugan ito ngdisintegrasyon ng buhay-pamilya, pagiging di-epektibo ng mga paaralan, korupsyon, atkawalang-interes sa lokal na pulitika, mababang sahod at kawalan ng trabaho at kakulangan ngoportunidad para makapaglibang. Ang lugar na may mga iskwater ang isang perpektongpagsasalarawan ng isang disorganisado at nabubulok na lipunan. Sa ganitong kalagayan, nagiging isang mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mgakabataan ang gang. Ang mga gang ang nagiging kahalili at nagsisilbing alternatibong institusyonna nagbibigay ng kung anuman hindi maibigay ng umiiral na lipunan at nagiging kanlungan at
  14. 14. proteksyon laban sa di-kaaya-ayang kalagayang panlipunan. Sa gang nahahanap ng mgakabataan ang hinahanap nilang pagkalinga ng pamilya at iba pang mga pangunahingpangangailangan. Sa gang din nahahanap ng mga miyembro ng gang ang proteksyon nakinakailangan nila sa paglaki at pakikipag-ugnayan sa mundo. Sa uri ng pamumuhay na umiiralsa mga lugar na may iskwater, isang normatibong bahagi ng buhay ang pagkakaroon ng mgakaibigan na kinakatawan ng mga gang.3.2. Mga Sikolohikal na Salik sa Pag-unlad ng Gang Ang mga sikolohikal na salik ay maaaring bunga ng mga istruktural na salik na makikitarin at pinagtuunan din ng pansin ng mga manunulat ng tungkol sa gang. Ang gang ang nagsisilbing alternatibong lugar na kung saan maaaring makamit o ng mgamiyembro nito ang mga batayang pangangailangan na hindi naibibigay sa kanila ng mga umiiralna institusyong panlipunan tulad ng estadong panlipunan, pagkakakilanlan at pangangailanganmapabilang sa isang samahan. Sa mga lugar na kanilang kinabibilangan, isang paraan ng pagkamit ng estadongpanlipunan at sariling pagkakakilanlan ay ang pagsali sa mga gang. Sa loob ng gang, nakakamitng mga miyembro nito ang mga pagkilalang ninanais nilang makamit. Makukuha sa gang anglahat ng imposible at di maibibigay ng lipunan gaya ng suporta, pagkakakilanlan, estado, dangal,oportunidad at pamilya.4.0. ANG GANG SUBCULTURE4.1. Demograpiya Ang average na edad ng isang gangster ay 17 o 18 taong gulang. Sa isinagawang pag-aaral, ang mga miyembro ng gang ay karaniwang may edad na 11 hanggang 24 taong gulang.Ang ilan sa kanila ay maaaring mas matanda pa o bata sa nabanggit na edad.
  15. 15. Taliwas din sa lumang paniniwala na ang mga gang ay binubuo ng mga lalaki lamang,marami na rin sa mga gang ngayon ay binubuo ng parehong lalaki at babae. Subalit bihira namanang pagkakaroon ng isang all-female gang na binubuo lamang ng mga kabataang babae.4.2. Ang Gang at Kabataang Babae Bagamat walang nakalap na mga estadistika hinggil sa mga pagkakaroon ng mgababaeng gang, karaniwan sa mga Pinoy gang ay binubuo na ng parehong lalaki at babaengmiyembro. Ayon sa mga naging pag-aaral, may tatlong uri ng kasapian ang mga kabataang babaena miyembro ng gang. Una ay ang pagiging independyente o hiwalay na gang sa mgakalalakihan. Pangalawa, pagiging miyembro ng isang coed na gang na tumutukoy sa gang namay babae at lalaking miyembro. At panghuling uri ng gang na kinabibilangan ng mgakabataang babae ay ang babaeng bersyon (feminized version) ng mga umiiral na mga gang ngkabataang lalaki. Kagaya ng mga lalaking gangster, pangunahing dahilan din ng pagsali ng gang ngbabaeng gangster ang paghahanap ng proteksyon. Pangalawa dito ay ang patuloy na hangaringmaalis ang steryotipo sa mga kababaihan at maipakita na kaya nilang gawin ang mga ginagawang mga kalalakihan. Isang pagrerebelde din ito sa konserbatibong nosyon ng lipunang atkulturang Pilipino sa pagiging babae na nangangahulugan ng pagiging mahinhin at masunurin atlaging pangalawa sa lalaki. Ang pagsali sa gang ay isang paraan ng pagpapakitang-gilas sakakayahan at maaaring gawin bilang isang babae. Nakikita din mga kabataang babae na maaarisilang makahanap at magkaroon ng boyfriend pag sumali sila sa gang. Ang mga babaeng gangster ang karaniwang taga-dala o tagapagtago ng mga sandata ngmga lalaking gangster. Isa rin sa tungkulin na ginagampanan nila sa gang ay magbigay ng aliw(sekswal) sa mga lalaking miyembro nito. Kalimitan ding mga girlfriend ng lalaking gangsterang mga babaeng miyembro ng gang.
