Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Ang wika at ang pakikipagtalastasan

on

  • 5,328 views

 

Statistics

Views

Total Views
5,328
Views on SlideShare
5,328
Embed Views
0

Actions

Likes
3
Downloads
42
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Ang wika at ang pakikipagtalastasan Ang wika at ang pakikipagtalastasan Presentation Transcript

    • ANG WIKA AT ANG PAKIKIPAGTALASTASAN
    • KONSEPTO SA WIKA NG MGA DALUBHASA HENRY GLEASON Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitaryo at nagsisilbing daan sa pagtupad ng tungkulin ng pagpapabatid. RONALD WARDHAUGH Ang paggamit ng wika ay nakasalalay sa kasarian ng taong gumagamit nito
    • HUDSON Nakasalalay ang wika sa mga karanasang natatangi sa ng isang nilalang. BASIL BERNSTEIN Ang lipunan ang nagsisilbing batayan ng wika sa tulong ng mga kodang binuo ukol dito. LEE WHORF Binubuo ang wika ng mga payak na salitang nalilikha bunga ng pagtugon ng indibidwal sa kanyang kapaligaran.
    • NOAM CHOMSKY Ang kahusayan sa pagtilima sa tunog ng kapaligiran ang nakapagpahusay sa kasanayan sa wika. ARCHIBALD HILL Pinakapangunahing katangian ng wika ang gumagamit ng mga simbulo. ANG WIKA AY… 1. may sinusundang unibersal at sistematikong balangkas
    • 2. binubuo ng makahulugan at makabuluhang tunog 3. sumasailalim sa proceso ng pamimili at pagsasa- ayos 4. arbitraryo o nagiiba-iba batay sa kultura, lipunan at indibidwal na guamagamit 5. mahalaga sa pakikipagtalastasan 6. dinamiko at dumaranas ng pagbabago KAHALAGAHAN NG WIKA 1. Instrumento sa pagpapahayag 2. Tagapagtala ng mga mahahalagan pangyayari at impormasyon sa lipunan, kultura at kasaysayan. 3. Tagapagpalaganap ng mga karunungan at katotohanan.
    • 3. Tagapagpalaganap ng mga karunungan at katotohanan. 4. Nagsisilbing instrumento sa pagbubuklod ng bansa. 5. Naitataas ang antas ng malikhang pag-iisip. MGA SITWASYONG GINAGAMITAN NG WIKA 1. Sa mga pagtatakda, paglilimita at pagbibigay katawagan sa mga bagay at tao (Limiting, Categorizing and Coining). 2. Para sa mga tungkuling pang-ebalwasyon ng mga bagay (Evaluating)
    • 3. Upang magsilbing behikulo ng mga pagtataya sa mga pangyayaring panghinaharap. Kabilang na rin ang paglalahad ng mga karanasang pangnagdaan at pangkasalukuyan. (Predicting and Expository Making) 4. Sa mga pagpapabatid ng impormasyon sa iba’t ibang uri at antas nito (Informing). 5. Sa pagtatakda ng pag-uutos, pag-aatas at katungkulang dapat sundin o pahalagahan (Policy and Rule Making).
    • PITONG TUNGKULIN NG WIKA 1. Instrumental –tungkulin sa pagtungon sa mga pangangailangan. 2. Regulatory- nagkokontrol at gumagabay sa mga kilos at asal. 3. Informative- bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at kamalayan. 4. Heuristic- kagamitan sa pagtuklas at pagharap ng mga tala, impormasyon at datos. 5. Interactionary- tagapagtatag ng mga ugnayan at samahang sosyal. 6. Imaginary- sa mga paglalahad ng mga paraan ng pagpapahayag ng nilalaman ng haraya o imahinasyon. 7. Personal- lunsaran ng pagpapabatid ng sariling damdamin, opinion at ideya
