• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 2 sesyon 1 4 pangangalaga ng buntis p'p
 

Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 2 sesyon 1 4 pangangalaga ng buntis p'p

on

  • 1,603 views

 

Statistics

Views

Total Views
1,603
Views on SlideShare
1,603
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
13
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 2 sesyon 1 4 pangangalaga ng buntis p'p Modyul 2 sub modyul 2.2 paksa 2 sesyon 1 4 pangangalaga ng buntis p'p Presentation Transcript

    •  Ang palatandaan na ito ay tumutukoy sa mga sinasabing sintomas na nararansan ng isang babae. Ang pagbabagong ito ay sinasabing hindi pinakawastong batayan upang malaman kung ang isang babae ay nagdadalang tao sa kadahilanang ang mga sintomas na ito ay maaring ding sanhi ng iba pang kundisyon.
    •  Pagtigil ng buwanang dalaw (Amenorrhea)  Pagsusuka  Madalas na pag-ihi  Pagbabago sa suso  Quickening (Kakaibang pakiramdam sa tyan tulad ng paggalaw ng sanggol sa sinapupunan)
    •  Ito ay tumutukoy sa mga pagbabago na maaaring magpakita ng posibilidad na ang isang babae ay buntis dahil sa mga pagbabagong ito ay maaaring tingnan ng isang tagapagsuri (examiner). Sa kabilang dako, kung ang mga pagbabagong ito ay may ibang kadahilanan, mahihirapan nitong sabihin kung ang babae ay buntis nga o hindi.
    •  Pagbabago ng Pelvic Organs  Paglaki ng tiyan  Skin Pigmentation  Pregnancy Test at iba pa
    •  Ito ay ang lehitimo (Objective) o hindi maaaring maging sanhi nh ibangn kondisyon at nagbibigay ng kumpirmasyon ng pagbubuntis.
    • Ang mga sintomas ng subjective changes dagdagan ng  Tibok ng puso ng sanggol sa sinapupunan (Fetal Heartbeat)  Paggalaw ng sanggol (Fetal Movement)  Biswalisasyon ng sanggol sa pamamagitan ng ultrasound
    •  May mga sintomas na karaniwan naiiugnay sa pagdadalang-tao ngunit may iba pa itong kadahilanan kung bakit nararanasan maliban sa pagbubuntis.  Kailangan mag konsulta sa eksperto kagaya ng doktor, midwife, BHW o nars upang masiguro na ang isang babae ay nagbubuntis. Mahalaga ito para matiyak na mapangalagaan ang ina at sanggol.
    •  Magpatala sa sentrong pangkalusugan ukol sa inyong pagbubuntis.  Regular na magpacheck up (4 na beses sa loob ng pagbubuntis) sa center sa panahon ng inyong pagbubuntis.  Gamitin ang “Mother and Child Handbook” lalo na tungkol sa “Birth Emergency Plan”.
    •  Gawing regular ang pagpapatingin sa sentrong pangkalusugan.  Magpa Tetanus Toxoid Immunization laban sa tetanus.  Magpatingin sa sentrong pangkalusugan 42 araw pagkatapos magsilang.
    •  Kumain ng mga masusustansyang pagkain na mayaman sa carbohydrates, protina, bitamina A, folic acid at iba pang bitamina.  Simulan ang breast care para sa paghahanda ng pagpapasuso.
    •  Magpabakuna laban sa tetanus upang mapangalagaan ang sarili at sanggol.  Maglagay ng kulambo habang natutulog lalo na sa mga lugar na may insidente ng malaria.  Iwasang uminom ng gamot nang hindi kumokonsulta sa doktor dahil maaari itong makasama sa ina at sa sanggol.
    •  Maghanda ng posibleng emergency (Pera, sasakyan at dugo).  Humingi ng payo tungkol sa pagpaplano ng pamilya.
    •  Pamamaga ng binti, kamay, at/o mukha.  Matinding pananakit ng ulo, pagkahilo at panlalabo ng paningin.  Pagdurugo (Vaginal Bleeding o Spotting) at vaginal discharge at/o genital sores.
    •  Anemia.  Matinding pananakit ng tiyan.  Masakit na pag-ihi.  Matubig na vaginal discharge.
    •  Kombulsyon o pagkawala ng malay.  Pagkawala o unti-unting pagbawas ng paggalaw ng sanggol sa sinapupunan (mababa sa 10 pagsipa sa loob ng 12 oras sa pangalawang yugto ng pagbubuntis.
    •  Ang kalusugan ng sanggol habang nasa sinapupunan ay nakasalalay kung paano pinapahalagahan ng ina ang kanyang sarili katulong ang mga taong nakapaligid sa kanya.  Mahalagang maging maingat ang ina sa mga bagay na kanyang ginagawa habang nagbubuntis dahil maaari itong makasama sa kanyang sanggol.
    •  Kailangan magpa-konsulta sa mga eksperto tungkol sa pagbubuntis upang masubaybayan ang ina sa pagbubuntis lalo na sa mga gawain na makakatulong sa pagpapalakas ng ina at sanggol.  Magmatyag o bantayan ang mga nakababahalang nararamdaman habang nagbubuntis upang maagapan ang anumang masamang epekto sa ina at sa sanggol.