  16. 16. 4.3. Istrukturang Organisasyonal ng Gang Ayon sa isinagawang pananaliksik, ang mga Pinoy gang ay pinamumunuan ng Founder,Pangulo at Master of Disciplinary Action (Master D.A.). Ito ang tatlong esesnyal na bahagi ngsamahan. Subalit maaaring magdagdag ng ilan pang opisyal ayon sa pagpapasya ng Founder atPangulo ng gang. Maaaring magkaroon ng Pangalawang Pangulo, Kalihim at Ingat-Yaman. Ang Founder ang tagapagtatag ng gang. Siya ang itinuturing na pinakamakapangyarihansa gang at kadalasang may pinakamalawak na karanasan at koneksyon. Iginagalang ng lahat ngmiyembro ang kanilang Founder. Karaniwan ang Founder ang nagbibigay ng payo sa mgamiyembro ng gang. Isa siya mga tinatawag na OG o original gangster na siyang mga beteranongmiyembro ng gang. Ang Founder din ang siyang gumagawa ng mga simbolo, pagpapangalan ngsamahan. Lady Founder naman ang katumbas nito sa mga babaeng gang. Ang Pangulo naman ang nangangasiwa at namamahala sa mga internal na gawain nggang. Sila ang gumagawa ng batas na dapat sundin ng mga miyembro ng gang. Bagama’t masmakapangyarihan ang Founder, hindi ito gaanong nakikialam sa mga usapin ng gang.Ipinauubaya nito sa Pangulo at iba pang opisyal ang pagpapanatili ng kaayusan ng samahan. Pinipili ang Pangulo sa pamamagitan ng botohan. Ang mga miyembro ang nagpapasya sakung sino ang kanilang magiging Pangulo. Ang isang Pangulo ay dapat responsable, malakas,matapang at isang bentahe ang kanyang karanasan bilang isang gangster. Kailangan din na maykakayahan siya at magaling magpalakad ng isang samahan. Karaniwan napapalitan lamang angisang Pangulo kapag siya ay namatay o nawala ito. Subalit sa mga pagkakataong nagkaroon ngproblema sa kanyang pamamahala, maaaring palitan siya at idinadaan ito sa botohan. Samantala, nasa kamay naman ng Master D.A. ang pagdidisiplina sa mga miyembro nggang. Siya ang nagpapanatili ng kaayusan ng samahan at kadalasang nagbibigay ng kaukulangparusa sa mga lumalabag sa mga batas na dapat sinusunod ng mga miyembro. Siya rin angnamamahala sa initiation ng mga gustong maging miyembro.
