Final presentation

14,881 views
14,572 views

Published on

Published in: Technology, Business
5 Comments
7 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
14,881
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
23
Actions
Shares
0
Downloads
345
Comments
5
Likes
7
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Final presentation

1. 1. Bahagi ng Pananalita May Akda: MELISA C. ASUSANO JENNIFER M. ALVARADO JASMINE M. ALCANTARA Tagasuri: Gng. Adoracion A. Jamolin Gng. Lovita G. Fiscal Tagapayo: G. For-Ian V. Sandoval Susunod Talaan ng Nilalaman
2. 2.

Tunguhin

Sa pagsasakatuparan ng Pananaw at Misyon ng Unibersidad,ang Dalubhasaang Pang-edukasyon ay may pag-akong linangin ang buong kakayahan ng mag-aaral sa pagkakataon ng kaalaman ,kasanayan at wastong pag-uugali sa pagtuturo at kaugnay na larangan upang mabisang makatugon sa lumalaking bilang ng pangangailangan,kahandaan sa mga hamon at oportunidad para sa pandaidigang kompetisyon.

Mga Layunin

Ang Kolehiyo ng Edukasyon ay nagsusulong ng mga sumusunod na layunin:

1. Magkaloob ng mga pangunahing kurso para sa Edukasyong Pansekundarya.

2. Maglaan ng Edukasyong Pangsekundarya na nakapokus sa programa ng Agham Pambokasyonal at Pang-Agrikultural.

3. Linangin ang angking kabuuan ng mga mag-aaral kung pag-uusapan ay kaalaman at kasanayan sa larangan ng dalubhasaan.

4. Mapalakas ang kakayanan ng bawa’t guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pakikilahok sa Pananaliksik,Eksteniyon at Gawaing Pangkomunidad.

5. Maglaan ng kaugnay na programa na magpapalakas at magdaragdag ng kaalaman at kasanayan ng mag-aaral para sa pandaigdigang kompetisyon.

6. Magtaguyod ng kultura at pampalakasan sa pammagitan ng pakikilahok sa mga programang pangkomunidad.

Pananaw/ Bisyon

Ang Unibersidad ay makikilala bilang:

Isang pangunahing unibersidad sa CALABARZON na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga programang pang-akademiko at kaugnay na serbisyo bilang tugon sa mga pangangailangan ng Pilipinas at ng pandaigdigang ekonomiya lalo’t higit sa mga bansang Asyano.

Misyon

Ang Unibersidad ay magsisilbing sentro ng kasanayan sa Agrikultura ,Pangisdaan,Paggugubat,Agham,Enhenyeriya,mga Teknolohiyang-Industriyal,Edukasyong Pangguro,Teknolohiyang Pangkabatiran/Pangkaalaman at ibang kaugnay sa larangan ng Sining at Agham.Ito ay magsisilbing sentro ng Pananaliksik at Ekstensyon sa kanyang mga larangan ng mga espesyalisasyon.

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
3. 3. Paunang Salita Ang paglikha ng aklat na ito na may pamagat na “Bahagi ng Pananalita” na nakalaan para sa mga mag-aaral na nasa unang antas sa Sekondarya ay maituturing na bahagi ng pag-aaral ng isang disiplina sa kolehiyo sa kursong edukasyon, ang Educational Technology 2. Ito ay batay sa memorandum ng CHED Order (CMO)-30 series 2004 na nakasaad sa bagong kurikulum para sa Batsilyer sa Edukasyong Pangsekondarya. Ang Educational Technology 2 ay isang disiplina na binubuo ng tatlong yunit at naglalayong turuan at hasain ang kaalaman ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong edukasyon sa paggamit at pagtuklas ng mga makabago at napapanahong kagamitan gaya ng kompyuter na maaari nilang gamitin upang sila’y maging mahusay at epektibong guro sa hinaharap. Para sa ikagaganda ng resulta ng gawaing ito, ang kanilang mga guro at iba pang piling miyembro ng kagawaran ng edukasyon ay walang sawang sumubaybay at nagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at kasaysayan. Gayundin naman sa tulong ng internet at ng iba pang bagay na may kinalaman sa pagbuo at ikagaganda nito. Inaasahang makatulong ang kanilang karanasan sa paglikha nito upang humusay sila sa pagbuo at ikagaganda nito upang humusay sila sa paggawa ng mga bagay na ginagamit sa pagtututuro. Ang aklat na ito na bunga ng pagsisikap at pagtitiyaga ng bawat grupo ay magsilbing simbolo ng kanilang natutunan. Makadaragdag din ito sa mga kagamitang maaaring gamitin sa pagtuturo ng Filipino sa Sekondarya. FOR-IAN V. SANDOVAL Guro/Tagapayo Educationa Technology 2 ADORACION A. JAMOLIN LOVITA G. FISCAL Mga Tagasuri LYDIA R. CHAVEZ Dekana ng edukasyon sa kolehiyo Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
4. 4. Pasasalamat Ang mga may akda ay nais magpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa mga taong sanhi ng pagkakalathala ng aklat na ito. Unang-una sa Panginoon na nagbigay sa amin na lakas, talino at mga biyayang aming kinakailangan na siyang sanhi ng matagumpay na pagkakalimbag nito. Kay G. For-Ian Sandoval na aming guro sa Educational Technology 2, sa kanyang paggabay at pagbibigay ng mga payo sa amin para sa ikatatagumpay nito. Sa aming mga tagasuri na sina Gng. Adoracion Jamolin at Gng. Lovita Fiscal , sa kanyang walang sawa at matiyagang pagtulong at pagbabahagi sa amin ng nag-uumapaw na kaalaman. Sa Dekana ng Edukasyon, Gng. Lydia Chavez , sa kanyang pagsuporta sa amin. Kay Gng. Evangeline Cruz na siyang namamahala ng aming silid-aklatan, sa kanyang pagpapahiram sa amin ng mga aklat na nagsilbing pundasyon ng mga impormasyong nilalaman nito. Sa aming mga mahal sa buhay na patuloy na tumutulong sa amin sa lahat ng aming mga pangangailangang pinansyal, pisikal at emosyunal. Sa aming mga kaibigan na laging handng umagapay sa amin sa lahat ng panahon. Iniaalay naming sa inyong lahat ang aming tagumpay. Maraming salamat po! Ang Mga May Akda Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
5. 5. Panimula Ang aklat na ito---- BAHAGI NG PANANALITA(Unang taon)---- ay isinulat batay sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang aklat na ito ay binubuo ng walong kabanata. Sa kabanata 1 ay pinagtuunan ng pansin ang pangngalan. Inigyang diin dito ang uri, kailanan at kasarian ng pangngalan. Pagkatapos ng mga aralin ay naghanda ang mga mayakda ng mga gawain upang masubok ang antas ng pagkaunawa ng mga mambabasa. Sa ikalawang kabanata naman ay tinatalakay ang panghalip at ang mga katangiang tinataglay nito bilang isa sa mga bahagi ng pananalita. Ang kabanata 3 naman ay naglalayong papayabungin ang kaalaman ng mga mambabasa ukol sa pandiwa at sa kaurian at aspekto nito. Mga detalye namang tumatalakay sa pantukoy ang tinatalakay sa ikaapat na kabanata at pang-uri naman sa kabanata lima. Higit na pinagaan ang mga nilalaman ng kabanatang ito upang madaling maunawaan ng babasa. Tinatalakay din sa huling tatlong kabanata ang ilan pang bahagi ng pananalita gaya ng pangatnig, pang-abay at pang-ukol at ang mga impormasyong kaugnay sa pag-aaral nito. Bukod sa mga Gawain, may mga kabuuang pagsubok din na sasagutan ang mga mag-aaral pagkatapos ng bawat kabanata upang higit na mahasa ang kanilang kakayahan sa pag-unawa at pagkilala. Sana’y makatulong ng malaki ang aklat na ito sa mga mag-aaral sa Sekondarya lalung-lalo na sa mga nasa unang antas. Matugunan nawa nito ang pangangailangan at makatulong sa paglago ng kanilang kaalaman. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
6. 6.

Pangkabuuang Layunin

Ang aklat na ito ay binuo dahil sa mga sumusunod na layunin:

Matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral ukol sa impormasyon kaugnay sa pag-aaral ng Bahagi ng Pananalita.

Maglahad ng mga detalyeng patungkol sa pangngalan na magpapalawak sa kaalaman ng bawat isa.