    • MGA PALAGAY UKOL SA PINAGMULAN NG WIKA 1. Teoryang Ding-dong- ipinapalagay ng teoryang ito na kinakatawan ng isang ispesipikong tunog ang mga bagay sa kapaligiran. 2. Teoryang Bow-wow- para sa teoryang ito, ang mga tunog na nililikha ng mga bagay sa kapaligiran ay ginagaya ng tao at siyang pinapangalanan. 3. Teoryang Ta-ta- ang “ta-ta ay maihahalintulad sa paraan ng pagsasabi ng mga Pranses sa “goodbye” o paalam. Sa teoryang ito, binibigyang –diin na ang papakahulugan sapagkat ang mga ito ay sariling likha niya.
    • 4. Teoryang Pooh-pooh- itinataguyod ng teoryang na ang anumang sambitla ng mga nilalang bunga ng mga emosyon ay matutumbasan ng mga pagpapakahulugan sapagkat ang mga ito ay sariling likha niya. 5. Teoryang Sumasalig sa Aramaic bilang Unang Wika- ipinapalagay ng teoryang ito na ang kauna-unahang wika sa munda ay ang Aramaic, na wika ng mga Aramacan. Maliban dito, pinaniniwalaan nila na ito ang orihinal na wika ng biblia at ang wikang ginamit ni Hesus. 6. Teoryang Yo-he-ho- ipinapalagay ng teoryang ito na wika ang nililikha ng tao kung siya ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay. Kabilang dito ang mga tunog o salitang namumutawi sa bibig kung nag-eehersisyo.
    • 7. Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay – nakatuon naman ang teoryang ito sa mga nalilikhang tunog sa mga ritwal o selebrasyong pampangkat. 8. Teoryang Ukol sa Tore ni Babel – matatagpuan ang salaysay ukol sa tore ni Babel sa Lumang Tipan ng Biblia. Binabanggit dito ang nilikhang tore ng mga tao sa Babilonia. Ang templong nagsilbi ring tore ay isang sagisag ng kapalaluan at walang hanggang pagnanasa ng tao. Ikinagalit ng Diyos ang ginagawang ito ng mga tao, kaya’t ginulo. Niya ang kanilang wika. Ang lunsod ay kilala bilang Lunsod ng Babel at Tore ni Babel naman ang templong tore. Sa Ingles ito ang tinawag na “ TOWER OF CONFUSION.
    • 9. Teorya sa Wika ni Haring Pammitichus – si Pammitichus ay hari ng sinaunang Ehipto, nagsagawa siya ng isang eksperimento sa pamamagitan ng pagpapakuha at pagpapaalaga sa dalawa. Natuklasan diumano ng hari na ang kauna-unahang salitang kanilang nasambit ay “bekos” (wikang Phrygian para sa “ bread” o tinapay. Ipinalagay ng hari na bagamat walang wikang narinig ay matututunan ng nilalang ang kanyang likas na wika.
    • BALANGKAS NG WIKA Ang wika ay napakahalaga sa pakikipagtalastasan kaya napakahalaga na maunawaan at matutunan ang wastong balangkas ng wika. Ang balangkas ng wika ay tinutugon ng sumusunod: 1. Balarila ng wika o Gramatika – pinahahalagahan nito ang tatlong salik sa pagbuo ng salita. Kabilang mga salik nito ay : a. Ponolohiya o Fonoloji – ang siyentipikong pag- aaral ng mga makabuluhang tunog o ponema. Isa pang katawagan nito ay palatunugan
    • - Ang Filipino ay may dalawang pangkat ng ponema – katinig at patinig. Halimbawa: b,k,d,g,h,l,m,n,ng, p,r,s,t,w,y at a,e,i,o,u - Binubuo rin ng diptonggo o mga magkakasamang tunog na isang patinig at ng isang mala-patinig ( iw, iy, ey,ay, aw, oy, uy) - Kambal-katinig ang taguri sa magkasunod na ponemang katinig sa iisang pantig na pagbigkas. Klaster din ang tawag dito.