  17. 17. Sunod sa mga opisyal ay ang mga miyembro ng gang. Inaasahan ang bawat miyembro nasumunod sa mga batas ng gang, at isabuhay ang mga paniniwala ng gang. Kasama na rin saresponsibilidad na ito ang pagpapanatili sa gang sa pamamagitan ng pagpaparami atpagpapalawak ng sakop nito. Bawat miyembro ay may kakayahang makapagtatag ng bagongchapter ng gang nila sa ibang lugar.4.4. Proseso ng Pagsali sa Gang Bawat gang ay may sinusunod na proseso sa pagpapalawak ng kasapian nito. Ang mgasumusunod ay hakbang sa pagsali ng gang ng isang neophyte o wannabe. Hindi ito ang istandardna proseso sapagkat hindi lahat ng gang ay sumusunod sa mga hakbang na ito. Recruitment Ito ang unang hakbang sa pagsali sa isang gang. Lalapitan ng isang miyembro ng gang ang isang potensyal na miyembro at hihikayating sumali sa gang nila. Sa yugtong ito, ikinukwento ng miyembro ng gang ang lahat ng positibong bagay tungkol sa kanilang samahan. Subalit madalas na hindi na dumadaan dito ang mga nais na maging miyembro gangster. Sila na mismo ang lumalapit sa isang miyembro ng gang at nagpapahayag ng kagustuhang sumali. Karaniwan ang mga indibidwal na ito ay kaibigan na ng mga miyembro at halos alam na ang lahat ng tungkol sa gang na sasalihan niya. Confirmation Mahalaga sa gang na mapangalagaan ang anumang lihim na mayroon ito na nararapat lamang na malaman ng mga miyembro nito kung kaya’t dumadaan sa hakbang na ito ang mga nais na maging miyembro. Ito ay upang masiguro na alam na ng neophyte ang mga papasukin niya bilang miyembro ng gang at matiyak ang kagustuhan niyang bahagi ng gang. Hazing o ‘Bigay’ Tinatawag itong 30-second massacre. Sa loob ng tatlumpung segundo, daranasin ng neophyte ang pisikal na pagpapahirap mula sa mga miyembro ng gang. Kadalasang jina-jump in at bibigyan o bubugbugin ng lahat ng naroroong miyembro ang neophyte.
  18. 18. Kinakailangan niyang kayanin ang ganitong pagpapahirap upang maging ganap na miyembro. Maaaring makaligtas ang isang neophyte sa 30-second massacre sa pamamagitan ng tinatawag na ‘welcome’ na kung saan nagagawang pakiusapan ng nagrecruit ang Pangulo na huwag ng dumaan sa hazing ang kanyang narecruit. Subalit tanging ang mga opisyal at mga miyembrong malapit sa Pangulo ang may prebilihiyong gawin ito. May sariling bersyon naman ang mga babaeng gang sa 30-second massacre. Sa kanila, maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagsampal o pagsinturon sa neophyte. Bahagi rin ng hazing o Isa sa palatandaan ng gang ay ang tinatawag na sondo o paso sa pagitan ng daliri, braso o sa iba pang bahagi ng katawan. Kamayan Ito ang huling bahagi ng proseso. Kakamayan ng mga miyembro ang bagong miyembro upang maging opisyal ng miyembro ng gang.4.5. Dahilan ng Pagsali sa Gang Iba-iba ang dahilan ng bawat miyembro sa pagsali sa gang . Ang mga sumusunod aymga ispisipikong dahilan ng pagsali ng mga kabataang Pilipino sa gang. Proteksyon Ang pagbibigay-proteksyon sa mga miyembro nito ang pinakapopular na dahilan sa pagsali sagang. Tinitingnan ng mga miyembro nito ang gang bilang isang samhan o kapatiran na tutulong sa kanila kapag sila ay naaapi. Panatag ang mga miyembro kapag kasama nila ang kanilang gang. Ayon sa isa sa mga informant, pag kasama niya ang gang niya, pakiramdam niya wala ng gagalaw sa kanya.