Mabisang pagkilala sa kaurian ng panghalip.

Magbahagi ng impormasyon pinagaan ukol sa mga aspekto ng pandiwa.

Higit na makilala ng mga mag-aaral ang pantukoy bilang isa sa mga bahagi ng pananalita.

Maunawaan kung ano ang pangatnig.

Mabatid ang mga pang-abay at ang mga katangiang tinataglay nito.

Umunlad ang kaalaman tungkol sa pang-angkop at pang-uri.

Makabuo ang mga mambabasa ng mabisang konklusyong sa bawat kabanata na susukat sa antas ng kanilang kabatiran o pagkatuto.

Nakaraan Susunod
7. 7. Talaan ng Nilalaman VMGO i Paunang Salita ii Pasasalamat iii Panimula iv Pangkabuuang Layunin v Kabanata 1: PANGNGALAN 1 Aralin 1 Katuturan at uri ng pangngalan 2 Aralin 2 Kaanyuan ng Pangngalan 4 Aralin 3 Kasarian at kailanan ng Pangngalan 6 Pangkabuuang pagsubok 8 Kabanata 2: PANGHALIP 11 Aralin 4 Katuturan at Kaurian ng Panghalip 12 Aralin 5 Kakaniyahan ng Panghalip 15 Pangkabuuang pagsubok 17 Kabanata 3: PANDIWA 19 Aralin 6 Katuturan at Uri ng Pandiwa 20 Aralin 7 Aspekto ng Pandiwa 22 Pangkabuuang pagsubok 24 Kabanata 4: PANTUKOY 26 Aralin 8 Katuturan na Pantukoy 27 Pangkabuuang pagsubok 29
8. 8. Kabanata 5: PANG-URI 30 Aralin 9 Katuturan at Uri ng Pang- uri 31 Pangkabuuang pagsubok 33 Kabanata 6: PANG-ABAY 36 Aralin 10 Katuturan at Kaurian ng Pang- abay 37 Pangkabuuang pagsubok 39 Kabanata 7: PANG-UKOL 41 Aralin 11 Katuturan ng Pang- ukol 42 Pangkabuuang pagsubok 44 Kabanata 8: PANGATNIG 47 Aralin 12 Kahulugan at dalawang uri ng Pangatnig 48 Pangkabuuang pagsubok 50
9. 9. Kabanata 1 Pangngalan Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kinalaman sa pangngalan. Naglalayon itong mailahad sa mga mambabasa kung ano ang katuturan at mga katangiang tinataglay ng pangngalan.At higit sa lahat ay magbigay ng karagdagang kaalaman ukol dito. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
10. 10. Aralin 1 KATUTURAN AT URI NG PANGNGALAN

Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mambabasa ay inaasahang:

makapagbigay ng sariling pagpapakahulugan sa pangngalan;

mailalahad ang iba’t ibang uri nito at

2. makapagbabagi ng karagdagan impormasyon ukol dito.

Ang pangngalan ay ngalan ng tao,bagay, lunan o pangyayari.

Halimbawa:

Rizal kotse bahay

kaarawan Luneta Mayo

Ang pangngalan bilang bahagi ng pananalita ay nagtataglay ng dalawang uri; ang pangngalan pantangi at pangngalan pambalana.

Dalawang uri ng pangngalan

Pangngalang pantangi

Ito ay tanging ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari.

Halimbawa:

Reynolds Ken Perpekto

Halayhayin Batuhan Tunhac

Pasko Piyesta Mahal na Araw

Pangngalang pambalana

Ito ay pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari.

Halimbawa:

tao party palengke

kaibigan doktor guro

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
11. 11. Pangalan: _______________________ Petsa: _____________ Antas: _________________________ Grado: ____________ Gawain 1 Panuto: Lagyan ng tsek(√) kung ito’y pangngalan at (×) kung hindi. _____1. takbo ______ 21. tumatako _____2. ako ______ 22. kami _____3. kayo ______ 23. kahapon _____4. aso ______ 24. maganda _____5. telepono ______ 25. direktor _____6. sigaw ______ 26. mahusay _____7. nunal ______ 27. kanina _____8. lolo ______ 28. sanggol _____9. mango tree ______ 29. guro _____10. kompyuter ______ 30. kumanta _____11. brief ______ 31. siya _____12. maganda ______ 32. sutil _____13. ilog ______ 33. Maria Suzzette _____14. kalangitan ______ 34. mamaya _____15. maantot ______ 35. mananayaw _____16. lupa ______ 36. alapaap _____17. baga ______ 37. bituin _____18. Anthony ______ 38. maglilinis _____19. pulgas ______ 39. bato _____20. Pope Benedict XVI ______ 40. bakal Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
12. 12. Aralin2 KAANYUAN NG PANGNGALAN Ang pangngalan ay may apat na kaanyuan. Ito ay maaaring payak, maylapi, inuulit o tambalan. Payak Ito’y tumutukoy sa mga salitang likas at katutubong atin. Halimbawa: lilo lambat talsik bungo palayok dagdag Maylapi Ito’y mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay na ng panlapi. Halimbawa: ganda- kagandahan bili-pagbili bukas- kinabukasan basa-pabasa Inuulit Ito’y mga pangngalang inuulit ang salitang-ugat o ang salitang maylapi. Halimbawa: sabi-sabi biru-biruan sala-salakay higing-higing digma-digmaan para-parating Tambalan Ito’y mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinalalagay na isa na lamang. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman

Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mambabasa ay inaasahang:

1. Makapagbabahagi ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng pagkilala sa kaanyuan ng pangngalan.

13. 13.

Pangalan: __________________ Petsa: _____________

Antas: _____________________ Marka: ____________

Gawain 2

Panuto: Tukuyin kung ang pangalan ay payak, maylapi, inuulit o tambalan. Isulat ang sagot sa patlang.

___________1. pagdating ___________ 16. kumpol- kumpol

___________2. galang ___________ 17. hugis- puso

___________3. sandok ___________ 18. magkaibigan

___________4. sala-salapi ___________ 19. lamesa

___________5. sampay-bakod ___________ 20. tulaan

___________6. ina-inahan ___________ 21. telebisyon

___________7. laru-laro ___________ 22. dagat

___________8. hayop ___________ 23. kabinet

___________9. suyuan ___________ 24.kabundukan

___________10. dahong-palay ___________ 25. kakahuyan

___________11. balat-sibuyas ___________ 26. boses- ipis

___________12. pusong-mamon ___________ 27. kalangitan

___________13. prutas ___________ 28. tao

___________14. tulog-mantika ___________ 29. bituin

___________15. buhay-buhay ___________ 30. puno

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
14. 14. Aralin 3 KASARIAN AT KAILANAN NG PANGNGALAN

Ang pangngalan ay nagtataglay ng tatlong kasarian, panlalaki, pambabae at pambalake.

Kasarian ng pangngalan

Panlalaki- ito’y tumutukoy sa ngalan ng lalaki.

Halimbawa: ama, kuya, diko, tiyo

Pambabae- ito’y tumutukoy sa ngalan ng babae.

Halimbawa: ina, tiya, ate, ditse

Pambalake

Halimbawa: brief,panty,bra

Ang pangngalan ay maaaring isahan, dalawahan o maramihan.

Kailanan ng pangngalan

Isahan

Halimbawa: kapatid

Dalawahan

Halimbawa: magkapatid

Maramihan

Halimbawa: magkakapatid

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

nakikilala ang kasarian at kailanan ng pangngalan.

natutukoy ang kasarian at kailanan ng pangngalan sa isang pangungusap o talata.