    •  Ang pagiging handa sa panganganak ay isang mahalagang gawain upang maging mapanatag ang kalooban ng ina at buong pamilya.  Pre-natal care at ang mga gawain sumasailalim dito  Pag-unlad ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina  Nutrisyon ng ina habng nagbubuntis  Mga bagay na dapat tandaan sa pagbubuntis  Mga nakababahalang palatandaan sa panahon ng pagbubuntis  Mga Paghahanda sa panganganak
    •  Ehersisyo Hindi kinakailangan limitahan ang pag-eehersisyo ng mga buntis basta ba hindi sila sobrang napapagod o kaya naman ay maging delikado ang kanilang sitwasyon. Gumaganda ang pagkilos ng kanilang puso at pagdaloy ng dugo. Kinakailangan na magpaeksame muna sa doktor ang buntis bago magrekomenda ng programa para sa kanyang ehersisyo.
    •  Hanapbuhay Ang babae na wala namang komplikasyon sa kanilang pagbubuntis ay maaaring magtrabaho hanggang dumating ang kanilang paglelabor. Kailangan lamang iwasan ang mga trabahong nagdudulot ng sobrang pagod sa katawan at nararapat ding magpahinga sa pagitan at pagkatapos ng trabaho.
    •  Pagbiyahe Ang malusog na mga nagdadalangtao ay maaari pa ring bumyahe basta’t mag- ingat lamang at gumamit ng seatbelts. Mag-ingat din upang hindi mahawa sa may mga sakit.  Pagligo Hindi pinagbabawal ang pagligo habang buntis. Mag-ingat upang hindi madulas lalo na kapag mabigat na ang tiyan.
    •  Pananamit Kinakailangan lamang na komportable ang damit na isinusuot ng buntis, mga damit na kung saan hindi nalilimitahan ang kanilang pagkilos.  Pagdumi Uminom nhg maraming tubig upang maiwasan ang pakatibe o ang pagkakaroon ng matigas na dumi. Kailangan ding mag- ehersisyo. Mas madalas ding magkaroon ng almuranas ang isang babae habang nagbubuntis.
    •  Pagtatalik Sa mga malulusog na nagbubuntis, ang pagtatalik ay hindi naman nakasasama. Gayunpaman, iwasan muna ang pagtatalik kung ito ay magiging sanhi ng maagang paglelabor. Kailangan ito para hindi malaglag ang bata.
    •  Pag-alaga sa Ngipin Ang eksaminasyon ng ngipin ay dapat na kasama sa prenatal check-up. Ang malilinis at malulusog na mga ngipin ay mahalaga. Ang pagkasira ng ngipin ay hindi pinalalala ng pagbubuntis. Maaari pa ring magpapasta o magpabunot ng ngipin kahit nagdadalangtao.
    •  Bakuna  Ang mga sumusunod na bakuna ay bawal sa buntis:  Measles  Measles, Mumps and Rebulla o MMR  Mga pwedeng Bakuna:  Rabies  Pneumococcus  Tetanus-diptheria
    •  Paninigarilyo Ito ay nakasasama para sa sanggol na nasa sinapupunan. Una, maaaring bumaba ang timbang ng sanggol ng abot sa 200g at maari pang magkaroon ng abnormality ang bata. HUWAG MANIGARILYO habang nagbubuntis.
    •  Alcohol at Kape Ang alak o anumang uri ng inumin na may alkohol ay ipinagbabawal dahil maaari itong makasama sa bata. Ukol naman sa pag inom ng mga inuming may caffeine tulad ng softdrinks at kape, maari itong inumin ngunit limitahan lamang ang pagkonsumo nito. Mas makabubuti pa ring iwasan ang pag-inom ng ganito habanng ikaw ay nagbubuntis.
    •  Droga Ang matagal na paggamit ng droga at ang paggamit nito habang nagbubuntis ay maaaring makadulot ng pagbaba ng timbang ng sanggol at maaring mahirapan ang bata sa loob ng sinapupunan ng ina.
    •  Gamot Dapat ay maging maingat sa mga iinuming gamot sapagkat marami dito ang maaaring makonsumo din ng bata sa sinapupunan. Kumonsulta muna sa doktor ukol sa mga gamot na hindi makakasama para sa bata bago uminom ng kahit ano.
    •  Upang mapangalagaan ang ina at sanggol sa panahon ng pagbubuntis, mahalagang malaman ang mga praktis o gawain na hindi nakakatulong sa kalusugan ng ina at sanggol. Halimbawa nito ay ang pag- eehersisyo na kung minsan ay iniiwasang gawin sa pag-aakalang ito ay nakasasama sa sanggol.
    •  Mahalagang magtanong sa mga taong eksperto at sinumang makakatulong sa pagbigay ng mga tamang impormasyon tungkol sa pagbubuntis upang maalis ang mga agam-agam at masagot ang iba pang mga katanungan.
    •  Postpartum Care within 42 days.  Three types of Depression after childbirth.  Postnatal depression and what should be done with it.  Rights of a Pregnant Mother.