  19. 19. Ang gang din ang nagsisilbing takbuhan ng mga miyembro nito sa panahon ng kagipitan. Maliban sa pisikal na proteksyon, sa gang din nahahanap ng mga mga miyembro nito ang mga pagkukulang na di maibigay sa kanila ng kanilang pamilya, paaralan at lokal na pamahalaan. Dito nila nararanasan ang suporta, pagkalinga at pagmamahal na hinahanap nila. Karanasan Ang ilan naman ay sumasali lang sa gang upang maranasan lamang ang buhay- gang. Dala ito ng kuryosidad sa kung ano ang mayroon sa gang at ano ang dahilan ng popularidad. Sa isang lugar sa Paranaque, dumating ang panahon na halos lahat ng kabataan ay nais maging gangster at halos lahat ay sumasabay sa popularidad ng gang. Barkada/Kaibigan Isang malaking impluwensya sa buhay ng kabataang Pilipino ang kani-kanilang grupo ng kaibigan o mga barkada. Karamihan sa mga naging informant ay naimpluwensyahan ng barkada o ang sabi pa ng isa ay nadala sa sulsol ng barkada kaya naman sumali at napasali sagang. Pinaiiral sa mga barkadang ito ang konsepto ng‘Walang iwanan’ na nagpapakita ng matibay na samahan ng mga magkakaibigan sa lipunan at kulturang Pilipino. Sa kabilang banda naman, ang paghahanap ng mga bagong kaibigan ay isa ring dahilan sa pagsali sa gang. Ayon kay Syron ng Reckless Asiatic Gang (RAG), masaya siya sa gang niya dahil sa mga kaibigan niya sa gang. Mas maganda kung maraming tropa.4.6. Pag-alis sa Gang Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matiwasay ang samahan sa gang. Minsan may mgabagay na dapat isaalang-alang na humahantong sa pag-alis sa gang.
  20. 20. Para kay Paulo, isa sa mahalagang konsiderasyon sa pag-alis niya sa gang ay angkanyang pamilya. Hindi sang-ayon ang kanyang ina sa pagsali sa gang kaya naman di niya itoipinaalam. Subalit nang malaman ito ng kanyang ina, napilitan siyang umalis sa gang.Humantong pa sa insidenteng ipinakulong siya kasama ang kanyang mga ka-gang dahil sapagsali niya sa gang. “…. Mama ko. Nung nagalit siya. Kasi yung cellphone ko nun may camera tas nakitaniya yung picture namin ng mga kagang ko. Ayaw niya kasi madudungis yung mga katropa ko.Pagkatapos nun, wala na kaming pansinan ng mga kagang ko. Pero pag nakikita nila ako,kinakantyawan nila ako. Pag ganun, may magsusumbong sa bahay, tas pupuntahan sila niMama, aawayin niya mga yung mga dati kong ka-gang.” Isa rin sa mahalagang konsiderasyon ay ang internal na alitan sa loob ng gang. Kapag dina nagugustuhan ng isang gangster ang pagpapalakad sa gang, nagiging dahilan ito ng pag-alisniya sa gang. Ang kagustuhan ding lumipat sa ibang ang isa sa mga dahilan ng pag-alis ng isangmiyembro sa gang na kinabibilangan niya. Si Salnel ng Purok 3, Bagong Tanyag, Taguig ay matagal ng miyembro ng OriginalBrotherhood 3 gang simula noong siyam na taong gulang pa lamang siya. Subalit pagsapit niyang ikadalawampung taon, dumating ang yugto sa buhay niya na sawa na siya sa buhay-gang athindi na naging aktibo sa gang niya. Subalit hindi rin ganoon kadali ang pag-alis sa gang. Kailangan