15. 15. Pangalan: ___________________ Petsa: ____________ Antas: ______________________ Grado: ___________ Gawain 3 Panuto: Tukuyin ang kasarian ng pangngalan. Isulat ang sagot sa patlang. ___________1. ditse ___________ 16. prinsipe ___________2. diko ___________ 17. nars ___________3. tandang ___________ 18. doktora ___________4. aso ___________ 19. pabo ___________5. manok ___________ 20. sangkalan ___________6. ingkong ___________ 21. papel ___________7. ninang ___________ 22. baril ___________8. eroplano ___________ 23. mayor ___________9. prutas ___________ 24. gangsa ___________10. yaya ___________ 25. lason ___________11. laruan ___________ 26. presidente ___________12. balyena ___________ 27. bag ___________13. hari ___________ 28. senador ___________14. reyna ___________ 29. medyas ___________15. guro ___________ 30. pamangkin Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
16. 16. Kabuuang Pagsubok 1 Pangalan: ________________ Petsa: ___________________ Antas: ___________________ Marka: __________________ A. Tukuyin ang mga pangngalan sa loob ng pangungusap. Lagyan ng ekis(×) ang pantangi at trayanggulo (∆) naman ang pambalana. 1. Si Kevin ay nagpunta sa mall, habang si Andrea ay nagtungo sa paliparan. 2. Bumili siya ng diksyunaryo at magasin sa National Bookstore. 3. Binigyan ako ni tita ng careline lip gloss at bag. 4. Namasyal kami nina nanay sa Luneta. 5. Si Lilibeth ay matalik kong kaibigan. 6. Ang buhok ni Jasmine ay nakukulot na. 7. Si Angela ay tumulak patungo sa France. 8. Dinampian ko ng halik sa pisngi ang bata. 9. Bumili ako sa palengke ng mansanas, lotus ballpen at isang pad na papel. 10. Si Steven ay nag-aaral sa Laguna State Polytechnic University at kumuha ng kursong Batsilyer sa Edukasyon Pangsekondarya. 11. Ana ang pangalan ng aking pinsan at Francis naman ang ngalan ng kanyang pinakamamahal na anak. 12. Ang ama’y tumawag ng doctor. 13. Si Rodulfho ay nagbayad ng buwis ng kanyang bahay at mga palayan. 14. Sina Joanne at Anjo ay nagliwaliw sa tabing-dagat. 15. Si Josie ay isang dalagang ina. 16. Ako’y nagtungo sa pagawaan ng sapatos. 17. Si Rosana ay bumili ng mga kagamitang pangkusina. 18. Si Jose ang nagkamit ng unang gantimpala. 19. Nilabhan ko ang aking mga damit at sapatos. 20. Sina Mary Jane, Geneva, Eza at Joy ay magkakabarkada. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
17. 17. B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan. 1. Dr. Wagan ________________________________________________________ 2. unibersidad ________________________________________________________ 3. kuya ________________________________________________________ 4. lapis ________________________________________________________ 5. kaarawan ________________________________________________________ 6. akda ________________________________________________________ 7. PGMA ________________________________________________________ 8. pista ________________________________________________________ 9. Ayesa Nicole ________________________________________________________ 10. anghel ________________________________________________________ 11. Pahiyas festival ________________________________________________________ 12. Tinikling ________________________________________________________ Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
18. 18. 13. Biogesic ________________________________________________________ 14. lambak ________________________________________________________ 15. katulong ________________________________________________________ 16. prinsesa ________________________________________________________ 17. bisikleta ________________________________________________________ 18. dyaryo ________________________________________________________ 19. lola Amanda ________________________________________________________ 20. kasambahay ________________________________________________________ 21. Manny Villar ________________________________________________________ 22. paying ________________________________________________________ 23. kalabaw ________________________________________________________ 24. singsing ________________________________________________________ 25. Pasko ________________________________________________________ Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
19. 19. Kabanata 2 Panghalip Kabanata 2 Panghalip Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa isa pang bahagi ng pananalita, ang panghalip. Ito’y naglalayong maghatid ng kaalaman ukol sa kahulugan ng panghalip at maunawaan ang iba’t ibang aspetong tinataglay nito. Layunin din ng kabanatang ito na higit na mapatalas ang kanilang kabatiran sa pagkilala dito. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
20. 20. Aralin 4 KATUTURAN AT URI NG PANGHALIP Ang panghalip ay salitang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari na hindi na ibig pang ulitin. Halimbawa: Siya ako kami Sila sina doon Iyon dito kayo Gaya ng pangngalan, ang pagahalip ay mayroon ding iba’t ibang uri. Mayroong panghalip panao, pamatlig at panananong. Narito ang dalawa sa mga uri ng panghalip. Uri ng Panghalip Ang Panghalip na Panao May tatlong panauhan ang panghalip na panao. Unang panauhan – ginagamit sa taong nagsasalita. Ikalawang panauhan – ginagamit sa taong kinakausap. Ikatlong panauhan – ginagamit sa pagtukoy sa taong pinag-uusapan. Mga Halimbawa: Isahan Maramihan Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

naiintindihan ang katuturan ng panghalip.

nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.

21. 21. Unang panauhan - ako kami, tayo Akin, ko atin, natin, namin, amin Ikalawang panauhan - ikaw, ko kayo Iyo, mo inyo, ninyo Ikatlong panauhan - siya sila kanya, niya kanila, nila Ngunit isahan ang kahulugan ng kayo, sila, kanila, nila, inyo, at ninyo kung ginagamit sa pagtutukoy sa taong iginagalang o di kilala. Halimbawa: Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila? Kayo po ba ang tumatawag? Panghalip na Pamatlig Ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, lunan o pangyayari ang mga panahalip pamatlig. Ginagamit ang mga ito: ► Kapag malapit sa nagsasalita: ito-iri, yari; ditto, dini; nito- niri-niyari; ganito, ayto, eto, heto. ► Kapag malapit sa kausap: iyan, niyan, diyan, ganyan, ganiri, ayan, hayan. ► Kapag malayo sa nag-uusap: iyon, yaon, niyon, niyaon, noon; ganoon, gayon, ayun, hayun. Panghalip panananong Ang mga panghalip na pananong ay kumakatawan sa ngalan ng tao, bagay, lunan o pangyayari na ginagamit sa pagtatanong. Isahan: sino, ano, alin, kalian, ilan, saan, paano. Maramihan: sinu-sino, anu-ano, alin-alin, kai-kailan, ilan-ilan, saan-saan, paa-paano. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
22. 22. Pangalan:_____________________ Petsa:_______________ Antas:________________________ Grado:_______________ Gawain 4 Panuto: Piliin ang mga panghalip. Sabihin kung ang panghalip ay natutungkol sa nagsasalita, o kumakausap, sa kinakausap o pinag-uusapan. 1. Kami’y maraming manok. 2. May hilig ka bas a pagtatanim? 3. Magtulungan tayo upang maging maligaya. 4. Ibig mo bang makilala siya? 5. Siya’y tumulong sa aming pagluluto. 6. Nakilala mo na ba sila? 7. Amin ang magandang halamanan. 8. Malinis ang manukan namin. 9. Ang bahay ninyo’y tunay na tahanan 10. Tumulong sila sa lahat ng gawain. 11. Sila ba ang iyong mga bisita? 12. Tayo’y luluwas bukas. 13. Maaliwalas an gaming tahanan. 14. Ako ang may-ari ng babuyan. 15. Siya;y dumalo sa aking kaarawan. 16. Pag-aari nila ang malawak na palayanan. 17. Sila aking mga kaibigan. 18. Kami ay kanyang mga apo. 19. Sina Sandy at Joshua ay aking mga kaibigan. 20. Ako ay miyembro sa organisasyong iyon. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
23. 23. Aralin 5 KAKANIYAHAN NG PANGHALIP Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang: 1. natutukoy ang kakanyahan ng panghalip sa isang pangungusap o talata.

Ang mga panghalip, gaya rin ng pangngalan, ay may kausapan o panauhan, kailanan, kasarian, at kaukulan. Ang kasarian ay hindi agad matitiyak hangga’t hindi natatalos ang kasarian ng pangngalang kinakatawan. Ang mga panghalip na ginagamit na sa simuno ay nasa kaukulang palagyo, ang ginagamit na tuwirang-layon o layon ng pang-ukol ay nasa kaukulang palayon, at ang ginagamit na paari ay nasa kaukulang paari.

Halimbawa

Palagyo

Ang inyo ay higit na karapat-dapat.

Kami ay humahanga sa laro.

Ang iyo ay may kahigitan sa iba.

Ang kanila ay may kalayuan sa bayan.

Palayon

Ito ay para sa iyo.

Ang paksa ay hinggil sa kanila.

Ang gawa niya ay iba kaysa atin.

Paari

Ang damit na sutla ay kanila.

Amin ang bukiring natatamnan ng palay.

Hindi naming pinaniniwalaan ang balita mo.

Ang ani ninyo ay sapat na sa isang taon.

