Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)

3,485 views
3,445 views

Published on

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
3,485
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
40
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)

  1. 1. Yaman ng ASYA !!! Monday, August 22, 2011 Ang Kapaligiran at Likas na Yaman ng Asya Ang likas na yaman (tinutukoy sa ekonomika bilang yamang lupa, lupain o hilaw na materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao, sa isang likas na anyo. Kasalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina,India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay- ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika. Ang Heograpiya ng Asya
  2. 2. Mga Anyong-lupa Bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, matatagpuan sa Asya ang iba't ibang anyong-lupa 1. Bundok at Bulubundukin - ang bundok ay ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel ng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot sa Ang tuktok ng Bundok Everest mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang hanay ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang bulubunduking Karakoram. Sa daawang bulubunduking ito matatagpuan ang halos lahat ng pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahalagang bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at Ural. 2.Bulkan - ito ay biyak sa ibabaw ng lupa kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw Ang Bundok Fuji sa Japan
  3. 3. na mga bato na tinatawag na lava o kung saan nagmumula ang makapal na alikabok sa pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan sa mga bulkanay nakabubuo ng hugis- balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad ng Fuji sa japan at Mayon sa Pilipinas--dalawa sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang tanyag na bulkan sa Asya ay ang krakatoa at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng pinakamapanirang pagsabog nitong huling siglo. Chocolate Hills ng Pilipinas 3.Burol - ito ay isang nakaangat na anyong-lupa na mas mababa kaysa bundok at karaniwan ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa timog China ay kilala dahil sa kamangha-mangha niton mga burol. Tanyag din ang Chota Nagpur sa India dahil sa mga burol nito na inukit ng ulan mulanoong panahong prehistoriko. =-=-► Dahil naman sa traahedyang dulot ng Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga sumusunod: Bunker Hill, old Baddy, Sniper Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike's peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill. Nagsilbing dambana ang mga burol na ito ng libu-libong sundalong Amerikano na nakioaglaban sa Digmaang Koreano.
  4. 4. 4. Kapatagan - ito ay pantay at malawak na anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan ay malapit sa mga baybayin. Ang mga kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia), silangang baybayin ng China, silangang bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang bahagi ng Indochina. 5. Talampas - ito ay may lawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa. Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey. Ilog Huang He o Yellow River 6. Lambak at Lunas ng Ilog - ang lambak ay kapatagang halos napalilibutan o napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwan sa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river basin, isang mababang lugar kung saan umaagos ang ilog. Ang mahalagang lunas ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at Pakistan; Huang He at Yangtze sa China; Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa Thailand; at Mekong na dumadaloy mula Tibet hanggang Vietnam 7. Interyor ng kontinenete - kalakihan ng kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interyor ng kontinete. Halos lahat ng matatayog na bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming bansang Asyano ang hindi napalilibutan o
  5. 5. hinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng Laos, Mongolia, at Nepal. 8. Baybayin - ito ang tawag sa mga anyong-lupa na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa Asya ang malapit sa baybayin. 9. Tangway - ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang mahalagang tangway ng Asya ay ang mga tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina, at Kamchatka. 10. Isthmus - ito ay isang makitid na lupain na nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa dalawang malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga kontinenteng Asya ng Afrika. 11. Pulo - ito ay isang lupaing napalilibutan ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas; at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansang Indonesia, Malaysia, at Brunei. 12. Kapuluan o Arkipelago - ito ay pangkat ng mga pulo. Ang mga bansang Japan, pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan. Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo ang bansang Indonesia na tinatanyang mayroong mahigit 13 000 pulo. Mga Anyong-tubig Ang mundo ay may mahigit na 70% katubigan. Ang kontinenete ng Asya ay hindi lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan, marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa looban nito. 1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
  6. 6. Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko. Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng karagatang ito ang mga dagat ng silangang Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents. Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang Indian ang Red Sea. Makikita naman sa silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak na 165 384 000 kilometro kwadrado. Karugtong ng Karagatang Pasipiko ang mga dagat ng Timog China, Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito ang pinakamalalim na bambang sa daigdig. Kahabaan ng Ilog Hunag He 2. Ilog - ito ang anyong tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa bahaging Turkey at iraq; Euphrates sa bahaging Turkey, Syria, at iraq; Irrawaddy at Salween sa Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.
  7. 7. Lawa Baikal ng Russia 3. Lawa - ito ay malawak na anyong-tubig na nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming malalawak na lawa na may tubig-alat at napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at pinakamalalim na lawang tabang sa mundo 4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag- uugnay sa dalawang mas malaking anyong- tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag- uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi. Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat Golpo ng Persia Java. 5. Golpo - ito ay malawak na karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya, tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.
  8. 8. 6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan. Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog at Timog-Kanlurang Asya.

×