munang sumailalim sa isapang 30-second massacre na tinatawag na good bye hazing. Halos katulad lang din ito ng bigaysa pagsali sa gang subalit di hamak na mas matindi ang pagpapahirap na gagawin sa mgamiyembro na nais umalis ng gang. Doble ang hirap na mararanasan mo. Sa Armela Compound sa Paranaque, halos lahat ng kabataan ay miyembro o maykaugnayan sa gang. Subalit pagdating ng ikadalawampung taon nila na kung saan nagtatrabahoat may nahanap na ibang pagtutuunan ng pansin, unti-unti nang humihina ang partisipasyon ng
  21. 21. mga miyembro ng gang sa gawain ng gang nila. Masasabing ang ganitong tanawin aynagpapakita na ang buhay-gang ay isa lamang yugto ng kabataan na unti-unti ding nawala sapaglipas ng panahon. Sa kasalukuyan, makikita na sa pag-iral at unti-unting paglaganap ng mga fraternity sakomunidad na sakop ng pag-aaral. Sa Napa Compound sa Paranaque City, nakikita angtransisyon mula sa gang patungo sa fraternity. Makikita ito sa ebolusyon ng True Asiatic Gang(TAG) na ngayon ay Alpha Kappa Rho (AKRHO) na. Ganun din ang kasalukuyang nangyayarisa Reckless Asiatic Gangsta na unti-unti na umanong nabubuwag at may plano ng isali saAKRHO. Sa kasalukuyan, tanging ang mga hard-core na miyembro na lamang ang patuloy nanaging aktibo sa RAG samantalang ang ilan sa mga miyembro nito ay lumipat sa mga fraternitygaya ng Triskelion at AKRHO. Isa itong palatandaan ng humihinang penomenon ng gang sa mgakabataang Pilipino.4.7 Ang Kalinangang Gang4.7.1. Sistema ng Paniniwala at Etika ‘Bala ang pantubos sa sala. Ang kaligtasan ,sa isa’t isa ay nasa. Yan ang buhay ng gangsta…’ - Buhay ng Gangsta Ang katapatan sa gang ang isa sa mga pagpapahalagang mayroon ang bawat miyembrong gang. Ito ay dala ng mga pinagsamahan at karanasan nila bilang mga miyembro ng gang. Sakoro ng awiting Buhay-Gangsta, ang pagbubuwis ng buhay alang-alang sa kapwa gangster.Laging iniuuna ng bawat miyembro ang kaligtasan ng bawat isa. Naisasalarawan nito angkonsepto ng ‘Walanglaglagan’ at ‘Walang iwanan.’ Mahalaga rin ang pagpapanatili sa kaisahanng samahan at sa matiwasay na pagsasama ng mga miyembro nito. Ang pagpapahalaga sakasama, kaibigan, ka-barkada ay isa sa magandang karakterisasyon ng mga kabataang Pilipino atnaipapakita ito sa matibay na samahan ng mga miyembro ng gang.
  22. 22. Taliwas naman sa paniniwala ng nakararami, hindi gawain ng gang na manakit ngsibilyan. Kadalasang mga miyembro ng ibang gang o kaalitang gang ang nagiging biktima ngkarahasan ng gang. Maaari namang humantong sa pagpatay ang pagganti para sa naagrabyadongkamiyembro ng gang.4.7.2. Wika ‘Mga TBS satakbuhan ay mabilis Brown style 12, dumadami Kung TBS ka, putang-ina ka’ Takbo TBS 13 Para sa mga taga-labas ng gang, isa sa mga di-kaaya-ayang aspeto ng buhay-gang ay angparaan ng pananalita ng mga miyembro nito. Opensiba, bastos at bulgar na wika ang ginagamitng mga gangster. Sa bawat salita nila ay namumutawi ang mga mura at ang paggamit ng mgasalitang may kaugnayan sa maseselang bahagi ng katawang