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
24. 24. Pangalan:____________________ Petsa:________________ Antas:_______________________ Grado:_______________ Gawain 5 Panuto: Sabihin kung anong uri ng panghalip ang nasusulat nang pahilig sa pangungusap: panao, pamatlig, pamanggit, pananong, panaklaw. 1. Sila ay nabubuhay sa pangingisda. 2. Maraming uri ng gulay ang di niya kinakain. 3. Bawat dumating ay hinahainan ng maybahay. 4. Dito ay sagana sa sariwang gulay. 5. Alin-alin ang nararapat kaltasin sa katha? 6. Sino ang nagpapalalo na naman? 7. Ang kuwan sa palayok ay huwag mong galawin. 8. Paano ang pagdalo ko roon? 9. Doon ay totoong malamig kung Disyembre. 10. Ayun ang hinahanap mo. 11. Lima lamang ang kailangan ko. 12. Isa sa mga aklat ko ang nawala. 13. Balana’y naglabas-masok sa silid. 14. Kami ay handang magtanggol sa bayan. 15. Magkano ang nais mong hiramin? 16. Ang timbang mo ay gaano? 17. Ganito ang baton g singsing ni Rosa. 18. Ang nagbigay nito’y matalik kong kaibigan. 19. Ang halama ng ipinadala mo sa akin ay malago na. 20. Kailanman ay hindi nangyari ang ganyan. 21. Sundin ninyo ang payo ng matanda. 22. Tapos na kaming kumain nang dumating ang panauhin. 23. Kapatid ko ang nakausap ng kapatid. 24. Malaki ang pag-asa natin sa hinaharap. 25. Sasama ka ba sa paglalakbay. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
25. 25. Kabuuang Pagsubok 2 Pangalan: ________________ Petsa: __________________ Guro: ___________________ Marka: _________________ A. Ano ang panauhan ng mga panghalip na nakasulat na pahapay? 1. Nasa unang taon ako ng mataas na paaralan. 2. Sila’y mga kamag-aaral ko. 3. Ang kanilang bahay ay malayo sa paaralan. 4. Siya’y isang mabuting mamamayan. 5. Isasama kita sa Antipolo. 6. Sumabay ka na sa aming paglalakad. 7. Sa iyo alay ang awit. 8. Asahan mo ang tulong namin. 9. Kayo ang dapat sisihin. 10. Pangarap ko ang magiging manggagamot. B. Punan ng wastong panghalip na pamatlig ang bawat patlang: 1. Nene, _________ sa tabi mo ang aklat. 2. _________ ang sahod ko, Nanay. Tanggapin ninyo. 3. _________ sa itaas ang lobo mo. 4. _________ ay panahon pa ng nga Hapones. 5. Talagang maingay ang mga bata sa dakong _________. 6. _________ ang tunay na nangyari. 7. Ang buhay ________ sa aming lalawigan ay masagana. 8. _________ ka maupo sa tabi ko. 9. _________ ang napala mo. Kasi’y matigas ang ulo mo. 10. Inay, ________ nga si Ben, nanunukso na naman. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
26. 26. C. Isulat ang panghalip na pananong na dapat gamitin sa bawat puwang ng pangungusap. 1. ________ ang aklat na ibig mo? 2. ________ ba ang pinili niya? 3. ________ kaya ang may gusto sa aklat na ito? 4. ________ ang nilalaman ng aklat? 5. ________ ang may aklat na ganito? 6. ________ ba ang ginawa mo? 7. ________ ang gating paglalakbay sa antipolo? 8. ________ ang mga panauhin aanyayahan natin? 9. ________ ang pagluluto ng hamon? 10. ________ tubig ang dapat ilagay sa sinaing? 11. ________ ang nagasta mo sa patahi ng bestido mo? 12. ________ kayo nakatira ngayon? 13. ________ sa mga aklat ang hihiramin ninyo? 14. ________ ang nagturo sa iyong umawit? 15. ________ ka magbabakasyon sa pangasinan? 16. ________ ba ang pinalit mo sa akin? 17. ________ ba ang hanap mo? 18. ________ mo nagawa ito sa akin? 19. ________ tayo pupunta ngayon? 20. ________ ang tumulong sayong maghakot ng mga gamit? 21. ________ ang alis mo? 22. ________ ang pinapanood mo? 23. ________ ang kasama mo kahapon? 24. ________ kayo manonood ng sine? 25. ________ ang inyong mga pinamili? Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
27. 27. Kabanata 3 Pandiwa Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pandiwa, isa pa sa mga bahagi ng pananalita. Ito’y naglalayong magbahagi ng kaalaman sa mga mambabasa ukol sa kahulugun at iba’t ibang uri nito. Layunin din nitong linangin ang kakayahan ng mambabasa ukol sa pagkilala sa iba’t ibang aspekto nito. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
28. 28. Aralin 6 KATUTURAN AT URI NG PANDIWA Ang pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa Mga Uri ng o kalagayan. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles Mga uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan Palikas Ito ay ipinalalagay na ang kalikasan ang simuno. Halimbawa: Umaaraw kanina. Na tsunami ang Indonesia. Katawanin Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay . Palipat Ito ay may simuno at tuwirang layon. Halimbawa: Naglinis ng kwarto si Delia. Nakaraan Susunod

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

nakikilala ang iba’t ibang uri ng pandiwa.

Talaan ng Nilalaman
29. 29. Pangalan:________________________ Petsa:______________ Antas:__________________________ Marka:_____________ Gawain 6 Panuto: Guhitan ang pandiwa sa pangungusap at isulat sa patlang ang uri nito. ___________1. Ang masikap at matiyaga ay nagwawagi. ___________2. Si Jasmine ay binagyo. ___________3. Ang pagliban sa klase ay kasalanan. ___________4. Dib ba’t tinubos niya ang pagkakasala ng madla? ___________5. Nagwalis ng bakuran si Rosa kaninang umaga. ___________6. Huminto paminsan-minsan sa pagbigkas ng talumpati. ___________7. Humalakhak si Edna sa sobrang kaligayahan. ___________8. Kumulimlim ang langit dahil sa bagyo. ___________9. Iginuhit ni Ana ang kanyang ina. ___________10. Ang puno ay tumumba sa lakas ng hangin. ___________11. Si Lito ang naghugas ng pinggan. ___________12. Umihip ang hanging amihan. ___________13. Binasag ng pusa ang mga paso. ___________14. Humumpas sa dalampasigan ang mga alon sa dagat. ___________15. Masayang nangisda ang mag-amang sina Rodelo at Rudy. ___________16. Unti-unting lumangoy ang isda palayo. ___________17. Sumikat ang haring araw sa ganap na ika-6 ng umaga. ___________18. Nagdiwang ng kaarawan si Melai. ___________19. Tumakbo si Paolo patungong tindahan. ___________20. Nagtanim ng mga halaman si Kim sa kanilang bakuran Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
30. 30. Aralin 7 MGA ASPEKTO NG PANDIWA Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na. Halimbawa: Nagdeposito ng pera sa bangko si Jean b. Albutra Pangkasalukuyan/Imperpektibo Ito ay ang pagkilos ay nasimulan na pero hindi pa tapos. Halimbawa: Natutunaw ang yelo sa baso. Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang. Halimbawa: Kakain si Nicco Pintac sa carinderia. Nakaraan Susunod

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

. natutukoy ang aspekto ng pandiwa sa isang pangungusap o talata.

Talaan ng Nilalaman
31. 31.

Pangalan: _________________________ Petsa: ____________________

Antas: ____________________________ Grado: ___________________

Gawain 7

Tukuyin ang aspekto ng pandiwa kung perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo .

1. nanaginip __________________

2. naglalakad _________________

3. humahakbang_____________

4. susunod__________________

5. iniwan ___________________

6. aalis _____________________

7. nagpaalam_________________

8. nagdarasal ________________

9. iinom _____________________

10. Magluluto_________________

11. tumatakbo ________________

12. nagsulat __________________

13. nagrereport _______________

14. tumatawag ________________

15. kakanta __________________

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
32. 32. Kabuuang Pagsubok 3 Pangalan: __________________ Petsa: __________________ Guro: ______________________ Marka: _________________ A. Buuin ang talaan ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman Naghuhugas Maglalaba Humakbang Tumatakbo Nagsaing Nagsaing Maliligo Uminom Babasa Bumasa Naghahanap Naghanap Kontemplatibo Imperpektibo Perpektibo Pawatas
33. 33. B. Panuto: Basahin ang kwento at isulat sa papel ang mga pandiwa. Tukuyin ang uri at aspekto nito. Ang Munting Pilipinas “ Ano bang pook itong pinagdalhan mo sa akin?” tanong ni Liezel, isang balikbayan, sa kanyang pinsang si Rosing. “ Ito ang Nayong Pilipino. Makikita mo rito ang mumunting replica ng mga makasaysayan at magagandang lugal sa ating bansa,” ang masiglang paliwanag ni Rosing sa pinsang balikbayan. “ Talaga! Alin ang una nating pupuntahan?” “ Doon muna tayo sa bahay ni Rizal.” Pagdating doon, inilibot ni Rosin ang pinsan. Sabik na sabik ito. “ Iyan ang mga gamit ni Rizal. Tingnan mo at katulad na katulad iyan ng bahay ng bayani sa Calamba. Diba nakarating ka na roon?” ang pagbabalik-gunita na tanong ni Rosing sa pinsan. “ Ganyan nga ang bahay niya roon,” tugon ni Liezl. Nagpatuloy sa pamamasyal ang magpinsan. “ Rosing, di ba iyan ang bantog na Bulkang Mayon? Parang totoong-totoo! At ang mga kagamitang yari sa abaka… ang ganda at makukulay!” ang buong paghangang sabi ni Liezl. “ Halika sa banda roon,” yaya ni Rosing sa pinsan. Ang usisa pa Liezl. “ Ano naman iyon? Tila maraming mumunting burol.” Lumapit at itinuro ni Liezl kay Rosing. “ Iyan ang balitang Chocolate Hills sa Bohol.” Nagpatuloy ang magpinsan sa pamamasyal. Nilibot nila ang Nayong Pilipino. “ Ang ganda rito! At kayrami palang nagtutungo sa pasyalang ito,” sabi ni Liezl. “ Oo, ganito rito lalo na kung araw ng Sabado at Linggo. Di ka man makarating sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, pagnalibot mo ang Nayong Pilipino, parang nakita mo na ang buong bansa. Ito’y isang munting Pilipinas,” ang buong pagmamalaking tugon ni Rosing.” Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
34. 34. Kabanata 4 Pantukoy Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman Ang kabanatang ito ay tumutalakay sa pantukoy .Ito’y naglalayong maunawaan ng bumabasa ang kahulugan ng pantukoy at mapagyaman nila ang kanilang kaalaman ukol dito. Inaasahan din na sa pagtatapos ng kabanatang ito, ang mga mambabasa ay makakabuo ng mabisang konklusyon ukol sa kalikasang tinataglay nito.
35. 35. Aralin 8 KATUTURAN NG PANTUKOY Ang pantukoy na panao at pambalana ay mga katagang ginagamit upang ipakilala ang tao, lunan, bagay o pangyayari. ► Ang pantukoy na pantanging si ay ginagamit kapag sinusunan ng tungkulin ng tao sa salitang banyaga. An gang ay siyang ginagamit kung kapag ang tungkuling sumusunod ay nasa wikang tagalog. ► Ang mga pantukoy na panaong si, sina, kay, kina, ni, at nina ay ginagamit sa palayaw, pangalan ng angkan, bansag, pamagat at sa ngalan ng tao. ► Laging may pantukoy na si o sina ang mga pangngalang tao maliban na lamang kung ang ang o ang mga ay ginagamit sa isa pang pangngalan upang lalong maging tiyak. ► Ang si at ang ay ginagamit sa pagtukoy sa simuno. Maaaring magkadalawa ang pantukoy na palagyo kung ang ikalawa’y nagpapaliwanag o umuuri sa unang pangngalan. Nakaraan Susunod

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

. nakikilala ang pantukoy.

. natutukoy ang kaibahan ng pantukoy sa ibang bahagi ng pananalita.

Talaan ng Nilalaman
36. 36. Panglan: ______________________ Petsa: __________________ Antas: ________________________ Grado: _________________ Gawain 8 Piliin ang wastong pantukoy sa loob ng panaklong. 1. Ako’y (ang,si) Princess, tubong Laguna. 2. Ako’y (ang,si) Jasmine, anak ni Bernardo. 3. (Si,Ang) palaka ay nanghuhuli ng langaw. 4. (Ang,Si) premier Malenkov ay umuugit sa Rusya. 5. (Ang,Si) Haring Steven ay mabait at maka Diyos. 6. (Ang,Si) Pangulong Arroyo ay nagliwaliw sa Switzerland. 7. (Si,Ang) Bathala ang pinakamakapangyarihan. 8. Ang bahay (ni,ng) Del Pilar ay isinasaayos. 9. (Ang mga,Sina) Juan kahit saang pook ay marami. 10. Ang paa(ni,ng) mesa ay nabali. 11. Ang hanap ko ay bulaklak ( nang, ng) gumamela. 12. Ang salamin (sa, ng) kwarto ay nabasag. 13. (Si, Ang) presidente ay nagtungo sa U.S. 14. (Si, Ang) aking guro ay masayahin. 15. (Si, Ang) kabataan ang pag-asa ng bayan. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
37. 37. Kabuuang Pagsubok 4 Pangalan: __________________________ Petsa: ____________ Guro: _____________________________ Marka: ___________ A. Piliin ang mga pantukoy sa pangungusap at salunguhitan ang mga ito. 1. Masaya roon kung buwan ng Mayo. 2. Ang bawat taong magdaan ay inaanyayahang kumain. 3. Isang krus ang nakatayo sa taluktok ng bundok. 4. Si San Sebastian ang patron naming. 5. Si Pari De Vera ang nagmimisa araw-araw. 6. Lumaganap ang balita sa buong bayan. 7. Nabalisa ang pari sa mga malalagim na pangyayari. 8. Ang birheng Maria ay naghihimala. 9. Ang katotohanan ay hindi naitago sa madla. 10. Binasbasan ng kura ang krus ng benditang tubig. 11. Libu-libong tao ang humalik sa mahal na Senior. 12. Ang bisita ni Ghen ay mala-adonis ang pangangatawan. 13. Ang Diyos ay sandigan ng lahat. 14. Nagdasal ng tatlong “Aba Ginoong Maria” ang mga tao. 15. Hindi napigilan ang pagdagsa ng tubig. B. Piliin ang wastong pantukoy sa loob ng panaklong. 1. (ang, si) Dapdap, tumutubo sa tabi ng dagat. 2. Ako’y (ang, si) Bubuyog, anak ni Kondeng Matayog. 3. (Ang, Si) butiki ay nanghuhuli ng lamok. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
38. 38. 4. Sumusunod sa kulay ng paligid (si, ang) palaka. 5. (Ang, Si) Haring Jorge ay makatarungan. 6. (Ang, Si) Pangulong Quirino’y nagliwaliw sa Bagyo. 7. (Ang, Si) Bathala ang nakatatalos ng lahat. 8. (Si, Ang) Premier Malenkov ay umuugit sa Rusya. 9. Ang bahay (ni, ng) Mabini ay isinasaayos. 10. (Ang mga, Sina) Juan kahit saang pook ay marami. 11. Ang mga paa (ng, ni) silya ay nabakli. 12. (Si, Ang) sampaguita ay isang asong puting-puti. 13. Ito ang mga puntod (ni, nina) Burgos, Gomez at Zamora.. 14. (Mga, Ang mga) patay ang nabili kong hipon. 15. Ito (ang, ang mga ) pinabili mong bulaklak. 16. (Si, Ang ) Itang ay nilalagnat. 17. Dumayo sila (kina, nina) Apeng. 18. (Si, Ang) Roxas ay naglilingkod sa bayan. 19. Tinugis (sila, sina) Taruc ng P.C. 20. Ako’y (si, ang) Ikmo , isang uri ng halaman. 21. Kapatid (ni, si) Bunga na kulay dilaw. 22. Apo (si, ni) Apog na maputi. 23. Siya ang pinsan (ni, si) Maskada. 24. Sinagot ni Dimasalang ang sulat (ni, si) Magdalo. 25. (Si, Ni) Black Beauty ang nanguna sa karera. 26. (Sila, Sina) Santos ay darating bukas. 27. (Ang, Si) bagyo ay kaakit-akit. 28. (Ang, Si) “helicopter” ay isang uri ng sasakyang-panghimpapawid. 29. (Ang, Si) Presidente Truman ay makatarungan. 30. (Ang, Ang mga) pagkamatay ng ginang ay kahindik-hindik. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
39. 39. Kabanata 5 Pang-uri Nakaraan Susunod Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga impormasyong may kinalaman sa pangngalan. Naglalayon itong maipabatid sa mga mambabasa kung ano ang katuturan ng pangngalan, matuklasan ang mga katangiang tinataglay. At higit sa lahat ay mapagyaman ang kanilang kaalaman ukol dito. Talaan ng Nilalaman
40. 40. Aralin 9 URI AT KATUTURAN NG PANG-URI

Ang pang-uri’y naglalarawan o nagpapahayag ng uri, kabagayan o bilang ng pangngalan o panghalip.