    • 2. Morpolohiya o Morfoloji – tinatawag din bilang palabuuan. Pinag-aaralan naman dito ang mga morpema o ang maliit na yunit na bumubuo sa isang salita. May iba’t ibang kaanyuan ang morpema: - Salitang- ugat – ang pinakalantay na anyo ng salita. Hindi ito nagtataglay ng anumang panlapi, subalit may sariling pagpapakahulugan. Halimbawa: ganda, talino - Panlapi – ito ang mga morpemang idinurugtong sa salitang ugat upang mapalawak ang gamit at kahulugan. Maaaring unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan (unlapi at hulapi) o kaya’y laguhan(kombinasyon ng tatlong panlapi) Halimabawa: unlapi- maganda,gitlapi gumanda,hulapi- simbahan
    • Kabilaan sa unlapi at gitlapi Mga halimbawa: isinulat, magsumikap -unlapi at hulapi halimbawa: paglaruan, magsigawan -gitlapi at hulapi Mga halimbawa: tinulungan, pinuntahan Laguhan (Kombinasyon ng tatlong panlapi) Mga halimbawa: pinagsumikapan, ipagsumigawan
    • - Mga Morpemang Pangkasarian – ito ang mga ponemang /o/ at /a/ na tumutukoy sa kasarian ng nabuong salita. Ang /o/ ay para sa lalaki sa babae ang /a/. halimbawa: tito- tita, doktor- doktora 3. Sintaksis o Palaugnayan- nakatuon ito sa maka- agham na pagsusuri at pagkilala sa pangungusap at sa mga pamamaraan ukol sa pagbuo nito. -payak- nakapaloob dito ang isang buong diwa Hal. Si Ana ay maganda. / Tumakbo siya. -Tambalan- binubuo ng dalawang sugnay o mahigit pa na pinag-iisa ng pangatnig.
    • Mauuri ang wika ng bilang….. 1. Likas- mga wikang natural karaniwang ginagamit sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon. Madalas ay payak at madaling maunawaan o ipaunawa. Hal. Isda, gulay, suntok ,araw 2. Artipisyal- ginagamit upang tumugon o sumagot sa mga limitado at kakaunting pangngailangan pantao. Maisasama rito ang “Morse Code, sign language at simbulong pang-agham o pangmatematika. Itinuturing na artipisyal ang wika ng informasyon teknoloji. Hal. Experimento-experiment ; keyk- cake
    • ANG MGA ANTAS NG WIKA 1. Pormal- maituturing na pormal ang isang wika kung ang mga salitang ginagamit ay malawakang kinikilala ng pamayanan ng bansa o maging ng mundo. 2. A. Pambansa- nasa ganitong antas ang wika kapag umabot na siya sa pagiging opisyal na wika ng isang bansa. B. Pampanitikan- kilala nakararami at tinatanggap ng mga nakapag-aral ang matalinghaga at masining na pagpapahayag.
    • 2. Impormal- ang ginagamit na termino upang ipaalam sa mga mambabasa ang mga sumusunod na salita ay simple, palasak at ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon a. lalawiganin- dayalektal ang karaniwang tawag sa mga salitang ito. Palasak na lugar, ngunit maaaring hindi maintindihan o iba ang ibig sabihin sa ibang lugar.. hal. Daga ( bikol: lupa, tagalog: isang uri ng hayop) inday ( Bisaya: magandang dalaga tagalog: kasambahay)
    • b. Kolokyal. Sa ilang tradisyunal na libro, itinuturing ang mga salitang ito na may “kagaspangan” diumano ang pagkakagamit at pinapaikli ang mga salita gaya ng : tol (mula sa utol-kaputol – kaputol ng pusod, na ang ibig sa kapatid) meron ( mula sa mayroon) sayo ( mula sa iyo) teka ( mula sa hintay ka – maghintay ka – maghintay ka muna ) c. Balbal o slang. Itinuturing na pinakamababang antas kung susuriin kaysa sa mga bawal o bastos na salita. Maihahanay din dito ang mga gay lingo o salitang bakla.