ng tao. Magkatulad ang babae atlalaking miyembro ng gang sa aspetong ito. Taliwas ang ganitong gawi sa umiiral na mga pagpapahalagang Pilipino. Sa wikang ito,masasalamin sa wika at sa tono ng pananalita ang pagiging ‘mayabang’ at maangas at walanginuurungan na tila ba nagpapahiwatig ng pagiging rebelde ng mga kabataan sa umiiral na normsa lipunan at kulturang Pilipino. Maliban sa pang-araw-araw na kalakaran ng buhay-gang,makikita rin ang ganitong paggamit ng wika sa mga awiting gang.4.7.3. Pananamit Isa sa pisikal na palatandaan ng isang gangster ay ang kanyang pananamit.. Sa Pilipinas,uso sa mga gangster ang panghiphop na porma ng mga kabataan. Kaiba ito sa mga gang sa ibangpanig na mundo na may sariling paraan ng pananamit upang tukuyin ang gang na kinabibilangan
  23. 23. nila. Makikita mo ang mga kabataang Pilipino na miyembro ng gang na nakasuot ng malalaki atmaluluwang na damit sa pang-itaas at shorts (size XXL). Teternuhan nila ito ng malalakingsombrero sa ulo. At bilang sapin sa paa, tsinelas na malalaki na imitasyon ng brand na Islander. Sa mga kababaihan naman, malalaki at maluluwang na damit din ang pang-itaas nila nakaraniwang jersey. Sa pang-ibaba naman ay maiikling shorts na tinatawag poky o pekpekshortsdahil sa sobrang ikli nito.4.7.4. Simbolo (Hand Signs) Bawat gang ay may sariling mga senyas o simbolo o kamayan na isang paraanupang makilala ang isang indibidwal na kabilang sa isang gang. Ang mga simbolong ito aybinubuo ng Founder at nagsisilbing identidad ng miyembro ng gangster sa labas ng kanilangteritoryo. Isang tipikal na gangster
  24. 24. Ang simbolo ng sikat na gang sa Estados Unidos na nagngangalang Bloods4.7.4. Sining Kilala ang gang sa kanilang mga ,makukulay na graffiti at mga vandalismo sa mga paderng mga gusali at kung saan saan pa. Tinagurian ang mga graffiti na dyaryo o bulletin board ngmga gang at ito ang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga gang, kasama na ang mgamensahe ng paghahamon, babala, pagpapahayag ng mga matagumpay na gawain o mga gagawinpa lang. Subalit ang mga graffiti na ito ay hindi kaaya-ayang tanawin para sa nakararami. Ilan sa mga pagpapakahulugan sa mga graffiti ay ang mga sumusunod: Ang mga graffiti na ito ay pagpapahiwatig na ang nasabing lugar ay teritoryo ng mga gang na ito.
  25. 25. Samantala ang mga graffiti na ito na may nakasulat na Henry RIP ay nangangahulugang babala ito sa kung sinumang miyembro ng gang na nagngangalang Henry.4.7.5. Musika Gusto mo ba na sumama Saming mundo na madrama Na may halong lungkot at saya at may kaba Bala ang pangtubos sa sala ng iba Ang kaligtasan sa isat-isa inasa Yan ang buhay ng gangsta Yan ang buhay ng gangsta Buhay ng gangsta Buhay ng Gangsta Ang Buhay ng Gangsta ay isang awiting rap na sumasalamin sa buong buhay ng isangmiyembro ng gang. Nakapaloob sa titik ng awiting ito ang hirap na dinanas ng isang gangster sapagsali sa gang, ang mga karanasan niya bilang isang gangster at mga alinlangan sa buhay napinasok niya.