Uri ng Pang-uri

Pang-uring Pamilang

Ang pang-uring pamilang ay ginagamit sa pag bilang

Halimbawa:

Pamilang – apat na aklat ang bilhain mo.

May labing-apat na kabanata ang aklat na nabasa ko.

Pang-uring Panlarawan

Ang pang-uring panlarawa’y nagpapahayag ng uri, kabagayan, ugis, anyo o kulay ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Panlarawan – walang kasindakila ang isang ina.

Maaliwalas ang langit kayat mamasyal kami.

► Ang mga pang-uring panlarawan ay nakahihigit sa pamilang sa rami. Ang pang-uri ay maaaring lantay, pahambing, o pasukdol ayon sa katuturan na katangiang isinasaad.

► Lantay ang mga pang-uring ginagamit sa pagtukoy sa mga katangiang sarili ng pangngalang tinuturingan.

► Pahambing ang mga pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng tao, bagay o pangyayari.

Nakaraan Susunod

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

nakikilala ang pang-uri na ginamit sa isang pangungusap o talata.

natutukoy ang dalawang uri ng pang-uri.

Talaan ng Nilalaman
41. 41. Pangalan: ______________________ Petsa: _______________ Antas: ________________________ Grado: ______________ Gawain 9 Panuto: Piliin ang mga pang-uring panlarawan sa sumusunod na pangungusap. 1. Ang buhay sa nayon ay masaya at tahimik, ngunit ang buhay ng lungsod ay magulo. 2. Masipag at masuyo ang butihang anak ni Tandang Pedro. 3. Apat na araw na naglibot sa magulong lunsod ang matiyagang si Ernesto. 4. Nakatayo ang maaliwalas nilang tahanan sa tahimik na Lugar. 5. Napreskuhan ako sa malamig na simoy ng hangin. 6. Aking pinakinggan ang awitan ng apat na batang naglalaro sa aming mabulaklak na halamanan. 7. Mabango ang amoy ng ginintuang palay sa malawak na kabukiran. 8. Ang gabi ay sakdal dilim; malakas ang hangin, at nakabibingi ang mga kulog. 9. Lubhang mainit ang araw; kayat ang pawisang mga bata’y nagpahinga sa mayabong na puno ng mangga. 10. Dahil sa malamig na gabi ay isinuot ko ang makapal kong barong mahaba ang manggas. 11. Maalikabok ang mga kagamitan sa lumang bahay. 12. Mahusay tumula ang aking ama. 13. Maaliwalas ang bakuran nina Berto. 14. Makintab at malinis ang sahig. 15. Malambing ang aking alaga. 16. Suplada at masungit ang aking ate. 17. Mahaba ang pasensya ng aking ina. 18. Ang kanyang asawa ay maalaga at maasikaso sa kanilang mga anak. 19. Nakakatuwa ang aking inaanak sapagkat siya’y isang bibong bata. 20. Maganda ang boses ni Regine Velasquez. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
42. 42. Kabuuang Pagsubok 5 Pangalan: _________________ Petsa: __________________ Antas: ____________________ Marka: ____________________ A. Ibigay ang pagkakaiba ng mga sumusunod na lipon ng mga pang-uri. 1. mabango, masamyo,mahalimuyak, masansang 2.mataas, matangkad, matayog 3.mainit, maalinsangan, mabanas 4.mayabong, malabay,mayamungmong 5.makislap, makinang , maningning, maliwanag, makintab 6.malungkot, matamlay, mapanglaw 7.mabagal, makupad, matumal 8.malaswa, magaslaw, maharot, magaspang 9.matalino, mautak, maulo 10. mayabang, hambog, palalo,mahangi B. Guhitan ang o ang mga pang-uri at tukuyin kung ito ay panlarawan o pamilang. 1. Ang Amerika at Rusya ay magsinlakas kung sandata ang pagbabatayan. 2. Di hamak na mas matipid si Nene kaysa kay Nena. 3. Di totoong matalino si Ramon kaysa kay Luis. 4. May dalang labinlimang bayabas si Rita para kay Jen. 5. vMagsinlago ang mga tanim namin. 6. Mayuming tulad ng sampaguita ang dalaga. 7. Apat ang nakuhang bangka ni Mang Tomas. 8. Mabagal si Aning kaysa kay Luisa. 9. Maligaya ang buhay ninyo kaysa sa amin. 10. Mahusay kumanta ang aking kaibigan. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
43. 43. Madami maramot palalo Galit maamo maganda Labindalawa dukha mabagal maningning C. Punan ng pang-uring nasa kahon ang patlang upang mabuo ang mga pangungusap. 1. ___________ ang dala ni Nita kaya siya nadapa. 2.Si Ben ay may dalang ___________ rosas para kay Ana. 3. Habulin ng mga lalaki sa Ester dahil sa kanyang ____________ na mata. 4. ___________ si Arturo kaya siya binugbog ni Lito. 5. Ang mga bituin sa kalawakan ay ___________. 6. _________ maglakad si Carina kaya siya naiwan. 7. Kung ako ang tatanungin, __________ si Carol kaysa kay Sheena. 8. _____________ sina Jandi kaya siya inaapi. 9. Siya ay ____________ kaya mdami ang 10.______ sa kanya. D. Basahin at guhitan ang mga pang-uring natatagpuan sa sumusunod na talataan. Pilipino Sila Sino ang hindi nakakikilala sa Pilipino? Kaalinsabay ng pagkilala sa Pilipinas ng mga bansa sa daigdig, nakilala, hinangaan at sinuob ng papuri ang mga Pilipino sa taglay niyang iba’t ibang katangian. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
44. 44. Ang pangalang Jose Rizal ay hindi na ipinagtatanong pa. Kilala sa buong daigdig ang ating pambansang bayani sa angkin niyang katalinuhan, katapangan at kadakilaan. Nariyan ang matagumpay at masipag na imbentor na fluorescent lamp na si Agapito Flores sa larangan ng agham at Arturo Alcaraz, ang tinaguriang Father of Geothermal Energy. Ang bantog na si Paeng Nepomuceno na apat na ulit na nagging kampeon ng World Cup Bowling na umani ng walang kahulilip na paghanga ng lahat at an gating bulilit at maliksing si Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. na nagkamit ng medalyang pilak sa Olympics’96 sa larangan ng boksing. Ilan lamang silang Pilipinong nagdala ng Pilipinas sa buong mundo. Di pahuhuli ang Pilipina. Dalawang Pilipina ang itinanghal na Miss Universe— sina Gloria Diaz na ngayo’y sikat at mahusay na artista at si Margie Moran na mahinhing maybahay ng isang manggagamot. Tatlong Pilipina naman ang naging Miss International. Sila’y sina Minnie Cagatao na naging maybahay ng isang hotel manager, Aurora Pijuan na ngayo’y isang tapat na linggod-bayan ng Makati at Melanie Marquez na kilala at matagumpay na modelo at artista. Dahil sa kanilang maladiyosang kagandahan lalong nakilala ang Pilipinas. Nakilala rin ang mga Pilipina sa iba pa niyang katangian. Kabalikat sila ng mga lalaki sa pagtatanggol at paglilingjkod sa bayan. Sa bawat Pilipino’y katuwang niya ang isang Pilipina. Kung mayroon tayong walang gulat na Lapu-lapu, mayroon din tayong Prinsesa Urduja. Kung may magiting at matapang na may matulunging Pilipino, may kaagapay silang maawaing Pilipina. Sa kasalukuyan, sa bawat kilusan at proyekto ng pamahalaan at mga samahang sibiko para sa bayan, may kalahating bahagdan ang Pilipina. Di-matatawaran ang walang sawang paglilingkod ni Rosa Rosal sa Krus na Pula, ni Cielito del Mundo sa “Kapwa Ko, Mahal Ko” at ng marami pang kilalang Pilipino. Sa ibabaw nilang lahat, nariyan ang dalawang nilalang ng ating bansa na simbolo ng mararangal na katangian ng isang Pilipino--- maka-Diyos, makatao at makakalikasan—ang Pangulo at Unang Ginang ng Bansa Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
45. 45. Kabanata 6 Pang-abay Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga datos patungkol sa pang-abay bilang isang bahagi ng pananalita. Layunin nitong maipabatid ang katuturan ng pang-abay, maibahagi sa mambabasa ang mga kataniang tinataglay nito at mapayabong ang kanilang kabatiran tungkol dito.
46. 46. Aralin 10 KATUTURAN NG PANG- ABAY

Nagbibigay turing sa pang-uri. Ang pang-abay ay naglalarawan din ngunit ang bibinibyang-turing nito’y ang mga pang-uri at ang kilos o paraan ng pagkakaganap.