    • Halimbawa: 1. panghihiram sa mga salitang katutubo o banyaga sibat (Cebuano) para sa “pagtakas” kosa (Ruso) para sa Kasamang bilanggo o barkada tong (tsino) para sa perang bigay 2. Pagbibigay ng bagong kahulugan toyo (soy sauce) may sahid o may sumpong bata (child) nobyo/nobya, mga tagasunod 3. Pagpapaikli promdi (from the province) –probinsyano munti (muntinlupa) bilangguan
    • 4. Pagbabaligtad atik- kita (kinitang salapi) etneb – bente (dalawampung piso) tipar – parti (party) bokal – Kalbo 5. Akronim KSP – kulang sa pansin TNT – Tago nang tago 6. Paggamit ng Numero na 123 ( naisahan o tinakbuhan) 50-50 ( pantay ang pagkakataon o nasa bingit ng kamatayan
    • 7. Pagpapalit-palit ng wika- usapang text hal. Gets mo? Hindi me talaga ma-take! Say mo sa joke me? d. Bawal- Pinaniniwalaan ng aklat na ito na pagkaiba ang balbal sa mga salitang bawal o bulgar (taboo). Sa mga salitang sekswal o mga salitang katumbas ng sekswal na relasyon Hal. Ibon at itlog para sa mga lalaki bulaklak at hiyas para sa mga babae
    • ANG MGA BARAYTI NG WIKA 1. Dayalek o Dayalekto o sa mga tradisyonal pa ang tawag ay wikain. Hal. ( Maynila) Ang layo naman! ( Batangas) Ala, ang layo eh! (Bataan) Ang layo ah! Hal: (Cavite) Sir, ano po ba ang bugong ninyo ngay-on? Mangyari po kasi, ako’y namaraka kahapon. Kayo po ba’y nakain ng tinumis na baboy?
    • (Maynila) Sir, ano po ba ang baon ninyo ngayon? Namalengke po kasi ako kahapon. Kumakain po ba kayo ng dinuguang baboy? ano ang napansin ninyo sa dalawang nag-uusap gamit ang parehong tagalog- tagalog Cavite at Tagalog Maynila? 2. Idyolek – ito ang pinakaliberal na barayti. Umaayon ang barayting ito sa personal o indibidwal na gamit ng wika o umaayon sa indibidwal o kakanyahan ng gumagamit ng wika. hal. Paggamit ng SIYA - istriktong gramar- panghalip panao Mare, natikman mo na ba siya? Masarap pala siya! Tikman mo rin siya. Tignan mo siya. Mukhang mahirap siyang isuot. Pero di bale, bibilhin ko pa rin siya siya – ang ginamit sa halip na iyon at iyan.
    • 3. Sosyolek o sosyal o register na barayti bunga naman ng interaksyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at aspekto ng gawain at pagkilos sa loob ng komunidad. hal. Salitang JEJEMON 1. Banayad (Mild) – “eOw pU.mxTAh pOeh.”(Hello po.Kumusta po) 2. Katamtaman (Moderate) “eOw pfOw,nAh m1sZ pfOh qtAh.MwAhxx!” (Hello po. Na-miss po kita.Mwah!) 3. Matindi (Severe) “3ow Po3h anOh pO3h gWa U? TxT nA LhErN PO36h zA giZing pFa!!
    • ( Heloo po! Ano po ang gawa ninyo. Text na rin po sa gising pa! 4. Malubha (Terminal) “3ow pOEh. M3N4 p!pOl! nUa m1Xz kO pHoU k3o!” ( Hello po. Morning pipol! Na-miss ko po kayo!)
    • ANG WIKA SA PILIPINAS -Kabilang sa angkang Malayo-Polinesyo ang wikang ginagamit sa Pilipinas. Batay ito sa pag-aaral ni W.Von Humboldt. - Austronesyo naman ang taguri ni Friedrich Mueller sa angkang ito. Mayroon itong 500 wikang ginagamit sa Indonesia, Sarawak, Madagascar, Taiwan, Brunei, Hilagan g Borneo, New Guinea, Melanesia, Micronesia at Polynesia. - Hinati noong 700 B.C ang tinatawag na Philippine Stock sa tatlo, ang mga ito ay Northern Philippine Family, Southern Philippine Family at Pangasinan. Isinasagawa ito nina David at Healey sa Summer Insttute of Linguistics noong 1962.