  26. 26. Ang musikang rap ay isang genre na popular sa mga gangster. Paborito nila ang hiphop atmabilis nitong himig. Sa isang blog ng isang miyembro ng True Brown Style na kung saantampok ang paksang ito, may tatlong pag-uuri sa ng musikang rap. Una ay ang makabayang rapni Francis Magalona, rap na puro kalokohan na pinasikat ni Andrew E. at ang gangsta rap. Para sa kanila, ang gangsta rap na kanilang paborito ay ang tema ng kanilang buhay,Isang katangian ng musikang rap ay ang patula nitong pagkanta. Karaniwang tema ng gangstarap ang karahasan ng gang at pag-ibig. Ang dalawang ito ang paboritong paksa ng mga gangsterat karaniwang laman ng kanilang awitin. Negatibo ang konotasyon ng salitang gang at ang pagiging gangster ay isang di-kaaya-ayang katangian ng isang indibidwal. Sa pamamagitan ng gangsta rap, naipapahayag ng mgagangster ang kanilang wagas na pag-ibig sa kabila ng di magandang pagtingin sa kanila ng mgatao. Tanging sa rap lamang nila naipapakita na handa silang magmahal ng totoo sa kabila nglahat ng karahasang kakabit ng pagiging gangster nila.5.0. Mga Gawain ng Gang ‘Mula noong 1998 buhay ko dito na ginugol Dose anyos ang laro sa mga lespu magpahabol Naging kakaiba ang pananaw sa kaedaran Pinangarap na lahat ng gang ay mapangibabawan’ Buhay ng Gangsta Naging popular ang mga kabataang gang sa mga karahasang dulot nila sa mga lugar nakanilang kinabibilangan. Sangkot sila sa bawat kaguluhan at pag-aaway na nagaganap sakanilang lugar. Narito ang ilan sa mga karanasan ng mga informant sa pagiging gangster nila:
  27. 27. ‘Nung nakaraang linggo, may dumayo dito sa amin na mula sa kalaban naming gangsta.Binanatan namin, binugbog at nakuhaan namin ng sumbrero. Gumanti lang kami. Binawianlang namin kasi nung dumayo kami sa lugar nila, di lang nila kami ginanun, talagang papatayinnila kami. hinagisan kami ng mga pasabog. Tinutukan kami ng sumpak. ‘ Ang nasa itaas ay karanasan ni Jefferson, miyembro ng True Brown Style (TBS).Madalas na nagkakaroon ng rumble kapag may napapadaan o napadpad na miyembro mula sakalabang gang. Nasa kalikasan ng gang ang magpagalingan at ipakita sa kapwa nila gangsterkung sino ang mas malakas na gang. Ang pasikatang ito ay madalas na nauuwi sa marahas nakaguluhan. Madalas ding mangyari na dahil sa ayaw magpatalo ng isang gang, hindi ito titgilhangga’t hndi nakakabawi o nakakaganti sa kabilang gang. Makikita ito sa karanasan ni Paulo, miyembro ng Lovestruck Gang (LSG). Layunin ngbawat gang na mapangibabawan ang lahat ng kalabang gang. “ Experience lang. Nung nalaman ng mga TAG na may gangster sa PAE, lagi na silangnagbabanatan dun, kasama ako. Pero bawal kasi ako makipag-away. Naka-uniform pa kasi akonun kaya ayun, pinapauna na lang nila ako. Pero parang gusto ko rin kaya yun, hinubad ko yunguniform ko tas sumali sa rambol. Batuhan. “ Humahantong sa kamatayan ang ang ganitong gawain ng gang. Sa matagal na panahonng pagiging gang, nasaksihan ni Salnel na miyembro ng OB3 ang rurok ng gawain ng gang. “Nakita ko, harap-harapan binabaril, sinasaksak. Dun sa may kanto, yung katropa ko,binaril ng kalaban naming gang. Nakulong yung bumaril pero nakalaya din after 1 week. Yungnabaril, baldado isang paa.” Maliban sa rumble at mga kaguluhan, sangkot din ang mga gang sa malilit na kaso ngpagnanakaw at panghihingi sa mga biktima nito. Ito ang ginagamit nilang panggastos upangmatugunan ang kanilang mga pangangailangan at bisyo.