Mga halimbawa:

Likas na mahinhin ang dalaga.

Lubhang kaakit-akit ang kanyang mukha.

Nagbibigay-turing sa kilos:

Maginoong kumilos ang binata.

Mahinang magsalita ang dalaga.

► Ang mga pang-abay ay maaring hatiin sa dalawang pangunahing pangkat:

Ang mga katagang pang-abay

Ang mga pang-abay na binubuo ng salita at parirala.

Mga katagang pang-abay

ba sina yata lang/lamang

kasi daw/raw pala man

kaya din/rin tuloy muna

na naman nga pa

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

naiintindihan ang kahulugan ng pang-abay.

nakikilala ang ginamit na pang-abay sa isang pangungusap o talata.

47. 47. Pangalan: ______________________ Petsa: ____________ Antas: _________________________ Grado: ___________ Gawain 10 Panuto : Isulat kung pang-uri o pang-abay ang salitang nakasulat nang pahapay: 1. Ang batang iya’y mabilis magsalita. 2 .Kulang-palad ang pamilya ni Mang Pedro. 3. Lalong mainam ang agap kaysa sipag. 4 .Hindi niya sinasadya ang di pagsunod sa utos. 5 .Palagi kang hihingi ng awa sa Pong Bathala. 6 . Ang mabuting gawa’y ginagantipalaan. 7 . Kaunting pakikisama ang kailangan. 8 . Maganda ka palang magbihis. 9 . Kung ayaw kang gumalang ay huwag ka naming lalapastangan. 10. Si Fe ay mahusay umawit. 11. Umalis din siya kagabi. 12. Si Tomas ay magarang manamit. 13. Maligaya siya ngayon sapagkat siya ay nagtamo ng gantimpala. 14. Si Ana ay bumiyahe kinaumagahan . 15. Mayumi ang dalagang si Beth. 16. Dumating din siya kahapon. 17. Si Kris ay maarteng magsalita. 18. Nagtungo siya rito kanina. 19. Isa siyang masuring bata. 20. Totoo bang ikaw ang nagsira ng paying ni Geneva? Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
48. 48. Kabuuang Pagsubok 6 Pangalan: ______________________ Petsa: ____________ Antas: _________________________ Grado: ___________ A. Ayusin ang sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay sa tamang pusisyon ng mga katagang pang-abay, pati na rin ng mga pang-angkop. 1. Talagang malaya na ba tayo? __________________________________________ 2. Walang pasok bukas pala. __________________________________________ 3. Sila ay tutulong sa atin din. __________________________________________ 4. Maraming dumalo sa palatuntunan daw kahit na maulan. __________________________________________ 5. Yata may lagnat si Totoy? __________________________________________ 6. Ito ang aking makakayanan lamang. __________________________________________ 7. Huwag muna kang magalit. __________________________________________ 8. Hindi umalis si Toti sana ng umaga. __________________________________________ 9. Walang ulan na. __________________________________________ 10. Ano ang iyong ipinagbibilin pa? __________________________________________ Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
49. 49. B. Punan ang patlang ng tamang katagang pang-abay na kinakailangan. 1. Hindi pumasok ng paaralan si Toti, ___________nilalagnat pa siya. 2. Nagkaroon_______________ sila ng pagsusulit noong Martes. 3. Tototo_____________ na napakahirap ng eksameng ibinigay ni Gng. Romero? 4. Mayroon _______________ sampung katanungang ibinigay, ngunit sampung ________________puntos ang bawat tanong. 5Kahit ang mga marunong_____________ ay nahirapan. C. Pumili sa isa sa sumusunod na paksa at talakayin sa loob ng isa o dalawang talata. Gumamit ng mga katagang pang-abay sa pagtalakay. Pagpipilian: A. Para saan ang VAT? B. Baha na naman! C. Wala bang tubig? ____________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ _____________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
50. 50. Kabanata 7 Pang-ukol Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman Ang kabanatang ito naman ay may kinalaman sa pagtalakay ng pang-ukol na gaya ng ibang bahagi ng pananalita ay nagtataglay ng iba’t ibang katangian. Ito’y naglalayong magbigay linaw ukol sa iba’t ibang aspetong may kinalaman dito para sa pag-unlad ng
51. 51. Aralin 11 KATUTURAN NG PANG-UKOL Ang pang-ukol ay kasama sa mga pang-ugnay sapagkat ang tungkulin nito’y ipakilala ang kaugnayan ng isang pangngala o panghalip sa ibang salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: ng alinsunod sa sa laban kay ni/nina ayon kay kay/kina para kay ayon sa tungkol kay para sa hinggil ka tungkol sa alinsunod kay hinggil sa ► Kapag ang pang-ukol ay sinusundan ng isang pangngalan, nakakabubuo tayo ng isang pariralang tinatawag na pariralang pang-ukol. Mga Halimbawa: Isang Salita 1 . Sa hukuman nagwakas ang biruan. 2. Ang habilin ng ina ang sundin mo. Dalawang Salita 1 . Ang panukala ng tatay ay tungod sa katatagan ng aming buhay. 2. Laban sa kagandahang-asal ang ikinilos niya. Tatlong Salita 1. Hinggil sa mga bayani ang napag-usapan. 2. Alinsunod sa mga nakarinig, ang lalaki ang nagsimula ng gulo. Nakaraan Susunod

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

. naiintindihan ang kahulugan ng pang-ukol.

. nakikilala ang pang-ukol na ginamit sa isang pangungusap o talata.

Talaan ng Nilalaman
52. 52. Pangalan: ________________ Petsa: ______________ Antas: __________________ Grado: ______________ Gawain 11 Panuto: Piliin ang wastong pang-ukol sa loob ng panaklong. 1. Kami ay nagpunta (ng,sa) Mendiola. 2. Sila ay nagtungo (sa,ng) Ocean Park. 3. Ang isipin mo ay (ukol,para) sa kabutihan ng lahat. 4. Ugat (ng,nang) santol ang hanap ko. 5. Ang kanyang hatol ay gamot (ng,sa) masakit ang tiyan. 6. Wala akong kinalaman (ukol,tungkol) sa nangyari sa kanya. 7. Napag-usapan naming ang (ayon,hinggil) sa pulitika. 8. Ang ‘di magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda, (ayon,tungkol) kay Rizal. 9. (Laban,Para) sa aking damdamin ng sinabi mo. 10. (Ukol,Alinsunod) kay Penaflorida ang talambuhay. 11.(Para,Ayon) kay Ayesa ang bag na iyan. 12. (Tungkol,Alinsunod) kay Mabini, ang maglingkod ay kabanalan. 13. Ang bunga (ng,nang) duhat ay nalaglag. 14. Ang pakpak (ng,nang) maya ay nabali. 15. Hindi kasiya-siyang sumagot ng pabalang (laban,tungkol) sa magulang. 16. Tayo ay mamasyal (ng,sa) Marikina. 17. Ang gulong (ng,nang) motorsiklo ay naflat. 18. (Para,Ayon) sayo ang t-shirt na yan. 19. (Bagay,Alinsunod) sa hinihingi mo, ay wala pa akong maibibigay. 20. Bulaklak (ng,nang) ampalaya ang hanap namin. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
53. 53. Kabuuang Pagsubok 7 Pangalan: ______________________ Petsa: ________________ Guro: __________________________ Marka: _______________ A. Punan ng pariralang pang-ukol upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. 1. Umorder___________________ si Jose. 2.Kinuha___________________ ang maruruming damit. 3. Sinulat_________________ ang walang kamatayang Noli at Fili. 4. Malapit_______________ an gaming bahay. 5. Mayroon akong koleksyon _______________________. 6. Tinula ni Elisa _______________________. 7. Sumakay _____________________ ang maglolo. 8. Kumaway __________________ ang nars. 9. Ngumiti nang matamis si Loida____________________. 10. Nanguha _______________ ang magpinsan. 11. ______________________ ang mga aginaldong ito. 12. ______________________ mahalin mo ang Diyos nang higit sa lahat. 13. Nagkwento ang lola________________. 14. Huwag kang mag-isip _________________. 15. ________________________ ang kanyang sulat. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
54. 54. B. Gumawa ng isang tula na binubuo ng apat na talata gamit ang mga pang-ukol. I ________________________________ ________________________________ _______________________________ ________________________________ II ________________________________ ________________________________ ________________________________ _______________________________ III ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________________________________ IV _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
55. 55. C. Basahin ang sanaysay at guhitan ang mga pang-ukol. Isang malalim na gabi’y na pagmasdan na kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid ko. Pinilit kitang hulihin ngunit ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaalialigid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip. Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga at nagsisimula n asana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan na akong hindi nakatulog. Sumaisip ko na naman ang suliraning bumagabag sa akin at hindi sa sinasadya’y naging bahagi ka rin ng isang isipang yaon. Ikaw na isang lamok lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumisipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ako. Tulad mo rin na kunwa’y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo. Ganoon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan. Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang iyon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumili ng aking kakaibiganin. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
56. 56. Kabanata 8 Pangatnig Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman Ang kabanatang ito ay patungkol naman sa pangatnig. Ito’y naglalayong maglahad ng mga impormasyong ukol dito gaya ng katuturan at kaurian nito. Layunin din nitong payabungin ang kaalaman ng babasa ukol sa pagkilala ng mga pangatnig.
57. 57. Aralin 12 KAHULUGAN AT URI NG PANGATNIG