    • -Matatagpuan sa bansa ang humigit kumulang na walumpung (80) wikain. Walo (8) ang itinuturing na pangunahinhg wika sa Pilipinas. 1. Sugbuhanon 5. Samar-leyte 2. Pangasinense 6. Kapampangan 3. Hiligaynon 7. Ilocano 4. Bicolano 8. Tagalog -Tagalog ang itinuturing na batayan ng wikang pambansa. Ipinasya ito ni Pangulong Manuel L. Quezon batay sa isinumiteng rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa.
    • -Ang Surian ng Wikang Pambansa ay binubuo sa tulong ng Batas Komonwelt Bilang 184. Tungkulin nito ang pag-aaral at pagsusuri ng mga diyalekto o wikang nagsisilbing batayan ng wikang pambansa. - Ang mga sumusunod ang katawagang ipinataw ng Surian sa Wikang Pambansa: 1. Wikang Pambansa ng Pilipinas batay sa Tagalog(1939) 2. Wikang Pambansang Pilipino (!946) 3. Wikang Pilipino (1951) 4. Pilipino (1956) 5. Filipino (1987)
    • - Ang Pilipino ang sinasabing nukleo ng Filipino. Ginagamit itong wikang pambansa ayon sa nilagdaang Memorandum ni Kalihim Jose Romeo noong Agosto 13,1959. -Ang Konstitusyon ng 1987 ang nagtatadhana ng Filipino bilang wikang pambansa. - Bunsod ng Sistemang Edukasyong Baylingguwal ng 1987 naging dalawa ang wikang ginagamit sa paaralan. Ang Filipino ang wikang pambansa samantalang ang Ingles ang wikang institusyunal.
    • ANG BAYBAYIN: SINAUNANG PALATITIKAN NG PILIPINAS -Ito ang kinikilalang unang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Mula sa ALIFBATA ng Arabia na nang lumaon ay naging ALIBATA. - Nakaabot sa Pilipinas sa daang India, Java, Sumatra, Borneo at Malay. Pinaniniwalaang pumasok ito nang maitatag ang emperyo ng Madjapahit sa Java. - Binubuo ito ng tatlong (3) patinig: a,e/ I at o/u. Mayroon din itong labinlimang katinig: ba,, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa at ya - karaniwan sulatan ng mga sinaunang Pilipino ang mga dahon, murang kawayan,balat ng kahoy o puno at tanso.
    • MGA TIYAK NA TUNTUNIN AT PATNUBAY SA ISPELING NG WIKANG FILIPINO 1987 ANG ALFABETONG FILIPINO – ay binubuo ng 28 letra na ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, W, X, Y, Z Sa 28 lertang ito ng alfabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA ( A,B,K,D,G,H,I,L,M,N,NG,O,P,R,S,T,U,W,Y) at 8 letra ang dagdag dito ( C,, F, J, N, Q, V, X, Z ) na galing sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
    • MGA TUNTUNING PANLAHAT SA ISPELING O PAGBAYBAY A. Ang Pasalitang Pagbaybay Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkasunud-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham atbp. Hal. salita boto /bi-o-ti-o/ Fajardo /kapital ef-ey-dzey-ey-ar-di-o/
    • Pantig trans ?ti-ar-ey-en-es/ kon / key-o-en/ Akronim MQC /em-kyu-si/ Bb.(Binibini) /kapital bi-bi/ Inisyal ng MLQ (Manuel L. Quezon) tao /em-el-kyu/ LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/ Inisyal ng KBP (kapisanan ng mga Brodkaster sa samahan Pilipinas)
    • Simbolong Pang-agham/ Pangmatematika Fe (iron) /ef-i/ H2O (water) /eyts-tu-o/ lb.(pound) / el-bi/ kg. (kilogram) /key-ji/ v ( velocity) / vi/ B. Ang pasulat na Pagbaybay Mananatili ang isa-sa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino. Gayon pa man, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong dagdag na letra.