  28. 28. Bahagi na rin ng pagiging gangster ang pagbibisyo at paggamit ng ipinagbabawal nagamot. Subalit hindi naman ipinipilit sa mga miyembro ang mga ganitong gawain. Ayon sa mgainformant, nasa indibidwal na ang pagpapasya kung magpapaimpluwensya ito sa kanyang mgakasama. Hindi naman napatunayan ang hinuha na sangkot sa prostitusyon ang mga babaengmiyembro ng gang. Hindi sila umaabot sa puntong ito. Sa buong maghapon, inuubos ng mga gang ang oras nila sa paggala at pakikipag-ugnayansa mga kapwa nila gangster na hindi nila kalaban sa ibang lugar. May mga insidente nanasasangkot sila sa gulo at ilan pang gawaing labag sa batas. Pagsapit ng gabi, dito nanagsisimula ang paggamit nila ng bawal na gamot at iba pang gawain.6.0. Iba’t Ibang Pagtingin sa Gang Ang mga kabataang miyembro ng gang ay mga kabataang walang patutunguhan sabuhay. Ito ang bukambibig ng mga tao kapag nababanggit ang tungkol sa gang. Ang mgagangster ay mga indibidwal na puro away at gulo at karahasan lamang ang iniisip. Sangkot silasa mga kaguluhan at madalas na pinagmumulan ng mga problema sa lugar na kanilangkinabibilangan. Mahirap na alisin sa isipan ng tao ang ganitong pagpapakahulugan sa gang. Bagama’tnag-uumapaw na patunay na sumusuporta sa pagtanaw na ito, hindi ito dapat magtapos dito. Sailang lugar na mayroong gang, hindi pawang negativo ang pagtingin sa gang. Dahil sa kahiligansa mga kasiyahan at party, mismong ang mga miyembro ng gang ang nangunguna sa pagtulongat pag-aayos ng mga pasayaw sa kanilang lugar. Ito ang makikita sa Brgy. Bagong Tanyag atArmela Compound. May mga pagkakataong tumutulong din ang mga gang sa kanilangkomunidad.
  29. 29. 7.0. Paglalagom Isang sensitibong usapin ang gang na nangangailangan ng maingat na pagsusuri upanghigit na maunawaan ito. Nakatuon ang mga nakaraang pag-aaral sa pagsugpo, pagkontrol at pag-alis sa mga gang dahil sa mga karahasan at perwisyong dulot nito. Subalit magpahanggangngayon, laganap pa rin ang mga gang. Isa sa tinitingnan at laganap na perspektibo sa pag-unlad ng gang ay ang SocialDisorganization Theory na tumukoy sa malaking bahagi ng mga institusyong panlipunan sa pag-unlad ng kabataan at sa pagiging delingkwente nito. Isang mahalagang daan ito sa pag-unawa nasa halip na bigyan ng pansin ang pagsugpo sa gang at karahasan nito, dapat nakatuon sapagpapaunlad at pagpapatatag ng mga nasabing institusyong ito. Sa lipunan at kulturang Pilipino, sa kasalukuyang panahon, mahalagang maunawaan naisa ng institusyon sa buhay ng mga kabataan ang mga samahang tulad ng gang. Para sa mgamiyembro nito, isa lamang yugto sa buhay ng isang indibidwal ang pagsali sa gang at pagiginggangster. Ito ay isang paraan ng pakikiangkop ng mga nasabing pangkat sa mabilis napagbabagong nagaganap sa kanila sa mga panahong ito. Sa pananaw ng kabataang Pinoy, ang gang ay isang samahan ng mga kabataan na maylayuning makapagbigay ng proteksyon sa mga miyembro nito. Ito ay isang lugar na kung saanmaaaring ipahayag ng isang indibidwal ang kanyang saloobin. Sa gang din unang nabubuo angkanyang identidad. Dito nila natatagpuan ang kanilang kaibigan, guro, at pamilya. Malaya silanggawin ang nais nilang gawin kasama ang kanilang mga kaibigan sa gang. Ang pag-iral ng gangsa mga kabataang Pilipino ay malinaw na manipestasyon ng kahalagahan ng mga peer group obarkada sa pag-unlad nito bilang tao.
  30. 30. BatisGale, Fay, ed. “Youth in Transition. The Challenges of Generational Change in Asia” The Association of Social Science Research Councils, (2005), 202, http://www.unescobkk.org/fileadmin/user_upload/shs/Publications/AASSREC_Book.pdf (accessed April 4, 2010)Shelden, Randall and others, Youth Gangs in American Society. Wadsworth Publishing Company, 1997.Spergel, Irving, The Youth Gang Problem: A Community Approach New York: Oxford University Press, 1995.Transportation, Water, And Urban Development Department. Philipines in the 1980s: A Historical Review of Social Policy and Urban Level Interventions (Washington: The World Bank, 1993).

×