Ang mga katagang nag-uugnay sa magkapanunod na salita, parirala o sugnay ay tinatawag na pangatnig.

May dalawang panlahat na pangkat ang mga pangatnig:

Yaong nag-uugnay ng magkatimbang nay unit

Yaong nag-uugnay na di-magkatimbang nay unit

► Sa unang pangkat ay nabibilang ang mga pangatnig na at, saka, o, pati, ni, maging, ngunit, subalit, datapwat, pero atbp.

► Sa ikalawang pangkat naman ay nabibilang ang mga panubali, tulad ng kung, kapag at pag.

Mga Halimbawa:

Ang alulod at kisame ay mga bahagi ng bahay.

Ang sanggol ay dumarating at umiiyak sa gabi.

Ang ukol sa iyo at ukol sa akin ay pagsamahin natin.

Si Luisa ay babalik sa magulang at kami naman ay lilipat ng bahay.

Si Teresa ay umalis na ngunit ang kapatid ay naiwan sa bahay.

Kung gayon pala’y hindi na naming aasahan ang tulong mo.

Samakatwid po ba’y ipinagkakaila ninyo ang inyong utang sa amin?

Malaki ang kanilang pagkakautang kaya gayon na lamang ang kanilang pangamba.

Kaibigan ko siya ngunit hindi kami magkaisa ng damdamin.

Ibig kong tumulong datapw at wala akong kakayahan.

Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman

Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

. nakikilala ang pangatnig na ginamit sa isang pangungusap o talata.

. naiintindihan ang kahulugan ng pangatnig.

58. 58. Pangalan: __________________ Petsa: _____________ Antas: _____________________ Grado: ____________ Gawain 12 Panuto: Bumuo ng sampung pangungusap na ginagamitan ng pangatnig. 1._____________________________________________. 2.______________________________________________ 3.______________________________________________ 4.______________________________________________ 5.______________________________________________ 6.______________________________________________ 7.______________________________________________ 8._______________________________________________ 9._______________________________________________ 10.______________________________________________ Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
59. 59. Kabuuang Pagsubok 8 Pangalan: ____________________ Petsa: _______________________ Antas: ________________________ Marka: ______________________ ` A. Punan ang mga patlang ng wastong pang-angkop o pangatnig upang mabuo ang pabula. Noong araw, ang leon ay isa_____ hayop ____ kinatatakutan sa buo____ kagubatan. Ang lahat ____ hayop, malaki man ____ maliit, ay nangingilag sa kanya. _________ ang mga tigre _____ halos ay kasinlaki niya ay umiiwas kapag siya’y nakikita. Isang araw, ______ natutulog ang leon ay dumaan ang isa___ daga. Napukaw ang kanyang pagtulog. Nagalit ang hari ______ kagubatan. “ Aha! Kakainin kita,”______ sinunggaban nito ang kawa-awa____ daga. Nanginginig sa takot ang daga,________ pinilit nitong magsalita. “ Mahal____ hari! Patawarin ninyo ako. Huwag po ninyo akong kakainin. Balang araw,________ kayo’y mangangailangan din ng tulong, maaari ko kayong tulungan.” “ Ikaw! Tutulong sa akin?”________ humalakhak ang leon. “_______ eopardo, ________ tigre ay hindi ko kailangan. Ikaw pa!” __________ muling ` tumawa ang leon. “ Sige dahil sa busog pa ako, ikaw ay aking patatawarin. Lakad na _____ uli-uli ay mag-iingat ka sa iyong paglakad. “Salamat po! Ang di magkantututo______ sabi ng daga. “ Tatanawin kop o itong isang Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
60. 60. malaki___ utang ____ loob.”Makaraan___ ilang araw mula noon, ang leon ay nakaisip mamasyal sa kagubatan. _____ sa kasamaang palad, siya ay nabitag. Buo_____ lakas______ umatungal ang leon. Narinig ito ng daga na noo’y nasa di-kalayuan. Nakilala niya ang haring sa kanya’y nagpalaya. Dali-dali__ nginatngat ng daga ang matibay ____ tali___ bumitag sa leon. “ Salamat, kaibigang daga,” sabi ng leon. “Ikaw pala’y kahanga-hanga. Kundi ka dumating, marahil ay nakakulong pa ako hanggang ngayon.” Magmula noon, ang leon__________ang daga ay naging matalik na magkaibigan. Nakaraan Susunod Talaan ng Nilalaman
61. 61. Bibliografia BOOK Edroza, Genoveva D. at Del Rosario, Florencia. Balarila sa Ikaapat na Taon. 851 Oroquieta, Sta. Cruz, Manila. Philippine Book Company Anastacio, Teresita M., Arceo, Teresita C. at Santiago, Alfonso O. Ang bagong Filipino Ngayon. 264 Pablo Ocampo Sr. Avenue San Antonio Village 1203 Makati City Mag-atas, Rosario U., De Leon, Zenaida S., San Juan, Corazon P., Lorenzo, Carmelita S., San Juan, Gloria P., Aganan Fernanda P. at Cabaysa William G. Mabisang pagpapahayag Retorika (Ikalawang Edisyon). Grandwater Publication and Research Corporation Baisa, Ailene G., Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. at Dayag, Alma M. PLUMA Wika at Panitikan III. PHOENIX Publishing House Tawan. Nacin. Recorba. Lartec. Retorika Mabisang Pagpapahayag sa Kolehiyo. Trinitas Publishing, INC. Belvez, Paz V. Landas sa Pagbasa. Book Media Press, INC. SOURCE ENGINE www.yahoo.com www.google.com PICTURE SITE Image 1 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Image 2 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Image 3 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010
62. 62. Image 4 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Image 5 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Image 6 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Image 7 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Image 8 http:// images.google.com.ph/images?gbv =2&hl= readingbooks = N&start =20 ... January 25,2010 Talaan ng Nilalaman Nakaraan
63. 63. Melisa C. Asusano, nagtapos ng elementarya sa Famy Elementary School, nagpatuloy ng pag-aaral sa sekundarya sa Famy National High School, nakapagtapos din ng bokasyunal na kurso na Three Year Computer Management Technology sa University of Rizal System (Morong). Ngayon ay kasalukuyan nag- aaral sa Laguna State Siniloan, Campus) at kumukuha ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Pangsekundarya. Jennifer M. Alvarado, nagtapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Famy at sa Mataas na Paaralan naman noong sekondarya. Nagtapos ng primarya noong taong 2004 habang taong 2008 ng magtapos sa sekondarya. Kasalukuyang nag-aaral sa Laguna State Polytechnic University ng Siniloan at kumukuha ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Pangsekundarya. Jasmine M. Alcantara, nagtapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Famy at sa Mataas na Paaralan naman noong sekondarya. Nakapagtapos ng primarya noong taong 2004 habang taong 2008 ng matapos ang apat na taon sa sekondarya. Kasalukuyang nag-aaral sa Laguna State Polytechnic University ng Siniloan at kumukuha ng kursong Batsilyer sa Edukasyong Pangsekundarya.